INICIAR SESIÓNElara's POV...
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kagabi.
Pagkasabi ni Master Damien ng mga salitang iyon na nagpakaba sa akin, bigla na lang akong lumabas ng kwarto niya.
Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataong magsalita pa.
Akala ko tatawagin niya ako ulit o papagalitan dahil sa ginawa ko, pero mabuti na lang at wala siyang ipinatawag sa akin.
Alam kong hindi tama ang bigla kong pagtalikod sa amo ko nang walang paalam.
Pero...
Hindi ba parang nakakabastos din naman ang sinabi niya?
Napabuntong-hininga ako habang inaalala ang nangyari.
Ayokong isipin iyon.
Mas kailangan kong mag-focus sa trabaho ko.
Alas otso ang pasok ni Young Master Clyde sa school, kaya kailangan kong gumising ng alas-sais ng umaga. Mahaba pa ang biyahe namin, at ayokong mahuli sa unang araw ko bilang tagapangalaga niya.
Pagkatapos kong mag-ayos, nagsuot lang ako ng simpleng maong pants at plain white shirt. Hindi ko kailangan ng magarbong damit—ang mahalaga ay maayos at komportable ako.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ni Young Master Clyde.
Marahan akong kumatok.
"Young Master...?" mahina kong tawag.
Walang sumagot.
Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.
Tahimik ang buong silid.
Ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding.
Nakahiga pa rin si Clyde sa kama, mahimbing ang tulog. Wala ang galit at inis na ipinakita niya kahapon. Sa halip, payapa ang mukha niya habang nakapikit.
Sandali ko siyang pinagmasdan.
Sa ganitong oras, hindi siya mukhang batang pasaway.
Mukha lang siyang isang batang nangangailangan ng pagmamahal.
Bahagya akong ngumiti bago marahang lumapit.
Inihanda ko ang kanyang mga gamit sa school—ang uniform, bag, at lahat ng kailangan niya para sa araw na iyon.
"Simula ngayon..." mahina kong bulong habang tinitingnan siya.
"Sasamahan kita, Young Master Clyde."
Hindi ko alam kung gaano kahirap ang magiging trabaho ko sa mansion na ito.
Pero alam kong hindi ko hahayaang maramdaman niyang mag-isa siya.
Ilang minuto rin akong nakatalikod, abala sa pag-aayos, nang bigla akong mapalingon.
Gising na siya-nakaupo sa kama, nakatitig lang sa akin."Hi, young master Clyde. Good morning," bati ko, may ngiting magaan.
"Ayoko pumasok ngayon," malamig niyang sagot.
"Naku, young master, hindi pwe-"
"Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!" sigaw niya, matalim ang tingin.
Napakuyom ako ng kamao. Kalma lang, bulong ko sa sarili.
"Magagalit si daddy mo pag hindi ka pumasok, young master Clyde," mahinahon kong sabi.
"I don't care!"
Bubuka pa lang sana ang bibig ko nang bumukas ang p***o.
Pumasok si Master Damien. Tahimik. Mabigat ang presensiya. Isang sulyap lang ang ibinigay niya sa anak-matigas, malamig-bago ako pinalabas."Leave us," mariin niyang utos, hindi man lang lumilingon sa akin.
Dumagundong ang dibdib ko. Maingat akong tumango at marahang isinara ang p***o, iniwan silang dalawa sa loob ng silid.
THIRD POV
Nakaupo si Clyde sa kama, nakatitig sa sahig. Tahimik, ngunit ramdam mo ang tensyon sa silid.
Si Master damien Tumayo sa tabi ng kama, nakatitig Kay Clyde..
"Why are you avoiding school again?" malamig niyang tanong,
"I just... don't want to," sagot ni Clyde, nanginginig man ang boses, parang Ayaw parin magpatalo sa ama.
Huminga ng malalim si damien. "Clyde...matuto kang sumunod sakin. Naiintindihan mo?"pabulong nitong Sabi sa anak.. halatang nag pipigil ng galit.
Ngunit sa halip na matakot, tumingin si Clyde nang diretso sa mata ni Damien, may halong galit at inis din. "Eh bakit? Hindi ko naman gusto. Bakit kailangan kong sundin ka palagi!!?"
"Because I said so," sagot niya, malamig, parang yelo. "Disobedience... may consequences."
Ngunit hindi sumuko si Clyde. "Ayokong pumasok, daddy!"
Si Damien ay tumigil, tinitigan ang anak nang matagal. Ang mga mata niya ay parang nagbabanta-malamig, matalim, nangingibabaw.
"Then you will learn... the hard way," mahinang boses niya, pero ang tono ay punong-puno ng control.
Nanahimik si clyde..
Huminga nang malalim si Damien.
Tumingin siya sa pambisig niyang relo."Wag mong pahirapan ang bago mong nanny... pang 15 na 'yan na naging nanny mo," wika niya, sabay talikod at lumabas ng kwarto.
Naabutan niya si Elara sa hallway, nakayuko at nakatayo lang. Pinagmasdan lang niya sandali, bago niya ito inutusan:
"Pumasok ka na. Asikasuhin mo ang bata."
Tahimik na tumango si Elara at maingat na pumasok sa kwarto..
Pagpasok ni Elara, naabutan niya si young master Clyde sa banyo.
Binuksan niya ang p***o, ngunit agad itong sumigaw:
"Get out!!"Napakamot si Elara sa ulo, bahagyang na-frustrate.
"Young master Clyde... hindi ka ba nagpapaligo na?" tanong niya, pilit na mahinahon.
Kaya mo na ba?" ulit niya, umaasang makukuha ang sagot.Walang tugon si Clyde. Napapakamot nalang si Elara at naupo sa gilid ng kama niya, bahagyang nag-aalangan.
Maya-maya, lumabas ang bata, nakabalot lang sa towel, naglakad sa kwarto nang may halong kumpiyansa at supladong aura.
"I'm done," sabi niya,
Napangiti nang bahagya si Elara. Alam niyang kahit ganito ang bata, kailangan pa rin niya ng konting pasensya at pag-unawa.
Matapos asikasuhin si Clyde at masiguradong maayos na siya, bumaba na sila.
Naabutan nila si Damien na tahimik na nagkakape sa dining table - malamig ang titig sa tasa na para bang may iniisip na mabigat.
Agad na umupo si Clyde sa tabi nito at tahimik na kumain. si Elara naman Sana ay balak pumunta sa sofa upang Doon ay maghintay, ngunit bago pa Siya makalakad, nagsalita si damien.
"Sit down and eat with us."
Malamig ang tono niya - walang lingon, pero ramdam kong ako ang tinutukoy. Sandali akong natigilan, naguguluhan kung ako nga ba ang kausap.
Nang sa wakas ay bumaling ang mga mata niyang matalim sa akin, agad akong napaupo sa tapat ni Clyde.Tumingin sa akin ang bata, at bago pa ako makangiti, nagsalita ito - deretsong parang kutsilyo sa dibdib.
"Umalis ka diyan... pwesto 'yan ni Mommy."
Napatigil ako. Para akong natanggalan ng hininga. Nahihiya akong tatayo sana para lumipat sa gilid niya, pero biglang sumingit ang boses ng ama nito - malamig at walang bahid ng emosyon.
"Diyan ka lang."
"But, Dad-"
Hindi na siya pinatapos ni Damien.
"Hindi na babalik ang mommy mo, Clyde. Kailan ba siya huling sumabay sa atin?"
Biglang natahimik ang bata. Dahan-dahang yumuko, at napansin kong nangingilid na ang luha nito.
Maya-maya, bumaling sa akin si Master Damien -
"Ibigay mo sa akin ang bank account mo. Itatransfer ko ang bayad sa ginawa sa'yo ni Trisha kagabi."
Umiling ako, dahan-dahan.
"Kunting galos lang naman po ito, Master Damien... ok lang po kahit 'wag na po," mahina kong sambit, pilit pinipigilan ang kaba sa dibdib.
"I make the rules here. You comply, and that's the end of it." seryoso nitong Sabi..
"Sige po..." napakagat ako sa labi habang napapayuko.
Mannerism ko na ang ganitong gawain kapag kinakabahan..
Kaso, halos sabay kaming mapatalon ni Clyde sa gulat nang biglang malakas niyang ibagsak ang kamay sa lamesa at sabay ng masamang tingin sa akin.
"Huh!? B-bak-"
"Finish your food, malalate na kayo," malamig niyang utos
Tumayo siya, iniwan kaming dalawa ni Clyde na parehong natulala, hindi makagalaw..
Elara's POV... Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kagabi.Pagkasabi ni Master Damien ng mga salitang iyon na nagpakaba sa akin, bigla na lang akong lumabas ng kwarto niya.Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataong magsalita pa.Akala ko tatawagin niya ako ulit o papagalitan dahil sa ginawa ko, pero mabuti na lang at wala siyang ipinatawag sa akin.Alam kong hindi tama ang bigla kong pagtalikod sa amo ko nang walang paalam.Pero...Hindi ba parang nakakabastos din naman ang sinabi niya?Napabuntong-hininga ako habang inaalala ang nangyari.Ayokong isipin iyon.Mas kailangan kong mag-focus sa trabaho ko.Alas otso ang pasok ni Young Master Clyde sa school, kaya kailangan kong gumising ng alas-sais ng umaga. Mahaba pa ang biyahe namin, at ayokong mahuli sa unang araw ko bilang tagapangalaga niya.Pagkatapos kong mag-ayos, nagsuot lang ako ng simpleng maong pants at plain white shirt. Hindi ko kailangan ng magarbong damit—ang mahalaga ay maayos at komportable ako.Lumab
Elara's POV. Napatitig ako sa likod ni Master Damien habang palabas siya ng pinto.Pagkatapos ay napatingin ako sa banyo kung saan naroon ang anak niya."Ano 'yun? Gano'n lang ba 'yon? Hindi ba niya pupuntahan ang anak niya?" tanong ko sa sarili ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Clyde.Lumapit ako sa pinto ng banyo at marahang kumatok."Young Master Clyde..." tawag ko.Walang sumagot."Young Master Clyde, ako ito... ang nanny mo," mahina kong sabi.Ngunit nanatiling tahimik ang loob.Mas lalo akong kinabahan.Lalabas na sana ako para humingi ng susi ng banyo nang biglang bumukas ang pinto—kaunti lamang."Young Master Clyde!" bulalas ko.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang naramdaman ko nang makita siya.Sobrang liit niya pa, ngunit parang ang dami na niyang dinadalang bigat.Nakatitig lamang siya sa akin.At doon ko siya napagmasdan nang mabuti.Ang mga mata niya...Ang hugis ng mukha niya...Halos eksaktong kopya ni Master Damien.Mas batang bersyon niya.Dahan
Elara's POVKabado akong bumalik sa mansion ni Master Damien habang bitbit ang malaking bag na dala ko. Agad naman akong pinapasok ng guard matapos nitong ipaalam sa loob ang pagdating ko.Pagdating ko sa front door ng mansion, nakita ko si Manang Bebang—ang siyang nagrekomenda sa akin para magtrabaho rito."Elara, sa opisina ka muna raw dumiretso. Sabi ni Master, para malaman mo ang mga ginagawa ni Young Master Clyde araw-araw," sabi niya."S-sige po..." mahina kong sagot.Kabado akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Master Damien. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at karangyaan ng mansion. Kahit ilang beses ko nang nakita ang lugar na ito, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko.Ngunit nang makarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ni Master Damien, pareho kaming biglang natigilan.Dahil kahit nasa labas pa lang kami, malinaw na naming naririnig ang pagtatalo sa loob."But Damien, you can't just cut off my allowance like that!" galit na sigaw ng isa
Elara's POV..Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking gate ng mansion na pagmamay-ari ng kilalang si Damien Drake Ashwood.Narito ako para mag-apply bilang nanny ng nag-iisa niyang anak na lalaki-si Clyde Ross Ashwood.Inirekomenda lamang ako ni Aling Bebang, isa sa mga kasambahay ng mansion. Kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Para bang bawat hakbang ko patungo sa mansiyon ay may kasamang bigat ng responsibilidad at isang misteryong hindi ko maipaliwanag.Pagkapasok ko sa loob, agad na nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong iginala ang paningin sa buong mansion.Grabe... ang gara naman dito!Kumikislap sa linis at karangyaan ang bawat sulok. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mamahaling muwebles, halatang walang kahit anong bagay rito ang basta-basta lamang.At higit sa lahat, ramdam ko agad ang kakaibang kapangyarihang bumabalot sa buong lugar.Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.Sigurado ba talaga akong kaya kong magtrabaho rito?"Miss Elara... sumun







