Share

KABANATA 3 (B)

“DZAI. Sure kang ipapadala mo lahat ‘to sa Nanay mo?” ang tanong ni Lily kay Danica isang hapon. Nasa isang remittance ang dalawa para magpadala ng pera sa mga magulang ng huli.

“Syempre nagtira rin ako para sa sarili ko.”

“Oy baka kung saan ‘to galing, huh.”

“Bigay nga ‘yan no’ng apo na muntik na makabangga sa akin.“

“Sila ba ‘yong naghatid sayo kanina?”

“Oo. Nakita mo?”

“Hindi. Ikaw lang naman ‘yong nakita ko.”

Kaninang umaga lang nakalabas ng hospital si Danica. Inihatid pa siya ng mag-Lolo sa tinitirhan niya para raw alam ni Dylan kung saan siya pupuntahan. Maging sa kung saan siya nagtatrabaho ay inalam rin ng binata bago ito bumalik ng Manila.

Binigyan si Danica ng bunos na day-off ng amo para makapagpahinga. Eksakto namang rest day rin ni Lily kaya nagpasama siyang lumabas.

“Oh, ayan tapos na. I-vc natin si Mama,” pagkaraan ay wika ni Lily na kinuha ang cellphone. Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa harap ng kamera. “Hi ‘Ma! Nagapadala po ako para kay Nanay Rosanna. Pasuyo na lang po. Sayo ko po kasi ipinangalan.”

“Sige, ‘Nak. Musta si Danica?”

Noon naman ibinigay ni Lily ang telepono kay Danica.

“Hello po, Tita! Pasuyo na lang kay Nanay, huh. Saka kumuha ka na lang po ng pang-meryenda at pang-ulam na rin. Pakisabi kay Nanay okay lang ako.”

“Naku huwag na. Mas kailangan iyan ng Nanay mo. Oo sige makakarating.”

“Oy ‘Ma, maya naman. Gogora na kami para mamasyal,” singit ni Lily sa harap ng kamera.

“Osya sige. Ihanap mo nga ng boyfriend ‘yang si Danica nang magkabuhay naman ang mukha. Ang tamlay-tamlay, eh.”

Natawa si Danica sa tinuran ng Ina ni Lily at napailing na lamang.

“Yaan mo, ‘Ma. Kapag-kauwi namin diyan ni Danica may mga mga apo na kayo ni aling Rosanna.”

“Ay Diyos ko huwag naman ganoon Anak!”

Muli ay natawa si Danica at maging si Lily ay napahagikhik na rin.

NAGPASYANG gumala ang dalawa bago umuwi. Una nilang ginawa ay nagshopping. Sumunod ay pumasok sila sa isang play store. Sumakay sila ng rides at kung ano-ano pa ang nilaro roon.

“Nag-enjoy ka?” ang tanong ni Lily kay Danica. Palabas sila ng play store.

“Sobra. Salamat, huh.”

“Hindi kaya mabinat ka? Hindi ba pinagpahinga ka ng amo mo?”

“Okay lang ako. Saka first time kung mamasyal simula no’ng dumating ako rito.”

“Nga naman. Tara doon tayo!” bigla ay turo ni Lily sa isang fastfood chain.

“Sandali..!”

“Bakit?” tanong ni Lily kay Danica na noon ay seryusong nakatingin sa isang malaking monitor. “Sino ba tinitingnan mo?” dag-dag pang tanong nito na tiningnan ang tinitingnan ng dalaga.

“Bagay sila,” wala sa loob na sambit ni Danica na awtomatikong naglandas ang mga luha sa mata. “Hindi na ako magtataka kung bakit niya ako ipinagpalit.”

“Tara na nga! Hindi niya deserve pag-aksayahan ng oras.”

ISANG malaking pizza hot at dalawang coke float ang in-oder ni Lily. Hindi nito alam kung paano aaluin si Danica gayong hindi ito matigil-tigil sa paghikbi kanina pa.

Si Andrie ang nakita ni Danica kanina na i-f-in-eatured sa isang magazine kasama ang Asawa nito.

“Diyos ko, dzai move on na. Maawa ka naman sa sarili mo.”

“Sobrang yaman pala talaga ng Asawa niya, noh at nakikita pa talaga sa t.v.,” sumisinghot-singhot na wika ni Danica habang pinupunasan ng tissue ang namumugtong mga mata.

“Malamang. Anak ba naman ng businessman. Pero Diyos ko huwag na nating pag-usapan ang siraulong pinsan kong iyon.”

“Mabuti pa siya masaya na.”

“Eh, ikaw lang naman pumipigil sa sarili mong maging masaya! Dzai hindi lang si Andrie ang lalaki sa mundo. Ang dami-dami diyan sa gilid-gilid oh, mga blue eyes pa.”

“Puro ka biro. Aanhin ko naman ‘yang mga blue eyes kung wala namang gusto sa akin.”

“Walang gusto kasi ayaw mo. Paano naka-pokus ka lang sa isang tao. Paano mo makikita iyong iba?”

Hindi makaimik si Danica. Totoo naman kasi ang sinabi ni Lily.

“I-try mong i-let go ‘yang feelings mo kasi inaamag na. Baka ikamatay mo ‘yan.”

“Maghahanap ako ng iba ganoon?”

“Why not? Iyan ‘yong dapat mong ginawa a year ago. Huwag kang marter. Wala nang nabubuhay na marter.”

“Parang ang hirap naman yata.”

“Alam mo dzai para sabihin ko sayo maganda ka. At pwede, kung gusto mong makahanap ng lalaki ayusin mo iyang sarili mo. Iwan mo ‘yang pagka-ignorante mo sa Leyte.”

“Aray ko Lily ang sakit, huh.”

“Totoo naman. Kita mo ‘yong sumakay tayo sa escalator kanina pinagtitinginan tayo ng mga tao. Tumalon ba?”

“At least nagawa kong sumakay. Hindi na ako takot,” pagmamalaki ni Danica.

Pinaikot ni Lily ang mga mata bago nagsalita. “Isa pa, bawas-bawasan mo iyang pag-conservative mo. Magugunaw na ang mundo virgin ka pa. Landi-landi rin kapag may time.”

Doon ay natawa si Danica. “Siraulo ka Lily puro ka kalukohan. Gagawin mo pa akong si Magdalena.”

“Dzai seryuso ako. Pero in fairness ngumiti ka na rin.”

“Luh, bahala ka.”

---

MADAlING lumipas ang araw. Lunes na naman at balik trabaho na naman si Danica. Si Lily at si Sheila ay kanina pa pumasok, 8:00 Am - 8:00 PM ang oras ng trabaho ng dalawa kaya maaga pa lang ay umaalis na ang mga ito ng bahay. Tuwing gabi naman ay sinusundo siya ni Lily sa pinagtatrabahoan niya.

Dahil sa alas Kwatro pa ang pasok niya ay minabuti niyang maglinis na muna na ng bahay; nagluto nang makakain pagkatapos para sa pananghalian at para mamayang gabi.

At bago nga mag-alas Kwatro ay pumunta na siya ng Café.

“Oh beh, kaya mo na?” ang agad na bungad ng kaniyang amo.

“Opo Ma’am,” sagot niya na inilapag sa isang mesa ang sling bag at tumulong kay Ellen sa pag-aayos ng mga upuan.

“Oy alam mo ang daming naghanap sayo kahapon at no’ng isang araw.” Si Ellen. Nangingiti ito habang sinsabi iyon. “Lalo na ‘yong si Ralph ang kulit.”

“Talaga?” tuwang tanong niya. Hindi niya maiwasang hindi pag-isipan ‘yong mga sinabi ni Lily. Sabagay hindi naman na masama kung susubukan niya.

Ilang sandali pa ang lumipas ay isa-isa na ring nagsidatingan ang mga kustomers. Gaya ng dati hindi na naman siya magkanda-uga-uga sa pag-iihaw. Sunod-sunod ang orders kaya naaabotan ang ibang nauna. Medyo nasanay na rin siya kaya nagagawa niya naman.

“Dan ito pa, oh. Saka request no’ng nasa table 5 ikaw raw magdala ng order niya.” Nilapag ni Ellen ng papel.

“Okay,” sagot niya at hindi nag-abalang tingnan ito. Alam niyang abot tenga ang pagkakangiti ng huli basi na rin sa tono nang pagkakasabi nito niyon. Ang weird.

Matapos niyang makompleto ang lahat ng orders ay binit-bit niya ‘yong panghuling tray na i-si-serve niya sa table 5.

“Here is your order, Sir!” magalang na wika niya sa matigas na puntó. Inilapag niya ang tray at inisa-isang s-in-erve ang mga order. “Enjoy Si---luh!”

Gulat siyang napatitig sa mukha ng kustomer, si ATM boy. Hindi niya inasahan ang pagdating nito.

“Teka, ngayon ba ‘yon?” tanong niya pa at umupo sa harap nito. Tumingin ito sa suot na relo. Noon niya lang napansin ang suot nitong black suit. Nakaayos ang buhok at umaalingasaw ang panglalaki nitong pabango.

“Yeah. It’s almost eight. Hanggang anong oras ka rito?”

“Hanggang hating gabi pa, eh,” napakamot sa ulo na sagot niya.

“What?” kunot ang noong wika nito sa mahinang tinig. Sa pagtataka niya ay tumayo ito at akmang papasok sa loob. Ang amo niya marahil ang pakay nito.

“Teka lang. Ano ang ginagawa mo?”

“Ipapaalam kita sa boss mo.”

“A-ako na,” presenta niya. Mahirap na at kung anu-ano pa ang sasabihin nito.

HINDI mapakaling pinagkiskis ni Danica ang mga palad habang kausap ang amo. Nahihiya siya na baka isipin nitong umaabuso siya kaya ipinangako niya sa sariling huli na ‘to.

“Talaga ba, Dan boyfriend mo ang gwapong ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ni Ellen na pasulyap-sulyap kay Dylan. Babasagin ang mga ding-ding kaya kitang-kita ang mga tao sa labas.

“O-oo,” napangiwing sagot niya na hindi makatitig sa amo.

“Siya ba ‘yong tinutukoy ng matanda doon sa hospital?” tanong pa nito.

“O-oho,” sagot niya. Narinig nito lahat nang sabihin ang mga iyon no’ng Lolo ni Dylan.

Napangiti ang kaniyang amo. “Kaya naman pala hindi ka maka-move on.” Tumingala ito kapagkuwan at bahagyang kumurap-kurap. “Hays, bakit parang nalulungkot ako. Pakiramdam ko may mawawala na naman akong waitress.”

Hindi nagsalita Danica. Hindi naman kasi mangyayari ‘yon. Pansamantala lang naman ‘tong pagpapanggap nila ni Dylan. At isang hindi pagkakaunawaan ang narinig nito sa hospital.

“Sige na at mukhang naiinip na ‘yong boyfriend mo,” makaraan ay wika ng kaniyang na nakatingin sa labas. Napatingin din siya. Nakabusangot si ATM boy at panaka-nakang tumitingin sa suot na relo.

“Salamat po,” wika niya at iniyuko ang ulo bilang paggalang.

SA baba ng Café kung saan nakaparada ang sasakyan ni Dylan ay naghihintay sa labas ang isa sa mga tauhan ng Lolo nito. Agad nitong binuksan ang pinto pagkalapit nilang dalawa.

May inabot na paper bag si Dylan sa kaniya pagkasakay nila sa loob. Nagbilin din ito ng mga dapat niyang gawin at sabihin.

SUOT ang itim na besteda at sapatos ay muling sinipat ni Danica ang sariling repleksyon sa salamin. At nagustuhan niya naman ang nakikita niya. Malayong-malayo sa dating Danica.

Sa isang magarang hotel siya dinala ni Dylan kung saan gaganapin ang ceremony para sa death anniversary ng Lola nito.

Muli siyang umikot upang suriin ang kabuuan bago lumabas ng banyo.

Sa hallway ay natanaw niya si Dylan na abala at may kausap sa telepono. Nagsimula siyang maglakad palapit rito na hindi ito inaabala. Tila naman nahimigan ng huli ang presensya niya dahil sa bigla nitong paglingon. Sandaling naghinang ang kanilang mga mata. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagkailang na hindi niya maintindihan.

“You’ve really changed a lot,” komento nitong ibinulsa ang telepono. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.

“Kinakabahan ako Dy---.”

“It’s babe. Call me babe,” pagtatama nito.

Sus Ginoo! usal niya sa sarili. Parang ang hirap niyon bigkasin at isuhestiyon na PANGGA na lamang.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
pangga hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status