Share

Chapter 6

Author: Valezka
last update publish date: 2026-09-21 11:37:16

SERIÑA POV

Masayang-masaya ang buong pamilyang Sarmiento noon dahil sa pagbubuntis ni Amarah. Pero kasabay nito, lalo naman naging mahirap ang buhay ko.

Walanghiya akong pinagtawanan nina grandma at Luise dahil hindi ako mabuntis. Hindi nila alam na ang masakit nilang salita ang nagtulak sa akin para gumawa ng ganitong desisyon.

Dahil sa mga sinabi nila, naalala ko na naka-store pa sa hospital ang sperm ni Khalil. Kaya palihim akong sumailalim sa artificial insemination.

Ngumiti ako ng mapait. “Hindi ko rin alam kung gagana. Kaya hindi ko sinabi kahit kanino. Iniisip ko din noon na kapag nagtagumpay ito, mabibigyan ko si Khalil ng surprise.”

Pero hindi ko kailanman na ibigay ang surprise na iyon. Sa halip, si Khalil ang unang nangbigla sa akin.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nagpabuntis ng anak niya.

Napakagat nalang ng labi ang kaibigan kong si Camie sa sobrang galit. “Gago talaga siya! Walanghiya! Tinapon niya ang pagmamahal mo at nilandi pa ang sarili niyang hipag! Talagang hayop ang mga lalaki. Puro katawan lang ang iniisip!”

Napabuntong-hininga ako. “Matagal na niyang gusto si Amarah bago pa kami ikasal.”

“Ano?” Biglang tumaas ang tono ng boses ni Camie. “Teka… Ano bang kalokohan ‘yan? Ibig sabihin, ginawa ka lang niyang pamalit?”

Mapait akong ngumiti. “Hindi man lang ako naging pamalit.”

“Damn it! Si Khalil talaga ang kapal ng mukha sobra…” Sa sobrang galit pa ni Camie, halos hindi na niya matapos ang sasabihin niya. “Hindi ba niya alam kung gaano mo siya kamahal? Hindi ba niya alam kung gaano ka kabuti sa kanya?” Galit na sabi nito.

Akala ko ay tapos na siya ngunit nagpapatuloy pa siya. “Nang nahihirapan ang S-tech company niya na gawin ang pangunahing system at muntik nang malugi, ikaw ang computer genius na palihim na tumulong sa kanya para malampasan ang problema. Dahil sa tulong mo, lumaki nang husto ang market ng kumpanya niya! At hindi pa yan, ilang beses mo rin siyang tinulungan ng palihim para makitungo sa mga client na hindi niya kayang harapin! Kapag sobra siyang umiinom sa mga business gathering, nag-aalala ka sa kalusugan niya kaya ikaw ang umiinom para sa kanya. Ilang beses ka pang nagsuka dahil doon! Pero hindi man lang niya pinahalagahan ang lahat ng ginawa mo.” Hinihingal na sabi niya. “Ang dami mong ginawa para sa kanya, pero hindi ka kailanman humingi ng kahit isang sentimo sa kanya. Kahit sahod sa kumpanya niya, wala kang tinanggap, lalo na ang shares! At may gana pa siyang tratuhin ka nang ganito!”

I stared at her, mabuti pa siya ay malayang ilabas ang saloobin samantalang ako ay hindi paman nakakailang salita, sinasabihan ng nag-iinarte.

“Seriña! Makipag-divorce ka na! Kailangan mong makipag-divorce!”

Unti-unting kumalma ang emosyon ko. Dahil sa unang pagkakataon, may malinaw na desisyon sa mga mata ko. “Naipaghanda ko na ang divorce papers. Pero bago ako umalis, lahat ng taong mapagsamantala sa akin ay kailangan nilang bayaran ang lahat—isa-isa.”

Tinapik ni Camie ang balikat ko para aliwin ako. “Maganda na makipag-divorce ka na. Mahirap man makahanap ng three-legged toad, pero napakaraming two-legged na lalaki sa mundo. Makipag-divorce ka na agad para hindi mo na kailangan makita ang walanghiyang lalaking yon!”

“Pero may isa pa…” Napatingin si Camie sa tiyan ko. Mukhang naalala niyang walang kasalanan ang bata kaya agad siyang tumigil. “At ngayon, may bata pa. Malamang madalas mo pa silang makikita. Ang hassle naman. Mag-divorce ka na! Hahanapan kita ng blind date bukas!”

Natawa naman agas ako. “Kung hindi ka kilala ng ibang tao, iisipin nilang nag-aalala akong hindi na ako makakapag-asawa ulit.”

“Hindi makapag-asawa? Nagbibiro ka ba? Ang daming lalaki na mag-aagawan para mapangasawa ka.”

Napangiti ako. “Hindi naman ganun kalala.”

“Hindi ako nag-e-exaggerate! Hindi alam ni Khalil kung ano talaga ang kaya mo. Kung alam niya lang, luluhod pa iyon para makiusap na bumalik ka sa kanya.” Inakbayan ako ni Camie. Galit man siya para sa akin, halata ring wala siyang magawa sa sitwasyon ko.

Para kay Khalil, ang babaeng pinakasalan niya ay isa lang magandang babae. Wala siyang ideya na parang nanalo siya sa lotto ng mapapangasawa niya ako. Palagi kasi akong tahimik at hindi mahilig magpakita ng kaya ko.

Noong araw, nakakuha pa ako ng perfect score sa International Mathematical Olympiad.

Noong college ako, nakapagtatag ako ng isang kumpanya kasama ang ibang tao at nakakuha kami ng $80 million na funding sa loob lang ng anim na buwan.

Ang ganda ko ay bonus lang.

Ang isipin na mukha lang ang meron ako ay isang malaking pagkakamali. Sa totoo lang, mahusay akong estudyante at mahilig ako sa coding, AI technology at gaming.

“Naalala mo iyong cyberattack ng mga foreign hacker noon? Ikaw at iyong gumagamit ng online name na ‘King’ ang nanguna sa alliance sa magdamag na laban, di ba? Sa loob lang ng ilang oras, nabaliktad ninyo ang sitwasyon. Kung hindi, baka bumagsak ang buong network system ng bansa.”

Mga taong hindi magkakilala sa totoong buhay ang bumuo ng grupo namin. Online lang kami magkakilala. Pero pare-pareho kami ng matinding pagmamahal sa bansa. Sayang lang at hindi nakasali si Camie noon.

Noong panahong iyon, si King ang leader ng K Alliance. At ang second-in-command na si Storm ay ako. Eighteen years old pa lang ako noon.

Kalmado akong ngumiti. “Matagal na iyon.”

Umiling agad si Camie. “Ang sinasabi ko lang, napakatanga ni Khalil. Wala siyang ideya kung gaano ka kahalaga. Kapag nawala ka sa buhay niya, iyon ang pinakamalaking pagsisihan niya.”

May init na kumalat sa puso ko. “Thank you, Camie.”

Saglit na tumahimik si Camie bago malungkot na nagtanong, “Paano naman ang baby?”

Kung bibitawan ko ang bata, bibitawan ko rin ang matagal ko nang hinihintay.

Ang sarili kong anak. Isang bahagi ng sarili kong dugo at laman.

Paano kayang kayang isuko iyon ng isang ina?

Pero kung pananatilihin ko ang bata, anak pa rin ito ni Khalil.

Ang hirap pumili, “Hindi ako mahilig magpatagal ng problema.” Ibinaba ko ang mga mata ko.

“Magpalaglag ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 36

    Seriña POVBahagyang nagbago ang expression ko. “I’ve heard of her.”Kita ko namang agad siyang naging interested. “Can you find her?” He asked. Mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay ko, “What do you want with her?”“They said she was a computer genius and a master hacker. If she joined my company, it would give us a huge advantage. We could become a leader in the future AI market.” Sabi nito na para bang nag-aalok ng opportunity sa isang mababang trabahante. Bahagya akong ngumiti sa kanya, “That’s true. She probably has the ability.”Halatang interesado talaga siya sa taong tinutukoy niya. “From the way you’re talking, it sounds like you know her. Can you help me find her?”“No.” Mabilis na sagot ko. Hindi man lang siya nag aalinlangan ng biglang dumilim ang expression niya. “You’re my wife. Don’t you care about the company’s future?”“What I mean is, I’ve only heard rumors. I don’t actually know her.” Palusot ko. Nawala agad ang excitement sa mga mata niya. “You’ve been talk

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 35

    Lumapit si Reymark sa amin ng may malaking ngiti sa mukha. “What bad things are you two beauties saying about me?”Tiningnan naman namin ni Camie ito mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng branded casual clothes, kaya halatang hindi siya basta-bastang ordinaryong lalaki.“Mr. Reymark, you look so youthful today.”Ngumiti naman si Reymark na parang walang pakialam. “I’ll always be that carefree, handsome young man.”Napatawa naman agad si Camie. “Still so shameless.”Napunta naman ang tingin niya sa akin. “So distant? Won’t you even greet me?”Bahagya akong ngumiti sa kanya bago nagsalita, “Long time no see.”Umupo siya sa tabi ko at nag-cross legs. “I’m planning to develop my career in Cagayan. Are you going to welcome me?”“The people of Cagayan will welcome you, Reymark. And of course your contribution to the city’s GDP.” Mahinang sambit ko. “I don’t care about them. I only want to know if you're gonna welcome me.”Tinulak naman ito ni Camie. “Move over.”Umupo siya sa pagitan nam

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 34

    Seriña POVMatagal akong nakaupo sa driver's seat habang iniisip ang sitwasyon. Kung makukuha ko ang pera ni Paolo, hindi magiging problema ang pagbabayad ng anim na bilyong utang sa loob ng dalawang araw.Ang problema, sa susunod na linggo pa kami ni Paolo nakatakdang pumirma ng kontrata. Hindi ko naman puwedeng asahan na ibibigay niya agad sa akin ang pera kahit hindi pa kami nakapag pirma.Isa lang ang natitirang option ko, kundi si Khalil. Kaagad ko siyang tinawagan, nang sumagot siya ay wala na akong paligoy-ligoy at dumiretso na sa punto.“Khalil, my papa urgently needs 2.5 billion. Can you lend it to me first? I’ll pay you back within a week.”Matagal siyang hindi sumagot. “Given the current state of the Montipolo company, I’m afraid that even a year wouldn’t be enough to pay me back, let alone a week.”“I can write you an IOU.” Mabilis na sagot ko. “What’s the use of an IOU if you can’t pay me back?”Bahagyang kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang sinabi niya, bilang isang

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 33

    Minsan ko nang nakilala ang boss ng debt-collection company na ito—si Harry Garcia. Sa madaling salita may utang na loob sa akin si Harry Garcia.Dalawang taon na ang nakalipas nang biglang mawala ang lahat ng importanteng data sa computer niya. Napakahalaga ng mga data na iyon, kapag napunta sa maling kamay, maaari niyang mawala hindi lang ang kanyang kayamanan kundi pati ang buhay niya.Dahil desperado na ito, naghanap si Harry Garcia sa online ng mga computer expert na kayang i-recover ang data ng hindi inilalantad ang laman nito. Nagkataon namang nakita ko ang post niya habang wala akong ginagawa, kaya kinuha ko ang trabaho.Para sa akin, napakadali lang i-recover ng data. Ngunit para kay Harry, parang iniligtas ko ang buhay niya.Bago kami naghiwalay ng landas noon, sinabi niya pa sa akin na If I ever need anything in the future, I will contact him. Gumamit ako ng ibang pangalan noon, kaya hanggang ngayon ay wala siyang ideya na ako ang babaeng tumulong sa kanya. Wala rin siyang

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 32

    Ilang beses umiwas ng tingin si Mama bago siya sumagot. “That’s right…”Napakuyom ako ng mga kamao at pumikit sandali. Sa totoo lang, gusto kong manuntok ng isang tao. Hindi man naging mabuting ina sa akon si Mama Anna, siya pa rin ang nagpalaki sa akin. At si Papa Robert naman ay tunay na nagmamalasakit sa akin, kaya hindi ko kayang tumayo lang at walang gawin.Kaya rin ayaw kong sabihin kung saan nanggaling ang malaking halaga ng perang iyon. Sa halip, pinilit kong gumawa ng loan agreement. Ayokong ituring ako ni Mama na parang walang katapusang pagkukunan ng pera.Kung sakaling may mangyari sa pamilya namin sa hinaharap, ayokong ako na naman ang kailangang sumalo sa lahat ng problema. Ayokong gugulin ang buong buhay ko bilang isang kasangkapan na ginagamit lang kapag kailangan nila. At higit sa lahat, ayokong itali nila ako gamit ang guilt o emotional blackmail.“Stop wasting our time! Pay up now, or we’re not leaving!”Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ko ang sigaw ng lider

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 31

    Tumingin sa akin si Khalil, mukhang may hinihintay siyang reaction mula sa akin. Siguro inaasahan niyang magagalit ako nang malaman kong buong gabi siyang nanatili sa kwarto ni Amarah, ngunit wala akong balak makipagtalo."Seriña," tawag niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya. "What?" nakakunot ang noo ko habang sumagot. "There's something else I want to tell you." Panimula niya. "I didn't stay there because of Amarah."Bahagya naman akong ngumiti. "Didn't you already explain that?""I just don't want you to misunderstand." Marahan na sabi niya, na para bang binaba niya na ang sarili niya para sa akin. "You don't have to explain yourself to me." Dahil hindi ko na kailangang malaman pa kung bakit siya nanatili doon, may sarili siyang buhay. May sarili rin akong buhay at ayoko nang makialam sa mga bagay na wala na akong kontrol."You really don't care?" mabilis na tanong niya.Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako sumagot. "Why should I?" Ibinalik ko ang tingin ko sa mga kuko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status