Masuk“Tumigil ka na sa mga kasinungalingan mo! Alam mo, nagsisisi ako kung bakit pa kita nakilala. Nagsisisi ako kung bakit pa kita pinakasalan. Wala kang kwentang babae! Isa kang basura! Isa kang gold digger! Sana, mamatay ka na!’” galit na sigaw ni Jerome sa asawa niyang si Chloe. “Kung mawawala ba ako, magiging masaya ka na ba?" parang may bikig sa lalamunan na tanong ni Chloe sa asawa. Pitong taon na silang kasal at nitong mga nakalilpas na dalawang taon, nalaman ni Chloe na may iba nang babae si Jerome. Ang dahilan ng biglang panlalamig nito sa relasyon nila, ay ang nalaman ni Jerome na ibenenta niya pati ang engagement ring niya para ipyansa sa ama niyang nagkaroon ng malaking utang dahil sa sugal. “Yes, kung mawawala ka, mas magiging masaya ang buhay ko. At least, tuluyan na ding mawawala ang pagkasuklam na nararamdaman ko sa iyo.” sagot naman ni Jerome. Ngunit, paano niya matatangap kung isang araw malaman niya na lang na ang asawang gusto niyang maglaho sa piling niya ay may malubha palang sakit? Sapat ba ang salitang sorry para maibalik ang lahat ng sakit na naidulot niya sa babaeng mahal niya? Pera ang pinagmulan ng galit niya kay Chloe, pero ang perang iyun ay wala palang halaga para madugtungan ang buhay nito.
Lihat lebih banyakJEROME POV "CHLOE...nagugutom ka na ba? Kaunting tiis lang, umorder na ako ng makakain nating dalawa sa labas. Kung magluluto pa kasi tayo, wala nang time eh." nakangiti kong wika. Gusto ko nang baguhin na namin ang topic namin. Gusto kong huwag na naming pag-usapan ang aming nakaraan. Lalo na at alam kong mas lalo lang kaming masasaktan pareho Siguro nga, simula ngayong araw, iiwasan ko nang bangitin ang aming nakaraan. Magkasama na kaming dalawa ngayon at siguro, bubuo na lang ulit kami ng panibagong magagandang alaala. Hindi ko na siya kayang makitang umiiyak. Kung nasasaktan siya sa mga ginagawa ko ngayon, mas nasasaktan ang kalooban ko na makita siyang nahihirapan "Jerome, uuwi na ako sa bahay. Baka, hinahanap na ako ni Cheryl. Kawawa naman ang anak ko." lumuluha niyang wika sa akin Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom nag kamao ko. Sa totoo lang, naiinis ako na marinig ang mga salitang palagi niyang binabangit sa akin Uuwi siya ng bahay dahil namimiss daw ang anak
JEROME POV Nasaan si Chloe? Kung kasama mo siya, ibigay mo sa kanya ang cellphone. Gusto ko siyang makausap." halos sumigaw na si Trexie habang sinasabi ang bagay na iyon Kaagad akong napatitig kay Chloe. Nakaupo na ito ngayon sa living room at halatang masama ang loob nito. "Okay lang si Chloe. Kung gusto mo siyang makausap, not now!' sagot ko din naman kay Trexie Siya na yata ang pinakamakulit na tao na nakilala ko. Pinsan ko siya, kadugo ko siya pero bakit sa ibang tao siya pumapanig? "Jerome...hindi mo pwedeng ikulong si Chloe sa isang lugar na ayaw niya!'" naiinis na sagot naman ni Trexie 'Hindi ko siya ikinukulong. Ang gusto ko lang ay ibalik siya sa dati niyang kalagyan." seryoso kong sagot "Dating kalagyan? Ano ang palagay mo sa kaibigan ko? Gamit na pagkatapos mong hindi pahalagahan, basta mo na lang pulutin at muling angkinin?" yamot na sagot ni Trexie sa kanya "Kahit kailan, hindi ko itinuring na parang isang gamit si Chloe. Mahal ko siya. Asawa ko siya.
'DADDY, nasaan po si Mommy?" umiiyak na tanong ni Cheryl. Kanina pa niya hinahanap ang kanyang Ina na si Chloe at ilang minuto na lang, magsasara na ang mall. At Francis, kanina pa siya nag-aalala. Ilang beses niya na ding tinawagan si Chloe pero, hindi nito sinasagot ang sarili nitong cellphone At hindi niya malaman kung ano ang susunod na hakbang ang gagawin niya Gusto niya nang ireport sa kapulisan ang biglaang pagkawala ni Chloe pero hindi din naman niya alam kung practical ba iyong gawin Lalo na at naiisip niya din na baka nagtatampo lang sa kanya ang babae. Nahuli siya nitong may ibang babae at baka naman bigla na lang umalis si Chloe para magpalamig. Although, hindi naman nito ginagawa ang bagay na ito noon, pero posible pa ring gawin ni Chloe ngayon dahil sa sama ng loob. Alam ni Francis sa sarili niya na kahit na hindi sabihin ni Chloe, nagtatampo ito sa kanya dahil sa mga ginawa niya nitong mga nakaraang araw. At kaya niya nga ito niyaya na lumabas para makabawi
CHLOE POV Sa muling pag-apak ng dalawa kong mga paa sa loob ng dating bahay namin ni Jerome, parang muli akong bumalik sa nakaraan. Pakiramdam ko, kahapon lang nangyari ang lahat. Ang mga pagdurusa pati na din ang sakit. Malalim akong napabuntong hininga. Muli kong inihakbang ang aking mga paa pero muli ding napahinto nang mapatingin ako sa gawi ng dining area. "Chloe, naaalala mo na ba kung gaano tayo kasaya noon?" narinig kong tanong sa akin ni Jerome. Nasa likuran ko siya at kahit na hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Ano nga ba ang naaalala ko sa dining area na iyon? Ano nga ba? Well, ang naaalala ko sa dining area na iyon ay hindi ang tuwa kundi puro pasakit Ang dining area ang isa sa mga lugar noon na nagapatunay kung gaano kalupit ni Jerome sa akin noon. Sa lapag din ng dining area na iyan, inatake ako ng sakit pero hindi niya ako pinansin. Bagkos, wala isang ibang nakikita noon kundi


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak