LOGINWarning: Mature Content‼️ Akala ni Rizza ay natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay—si Damian, isang makapangyarihan at napakayamang billionaire na minahal niya nang buong puso. Sa kabila ng kanilang magkaibang mundo, pinili nilang lumaban para sa kanilang pagmamahalan. Ngunit isang araw, isang masakit na katotohanan ang tuluyang sumira sa lahat. Pinagtaksilan siya ni Damian. Sa isang iglap, ang lalaking nangakong poprotekta sa kanya ang siya ring dahilan kung bakit gumuho ang kanyang mundo. Dahil sa isang kasinungalingan at isang pagtataksil na hindi niya kailanman inakala, napilitan si Rizza na iwan ang lalaking pinakamamahal niya. Lumipas ang mga taon at natuto siyang mabuhay nang wala si Damian. Akala niya, tuluyan na niyang nalimutan ang kanilang nakaraan. Hanggang sa muli silang nagkita. Mas makapangyarihan na si Damian. Mas malamig. Ngunit sa likod ng kanyang matigas na anyo ay isang lalaking hindi kailanman nakalimot sa babaeng kanyang sinaktan. Ngunit may isang bagay na hindi alam ni Rizza—may dahilan ang pagtataksil ni Damian. Isang lihim na maaaring magbago sa lahat ng pinaniwalaan niya. Sa pagitan ng galit, sakit, paghihiganti, at isang pag-ibig na ayaw mamatay, kaya pa kayang ibalik ni Damian ang pusong minsan niyang winasak?
View MoreRizza's POV
Hindi ko kailanman inisip na ang gabing pinapangarap kong maging pinakamaganda sa buhay ko ang siya ring gabing tuluyan akong mawawasak. Hawak ko ang maliit na velvet box habang nakatayo sa harap ng salaming bintana ng isang hotel suite kung saan ako ngayon nag-stay. Sa ibaba, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod, ngunit wala akong ibang nakikita kundi ang sarili kong repleksyon. Ngumingiti ako.Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil sa wakas, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin ni Damian, pakiramdam ko ay dumating na ang araw na hinihintay ko. Tonight, I was going to surprise him. Sa loob ng kahon ay isang simpleng relo na pinili ko para sa kanya. Hindi ito kasinghalaga ng mga bagay na kayang bilhin ng isang billionaire tulad niya, pero espesyal iyon para sa akin.Pinag-ipunan ko po ito galing sa sahod ko bilang isang waitress sa mamahaling bar sa Makati. May maliit na engraving sa likod. "Forever starts with us." Napangiti ako habang hinahaplos ang kahon. "Damian..." Halos pabulong kong binigkas ang pangalan niya. Tatlong taon.Tatlong taon kong minahal ang lalaking iyon.Tatlong taon akong naniwala na kahit magkaiba kami ng mundong ginagalawan, sapat ang pagmamahalan namin para malampasan ang lahat. Si Damian De Luca na sa kanya lahat ng bagay- pera,kapangyarihan at pangalan. Isang imperyong ipinasa ng kanyang pamilya. At ako?Ako lang si Rizza Macaraig.Isang ordinaryong babae na walang malaking pangalan, walang koneksyon, at lalong walang yaman.Isang waitress sa mamahaling bar kung saan kami nagkakilala ni Damian. Third year college lang muna ang natapos ko sa kursong nursing.Huminto ako sa pag-aaral simula ng namatay ang aking ama sa isang aksidente.Pero hindi iyon naging hadlang para mahalin niya ako.O iyon ang akala ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 10:47 PM late na siya.Pero hindi ako nag-aalala. May business meeting daw siya ngayong gabi.Sanay na ako sa ganoon. Sanay akong maghintay. Kaya nang tumunog ang elevator sa labas ng suite, agad akong napangiti. "Damian!"Mabilis akong lumabas ng kwarto.Ngunit wala akong nadatnang tao.Tahimik ang hallway. Napakunot ang noo ko.Marahil ay ibang guest. Huminga ako nang malalim at bumalik sa loob. Pero bago pa ako tuluyang makalayo sa pintuan, narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa kabilang bahagi ng hallway. "Please... nobody can know about this." Nanigas ako.Si Damian...Bakit parang kinakabahan siya? Lumapit ako sa pintuan at marahang binuksan iyon.At doon ko siya nakita.Nakatayo si Damian ilang metro lamang ang layo sa akin. Suot niya ang itim niyang suit. Bahagyang nakaluwag ang necktie niya at tila pagod ang kanyang mukha. Ngunit hindi siya mag-isa.May isang babae sa harap niya.Isang babaeng hindi ko kilala.Maganda ang nasabing babae at eleganteng bihis. At higit sa lahat...Nakayakap ito kay Damian.Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko. Hindi ako makagalaw.Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa. At pagkatapos, narinig ko ang sinabi ng babae. "Damian, sinabi mong iiwan mo siya." Tumigil ang mundo ko.Iiwan ako? Mahinang bulalas ko sa sarili. Napatingin si Damian sa babae. "Not tonight."Narinig kong sabi ni Damian. Dalawang salita lamang iyon pero sapat na para durugin ako.Napahigpit ang hawak ko sa velvet box. Hindi nila ako napansin.At marahil iyon ang pinakamasakit.Dahil habang ako ay naghihintay sa kanya sa loob ng suite, dala ang regalong simbolo ng aming pagmamahalan... Narito siya.Kasama ang ibang babae.At pinag-uusapan kung kailan niya ako iiwan. Unti-unting nanubig ang mga mata ko. "No..." Napahawak ako sa dibdib ko.Baka mali lang ang narinig ko.Baka may ibang ibig sabihin.Baka may paliwanag.Kailangan kong marinig mismo mula sa kanya.Kaya bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas, lumabas ako sa pintuan. "Damian."Mahinang bigkas ko sa pangalan niya. Parang binagsakan ng malaking bato ang hallway nang marinig niya ang boses ko.Agad siyang napalingon.Nanlaki ang kanyang mga mata. " Shit!" Narinig ko pa ang mahina niyang mura. "Rizza?" may takot sa mga mata niya nang banggitin niya ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya.Then I looked at the woman beside him.At muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Who is she?"Matigas kong tanong pero nanatili pa rin kalmado. Walang sumagot. "Damian, I asked you. Who is she?" Lumapit siya sa akin."Rizza, listen to me." " Huwag! Huwag mo akong hawakan,Damian!" Napaatras ako. Unti-unti nang nanginginig ang aking buong katawan. Nahirapan na akong huminga pero hindi ko iyon pinansin dahil gusto kong malaman kung bakit. "Don't tell me to listen when you were just talking about leaving me."Ani ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makapagsalita pa ako ng maayos. Nanahimik siya.At ang katahimikang iyon ang nagsabi sa akin ng lahat. "How long?" Nanginginig ang boses ko."How long have you been seeing her?"hindi parin ako tapos sa mga tanong ko. "Rizza..."tanging nasabi lang niya. "How long?"Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko na kumawala na sa mga mata ko."Three years, Damian."Napailing ako habang tumatawa nang mapait."Three years akong naniwala sa'yo." Lumapit siya muli.Pero agad kong iniwasan ang kamay niya . "Don't touch me."Bulyaw ko ulit sa kanya. "Let me explain." "Explain what?"Galit ko ng boses. Nanginginig pa rin ang aking buong katawan. Napatingin ako sa babaeng kasama niya."Na hindi pala ako sapat?" "That's not true."Aniya. "Then why?" Tahimik siya.At sa unang pagkakataon, nakita ko sa mga mata niya ang isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag. Guilt. "Why did you betray me?"Tanong ko. Hindi siya sumagot.Mas lalo akong nasaktan. Kaya kinuha ko ang velvet box sa aking kamay at iniabot sa kanya. "Alam mo kung ano 'to?"Tinitigan niya ang kahon."I was going to give this to you tonight." Binuksan ko iyon.Nandoon ang relo.Ang relo na pinag-ipunan ko.Ang relo na pinili ko dahil gusto kong may bagay siyang dala araw-araw na magpapaalala sa kanya sa akin. "May engraving sa likod."Ani ko, Pinilit kong ngumiti.Sasabihin ko na sana kung anong naka-engraved pero para saan pa? He betrayed me already.Pinunasan ko ang aking luha at mabilis na tumalikod sa kanila. Pero bago pa ako tuluyang makalabas sa room. Bigla akong lumingon sa kanila at itinaas ang isa kong daliri sa gitna. " Fuck you, Damian Vergara . Huwag na sanang magtagpo ang landas natin.Magsama kayo ng babae mo." Mabilis na akong lumabas at hindi alam kung saan patungo.Rizza's POV " Kumusta ka?" Tanong niya. Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mata. Binigyan ko siya ng malamig na ngiti. " I'm happy as you can see.I'm with Xavier." Ani ko. " I know you're not happy." He whispered. Malutong akong tumawa. " Really? Sino ka para pagsabihan ako na hindi ako masaya? You're so unbelievable,Mr.Vergara." Umiigting ang kanyang panga. " You look…different..." He stared at me for a moment. " I a'm..." gusto ko na naman matawa dahil hindi siguro nito akalain na makabangon ako sa panloloko niya. Of course I was different. The woman he betrayed had died five years ago. "I had to change," wika ko na seryoso. Nandilim ang kanyang mga mata." Alam ko." " Oh, buti alam mo." Nakangiti kong sabi na may halong sarkasmo. Bigla siyang tumahimik.Mas mabuti na kung gan'on dahil wala siyang karapatang magsalita tungkol sa mga pagbabagong pinagdaanan ko.Wala siyang alam sa hirap na pinagdaanan ko. Humigit ako ng buntong-hininga at aalis na sana
Rizza's POV After five years...Limang taon mula nang huli kong makita ang lalaking minsang pinaniwalaan kong makakasama ko hanggang sa pagtanda.Limang taon mula nang tuluyan kong isinara ang pinto sa pagitan namin.At sa loob ng limang taon, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na tapos na.Wala na si Damian sa buhay ko.Hindi ko na siya mahal.Hindi ko na siya hinihintay.Hindi ko na siya kailanman gugustuhing makita.Pero ngayong gabi, sa gitna ng isang marangyang ballroom na puno ng mga kilalang negosyante at socialites, isang pangalan ang sapat para muling guluhin ang katahimikan ng puso kong matagal ko nang pinilit ayusin.Nasa tabi ko ngayon si Xavier Montefalco. Sino bang mag-akala na ang dating taxi driver na kinaiinisan ko dahil panay buntot sa akin ay secret billionaire pala. Biglang tumahimik ang paligid ng magsimula nang magsalita ang host sa event na ito. "Ladies and gentlemen, please welcome the chairman and CEO of the Vergara Group…"Napatigil ang mundo ko.Tumigil ang
Rizza's POV Dumiretso ako sa kusina nang may narinig akong kumalampag. Malakas akong napasinghap nang magtama pa ang aming mga mata ni Damian. May hawak siyang kopita na ilalagay na sana niya sa mesa. Lukot ang polo na suot nito at sabog ang buhok. Mukhang pagod siya at ang lungkot ng kanyang mga mata. Nagsisisi ba ito sa ginawa niyang panloloko sa akin? " You're here..." nakangiti niyang sabi na akala mo ay walang nangyaring kataksilan kanina. " Anong ginawa mo dito, Damian? Anong kalokohan itong pinaggagawa mo?" matigas ko na tanong sa kanya. Sinulyapan ko ang bilog kong mesa. May dalawang platong nakahanda,may dalawang kopita at isang wine. At higit sa lahat may maliit na cake na paborito ko. " I just want to spend my last day here with you, Rizza. I'm leaving,kasama ko si Isabelle." Aniya, sa kaswal na tono na walang pakialam kung anong maramdaman ko sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking tiyan ng biglang sumakit ito. "Tang-ina,Damian! Kulang pa ba ang panl
Rizza's POV Napasigaw ako ng malakas nang makalabas na ako sa lobby ng hotel.Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao at pinagtsitsismisan. Wala silang alam sa nararamdaman ko ngayon. Natigil lang ang pag-iyak ko ng may biglang tumawag sa cellphone.Agad ko itong tiningnan. Donna's Calling... Humigit muna ako ng malalim na hininga bago ko sinagot ang tawag ng bestfriend ko, kasamahan ko din ito sa trabaho pareho kaming huminto sa pag-aaral dahil na rin sa nawalan ng financial. Pero magkaiba kami ng kursong kinuha. " Rizza... kumusta ang date ninyo ni, sir Damian?" wika ni Donna sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot bagkus ay napaiyak ako ng malakas. Ang hirap ng naramdaman ko ngayon. "See you in the bar..." Ani ko,na pinigilan na ang sariling maiyak. Nagmamadali na akong pumara ng taxi mabuti nalang may taxi sa unahan na naghihintay lang yata ng pasahero. Bago ako pumasok sa loob,tiningnan ko muna ang buong building ng hotel kung saan natuklasan ko ang


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.