Compartilhar

Chapter 7

Autor: Valezka
last update Data de publicação: 2026-09-21 15:56:42

Alam kong sobrang naawa sa akin si Camie kaya agad niya akong niyakap ng mahigpit.

“If the hospital really mixed up the sperm samples, then it would be great if this child wasn’t that scumbag’s. At least, I’d have a stepson.”

“Hmph! Mas okay pa kung hindi rin sa kanya ang anak ng mistress na iyon. Para malaman niya kung ano ang feeling na ma-betray ng babaeng nasa tabi niya.”

Hindi ko mapigilang matawa. Marahan kong hinaplos ang malambot na pisngi ni Camie. “Alam naman nating halos walang pag-asa na mangyari iyon, pero tatanggapin ko pa rin ang hiling mo.”

Kahit papaano, gumaan nang kaunti ang mood ko. At bago ako bumalik sa Pinecrest Village, itinapon ko sa basurahan ang pinunit-punit kong medical report.

Pagdating ko sa bahay, napansin agad ni Auntie Inday na hindi ako okay. “Ma’am, hindi ka mukhang maayos. May sakit ka ba?”

Sa buong Sarmiento household, si Auntie Inday lang ang katulong na totoong nag-aalala sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kanya. “Auntie, okay lang ako. Medyo gutom lang ako. May makakain ba?”

Kaya pala nitong mga nakaraang araw, palagi akong nagugutom. May maliit na isang buhay na pala sa loob ng tiyan ko.

Ano kaya ang magiging itsura ng anak ko?

Pero kasabay ng mga isipin na iyon, naalala ko na malapit na ring mawala ang maliit na buhay na ito. Biglang sumikip ang dibdib ko sa lungkot.

Ngumiti si Auntie Inday sa akin, “Oo naman, meron. May niluluto akong supas. Kukuha ako ng isang bowl para sa’yo.”

Pagkaupo ko sa dining table, may bigla akong naisip. “Para kanino pala ang supas?”

Saglit na natigilan si Auntie. “Para iyon kay Ma’am Amarah, Sabi kasi ni Sor Khalil na hindi raw maganda ang pakiramdam nito at kailangan nitong magpalakas. Siya mismo ang tumawag at nag-request na lutuin ko iyon. Babalik daw siya mamaya para kunin.”

Just as I thought, ano pa nga ba?

“Sinadya ko ring damihan para may maihain ako para sa’yo, Ma’am.”

Kahit sobrang gutom ang pakiramdam ko kanina ay bigla nalang nawalan ako ng gana. “Never mind. Hindi na ako gaanong gutom.”

Matalino si Auntie. Agad siyang nagsalita. “Ma’am, gagawan na lang kita ng noodles. Sa bahay namin sa bukid, ako ang gumagawa ng pinakamasarap na noodles sa buong bayan namin.”

Naintindihan ko ang kabaitan niya. Ayokong ma-disappoint siya. “Okay. Titikman ko.”

Agad siyang nagpunta sa kusina at nagsimulang magluto na parang sanay na sanay. Habang pinapanood ko siya, bigla kong naramdaman na parang isa itong rare moment of peace.

Tahimik, simply at kahit sandali lang, nakalimutan ko ang lahat ng problema ko. Habang nanonood ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko namang tinignan ang caller ID, nang makita ko iyon ay agad na nawala ang gaan ng pakiramdam ko.

Napabuntong-hininga ako bago sinagot ang tawag at sinalubong ako ng commanding boses ni Mama Anna.

“Umuwi ka ngayong tanghali. May kailangang sabihin sa’yo ang Papa mo.”

“May plano ako this afternoon, Ma.” Mahinang sagot ko. Ang totoo, wala naman talaga akong plano. Ayoko lang umuwi. Hindi naman sa mas okay sa dito sa bahay, ayoko lang talagang umuwi.

Halatang hindi natuwa si Mama sa naging sagot ko. “Gaano man kahalaga ang plano mo, isantabi mo muna. Kailangan mong umuwi ngayon.”

Agad akong sumandal sa upuan habang ramdam ang katamaran sa katawan. “Sinabi ko ng may plano ako, Ma.“

Twenty-eight years ko nang tiniis ang lahat. Kahit isang hayop na sanay magtrabaho ng sobra, may limit din. Siguro hindi inakala ni Mama na magiging ganito katigas ang dating tahimik at sunud-sunuran niyang anak.

Ilang segundo siyang hindi nagsalita ng biglang—

“Pinaghirapan ka naming palakihin nang ganitong katagal, tapos ganito mo kami susuklian? Gusto mo ba akong magalit? Kung alam ko lang na magiging ganito ka, mas mabuti pang iniwan na lang kita sa kalye para mamatay sa lamig o gutom!”

Marahan kong hinaplos ang tiyan ko nang dalawang beses bago ako dahan-dahang sumagot. “Kung namatay talaga ako noon, ano ang gagawin niyo ngayon kung wala kayong anak na lalaki?”

Alam kong hindi ako biological na anak nila, Isa lang akong orphan na dinala niya mula sa kalye. Matagal nang kasal sina Papa Robert at Mama Anna, pero hindi sila nagkaroon ng anak.

Sinubukan nila ang lahat ng paraan, pero walang nangyari. Nang malapit nang mag-thirty si Mama, sa wakas ay na buntis siya. Pero namatay ang baby habang nasa loob pa ng tiyan niya.

Dahil malaki ang paniniwala ni Anna sa fortune-telling at mga bagay tungkol sa occult, naghanap siya ng fortune-teller. Sinabi sa kanya ng fortune-teller na kailangan muna niyang mag-adopt ng isang babae na pasok sa certain birth date at birth time requirements.

Ayon dito, ang babaeng iyon ang magiging dahilan para magkaroon ng anak ang pamilya nila. Ayun pa ay, tadhana na daw ng pamilyang Montipolo na walang anak. Pero ang ampon na babae naman ay destined na magkaroon ng mga kapatid.

Natural lang na naniniwala si Anna sa sinabi ng fortune-teller. At iyon ang dahilan kung bakit ako naging batang pinili ng tadhana. Dinala nila ako sa Pamilyang Montipolo bilang isang adopted.

Noong una, dahil wala pang sariling anak si Mama Anna, maayos naman ang trato niya sa akin. Pero makalipas ang apat na taon, ipinanganak si Santi.

Mula noon, nagbago na ang lahat. Unti-unti akong naging isang outsider sa sarili kong pamilya. Hindi naman pwedeng mag reklamo.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 77

    Seriña POVDumating ako sa napagkasunduan na oras at bukod kay Paolo, naroon din sa private room ang assistant niyang si Mr. David Castro.Tumayo si Mr. Castro nang makita niya ako. "Hello, Miss Montipolo . I'm David, Mr. Crown’s assistant."Ngumiti ako at tumango. "Hello."Suot ni Paolo ang puting polo habang tuwid na nakaupo sa coffee table. Kalmado ang mukha niya at ang pino niyang features ay lalong nagbigay sa kanya ng elegante na aura ng isang mayamang amo. Sa hindi ko malamang dahilan, palagi akong komportable kapag kasama siya. Siguro dahil siya ang tipo ng lalaki na talagang nababagay sa kasabihang, A gentleman as refined as jade, unmatched in the world.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Mr. Castro sa small talk at agad na inilabas ang kontrata. Parehong pareho sila ni Paolo pagdating sa trabaho—decisive, efficient, at diretso sa punto."Miss Montipolo, narito ang kontrata. Pakibasa muna." saad niya. Kumuha ako ng ballpen mula sa bag ko. "Hindi na kailangan." Ilang mabilis

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 76

    Seriña POV"Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Hindi na ako komportableng makita siya! Nakakahiya talaga!" reklamo ni Camie.Tinukso ko muna siya bago biglang magpalit ng usapan. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?"Nagulat siya. "Ano?"Medyo nadismaya ang tono ko. "Nakita ko kahapon ang kahon sa ibabaw ng desk mo. Nag-iimpake ka na ba at umalis sa trabaho?"Sandali siyang na tahimik. "Napansin mo pala. Wala talaga akong maitatago sa'yo.""Napakahalagang bagay niyan, pero hindi mo man lang sinabi sa akin?""Pag-resign lang naman. Hindi big deal. Balak ko sanang sabihin sa'yo kapag nakahanap na ako ng bagong trabaho. Tsaka marami ka na ring iniisip. Ayokong dumagdag pa sa mga problema mo.""Alam kong matatag ka, pero sana sabihin mo pa rin sa akin kapag may pinagdadaanan ka.""Sige, promise. Simula ngayon, sasabihin ko na sa'yo ang lahat. Masaya ka na ba, Grandma?""Ganyan dapat." Ani ko, "So, ano ang balak mong gawin ngayon?" tanong ko ulit. "Hindi talaga ako pwedeng bumalik para pam

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 75

    Seriña POVMatagal akong nakatayo sa labas ng apartment ko habang nag-aalangan kung papasok ba ako.First time ko pa lang dito, at hindi ko alam na may keypad lock pala ang front door. Ang problema, hindi ko alam ang password. Dalawa lang ang options ko: Tumawag ng locksmith o kontakin si Khalil.Pagkatapos pag-isipan ng mabuti ay nagdesisyon akong huwag nang tumawag ng locksmith at sa halip ay tinawagan ko si Khalil.Halos mag-timeout na ang tawag bago may sumagot. Pero hindi si Khalil ang nasa kabilang linya.Si Amarah iyon.Hindi na ako nag-abalang magtanong kung bakit siya ang sumagot sa cellphone nito. Diretso ko ng sinabi ang pakay ko, “Ibigay mo sa kanya ang phone.”“Medyo na parami ang inom ni Khalil kasama ang Daddy ko ngayong araw. Kakatulog lang niya.” Sagot nito habang may kakaiba sa kanyang boses. “Pwede mo ba siyang gisingin?” Sabi ko habang nag salubong ang dalawang kilay. “Hindi ba iyon inappropriate? Ayaw ni Khalil na ginugulo siya kapag natutulog. Sinabi pa nga ni

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 74

    “Sandali lang,” sabi ni Paolo.Bumaba siya ng kotse at pumunta sa trunk, may kinuha siyang isang paper bag. Pagbalik niya sa driver's seat, inabot niya iyon sa akin.“Ano ito?” tanong ko.“Dried plums, preserved apricots at soda crackers. Nabasa ko online na nakakatulong ang mga ito para maiwasan ang morning sickness. Napansin kong malala ang morning sickness mo noong huli tayong nagkita, kaya bumili ako nito para sa iyo.” Paliwanag niya, “May dessert din diyan. Naalala kong gusto mo iyon.”Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Bakit ka pa nag-abala na alamin ang mga ganitong bagay?”Diretso naman siyang sumagot, “Mas madalas na tayong magkikita simula ngayon, kaya dapat alam ko kung ano ang kailangan mo. Tsaka buntis ka. Hindi kita pwedeng tratuhin gaya ng ibang tao.”Biglang uminit ang pakiramdam ko, walang ganitong ginawa si Khalil sa akin. Kahit mag asawa na kami. “Siguradong magiging mabuting ama ka balang araw.”Nakita ko namang natigilan siya, doon

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 73

    Karaniwan, kapag may babaeng nagsabi ng ganoon, mahirap para sa isang lalaki na hindi magpakita ng lambing. Pero wala akong nakitang tenderness sa mukha ni Paolo. Sa halip, bahagyang kumunot ang noo niya at may dumaan na lungkot sa kanyang ekspresyon. “May kasama ako sa kotse,” sagot ni Paolo. Ilang segundo munang natahimik si Therese. “Sorry.” “I-end ko na ang tawag.” “Okay. Tatawagan na lang ulit kita.” At ganun lang, natapos ang tawag. Nagulat ako sa paraan ng pakikitungo ng magkasintahan na ito. Bakit parang mas malayo pa ang loob nila sa isa't isa kaysa sa amin ni Khalil? Pero personal nilang problema iyon at wala akong balak makialam. Nagkunwari na lang akong walang narinig. Umasta naman si Paolo na parang walang nangyari at dumiretso sa paksa. “Karamihan sa mga system natin dito sa bansa ay umaasa pa rin sa foreign technology. Kapag pinutol ng ibang bansa ang supply, posibleng huminto ang buong industrial chain natin.” Panimula nito, “Kaya gusto kong gumawa ng sarili

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 72

    Seriña POVTumingin ako sa paligid ng mesa. Halos lahat ay abala sa kani-kanilang usapan.Tumango ako. “Okay.”Pag-upo ko, may waiter na agad na nagdala ng isang basong maligamgam na tubig sa utos ni Paolo.Hawak ko ang baso, pero halata pa rin sa mukha ko ang lungkot. “Ako mismo ang kumausap sa mga taong ni-recommend mo,” sabi ni Paolo.Nag-ayos ako ng sarili. “I already know, dahil tinawagan nila ako, at sinabi kong magandang opportunity naman ang maghanap ng mas magandang trabaho.”Ngumiti siya. “Sa ngayon, mas lamang pa rin ang Technology ni Mr. Sarmiento kaysa sa kumpanya namin.”Napailing ako. “Magaling siguro si Khalil sa pag-manage ng kumpanya, pero wala siyang gaanong alam tungkol sa technology. Kung hindi nag-overtime nang ilang taon ang RED team niya para makabuo ng ilang AI systems at mailabas ang mga iyon sa market, malamang hanggang ngayon, hindi pa rin kilala ang kumpanya niya.”“Sa tingin ko, kalahati ng success nila ay dahil sa iyo.”Mapait akong ngumiti ng marinig iy

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status