Share

KABANATA 1

Author: hnjkdi
last update Last Updated: 2023-05-24 07:05:43

“HEY, Miss!”

Mula sa pagpapaypay ng inihaw ay natuon ang atensyon ni Danica sa tinig na iyon. Kung kailan nag-day-off ang kasama niya at siya lang mag-isa, saka naman dumagsa ang mga kustomer. Sobrang wrong timing. Isa pang hindi niya maintindihan ay ‘yong kaya namang magpasweldo ng sandamakmak na trabahador ng kaniyang amo pero dala-dalawa lang silang waitress ng Café.

Saglit na iniwan ni Danica ang ginagawa at lumapit sa bagong dating, isang foreigner at Filipina na sa tingin niya ay magkasintahan.

Tuwing alas Kuwatro ng hapon hanggang hating gabi nagbubukas ang Isla Café. Nakahelira ito sa mga naglalakihang club sa Angeles kaya hindi nakapagtatakang karamihan sa pumapasok na kustomer ay mga banyaga. Sa labas nakapuwesto ang mga mesa na may tag-aapat na upuan, may malalaking payong rin ang bawat isa niyon na tila ipinasadya upang silungan. Napapalibotan rin ang espayo ng mga bulaklak na mas lalong nagpaganda sa lugar.

Isang taon na rin ang lumipas simula noong ikasal ang nobyo ni Danica. Umuwi siyang bigo ng Leyte noon. Dinamdam niya ng sobra ang nangyari; na-depressed at umabot pa sa puntong ginusto niya nang mawala sa mundo. Pero dahil sa mga magulang niya na laging nandiyan para sa kaniya ay nagawa niyang lampasan ang mapait na parteng iyon ng buhay niya. Ang mga ito ang nagbibigay sa kaniya ng lakas at rason kung bakit kailangan niyang magpatuloy.

Ang totoo hanggang ngayon nasasaktan pa rin ang dalaga sa tuwing makakarinig ng balita tungkol kay Andrie. Alam niyang matagal na rin pero hindi ito ganoon kadaling burahin sa buhay niya. Hindi niya magawang itapon na lamang ng basta ang tatlong taon. Pero ika nga ‘life must go on’, kaya sa ayaw at gusto niya kailangan niya nang mag-move-on.

Noong nakaraang linggo ay nagpasya si Danica na sumama kay Lily dito sa Pampanga. Supervisor sa isang mall ang pinsan nitong si Sheila kaya nagpatulong itong makapasok. Dahil sa nakapagkolehiyo si Lily ay hindi ito nahirapan. Kamag-anak ni Andrie ang dalawa, pero sa kabila nang nangyari sa kanila ng dating nobyo ay hindi nagbago ang mga ito. Sa katunayan ay tinulungan siya ng mga ito na makahanap ng trabaho.

“Y-yes Sir, Ma’am! What’s your order?” tanong pa ng dalaga sa matigas na punto. Panay ang hila niya pababa sa laylayan ng suot na uniporme dahil sa iksi niyon. Kahit man siya ay naninibago sa bago niyang hitsura; isang fitted dress uniform na may manggas ang kaniyang suot, at puting rubber shoes. Naglagay rin siya ng kolorete sa mukha at itinali ang hanggang beywang niyang buhok. Maging presentabli, iyon ang sabi ng kaniyang amo.

“Five bottle of beers.” sagot ng foreigner na may katandaan na rin.

“How about you, Ma’am?” baling naman ni Danica sa babae.

“Sampung barbecue sticks na lang at saka samahan mo na rin ng iced tea. Ahm, spicy lang, huh.”

“Okay po.”

Agad na tumungo sa loob ang dalaga para kumuha ng beer. Nginitian siya ni Jean na noon ay nasa kahera. Ito ang may-ari ng cafe at ito rin ang nagkakaha.

“Ang daming kustomers beh, noh?”

“Oo nga ho, Ma’am,” sagot niya na kumuha ng beers sa malaking refrigerator. Sa sulok ng mga mata ay nakita niyang tumayo ang kaniyang amo at nilapitan siya.

“Ganyan talaga rito kapag may bago. Teka, ilang bote ba?”

“Lima. Isang iced tea at sampung barbecue.”

“Sige ako na sa iba.”

Tipid na tumango ang dalaga at nagpatiuna sa labas. Mabait naman ang amo niya. Hindi ito nagagalit kahit nagkakamali siya minsan.

Maingat na inilapag ni Danica ang limang bote ng beer sa table 3. Ganoon din ang amo niya na nakasunod sa kaniya.

“Is she your daughter, Jean?” bigla ay tanong ng foreigner.

“Nah, how I wish but she’s not. She’s more prettier than me.”

“You are right. What’s her name?”

“Ah, she’s Danica.”

Ilang na yumuko ang dalaga dahil sa tingin ng babaeng kasama ng foreigner. Hindi man siya makapagsalita ng diretsong Ingles, kahit papaano ay nakakaintindi naman siya.

“Ahm, balik na po ako, Ma’am,” aniya na lang upang umiwas. Bumalik siya sa pwesto.

“Oy, beh mukhang type ka no’ng foreigner na ‘yon.”

Ngumiti lang si Danica. Hindi niya pinansin ang sinabi ng amo at nagpatuloy lang sa ginagawa.

“Alam mo bang karamihan sa nagtrabaho rito sa akin nakapag-Asawa ng foreigner?”

“Talaga ho?”

“Oo. Kaya sa huli lagi akong naiiwan mag-isa. Kaya ikaw, huwag mo akong iwan, huh.”

Muli ay napangiti si Danica. Hindi niya alam ang isasagot. Isa pa, saan naman siya pupunta? Wala nang tatanggap sa kaniya lalo pa at high school graduate lang siya. Baka sa club pwede pa. Pero kahit sa panaghinip ni ayaw niyang gawin. Puri niya na lamang ang pwede niyang maipagmalaki.

“Alam mo gusto kita. Gusto ko ‘yang kainosentihan mo. Hindi pakitang tao.”

“Hi, Jean!”

Maging si Danica ay natuon ang pansin sa bagong dating. Isang Amerikano na hindi nalalayo ang edad sa kaniya. Gwapo ito at may asul na mga mata.

“Oh hi, Ralph!” ganting bati ng kaniyang amo. “Are you gonna drink?”

“Yeah.” nakangiting sagot naman ng lalaki na tumingin kay Danica. “New waitress?”

“Y-yes Sir,” sagot ni Danica dahil sa kaniya naman ito nakatingin.

Ngumiti ang lalaki at naglahad ng kamay.

“N-no, Sir. Look my hand is dirty,” todo ang iling na tanggi ng dalaga sabay ipinakita ang mga kamay na.

“It’s okay. Can I still have a shake hand?”

Walang magawa si Danica kundi tanggapin ang alok ng nagngangalang Ralph. Isa pa, wala naman siyang nakikitang masama roon.

“It’s nice meeting you..?”

“Danica.”

“Pretty name. As pretty as you.”

“Nah, Ralph I don’t wanna look for another worker again. So whatever you’re thinking---it’s a big NO NO,” natatawang wika ng amo ni Danica. Natawa rin ang lalaki.

“I didn’t say anything.”

PARANG lantang gulay si Danica na napaupo sa isang silya. Napagod siya ng sobra dahil sa dami ng kustomer. Limang minuto na lang bago mag-alas Dose, sa wakas ay tapos na rin ang kaniyang duty. Hinihintay niya na lang si Lily para sunduin siya.

Ito na ang panglimang araw niya bilang waitress sa Isla Café. Mahirap, bukod sa wala siyang experience mahina rin siya sa Ingles.

Minsan parang gusto niya nang umuwi at tumulong na lang sa mga magulang sa bukirin. Pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya at walang kakampi. Nami-miss niya na ang Leyte.

Bigla ang pag-init ng mga mata ni Danica. Hindi niya nga lang alam kung para saan---dahil ba sa lungkot o sa mga ala-alang pilit niyang kinakalimutan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 21

    “CONGRATULATIONS, Mrs. Monteverde! You are 13 weeks pregnant!” kompirma ng ob-gyn na tumingin kay Danica isang umaga. Talagang hindi siya tinantanan ng kaniyang ama hangga’t hindi sila maihatid ng kaniyang Nanay Rosanna sa isang pribadong clinic sa lungsod ng Hilongos.Gamit ang isang modernong aparato ay kitang-kuta niya sa monitor ang maliit na pigura sa loob ng kaniyang sinapupunan. Bukod pa roon, rinig niya rin ang malakas na tibok ng puso ng kaniyang munting anghel.“Ay Diyos ko! Congrats, anak!” tuwang bulalas rin ng kaniyang ina na sinamahan siya sa kwarto para ma-ultrasound.Wala siyang makapang salita, at tanging mahinang paghikbi lamang ang nagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi mapagsidlan sa tuwa ang puso niya dahil sa nakompirma. Magkaka-baby na sila ni Dylan. Magkakaroon na siya nang matatawag niyang kaniya mula sa katipan. Pero sa kabila no’n, may isang parte ng puso niya ang nalungkot. Alam niya kasi sa sarili na malabo nang magsama pa sila ni Dylan.MAS lalo pang sum

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 20

    HINDI magkamayaw sa tuwa ang mga magulang ni Danica nang makita ang pagbaba niya mula sa tricycle. Mula sa maliit nilang tindahan ay napatakbo palabas ang kaniyang ina para salubungin siya, ganoon din ang kaniyang itay na nagwawalis sa kanilang bakoran.“Anak, bakit naman hindi mo sinabing uuwi ka?” ang masiglang tanong pa ng kaniyang Nanay Rosanna.“Oo nga naman, anak. Nakapagluto sana kami ng nanay mo ng mga paborito mong pagkain,” wika rin ng kaniyang Tatay Ernesto.“Eh, hindi na po sorpresa ‘yon.” Dunukot si Danica ng limang daan sa bag at ibinigay iyon sa tricycle driver. “Iyan na po ba ang bahay natin?” tukoy niya sa isang konkretong bungalow sa harapan. Dati sa bundok at maliit na kubo lamang sila nakatira, ngayon ay nakikita niyang mas maganda na ang kalagayan ng mga magulang niya sa baryo. “Oo, anak. Dalawa ang silid diyan. Pinasadya talaga ang isa para sayo,” tugon ng kaniyang ina na hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi. Alam niyang nasasabik din itong magkit

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 19

    “HELLOOO?! Ang sabi ko, give Papa Dee a space, hindi ko sinabing mag-alsa-balutan ka!” Bahagyang nailayo ni Danica ang cellphone niya sa tenga dahil sa pagtaas ng boses ni Lily sa kabilang linya.“Por Diyos po santo naman, dzai! Anong sasabihin ko kapag hinanap ka sa ‘kin ng asawa at in-laws mo?”“Nagpaalam naman na ako kay Mommy,” tugon niya na muling ibinalik ang cellphone sa tenga. “Pinayagan ka?” “O-oo,” aniya na hinawi ang kurtina ng bintana para sumilip sa labas. Sakay siya ng isang bus pauwi ng Samar.Pinayagan naman talaga siya, basta’t magpaalam lang daw siya kay Dylan which was ‘di niya ginawa. Hindi niya rin sinabing uuwi siya ng Samar, ang paalam niya ay magbabakasyon siya panadalian kina Lily.Isa pa, para namang may pakialam si Dylan sa kaniya. Sa ngayaon ay lango na ito sa sarap sa piling ng iba.Hindi niya napigilan ang pagngilid ng mga luha sa mata nang maglaro sa isipan ang eksenang nadatnan niya kahapon.Limang araw na rin ang lumipas matapos ang launching ng DM.

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 18 (B)

    PALIHIM na hinanap ni Dylan ang asawa. Hinayaan niya muna ito kay Lily kanina habang abala siya sa mga kausap niya. Matagal na hindi nagkita ang dalawa kung kaya’t gusto niyang sulitin ng mga ito ang oras na magkasama. Isa pa, alam niyang walang ka-amor-amor si Danica pagdating sa usaping negosyo. Baka mabagot lamang ito. Hindi siya nabigo. Nakita niya si Danica. Pero bukod kay Lily naroon din ang mag-asawang Francine at Andrie. At hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Hindi pwedeng magsama ang dalawa, aniya. Nakaramdam siya ng pag-aalala nang mabanaag ang lungkot sa mukha ng asawa. At sa tingin niya ay si Andrie na naman ang dahilan niyon. Kaya nang tumayo si Danica at umalis ay hindi na siya nagtaka. Marahil ay magtatago na naman ito sa isang sulok para umiyak, at naiinis siyang isipin iyon. Pero ang hindi niya inasahan ay ang ginawa ring pagtayo ni Andrie. Lihim siyang napamura. No way! Agad siyang umalis sa kumpulan para sundan si Andrie. Ni hindi na siya nagpaalam pa sa

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 18 (A)

    DUMATING na rin ang gabi ng grand event ng DM’s Apparel makalipas ang tatlong buwan, ang launching ng mga bagong designs nito with Venice. Naging matagumpay naman ang naturang event. Sa katunayan, mas dumami pa ang potential investors sa dalawang kompanya. “Hoy dzai, hinay-hinay lang, mukha kang dead hungry!” histerikal na saway ni Lily kay Danica. Nakadalawang plato na ito ng pagkain at mukhang magkakaroon pa ng pangatlo.Pero imbes na sumagot ay isang irap ang isinukli ni Danica kay Lily bago sumubo ng steak. Inimbitahan niya ito at si Sheila para hindi siya ma-out of place kung sakali pero hindi nakarating ang huli dahil sa may importante itong lakad.“Hay, Diyos ko naman! Hindi ka ba pinapakain ni Dylan?”“Hindi,” maikling sagot ni Danica para lang matigil ang kaibigan. Wala siya sa mood kanina pa at sa kinakain niya ibinubuhos ang sama ng loob.“Joke ba ‘yan? Hindi kasi halata.”Tumigil si Danica sa pagkain at napahalukipkip. Gusto niyang batukan ang kaibigan dahil sa kadaldl

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 17

    MAY paghangang pinagmasdan ni Danica ang walong palapag ng DM’s Apparel. Tunay ngang napakaganda nito.Ang dahilan kung bakit siya napasugod ay sa kagustuhang sorpresahin si Dylan. Ipinagluto niya ito ng pagkain bago siya nagpunta ng salon kaninang umaga.Dahil sa kadal-dalan ni Aida kahapon ay napa-stalked tuloy siya sa I*******m ng ex-wife-to-be ni Dylan. Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng panliliit sa katotohanang wala siya ni sa kalingkingan nito.Jeanie Ferrer ang buong pangalan nito. Galing sa isang sikat, mayamang pamilya, at nag-iisang Anak. Nagtapos sa kursong nursing sa abroad. “Tatawagan ko lang po si Sir.”“Ay, huwag!” Naibulalas ni Danica na nilingon si Jenard.Nagtataka man ay tumango ang bodyguard at saka isnukbit sa bulsa ang cellphone.“M-maganda na po ba ako kuya Jenard?” Nahihiya pang tanong ni Danica sa bodyguard kapagkuwan.“Maganda naman po talaga kayo, Ma’am.”“Ibig kong sabihin, kumusta po hitsura ko?” giit niyang tanong. Tatlong oras ang ginugol niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status