Share

DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)
DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)
Author: hnjkdi

PROLOGUE

Author: hnjkdi
last update Last Updated: 2023-05-23 01:39:04

Title: DYLAN’S OBSESSION

Author: hnjkdi

Genre: Romance

DISCLAIMER: This is a work of fiction; Names, characters, businesses, places, events and incidents are only product of the author’s imagination.

___

S I M U L A

BITBIT ang sama ng loob at hinanakit ay buong tapang na binuksan ni Danica ang malaking pinto. Hindi siya makahinga dala nang paninikip ng kaniyang dibdib. At anumang oras ay maaari siyang himatayin.

“Teka sandali!” ubod lakas na sigaw ng dalaga dahilan upang matuon sa kaniya ang lahat ng atensyon maliban sa groom. Muli ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang mga iyon at halos wala na siyang makita dahil sa panlalabo ng mga mata. “Pangga bakit naman? Akala ko ba ako ang gusto mong makasama habang buhay? Pero bakit ganito? Bakit ka magpapakasal sa iba?”

Walang pakialam si Danica kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao na animo’y kontrabida. Kahit pa tila tawang-tawa ang mga ito sa hitsura niya. Ano naman kung mukha siyang taga bundok, eh sa doon siya nakatira. Si Andrie ang kaniyang ipinunta at hindi sila. Kaya bakit siya mahihiya? Ano naman kung sobrang ganda ng bride? Siya naman ang mahal ni Andrie. At siya dapat ang nasa puwesto nito.

“Pangga, please huwag mo nang ituloy. Umuwi na tayo ng probinsya at magsimula ulit. Hindi ba sabi mo bubuo tayo ng sarili nating pamilya?” humagulhol na dagdag pa ng dalaga. “Sumama ka na sa akin, pakiusap.” Hindi na niya mapigilang takpan ang mukha upang pigilan ang emosyon. Tila hindi niya na kakayanin ang sakit sa iisiping hindi man lang siya kayang lingonin ni Andrie.

“What is going on, Dylan? Who is that woman?!”

Sandaling natigilan si Danica sa galit na boses ng matanda, at mabilis na tumingin sa unahan.

“D-Dylan?” ulit pa niya sa pangalang narinig. Agad siyang nahimasmasan.

“I am sorry, Lolo..”

Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang sa wakas ay masilayan ang mukha ng groom. Awang ang kaniyang bibig na isipin ang eksaktong address, araw, at oras ng kasal ni Andrie ayon na rin kay Lily. Tama naman. Pero bakit mukha yata siyang naliligaw?

Nanginginig ang mga kamay ay naipanalangin ni Danica na lumubog na lamang pailalim at lamunin ng lupa. Hindi niya kayang salubungin ang galit na mga mata ng bride.

“Ah, eh, k-kuwan, paumanhin!” abot-abot ang kaniyang kabang sabi. Sa isang iglap ay napalitan ng hiya ang kanina ay nagdadalamhati niyang damdamin.

Mabilis siyang nag-isip ng pwedeng gawin subalit sa huli ay pinili niya ring tumalikod na lamang na parang walang nangyari.

Malalaki ang mga hakbang na tinungo ni Danica ang pinto. Kailangan niyang makalabas ng simbahan bago siya mapatay sa loob. Ang laki ng iskandalong nagawa niya.

Subalit ganoon na lamang ang gulat niya at muntik pa siyang mapatalon nang biglang may humatak sa kaniya. Napatakbo na rin siya.

Pero bakit? Ano’ng kailangan sa kaniya ng groom?!

“MAAWA na po kayo huwag niyo po akong saktan..!” panay ang yuko ng ulo ni Danica habang humihingi ng paumanhin. Takot at hiya ang kaniyang naramdaman nang mapag-isa sila ng lalaki.

“And why on earth would I do that? Pasasalamatan pa nga kita, eh.”

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ng mukha si Danica. Noon niya lang napagmasdan ang mukha ng groom sa malapitan. Proporsyonado at perpekto ang hugis ng mukha nito; katamtaman ang kapal ng mga kilay, mala-pili ang kurba ng mata na ‘di gaanong kalakihan ngunit hindi rin naman singkit, ang bilugang umbok sa maliit at matangos nitong ilong ay mas nagpag’wapo sa hitsura nito, idagdag pa ang hugis puso at mamula-mula nitong mga labi. Bigla tuloy siyang na-conscious sa kaniyang hitsura.

Noon niya lang din napansin kung nasaan sila, isang bus station.

“S-sorry po talaga.”

“Drop that ‘po’. You look like older than me.” anang lalaki na tumingin sa suot na relo. “May pera ka diyan?” muli nitong wika na ibinalik ang tingin sa kaniya.

“Twenty Five pa lang ako,” usal ni Danica. Hindi naman siya tinanong subalit gusto niyang bigyan ng hustiya ang akusa nitong matanda na siya.

“Really? You are a year younger but why does it looks like you are ten years older than your age.”

Umirap si Danica dahil sa walang pakundangang pang-iinsulto ng kausap. Gusto niya itong sapakin para turuan ng leksyon ngunit nagpipigil lamang siya. Ayaw niyang madagdagan ang kasalanan niya.

“Hey..! Tinatanong ko kung may pera ka?”

“M-meron.. kaso..!” nag-aalangan niyang sagot. Ang totoo ibininta ng kaniyang Itay ang kaisa-isa nilang kalabaw para lang makaluwas siya ng Maynila. Halos mabaliw siya sa lungkot noong pumutok ang balitang ikakasal na si Andrie sa Anak ng boss nito. Kaya naman gumawa ng paraan ang magulang niya para lang kahit papaano ay mapigilan ang desisyon ni Andrie. Ipaglaban niya raw ito, na hindi siya uuwi nang mag-isa. At kailangan niyang ibalik ng Leyte ang kasintahan.

“Pahiram muna ako.”

“P-pero.. k-kasi..”

“Ibabalik ko rin bukas. Wala akong dala.”

Napakamot sa batok si Danica. Paano niya itong sisingilin kung hindi niya naman alam ang bahay nito. Ni hindi niya rin ito kilala.

“Ano hindi ka sasakay?”

“Uuwi ka na?” balik tanong niya sa lalaki na noon ay nakasampa na sa bus.

“I don’t wanna die yet.” Umismid na sagot ng lalaki bago tuluyang pumasok.

Bumuntong hininga si Danica. Tama ito. Malamang sa ngayon ay galit pa rin ang pamilya ng bride. Aminado siyang may kasalanan rin siya. Kung hindi siya umeksina ay hindi aabot sa ganito ang lahat. Subalit ang hindi niya maintindihan ay iyong pwede naman nitong ipaliwanang na isa lamang pagkakamali ang nangyari kanina ngunit hindi nito ginawa, bagkus ay nag-ala runaway groom pa ito.

Kusang humakbang ang mga paa ni Danica kasunod ng estranghero. Wala siyang mapupuntahan. Hindi niya rin alam ang pasikot-sikot sa Maynila.

“Dalawa ho, Sir?” tanong ng konduktor sa kasama niya.

“Yes please.”

“One hundred ho.”

Tumingin ang lalaki sa kaniya at ganoon din siya rito. Nang hindi siya tuminag ay ngumuso ito. Taranta siyang kumuha ng pera sa pitaka at inabot iyon sa konduktor.

Makalipas ang trenta minutos ay narating na nila ang bus station. Dahil nasa unahan sila pumwesto ay siya ang unang tumayo para buksan ang pinto. Subalit nakailang slide na siya ngunit hindi pa rin iyon mabuksan.

“Naka-locked yata,” aniya sa pasaherong nakasunod sa kaniya. Natatawa ito na hindi niya maintindihan. Ganoon din ang iba pang pasahero na noon ay nag-umpukan na sa kaniyang likoran.

“Automatic po kasi ‘yan, Ma’am,” anang mamang driver na may kung anong pinindot. Noon ay bumukas ang pinto.

“Ay ang galing,” ngisi ni Danica para pagtakpan ang nararamdamang hiya. Subalit tila hindi iyon umubra basi na rin sa naging reaksyon ng mga pasahero idagdag pa ang nang-aasar na tawa ng kasama niya. Nag-iinit ang mga pisnging bumaba siya ng bus.

KABADONG napatitig si Danica sa nagpatiunang kasama nang pumasok sila ng mall. Ito tuloy ang napala niya. Mukhang gagawin pa yata siya nitong ATM card.

“T-teka..!” pigil niya sa lalaki ng aktong sasakay ito sa umaandar na hagdan. “Ano’ng gagawin mo sa itaas?”

“Obvious ba, bibili.”

“May pera ka?”

“Wala. Ikaw meron.”

“Ano?”

“Huwag ka mag-alala, kaya kong doblehin o triplehen lahat nang magagastos mo.”

Sasagot pa sana si Danica pero tinalikoran na siya ng lalaki at sumakay sa hagdan.

“Come on!”

Umiling si Danica. Takot siyang sumakay at baka kainin ang mga paa niya. Nakakatawa, pero naiinggit siyang tingnan sa pag-akyat ang iba na parang ang dali-dali lang, ni mga bata ay tinatakbo pa.

“Ano ba? Aakyat ka ba o hindi?”

Makailang beses munang bumuga ng hangin ang dalaga bago napilitang tumapat sa hagdan. Mahirap na, baka bumaba ulit ang kasama niya at sakalin siya. Sa tono ng pananalita ng lalaki alam niyang nagtitimpi lamang ito.

Sandali siyang napapikit, kung alam niya lang na sasakay siya sa ganito, dapat sa Leyte pa lang ay nag-insayo na siya. Hindi sa walang mga mall doon pero literal na walang ganito sa bundok.

Napangiting nagmulat ng mga mata si Danica nang sa wakas ay nagawa niyang sumampa. Pero parang gusto niya ring magsisi. Unti-unti siyang naliliyad na hindi niya maintindihan kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkapit sa magkabilang side ng hagdan.

“Miss, huwag mong higpitan!” sigaw ng guard sa itaas na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan. Samantalang iyong kasama niya ay hindi man lang nag-abalang tumulong at iniwan siya.

Mabilis na sumunod si Danica sa sinabi ng guard pero huli na. Nawalan na siya ng balansi. Pikit ang mga mata niyang sumigaw na lamang.

“My God, nakakahiya ka,” bigla ang pagbulong ng isang tinig sa kaniyang tenga. Iyong lalaki.

Noon niya lang din napansin ang pag-angat niya. Kaya pala ito nawala.

“Saang bundok ka ba galing at ganyan ka kaignorante?” dagdag pa ng lalaki habang buhat-buhat siya.

“S-sa H-hilonggos Leyte.”

“Talagang sumagot pa, eh.”

Hawak-hawak ang sling ng bag ay napayuko si Danica matapos ibaba ng kasama. Hindi siya makatingin ng diretso dahil sa kahihiyan idagdag pa ang narinig niyang palakpakan ng mga tao sa paligid.

“Huwag kang lalayo sa akin, huh. Baka mapahamak ka na naman,” mahinahong wika ng lalaki. Hindi naman ito galit, at mukhang hindi rin natutuwa.

MATAPOS ang nakakapagod at nakakahiyang karanasan ni Danica sa mall ay nag-checked-in sila ng lalaki sa isang may kaliitang inn kinagabihan.

Pagod na napabuga siya ng hangin. Ni hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Hindi niya man lang nagawa ang pakay niya. Malamang ay ikinasal na si Andrie at naubos ang pera niya na walang nangyari.

“Hindi ka ba magbibihis?”

Igtad na naibaling ni Danica ang atensyon sa kasama. Suot nito ang sando at shorts na binili nila kanina. Hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng inis para rito. Ang lakas ng loob nitong magturo wala namang pera. At ngayon magkasama pa sila sa isang maliit na kwarto.

“Ayoko. Baka kung ano pa’ng gawin mo sa akin.” hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Huli na para bawiin.

“Loko ka. Mangilabot ka nga. Sinong abnormal ang papatol sa isang ignoranteng galing pa sa bundok? Iyong boyfriend mo lang yata. Iniwan ka pa.”

“So masaya ka na niyan?” pagtataray ni Danica. Nasaktan siya sa sinabi nito.

“Oo. Go and change your clothes. Ayoko ko nang may mabahong katabi.”

Umirap si Danica.

“Eh, ‘di lumipat ka ng kwarto!”

“Ikaw ang lumipat. Ikaw ‘yong may pera hindi ba?”

Asar na bumangon ang dalaga at kinuha ang paper bag. Isang kulay ubeng besteda ang laman niyon na ito ang pumili.

“You should dress such more often nang hindi ka ipagpalit ng boyfriend mo,” komento ng lalaki na sinuyod siya ng tingin pagkalabas niya ng banyo.

“Walang pinipiling hitsura ang pag-ibig,” hirit niya sa nang-iinsultong pasaring ng lalaki. Ngingiti na sana siya naudlot pa.

“Then I guess wala siya no’n sayo.”

Muli ay umirap si Danica at tinungo ang kabilang side ng kama. Ang g’wapo sana nito bastos lang.

ALAS onsi na subalit hindi pa makatulog si Danica. Samantalang iyong kasama niya ay tila hinihili na ng mga anghel. Lihim siyang napalunok nang lingonin ito. Ito ang unang pagkakataong may katabi siyang lalaki sa pagtulog. Sa tatlong taon nila ni Andrie ni hindi nila ginawa ang magtabi. Humihingi ito ng isang bagay subalit ayaw niyang ibigay dahil sa nainiwala siyang sagrado iyon. Kaya marahil ay naghanap ito ng iba.

Lumapit pa siya nang kaonti sa katabi at maigi itong pinagmasdan. Ang akala niya talaga kanina artista ito. Ito ‘yong tipo ng mga bidang lalaki na kadalasang nababasa niya sa mga novels.

“Dylan..,” bulong ni Danica. Iyon ang pangalang narinig niya kanina. Nakatagilid ang mukha nito paharap sa kabilang side kaya malaya siyang kausapin ito sa malapitan. Isa pa, tulog na rin naman ito. “Hoy Dy---.”

Tarantang napaatras si Danica at nagtalukbong ng kumot. Nagsimulang pumintig ng mabilis ang puso niya.

“Naku hindi, hindi! Hindi ko sinasadya..!” animo’y baliw na wika niya sa ilalim ng kumot. Mabuti na lamang at tulog na ito kundi patay na naman siya sa lait.

Para namang nang-aasar na sumiksik sa utak niya ang nangyari. Mula sa marahang pagkilos ng lalaki at tila slow motion’ng pagpihit nito. Hindi sinasadyang malapat ang mga labi niya sa mga labi nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
hahahaha,ang Ganda mo Danica
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 21

    “CONGRATULATIONS, Mrs. Monteverde! You are 13 weeks pregnant!” kompirma ng ob-gyn na tumingin kay Danica isang umaga. Talagang hindi siya tinantanan ng kaniyang ama hangga’t hindi sila maihatid ng kaniyang Nanay Rosanna sa isang pribadong clinic sa lungsod ng Hilongos.Gamit ang isang modernong aparato ay kitang-kuta niya sa monitor ang maliit na pigura sa loob ng kaniyang sinapupunan. Bukod pa roon, rinig niya rin ang malakas na tibok ng puso ng kaniyang munting anghel.“Ay Diyos ko! Congrats, anak!” tuwang bulalas rin ng kaniyang ina na sinamahan siya sa kwarto para ma-ultrasound.Wala siyang makapang salita, at tanging mahinang paghikbi lamang ang nagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi mapagsidlan sa tuwa ang puso niya dahil sa nakompirma. Magkaka-baby na sila ni Dylan. Magkakaroon na siya nang matatawag niyang kaniya mula sa katipan. Pero sa kabila no’n, may isang parte ng puso niya ang nalungkot. Alam niya kasi sa sarili na malabo nang magsama pa sila ni Dylan.MAS lalo pang sum

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 20

    HINDI magkamayaw sa tuwa ang mga magulang ni Danica nang makita ang pagbaba niya mula sa tricycle. Mula sa maliit nilang tindahan ay napatakbo palabas ang kaniyang ina para salubungin siya, ganoon din ang kaniyang itay na nagwawalis sa kanilang bakoran.“Anak, bakit naman hindi mo sinabing uuwi ka?” ang masiglang tanong pa ng kaniyang Nanay Rosanna.“Oo nga naman, anak. Nakapagluto sana kami ng nanay mo ng mga paborito mong pagkain,” wika rin ng kaniyang Tatay Ernesto.“Eh, hindi na po sorpresa ‘yon.” Dunukot si Danica ng limang daan sa bag at ibinigay iyon sa tricycle driver. “Iyan na po ba ang bahay natin?” tukoy niya sa isang konkretong bungalow sa harapan. Dati sa bundok at maliit na kubo lamang sila nakatira, ngayon ay nakikita niyang mas maganda na ang kalagayan ng mga magulang niya sa baryo. “Oo, anak. Dalawa ang silid diyan. Pinasadya talaga ang isa para sayo,” tugon ng kaniyang ina na hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi. Alam niyang nasasabik din itong magkit

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 19

    “HELLOOO?! Ang sabi ko, give Papa Dee a space, hindi ko sinabing mag-alsa-balutan ka!” Bahagyang nailayo ni Danica ang cellphone niya sa tenga dahil sa pagtaas ng boses ni Lily sa kabilang linya.“Por Diyos po santo naman, dzai! Anong sasabihin ko kapag hinanap ka sa ‘kin ng asawa at in-laws mo?”“Nagpaalam naman na ako kay Mommy,” tugon niya na muling ibinalik ang cellphone sa tenga. “Pinayagan ka?” “O-oo,” aniya na hinawi ang kurtina ng bintana para sumilip sa labas. Sakay siya ng isang bus pauwi ng Samar.Pinayagan naman talaga siya, basta’t magpaalam lang daw siya kay Dylan which was ‘di niya ginawa. Hindi niya rin sinabing uuwi siya ng Samar, ang paalam niya ay magbabakasyon siya panadalian kina Lily.Isa pa, para namang may pakialam si Dylan sa kaniya. Sa ngayaon ay lango na ito sa sarap sa piling ng iba.Hindi niya napigilan ang pagngilid ng mga luha sa mata nang maglaro sa isipan ang eksenang nadatnan niya kahapon.Limang araw na rin ang lumipas matapos ang launching ng DM.

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 18 (B)

    PALIHIM na hinanap ni Dylan ang asawa. Hinayaan niya muna ito kay Lily kanina habang abala siya sa mga kausap niya. Matagal na hindi nagkita ang dalawa kung kaya’t gusto niyang sulitin ng mga ito ang oras na magkasama. Isa pa, alam niyang walang ka-amor-amor si Danica pagdating sa usaping negosyo. Baka mabagot lamang ito. Hindi siya nabigo. Nakita niya si Danica. Pero bukod kay Lily naroon din ang mag-asawang Francine at Andrie. At hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Hindi pwedeng magsama ang dalawa, aniya. Nakaramdam siya ng pag-aalala nang mabanaag ang lungkot sa mukha ng asawa. At sa tingin niya ay si Andrie na naman ang dahilan niyon. Kaya nang tumayo si Danica at umalis ay hindi na siya nagtaka. Marahil ay magtatago na naman ito sa isang sulok para umiyak, at naiinis siyang isipin iyon. Pero ang hindi niya inasahan ay ang ginawa ring pagtayo ni Andrie. Lihim siyang napamura. No way! Agad siyang umalis sa kumpulan para sundan si Andrie. Ni hindi na siya nagpaalam pa sa

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 18 (A)

    DUMATING na rin ang gabi ng grand event ng DM’s Apparel makalipas ang tatlong buwan, ang launching ng mga bagong designs nito with Venice. Naging matagumpay naman ang naturang event. Sa katunayan, mas dumami pa ang potential investors sa dalawang kompanya. “Hoy dzai, hinay-hinay lang, mukha kang dead hungry!” histerikal na saway ni Lily kay Danica. Nakadalawang plato na ito ng pagkain at mukhang magkakaroon pa ng pangatlo.Pero imbes na sumagot ay isang irap ang isinukli ni Danica kay Lily bago sumubo ng steak. Inimbitahan niya ito at si Sheila para hindi siya ma-out of place kung sakali pero hindi nakarating ang huli dahil sa may importante itong lakad.“Hay, Diyos ko naman! Hindi ka ba pinapakain ni Dylan?”“Hindi,” maikling sagot ni Danica para lang matigil ang kaibigan. Wala siya sa mood kanina pa at sa kinakain niya ibinubuhos ang sama ng loob.“Joke ba ‘yan? Hindi kasi halata.”Tumigil si Danica sa pagkain at napahalukipkip. Gusto niyang batukan ang kaibigan dahil sa kadaldl

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 17

    MAY paghangang pinagmasdan ni Danica ang walong palapag ng DM’s Apparel. Tunay ngang napakaganda nito.Ang dahilan kung bakit siya napasugod ay sa kagustuhang sorpresahin si Dylan. Ipinagluto niya ito ng pagkain bago siya nagpunta ng salon kaninang umaga.Dahil sa kadal-dalan ni Aida kahapon ay napa-stalked tuloy siya sa I*******m ng ex-wife-to-be ni Dylan. Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng panliliit sa katotohanang wala siya ni sa kalingkingan nito.Jeanie Ferrer ang buong pangalan nito. Galing sa isang sikat, mayamang pamilya, at nag-iisang Anak. Nagtapos sa kursong nursing sa abroad. “Tatawagan ko lang po si Sir.”“Ay, huwag!” Naibulalas ni Danica na nilingon si Jenard.Nagtataka man ay tumango ang bodyguard at saka isnukbit sa bulsa ang cellphone.“M-maganda na po ba ako kuya Jenard?” Nahihiya pang tanong ni Danica sa bodyguard kapagkuwan.“Maganda naman po talaga kayo, Ma’am.”“Ibig kong sabihin, kumusta po hitsura ko?” giit niyang tanong. Tatlong oras ang ginugol niya

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 16

    IHINATID muna ni Dylan at Danica sina Lily at Sheila sa kanilang trabaho kinabukasan bago sila bumyahe pabalik sa Manila.“Ahm, Dylan..,” untag ni Danica sa katipan. Wala itong imik kanina pa at sa manebila lamang nakatuon ang atensyon. “Bakit?”Pinagmasdan lang ni Danica si Dylan. Gusto niyang pag-usapan ang tungkol kagabi subalit nahihiya siyang itanong iyon. Baka kasi, iba lang iyong pagkakaintindi niya.Ang totoo, binabagabag siya sa tinuran nito. Magdamag siyang hindi nakatulog nang maayos. Gusto niyang isiping may nararamdaman ito sa kaniya, pero wala naman itong sinasabing ganoon. Sa kaso ni Dylan, hindi ito mahirap mahalin. Mabait ito at magalang, nakikita niya iyon sa kung paano nito tratuhin ang mga magulang niya noong nasa mansyon pa ang mga ito. Pinagawa rin sila ng bahay nito nang hindi niya alam. Suplado si Dylan kung minsan pero lagi naman nitong pinaparamdam na espesyal siya sa mga simpleng paghalik nito sa kaniyang noo at sa kung paano ito mag-alala. “W-wala..,” u

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 15

    NAGISING si Dylan dahil sa tunog ng alarmed clock. Nakapikit niyang inabot iyon para i-off saka bumangon. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Sinapo niya ang mukha gamit ang dalawang palad at nagpahinga. Kagabi pa mabigat ang pakiramdam niya at para siyang lalagnatin. Tuluyan na siyang bumaba ng kama makaraan matapos makapagpahinga. Tinungo niya ang banyo at dinusta ang sarili. “ARE you okay, Dylan?” puna ng kaniyang Daddy. Kasalukuyan siyang kumakain ng agahan kasama ang mga magulang at kaniyang Lolo. Tinaponan niya ito ng tingin at tipid na sumagot. “Yeah.” “No, you don’t look like one, baby. You looked pale. Are you sick?” puna rin ng kaniyang Mommy Cassandra na noon ay nakatingin sa kaniya maging ang kaniyang Lolo. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala. “You’ve dealt with Venice successfully, Grandson. It’s okay to take a break. Si Enrico na muna ang bahala sa kompanya for the meantime,” anang kaniyang Lolo. Hindi siya nagsalita. Tahimik niyang nilalaro ang pagkaing nasa harapan

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 14

    DAPIT hapon na nang magising si Danica. Eksakto ring naulingonan niya ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tuluyan na siyang bumangon at tinungo ang pinto.“Bakit ho?” ang tanong niya nang pagbuksan ang landlady.“Baka kako di ka pa kumain. Dinalhan kita ng pinangat,” anito na tinutukoy ang laman ng dalang tupperware. Napangiti si Danica na kinuha iyon. Matagal na rin siyang hindi nakatikim niyon. Simula kasi no’ng tumira siya sa mansyon ng mga Monteverde hindi na niya nakakain ang mga pagkaing nakasanayan na niya. “Salamat po.”“Pwede kang mag-stay muna sa bahay habang wala pa ang dalawa,” pagmamagandang loob pa ng landlady.“Ay okay lang po, te. Darating na rin ho sina Lily at Ate Sheila maya-maya,” tangging wika ni Danica.“Ganoon ba. Osiya sige. Nasa bahay lang ako kapag may kailangan ka.”Muli ay ngumiti si Danica. Likas talagang mabait ang kausap kahit na noong dito pa siya nakatira.“Sige po. Salamat ulit.”INIHANDA ni Danica ang hapagkainan, ininit na rin niya ang mga pagk

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status