Share

CHAPTER 7

Kinabukasan ay nagpunta sa grocery store si Angelo kasama ang anak na si Angela.

"Anak pumili ka na ng mga nais mo, basta huwag lang puro junk food ahh, masama sa katawan yun kapag marami" sambit ni Angelo sa anak.

Matapos mamili ng mag-ama ay umuqe na din silanh dalawa ng anak.

"Daddy ilalagay ko na p sa refrigerator yung mga drinks and yung mga pang ulam".

"Sige anak, magpahinga kana muna dahil alam kong napagod ka kanina sa pamimili.

Maagang nakatulog ang mag-ama. Napagod din kase si Angelo ng araw na iyon. Napagod siya sa pamimili dahil namili na sila ng anak niya ng mga pagkain nila na good for one month na.

Naalimpungatan si Angelo sa kaniyang pagkakatulog matapos tumunog ang kaniyang cellphone.

"hello, who's this?" tanong ni Angelo sa kausap matapos sagutin ang tawag ng hindri tinitignan kung sinong natawag

"Bro, it's Hubert, natutulog kana ba?" sagot naman ng kaibigan

"Oo natutulog na kami, bakit ka ba napatawag? Anong oras na ahhh?" tanong nk Angelo

"I need your help kase, emergency lang, wede ka bang pumunta sa opisina ko?" tanong naman ni Hubert sa kaibigan

"Hindi ako maaaring umalis bro, walang kasama ang inaanak mo dito, umuwe kase si nanay Lorry, bukas pa ang balik niya" sagot naman ni Angelo saka umupo sa kaniyang kama

"O sige ganito nalang, ihahatid ko nalang diyan si Loraine, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Lasing na lasing kase at saka may pupuntahan pa kase ako kaya hindi ko siya maiintindi" saad ni Hubert sabay patay ng tawag.

Agad na bumangon si Angelo at inayos ang guest room upang doon patuluyin ang Fiance ng kaniyang kaibigan.

Makalias ang halos kalahating oras ay nakarinig na siya ng busina ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay kung kaya naman ay agad na siyang lumabas.

"Bro, patulong naman" saad ni Hubert na agad naman niyang nilapitan

Inakay nila si Loraine papasok ng kanilang bahay hanggang sa makarating sila sa guest room.

"Bro, mauna na ako ha, ikaw na bahala diyan kay Loraine" saad ni Hubert saka tinapik ang braso ni Angelo bago lumabas.

Wala ng nagawa pa si Angelo kundi ang tumango sa kaibigan.

Matapos umalisng kaibigan ay isir naniya ang gate at pinto ng kanilang bahay. Saka iya kumuha ng maligamgam na tubig na may tuwaleya at dinala sa kwartong tinutuluyan ni Loraine.

Sa kalagitnaan ng pagpupunas niya sa mukha at kamay ni Loraine ay bgla itong nagsalita at tila nagigising na.

"Nasaan si Angelo?"

"Hubert ihatid mo ako kay Angelo"

I love Angelo so much "

Mga salitang binibigkas ni Loraine hanggang sa ito ay makatulog na ng tuluyan.

Matapos punasan ni Angelo ang dalaga ay kinumutan niya ito saka bumalik sa kaniyang kwarto.

Madaling araw na ngunit hindi pa din dinadalaw ng antok si Angelo sa kaiisip sa mga pinagsasabi ni Loraine habang kaniyang pinupunasan.

Kinaumagahan ay napasarap ang kaniyang tulog kung kaya naman ay alas dose na ng tanghali ng siya ay magising.

Napabalikwas siya sa pagkakahiga ng masilayan ang sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mga mata at nakita din niya ang oras sa kaniyang orasan na nakasabit sa may malapit sa kaniyang bintana na patungo sa kaniyang veranda.

Agad siyang pumasok sa kaniyang banyo upang maghilamos at maligo saka nagsuot ng simpleng pambahapambahay dahil wala naman siyang pasok sa trabaho sapagkat araw ng linggo.

Matapos makapagbihis ay agad na siyang bumaba at tumungo sa kusina upang ipagluto ang anak na tiya niyang nagugutom na sa ngayon.

Nanlaki ang kaniyang mata sa nadatnan sa kusina.

,

Nakasuot ng apron ang isang babaeng minahal niya sa maling pagkakataon. Ang babaeng dahilan ng kaniyang pagkapuyat ay nagluluto ngayon sa kanilang kusina kasama ang anak na tila tumutulong pa.

"Loraine, nag-abala ka pa, sana ginising niyo na lamang ako. Anak dapat ginising mo si Daddy kung nagugutom kana" saad ni Angelo sa babaeng lihim niyang iniibig at sa kaniyang anak.

"Ano ka ba naman Angelo, kayang-kaya ko ito saka isa pa, ako nga ang nakagambala sa iyo kagabi, napuyat kapa tuloy. Kaya heto nagluto ako ng Kare-kare at Afritada saka Pakbet na ayon kay Angela ay favorite niyo daw" saad ni Loraine habang ihinahain ang kaniyang mga niluto.

Tinulungan ni Angelo si Loraine sa paghahain.

"heto pala egg sandwich with milk, hinanda namin ni Angela iyan para sayo, pang agahan mo sana kaso nga lang late kana nagising kaya di mo na nakain, pero ayos lang, meryendahin mo nalang iyan mamaya pag nagutom ka" Saad ni Loraine habang itinatago ang pagkain na sinasabi niya.

"Salamat, nag-abala ka pa. Kamusta naman pakiramdan mo? Wala ka bang hang-over?" Tanong ni Angelo dito habang sila ay kumakain ng tanghalian

"Wala naman na, nailigo ko naman na kase kanina. paggising ko. Buti na lang nga at lagi akong may dalang extrang pamalit. Pasensya na kayo ahh, lalo kana Angelo, naabala pa kita. Btw. Salamat pala sa pag-iintindi mo sakin kagabi" saad ni Loraine kay Angelo.

"Wala yun, siyempre busy yung kaibigan ko kaya Tinulungan ko lang intindihin yung fiance niya" seryong sambit ni Angelo habang patuloy sa pagkain.

Matapos nilang kumain ay nagpresinta na ang anak niyang si Angela na siya na ang maghuhugas subalit hindi ito pinahintulutan ni Loraine bagkus ay siya na ang naghugas ng kanilang mga pinagkainan at hinayaan na lamang niya si Angela na maglaro sa Kwarto nito.

"Angela, anak" tawag ni Angelo sa anak habang siya ay pababa ng hagdan.

"Yes po Daddy? May iuutos ka po ba? Saad agad ni Angela paglabas niya ng kwarto.

" Wala naman akong iuutos anak, tatanungin lang sana kita if want mo ulit mamasyal? "saad ni Angelo

" Yes daddy, salamat po agad daddy but pwede po ba natin isama si Teacher Loraine? "sagot naman ni Angela sa kaniyang daddy.

" So Ms. Loraine, free kaba ngayon? Want ni Angela na kasama kang mamasyal. Anak si Ms. Loraine ang makakasagot sa tanong mo"Sambit ni Angelo sabay baling sa anak

"Oo naman, wala naman akong pupuntahan ngayon" nakangiting sagot ni Loraine kay Angelo

"Hindi ba magagalit si Hubert?" nag-aalalang tanong ni Angelo

"Hindi yun, ano ka ba.. Ano tara na ba? Tapos naman na ako maghugas kaya free na ako" Nakangiting sambit ni Loraine habang nakatingin kay Angela

"Let's go, daddy, nakabihis naman na din po ako kaya tara na po" pangungulit ni Angela sa ama.

"Okay, okay, kukuhanin ko lang ang susi ng car at aalis na tayo" saad ni Angelo sa mabilis na umakyt sa Kwarto niya upang kuhanin ang susi.

Agad na umlis ang mag-ama kasma ang guro ng anak. Sa Mall Of Asia sila nagpunta. Tuwang tuwa si Angela sa mga nakikita niya.

"Daddy, want ko po magkaroon ng sariling aquarium sa ating bahay, gusto ko din po mag-alaga ng isda daddy" saad ni Angela sa daddy niya habang sila ay pasakay na sa kanilang sasakyan dahil ngayon naman ay tutungo sila sa zoo at doon naman sila mamamasyal.

"Okay baby, pwede naman mangyare yung gusto mo pero dapat hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo ha?" saad ni Angelo sa anak

"Yes po daddy promise, salamat po agad daddy, excited na po ako" sambit ni Angela sabay yakap at halik sa ama.

Pagkarating nila sa Zoo ay tuwang tuwa si Angela sa dami ng kaniyang nakikita.

"Okay, let's take a picture" sambit ni Angelo saka nagsimulang mag-groupie kasama si Loraine habang nakatalikod sa gorilya na nakingiti din sa camera.

"Okay babay, picturan ko kayo ni Teacher Loraine sa tapat ng Giraffe" saad ni Angelo at pumuwesto naman ang dalawa.

Nagpakain din ng mga Dolphins si Angela. At tuwang tuwa ito sa tuwing umaahon at tila sumasayaw ang mga dolphin sa harap niya.

Kinuhanan din niya ng litrato ang anak habang nagpapakain sa dolphin.

May litrato din silang mag-ama kasama ang iba't ibang mga hayop.

At siyempre hindi naman maaari na wala silang litrato na kasama si Loraine.

Sa mga arawan nilang tatlo ay mukha silangisang masayang pamilya.

"Daddy, kain na po tayo, nagugutom na po ako" nakasimangot na sambit ni Angela sa ama.

"Okay baby, someone told me na may malapit na kainan dito. At hindi daw basta kainan kundi Shrimp restaurants daw iyon, so ano anak G kaba don?" tanong ni Angelo sa anak

"G po daddy" saad ni Angela sa ama

"kung G ka, edi tara na at lilipad na tayo in the count of three" saad ni Angelo saka umupo ng paluhod ang isang paa sabay bilang

"Isa, Dalawa, Tatlo" Bilang ni Angelo na agad naman bumaba sa likod ng daddy niya si Angela

"Whoaa, we're coming shrimp restaurant" masayang sigaw ni Angelo habang nakababa ang anak

"" Yeheyy, I'll gonna fly going to that Resto"sigaw den ni Angela na tatawa tawa

Sa sayang nararamdaman ni Loraine ay nakisigaw at nakitakbo na din siya sa mag-ama.

"Yes, baby Angela is right, malapit na kami sayo Shimp Restaurant, uubusin namin ang tinda mo" masayang sigaw ni Loraine habang tumatawa din dahil sa sayang nadarama ng kaniyang puso kasama ang lalaking mahal niya at ang anak nito.

Natauhan si Loraine sa kaniyang pag-iisip ng tawagin siya ni Angela.

"Teacher Loraine, ano pong sa inyo? Ang sa amin po ni daddy ay tig-isa po kami nitong overload shrimp with bighead on top with free softdrinks saka po halo-halo." saad ni Angela habang tinuturo sa kaniya ang mga oorderin nila ng daddy niya.

"Ganiyan nalang din ang akin baby girl, same nalang tayo para paunahan tayo makaubos" pabirong sambit nito na sinabayan niya ng pagtawa

"Ayos po iyon teacher Loraine, gusto ko po iyon, paunahan tayo ni daddy, yeheyyy" masayang saad ni Angela habang pumapalakpak pa.

Si Angelo na ang umorder ng kanilang kakainin. Habang umoorder si Angelo ay hindi mapigilan ni Loraine ang sarili na titigan si Angelo sa malayo. Mula sa buhok nitong tila kaydulas hanggang sa likod nitong macho at ang tanggkad nitong kaygandang pagmasdan. Mga bagay kay Angelo na hindi maisip ni Loraine kung bakit labis niyang kinahuhumalingan.

Natauhang muli ang dalaga ng lumapit si Angelo sa lamesa nila at may dala ng softdrinks. Unli pala ang lahat ng inorder nila ayon kay Angelo.

Nang dumating na ang kanilang order ay wala na silang sinayang na oras at sinimulan na nilang kumain. Tuwang tuwa si Angela sa dami ng pagkaing kaniyang nakikita. Matapos maubos ang unang lapag ng pagkain ay nagpalapag pa ulit sila ng para sa kanila ni Loraine sapagkat hindi pa nangangalahati sa kinakain niya si Angela.

Labis nilang na-enjoy ang kanilang pagkain dahil sa sobrang sarap na mga pagkaing kanilang inorder.

Matapos kumain ay nagkayayaan na silang umuwe sapagkat ala-siyete na ng gabi.

Matapos ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na din sila sa kanila

"Sige Angelo, ako na magsasara ng gate, ihatid mo na si Angela sa Kwarto niya. Paniguradong napagod iyan kaya mabilis na nakatulog" saad ni Loraine kay Angelo na ngayon ay buhat buhat ang anak na nasa kasarapan na ng tulog

"Sige, salamat, hintayin mo nalang muna ako sa sala, ihahatid na kita sa inyo" saad ni Angelo saka dali-daling hinatid ang anak sa Kwarto nito. Kinumutan muna niya ito saka binuksan ang electric fan at pinaikot saka isinarado ang pinto.

Paglabas ni Angelo mula sa Kwarto ng anak ay siyang labas din ni Nanay Lorry na tagapag-alaga niya sa anak sa tuwing siya ay nasa trabaho. Nasa katabing silid lamang ng silid ng anak ang silid na tinutulugan ni Nanay Lorry.

"Oh nay, nandito na po pala kayo, mano po" saad ni Angelo sabay mano sa matanda

"oh iho may bisita ka pala, sandali at ipaghahanda ko kayo ng meryenda" saad ni nanay Lorry na akmang tutungo na sa kusina kung hindi lang napigilan ni Angelo.

"huwag na po nay, busog pa naman po kami kase kumain po kami ng hapunan sa shrimp restaurant malapit sa zoo."saad ni Angelo

" Ahh ganoon ba? Ay siya aayusin ko na muna ang guest room at ng may matuluyan itong kaibigan mo"saad muli ni nanay Lorry.

"Ahh nay ihahatid ko nalang po siya sa kanila. Maaari ko po bang iwanan sandali sa inyo si Angela? Babalik din po ako kaagad pagkahatid ko po sa guro ni Angela" saad ni Angelo

"Oo naman iho, ano ka ba namang bata ka, ako naman lagi ang pinag-iiwanan mo sa bata kaya ayos lamang" saad ng matanda

"Salamat po nay" saad ni Angelo

"Teka iha ano bang pangalan mo at saan ka ba nakatira?" tanong ng matanda kay Loraine

"Ako po nay si Loraine, guro po ako ni Angela nitong nagdaan na klase. Sa cavite po ang uwe ko ngayon, doon po kase ako nagtitigil kapag bakasyon pero kapag may pasok naman po ay dito lang po ako sa may kanto, dito po sa Santa Mesa , may inuupahan po akong dorm doon, rent to own po siya kaya baka by next year po ay dito na po ako sa Santa Mesa magtigil. "saad ni Loraine sabay mano sa matanda.

" Ayy mabuti iyan iha, maigi naman kung may mapupundar kana. Itong si Angelo naipundar niya itong bahay at saka ang kaniyang sasakyan sa pagtatrabaho niya sa kumpanya ng kaniyang kaibigan na si Hubert. At saka itong si Angelo ay may maliit na coffee shop doon sa may kanto, pinababantayan niya sa panganay kong anak tapos yung second floor nung building na kinatatayuan ng kaniyang coffe shop ay mini grocery store naman, yung pangalawa kong anak naman ang nagbabantay. At eto pa pinapaayos niya ang building, pinalalagyan ng third floor at tatayuan naman daw niya ng clothing line tapos yung bunso kong anak naman ang pagbabantayin niya. Masyado na kase siyang busy sa trabaho kaya ayun kailangan niya talaga ng tagapagbantay kaya naman ayan ultimong lovelife hindi na niya maasikaso. "kwento ni nanay Lorry kay Loraine.

" "Business minded po pala itong daddy ni Angela nay, naku po nay panigurado po, swerte ng babaeng iibigan nito ni daddy Angelo" saad ni Loraine sa matanda

"Ano pa nga ba, ewan ko ba sa batang ito at ayaw humanap ng bagong kabiyak at ng may kasama na siya at katulong sa pagmamahal at pag-aalaga sa anak niya, masyadong workaholic ang batang ito" saad ng matanda kay Loraine.

"Nay naman, alam niyo naman po diba na si Angela ang buhay at priority ko, saka na ang lovelife lovelife na iyan, kahit nga wag na eh, may nanay Lorry naman na akong kasama at katulong sa pag-aalaga kay Angela". Saad ni Angelo sa matanda na tila naglalambing.

"Aba anong wag na, paano kung mamatay ako, edi wala ka ng katulong sa pag-aalaga? Imaw talagang bata ka,huwag kana kaseng masyadong workaholic at saka torpe at ng magkaroon ka naman ng kasintahan" saad ng matanda kay Angelo

"Okay po nay, sige na po, aalis na po kami, may dala na po akong susi kaya hindi niyo na po kailangan magbukas ng pinto kahit may kumatok pa, ingat pi kayo dito nay, babye po, alis na pi kami" saad at paalam ni Angelo

"Babye po nay, salamat po sa time" paalam din ni Loraine sa matanda

"Oh sige, mag-iingat kayo ha!" bilin ng matanda saka nilock ang gate at mga pinto matapos umalis ng dalawa.

"Sakay kana po ma'am" Saad ni Angelo matapos pagbuksan si Loraine sa passenger seat

"Salamat" saad ni Loraine pagkaupo nito at pagkasara ni Angelo ng pintuan.

Naging tahimik ang dalawa sa biyahe. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Salamat po Ms. Loraine sa pagsama mo sa amin ng anak ko sa pamamasyal saka pasensya kana po sa kakilitan ni Angela" basag ni Angelo sa katahimikan nilang dalawa.

. "Ako nga dapat ang mag pasalamat dahil sa experience na pinaranas niyo sa akin. Ang sarap palang kasama ni Angela. Ibang iba ang Angela na nakasama ko kanina sa Angela na tinuturuan ko sa paaralan. Napakamasayahin at bibo niya kanina sa mga pinasyalan natin. Unlike kapag nasa klase kami. Tahimik lang siya, nakikinig sa akin o sa nagtuturo sa unahan. Masyadong focus sa pag-aaral. Hindi din siya mahilig makipaglaro sa kaniyang mga kaklase sa paaralan. Grabe napaka disiplinadong bata ni Angela. Kapag oras ng pag-aaral, nag-aaral lang siya at kapag oras ng pamamasyal o paglalaro, doon niya nilikibang ng husto ang sarili niya. Napakasuwerte mo sa anak mo daddy Angelo. Mabait na bata si Angela at disiplinado. At halata mo sa kaniya na mahal na mahal ka niya. "Saad ng guro ni Angela na si Loraine.

" Mabait at disiplinado po talagang bata iyang si Angela Ms. Loraine kase noong bata palang po kase iyan ay tinuruan ko na po na ang bawat bagay ay may tamang oras na nakalaan at dapat ay alam natin kung paano natin ihahandle ang bawat gawain na naaayon sa bawat oras na mayroon tayo. Kagaya na lamang ng pagkain, hindi tama na habang kumakain ay naglalaro at sabi ko den po sa kaniya ay ang pag-aaral ay dapat pag-aaral lang hindi pwedeng sabayan ng ibang bagay gaya ng paglalaro. Dapat kako kapag nag-aaral ang isang tao, hindi siya naglalaro dahil ang pag-aaral ay hindi isang laro.Kaya kinalakihan po niyan ni Angela na lahat ng bagay ay may tamang oras na nakalaan at tamang panahon na hindi dapat isabay sa ibang bagay. Kaya po kapag nag-aaral iyang si Angela, wala ka po talagang makikitqng kahit isang laruan o gadgets malapit sa kaniya pero kapag oras naman po ng paglalaro, wala ka naman makikitqng gamit sa pag-aaral na malapit sa kaniya. She know how to handle her time po gaya ng itinuro ko sa kaniya noong bata pa siya. Saka palagi ko po sinasabi diyan na kapag week of exams o may exam siya dapat magfocus siya doon at huwag munang maglalaro, sa kabutihang palad naman po ay ganoon ang ginagawa niya. Saka tinuruan ko din po iyan na huwag mang-aaway o makikipag-away sapagkat masama iyon, and always be honest at all time kaya laking pasalamat ko po at lahat naman ng itinuro ko sa anak ko ay sinusunod niya. Panigurado nga po na kung sakaling buhay pa at nakikita ng mommy niya ang itsura at ugali ni Angela, sure ako magiging proud siya sa anak niya"masaya na may halong lungkot na saad ni Angelo.

"Ang suwerte naman pala ni Angela sa daddy niya" saad ni Loraine

"Mas suwerte po ako sa kaniya ma'am" pigil ang luhang sambit ni Angelo.

Muling nabalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Loraine. Matapos bumaba at makapasok ng dalaga sa bahay nila ay agad ng umalis at bumalik si Angelo pauwe sa kanilang bahay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
maldita ko
sayang ang story ang last part ay inulit sa next chapter. sana maayos author, pangit kasi basahin. thank you
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status