"Ang suwerte naman pala ni Angela sa daddy niya" saad ni Loraine
"Mas suwerte po ako sa kaniya ma'am" pigil ang luhang sambit ni Angelo.Muling nabalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Loraine. Matapos bumaba at makapasok ng dalaga sa bahay nila ay agad ng umalis at bumalik si Angelo pauwe sa kanilang bahay.Madaling-araw na ng makarating si Angelo sa maynila kung saan siya nakatira. Agad siyang pumasok sa kanilang bahay ng dahan-dahan gamit ang kaniyang Susi at agad ring isinara ang kanilang gate at pinto. Siniguro niyang nakalock na ang mga ito bago siya umakyat sa kaniyang kwarto."Good morning nay" bati ni Angela sa matanda sabay halik sa pisnge nito."Good morning iha, anong nais mong agahan at ng maipaghanda kita?" saad ng matanda habang nagpapainit ng tubig sa kusina."Silog nalang po nay, Si daddy po, nakaalis na?" tanong ni Angela sa matanda"Tulog pa ang daddy mo, inumaga na yata ng uwe yun kagabi kaya hayaan mo nalang muna siyang matulog, kumain kana at saka ka maglaro sa playground mo para hindi ka magutom sa paglalaro" saad ng matanda sa bata"Sige po nay, pero nay saan po galing si daddy kagabi? Saka anong oras na po kami nakauwe kagabi nina daddy? Si ma'am Loraine po, saan natulog?" sunod sunod na tanong ni Angela sa tagapag-alaga niya."Gabi na kayo nakauwe kagabi, tapos pagkauwe niyo ay ihinatid ng daddy mo ang teacher Loraine mo kaya inumaga na kase malayo ang pinaghatiran niya sa iyong teacher Loraine" Paliwanag ng matanda sa alaga nitong si Angela."Ahh ganon po ba nay, sige po nay manonood po muna ako ng cartoons habang nagluluto pa po kayo, sabay na po tayo nay sa pagkain po ahh" saad ng bata saka nagmadali sa pagpunta sa sala at binuksan ang telebisyon nila at nagsearch ng learning tutorial for grade four na palabas.Nag-asikaso na ang matanda ng pagkain na nais ng kaniyang alaga.Naghiwa siya ng bawang habang nagpiprito ng longganisa. Matapos maluto ang longganisa ay hiniwa din niya ito ng maliliit saka dinurog ang kanilang natirang kanin.Isinalang niya ang kawali at saka iginisa ang bawang sa mainit na mantika saka inilagay ang dinurog na kanin saka hinaluan ng longganisa at itlog.Matapos hanguin ang sinangag ay isinalin niya ito sa malaking lagayan. At muling nagsalang ng kawali upang magprito ng tatlong itlog.Pagkatapos nitong magluto ay inihanda na nito ang pagkain ng alaga saka lumabas ng kusina upang tawagin na ang alaga."Angela, halika na muna, kumain na muna tayo bago ka magpatuloy sa panonood mo" saad ng matanda sa alaga"sige pi nay, susunod na po" saad ni Angela saka pansamantalang itinigil ang pinapanood at sumunod na sa matanda sa kusina.Sabay na kumain ang dalawa at sarap na sarap si Angela sa kaniyang kinakain dahil isa ito sa paborito niyang kainin kapag umaga."Nay, ang sarap mo po talaga magluto, hindi po nakakasawa" masayang sambit ni Angela sa tagapag-alaga niya."Haynaku, ikaw talagang bata ka, nambola ka pa. Kunain ka nalang ng kumain riyan at heto oh madami pa dito kung nais mo pang humirit" saad ng matanda sabay turo sa nasa sandukan."Hindi po bola iyon nay, masarap po talaga ang luto niyo" sambit muli ni Angela"Oh siya, sige na kumain ka na ng kumain diyan" saad ng matanda ng matapos itong kumain saka naghugas ng kaniyang pinagkainan.Matapos kumain ni Angela ay siya na ang nagkusang naghugas ng pinagkainan niya bago siya muling bumalik sa kaniyang panonood.Matapos anghalos dalawang oras na panonood ni Angela ay nagising na ang kaniyang ama."Hello anak, kumain kana ba ng umagahan?" Tanong ni Angelo sa anak sabay halik sa noo ulo nito"Yes po daddy, kumain na po ako, kain kana din po daddy, may pagkain na pong hinanda si nanay Lorry sa lamesa po." Osige anak, kakain na muna ako at papasok pa ako sa trabaho mamayang hapon"saad ni Angelo sa anak bago umalis at pumunta sa kusina."Okay po dad, eatwell po" saad ni Angela sa amaKumain si Angelo sa kusina at saka muling umakyat sa kaniyang kwarto upang maggayak dahil alas-onse na ng siya ay magising.Matapos maggayak ay nagpaalam na ito sa anak na aalis na at pupunta sa trabaho.Eksaktong alas-dose trenta ng siya ay makarating sa kanilang opisina.Agad na sinimulan ni Angelo ang kaniyang mga gawain na natambak na dahil tinanghali siya ng pasok.KNOCK KNOCK KNOCKNapaatigil si Angelo sa ginagawa dahil sa kung sinong kumatok."Tuloy" seryosong saad ni Angelo sa kumatok ng hindi nag-abalang lingunin ito at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa."Good afternoon daddy Angelo" bati ng kakapasok lamang."Good morning din Ms. Loraine, ikaw pala iyan, anong kailangan mo ma'am? Gulat na saad nito na hindi inaasahang magkikita silang muli ng babaeng nais na talaga niyang iwasan." Ahh wala naman akong kailangan, nais ko lang sana ibigay sa iyo itong niluto kong menudo baka kase hindi ka pa nananghalian, pa thank you ko na sa iyo sa paghatid mo sa akin kagabi" saad ni Loraine kay Angelo."Salamat, sana hindi kana nag-abala pa" saad ni Angelo dito"Ayos lang yun, ano kaba? Halika subuan na kita para hindi kana magambala sa ginagawa mo" saad ni Loraine habang binubuksan ang malutuan na dala niya na naglalaman ng pagkain na ihinanda niya para sa lalaki."Hi-hindi na, ako na lang, kaya ko na, salamat salamat" kabadong saad ni Angelo saka akmang kukuhanin kay Loraine ang kutsarang hawak nito."Ako na para ituloy mo na iyang ginagawa mo" malambing na saad ni Loraine na hindi maintindihan ni Angelo kung bakit iyon ginagawa ng dalaga."Hindi na, busog pa naman ako, mamaya ko na lamang iyan kakainin kapag nagutom ako, saka baka makita pa tayo ni Hubert, kung ano pa isipin nun, pasensya na talaga ma'am, salamat dito" saad ni Angelo at saka kinuha ang pagkain sa dalaga at itinago sa kabilang table niya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.Walang nagawa si Loraine kundi ang lumbas na sa opisina ni Angelo at bumalik sa opisina niya.Matapos umalis ng dalaga sa opisina ni Angelo ay agad na nilock ni Angelo ang opisina niya at saka napahawak sa kaniyang lamesa."Tama lang ang ginawa mo Angelo. Bawal kang mahulog sa kaniya kase kasintahan na siya ng kaibigan mo. Mabait lang talaga siya at walang Kahulugan iyong mga ginawa niya kaya pigilan mo ang puso mong umibig sa kaniya.Huwag ka nang magpakatanga pa Angelo, wake up whoa "saad ni Angelo sa sarili habang pinipigilan ang pusong bumibilis ang tibok sa dalaga.LORAINE'S POVKNOCK KNOCK KNOCKKumatok ako sa pintuan ng opisina ni Angelo matapos kong masilayan ang kaniyang pagdating."Tuloy" seryosong saad ni Angelo sa akin ng hindi manlang nag-abalang lingunin ako at ipinagpatuloy lamang ang kaniyang ginagawa."Good afternoon daddy Angelo" bati ko dito pagkasara ko sa pintuan. ."Good morning din Ms. Loraine, ikaw pala iyan, anong kailangan mo ma'am? Gulat na saad nito sa akin na para bang hindi inaasahang makikita niya ako." Ahh wala naman akong kailangan, nais ko lang sana ibigay sa iyo itong niluto kong menudo baka kase hindi ka pa nananghalian, pa thank you ko na sa iyo sa paghatid mo sa akin kagabi" saad ko kay Angelo saka iniabot ang dala kong pagkain."Salamat, sana hindi kana nag-abala pa" saad ni Angelo sa akin."Ayos lang yun, ano kaba? Halika subuan na kita para hindi kana magambala sa ginagawa mo" saad ko habang binubuksan ang malutuan na dala ko na naglalaman ng pagkain na ihinanda ko para sa kaniya."Hi-hindi na, ako na lang, kaya ko na, salamat salamat" saad ni Angelo saka akmang kukuhanin sa akin ang kutsarang hawak ko."Ako na para ituloy mo na iyang ginagawa mo" sad ko sa kaniya sabay amba ng subo dito."Hindi na, busog pa naman ako, mamaya ko na lamang iyan kakainin kapag nagutom ako, saka baka makita pa tayo ni Hubert, kung ano pa isipin nun, pasensya na talaga ma'am, salamat dito" saad ni Angelo at saka kinuha ang pagkain sa akin at itinago sa kabilang table niya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.Wala akong nagawa kundi ang lumbas na sa opisina ni Angelo at bumalik sa opisina ko.Matapos pumasok ni Loraine sa kanilang silid na inookupa ay agad namang sumunod si Angelo. "Sabi ko nga po hindi na muna ako mag-iisip ng kung ano-ano e" natatawang sambit ni Angelo habang nakaupo sa kama katabi ni Loraine. "Dito ka na sa kama matulog, doon na lamang ako sa sofa para mahimbing ang tulog mo" saad ni Angelo sa dalaga. "Ang lawak-lawak ng kama na ito Angelo, Bakit sa sofa ka pa matutulog pwede naman tayong magtabi na lamang dito sa kama" saad ni Loraine habang itinuturo ang kama sa binata. "Sigurado ka ba na ayos lang sayo na magkatabi tayo sa pagtulog?" tanong ng binata sa dalaga. "Oo naman, ayos lang sa akin dahil naniniwala naman ako na kagaya ni Angela ay mabait ka din. Wala ka namang gagawing masama sa akin diba?" tanong ni Loraine sa binata. "O-oo naman, wala, saka matutulog lang naman tayo, hindi naman ako gagawa ng bagay na alam kong ikakagalit mo at ikakasira ng relasyon nating dalawa. At saka ayoko naman ma-busted mo agad kaya behave lang ako, sige na, mat
Matapos nilang makapagbayad ng kanilang mga pinamili ay ipinadala na lamang ni Angelo ang lahat ng kanilang pinamili sa kaibigan at ipinakisuyo muna niya rito ang kaniyang anak. "May nahanap na akong magandang lugar na puwede nating puntahan Loraine. Sa lugar na iyon ay sigurado akong magiging masaya ka at hinding hindi natin malilimutan ang first date nating dalawa" malambing na saad ni Angelo sa dalaga habang nakatitig sa mga mata nito. "Akala ko ba kakain lang tayo sa labas?" takang tanong ng dalaga. "Actually, yes, that was my plan before but Loraine, it's our first date and I want it to be memorable and re,markable" sagot naman ni Angelo"Kaya naisipan kong mag star-gazing na lamang tayo sa Baguio tonight tutal may car naman akong dala. let's enjoy this night together Loraine" dagdag pa ni Angelo habang maingat na nagmamaneho. Lumipas ang ilang oras nilang biyahe na tahimik lamang dahil kapwa sila nagkakahiyaang dalawa. "We're here na, nagpa-reserve na nga pala ako ng pinakam
Kinabukasan ay maaagang nagtungo sina Angelo sa bahay ni Hubert. “Tao po, tao po, Hubert, tanghali na gumising kanadiyan, Hubert, bango na diyan, Hubert”sigaw ni Angelo habang kinakalampag ang gate ng bahay ni Hubert. “Ano ba? Sino ba iyan? “iritang saad ni Hubert habang binubuksan ang gate. “Ako ito pare, si Angelo, ang pinakagwapo mong kaibigan na ipinadala mo sa Davao”natatawang sambit ni Angelo. “Ga*o, ikaw kaya ang nakiusap sa akin na ilipat kita ng branch, nagka-amnesia ka ba? “sagot naman ni Hubert dito. “Eto naman, oo na ako na nga ang nagpalipat, ikaw naman kase, hindi mo agad sinabi “diretsang sambit ni Angelo habang tuloy-tuloy na naupo sa sofa ng kaibigan sa sala nito na kasunod naman ang dalawa ni Angela at Loraine na pawang nakikinig lamang sa bardagulan ng dalawa. “Anong hindi ko agad sinabi? “takang tanong ni Hubert kay Angelo. “Hindi mo agaad sinabi na engaged ka na pala kay Patricia”saad naman ni Angelo. “Ano naman sa iyo kung engaged na kami? Bakit, kaya ka
Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat, lalong-lalo na ang batang si Angela na masyadong excited sa mga bagay na gagawin at pupuntahan nila ngayong araw. “Angela anak, magbihis kana at pupunta tayo sa mommy mo bago tayo dumalaw sa bahay ng ninong Hubert mo. “saad ni Angelo sa anak nito. “sige po daddy, salamat po kase pumayag po kayo na pumunta tayo kay mommy”saad ni Angela sabay halik sa daddy nito saka nagtatkbo sa banyo ng kaniyang kwarto at naligo saka nagbihis ng paborito nitong damit na bestidong kulay asul na kumikinang kinang. “Nakakatuwa naman talaga itong si Angela ano? Napakabait na bata, napaka bibo pa,. Ang swerte mo talaga sa kaniya Angel, at ganoon den siya sa iyo, napkaswerte niya na ikaw ang ama niya at ang swerte mo din na isiya ang naging anak mo. “humahangang sambit ni Loraine kay Angelo. “Oo nga eh, napakaswerte ko sa batang iyan, bukod sa kabaitan, matalino pa tapos namana niya lahat ng kagandahan ng kaniyang mommy kaya kahit maaga kaming iniwan ni Angel
Napatitig si Angelo kay Loraine ng makapasok siya ng kaniyang kotse. "I wish, I can call you mine. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para makamtan ang matamis mong oo, I Love You so much Loraine" bulong na sambit ni Angelo bago ginising ang dalaga. "Ms. Loraine, nandito na tayo sa bahay namin"saad niya ng magising ang dalagga. " Tuloy kana sa loob M. Loraine, bubuhatin ko na lamang si Angela papasok, nasa kasarapan pa siya ng tulog eh"saad ni Angela bago tumungo sa backseat at binuhat ang anak. Laking gulat niya ng makitang naandoon pa ang dalaga at tinulungan siya sa pagsasara ng pintuan ng kotse at pagsasarado ng gate at pinto ng sila ay makapasok sa loob ng bahay,. Dumiretso siya sa kwarto ng anak, ipinagbukas din siya ng dalaga at tinulungang magsara matapos nitong sumunod sa kaniya sa pagpasok. "salamat Ms. Loraine" saad ni Angelo dito. "Walang anuman. Maaari bang loraine na lamang ang itawag mo sa akin, tutal sa pagkakaalam ko naman ay umaakyat ka na ng ligaw sa ak
agad na nagsigayak ang tatlo at sumakay na sa kotse ni Angelo. Sa passenger seat naupo si Loraine habang masayang nagalalaro naman si Angela sa backseat ng kaniyang rubics cube na 3x3."Anong plano mo sa paglaki ni Angela, Gelo?" tanong bigla ni Loraine sa gitna ng kanilang biyahe. Lumingon muna si Angelo sa anak niyang ngayon ay nahihimbing na sa pagtulog bago sumagot sa tinatanong sa kaniya ng dalaga. "Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko sayo na secured na ang future ni Angela?" pabalik na tanong ni Angelo sa dalaga. "What do you mean, secured na?" naguguluhang tanong ni Loraine"Binilang ko kungilang taon pa ba mag-aaral si Angela after niyang makagraduate ng elementary. And according to my calculation, attleast six(6) years in highschool at four(4) years sa college, so bale ten (10) years pa diba?" saad ni Angelo. "Oo tama ka diyan, ten (10) years pa nga" sagot naman ni Loraine. 'Kaya nag ipon na ako sa bank account ko ng halagang one million pesos na para lang kay An