INICIAR SESIÓNElara's POV
Kabado akong bumalik sa mansion ni Master Damien habang bitbit ang malaking bag na dala ko. Agad naman akong pinapasok ng guard matapos nitong ipaalam sa loob ang pagdating ko.
Pagdating ko sa front door ng mansion, nakita ko si Manang Bebang—ang siyang nagrekomenda sa akin para magtrabaho rito.
"Elara, sa opisina ka muna raw dumiretso. Sabi ni Master, para malaman mo ang mga ginagawa ni Young Master Clyde araw-araw," sabi niya.
"S-sige po..." mahina kong sagot.
Kabado akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Master Damien. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at karangyaan ng mansion. Kahit ilang beses ko nang nakita ang lugar na ito, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko.
Ngunit nang makarating kami sa tapat ng p***o ng opisina ni Master Damien, pareho kaming biglang natigilan.
Dahil kahit nasa labas pa lang kami, malinaw na naming naririnig ang pagtatalo sa loob.
"But Damien, you can't just cut off my allowance like that!" galit na sigaw ng isang babae.
"If you don't want your allowance cut, then be a good mother to Clyde, Trisha!" malamig ngunit puno ng galit na sagot ni Master Damien.
"Bakit ikaw lang naman ang may gusto sa batang 'yun?! Hindi ka pumayag na ipalaglag siya noon, tapos ngayon oobligahin mo ako, Damien—!" lalo pang umiigting na sigaw ng babae.
Kasunod noon ay isang malakas na kalabog at pigil na iyak.
"Andiyan pa pala si Ma'am Trisha..." mahina bulong ni Manang Bebang sa akin. "Baka nanghihingi na naman ng pera kay Master."
Hindi na ako nakasagot. Nakatayo lang ako roon, hindi alam kung dapat ba akong umalis o manatili.
Maya-maya...
Biglang bumukas ang p***o.
Lumabas ang isang babae—maganda, elegante, ngunit may matapang at tila mapagmataas na aura. Ngunit agad kong napansin ang kamay niyang nakatakip sa pisngi at ang maliit na bahid ng dugo sa gilid ng kanyang labi.
Awtomatiko kaming napayuko ni Manang Bebang.
Masama siyang tumingin sa amin nang ilang segundo, tila naiinis na nakita niya kami roon. Ngunit matapos ang maikling pagtitig, tuluyan niya kaming nilagpasan.
Nanatili kaming tahimik habang sinusundan siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala sa hallway.
At sa unang pagkakataon, naramdaman kong may mas malalim na kwento ang pamilyang pinapasukan ko.
Ilang segundo muna kaming naghintay bago kumatok si Manang Bebang.
"M-Master Damien, andito na po si Elara," mahinahon niyang sabi.
"Come in..."
Marahang binuksan ni Manang Bebang ang p***o at pinapasok ako sa loob.
"Sit down," malamig niyang utos.
Umupo ako sa harap niya habang tahimik siyang nakatingin sa akin. Namumula pa rin ang kanyang mukha, bahagyang nakabukas ang ilang butones ng polo na suot niya mula sa leeg pababa sa dibdib. Halata pa rin ang galit na pilit niyang kinokontrol.
Sandali siyang tumitig sa akin bago bumuntong-hininga.
"Monday to Friday, 8 a.m. to 11 a.m. ang pasok niya sa school. Kinder siya. Pinakuha na rin kita ng guardian ID."
Tumango lamang ako habang maingat na nakikinig.
"Sunday ang rest day mo."
"About sa uniform... wala. Bahala ka na kung anong gusto mong isuot, basta naaayon at disente. Lalo na kapag papasok siya sa school."
"Maging maayos lang ang pag-aalaga mo at maging mabait ka sa anak ko... magtatagal ka rito."
"S-sige po, M-Master—"
"Leave."
Malamig niyang pinutol ang sasabihin ko.
Agad akong natahimik at alanganing tumayo.
"Salamat po, Master Damien," mahina kong sabi bago tuluyang lumabas.
Tumango lamang siya bilang sagot.
Paglabas ko ng opisina, may isang maid nang naghihintay sa akin. Ngumiti siya nang bahagya at itinuro kung saan ang magiging kwarto ko.
Pagkabukas ko ng p***o, hindi ko napigilang mamangha.
Malaki ang kwarto—halos doble pa yata ng bahay namin. Kumpleto ang lahat ng gamit at maayos ang bawat sulok. At ang mas ikinagulat ko, nasa tabi mismo ito ng kwarto ni Young Master Clyde.
"Salamat po," sabi ko sa maid habang nakangiti.
Tumango siya bago tuluyang umalis.
Inayos ko ang iilang damit na dala ko at nag-asikaso ng sarili. Plano kong silipin muna si Young Master Clyde para makilala siya nang maayos.
Ngunit bago pa ako makalabas ng kwarto...
May kumatok.
"Kakain na si Master Clyde, Elara..." sabi ng isang maid na sumalubong sa akin. "Sa kwarto niya muna siya kakain ngayon. Umalis kasi si Master Damien, kaya wala siyang makakasabay. Kapag gano'n, lagi siyang kumakain mag-isa sa kwarto niya."
"S-sige po... Tatandaan ko po iyon," sagot ko.
Kinuha ko ang tray ng pagkain at naglakad papunta sa kwarto ni Young Master Clyde.
Pagbukas ko ng p***o, agad akong sinalubong ng kadiliman. Tanging kaunting liwanag mula sa labas ang pumapasok sa silid.
"Young Master Clyde?" mahina kong tawag.
Walang sagot.
Hanggang sa napansin ko siya sa kama—nakasubsob, tahimik na humihikbi.
Ngunit nang maramdaman niyang may tao sa loob ng kwarto, bigla siyang napalingon.
"Get lost!!!" malakas niyang sigaw.
Kasunod noon, agad niyang ibinato sa akin ang mga unan na nasa tabi niya.
Napaatras ako nang bahagya, ngunit pinilit kong manatiling kalmado.
"Y-Young Master Clyde... kailangan mong kumain," mahinahon kong sabi habang inilalapag ang tray.
Umupo siya sa kama at pumikit nang mariin. Halata sa mukha niya ang inis at sama ng loob.
"Magagalit ang ama mo kapag hindi ka kumain..."
"I don't care!!" sagot niya.
Ngunit kahit galit ang tono niya, narinig ko ang bahagyang panginginig ng boses niya.
"Huh? Young Master Clyde... Bad po 'yan," sabi ko, pilit na pinapagaan ang tono.
Sandali siyang natahimik.
"They don't love me anyway..." mahina niyang bulong.
Ramdam ko ang bigat ng lungkot sa kanyang boses.
"Hindi..." malumanay kong sagot. "Young Master... walang magulang na hindi nagmamahal sa anak nila."
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
At sa mga mata niya, malinaw kong nakita ang halo ng galit, sakit, at lungkot na pilit niyang itinatago.
Sa unang pagkakataon, naisip ko na baka hindi lang pagiging makulit ang dahilan kung bakit siya ganito.
Baka may bagay siyang matagal nang kinikimkim.
Nang makita kong medyo kumalma na siya, dahan-dahan akong lumapit habang dala ang tray ng pagkain. Maingat ko itong inilapag sa gilid ng kama niya.
Ngunit bago pa ako makapagsalita...
Bigla niya akong sinipa.
"Aray!..." napadaing ako habang napaatras.
Masakit, pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Ayokong lalo siyang pagalitan o ipakita na natatakot ako sa kanya.
"G-gusto mo bang lumabas muna ako, Young Master Clyde, para makakain ka?" mahinahon kong tanong.
"Gusto kong umalis ka na!!" sigaw niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang sinabi.
"Lahat kayo, bayaran lang! Lahat kayo pera lang ang gusto, katulad ng mommy ko!!! Nagkukunwari lang kayong nagmamalasakit!!"
"Young Master..." mahina kong tawag. "Hindi po gano'n."
"Get out!!!!" mas malakas niyang sigaw.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Wala akong magawa. Kung pipilitin ko pa siya, baka lalo lang siyang magalit.
Kaya kahit mabigat ang loob ko, lumabas na lang ako ng kwarto.
Ngunit paglabas ko pa lamang...
Sakto namang may isang babaeng sumalubong sa akin.
Maganda siya, may mahabang blonde na buhok at elegante ang pananamit. Para siyang artista sa unang tingin.
At agad ko siyang nakilala.
Siya ang ina ni Clyde—ang babaeng kausap ni Master Damien kanina.
Akala ko umalis na siya.
"Hey, bitch! Where's that brat? Is he still awake?" malamig niyang tanong.
Napakurap ako, bahagyang nagulat sa paraan ng pagtawag niya sa sariling anak.
"Ah... opo, Ma'am. Nasa loob po siya," sagot ko.
Ngunit sa halip na pumasok, tinitigan niya muna ako mula ulo hanggang paa.
Umismid siya.
"Ikaw ba ang bagong yaya niya?"
"Mukhang ang bata ng bagong yaya ng anak ko..." mapanuyang sabi niya habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka bang marunong ka? O baka inaakit mo lang si Damien?"
"Naku, Ma'am! Wala pong gano'n!" mabilis kong tanggi.
Umismid siya at muli akong tiningnan nang mabuti.
"Sabagay..." nakangising dagdag niya. "Hindi naman papatol si Damien sa isang katulad mo."
Nanahimik ako.
Hindi ko alam kung anong tamang isasagot sa kanya, kaya pinili ko na lamang na huwag patulan ang mga salita niya.
"S-sige po, Ma'am... aalis na po muna ako. Babalik na lang po ako kapag tapos na si Young Master Clyde," sabi ko nang maingat.
"No. Stay here!!" singhal niya. "Trabaho mo 'yan, hindi ba? Maghintay ka."
Hindi na ako sumagot.
Nanatili na lamang akong nakatayo sa labas ng kwarto.
Sa isip ko, Grabe naman ang bibig ng mommy ni Clyde... Kung hindi lang ako natatakot na matanggal sa trabaho, baka kanina ko pa siya nasagot.
Pero pinigilan ko ang sarili ko.
Kailangan kong magtiyaga.
Maya-maya, pumasok siya sa loob ng kwarto.
Ngunit ilang minuto lamang ang lumipas...
May narinig akong iyak.
Napakunot-noo ako at agad kinabahan.
Boses iyon ni Clyde.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa loob, pero may kung anong kutob sa akin na hindi maganda.
Gusto kong pumasok.
Gusto kong alamin kung okay lang siya.
Ngunit nag-atubili ako.
Ilang segundo akong nanatili roon, nakapikit habang pilit na pinapakalma ang sarili.
Hindi... Hindi ko pwedeng pabayaan lang siya.
Napabuntong-hininga ako.
"Bahala na..." mahina kong bulong.
At dahan-dahan akong humawak sa doorknob.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto.
At tama ang hinala ko.
Nanigas ako nang makita ang ginagawa ni Ma'am Trisha kay Young Master Clyde.
Muli niyang itinaas ang kamay niya, handang sampalin ang bata.
Hindi na ako nag-isip.
Mabilis akong lumapit at hinawakan ang kamay niyang tatama sana sa pisngi ni Clyde.
"How dare you!!!" sigaw niya.
Gulat na gulat siya, tila hindi makapaniwala na may humarang sa kanya.
Hindi ko siya sinagot.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang pilit na pinipigilan ang galit at takot ko.
"Nanny ka lang ng batang 'yan! Wala kang karapatang hawakan ako, bitch!" galit niyang sigaw.
Hindi ko siya pinansin.
Agad akong lumingon kay Clyde.
Luhaan siya. Nanlalaki ang mga mata niya sa takot habang nakatingin sa amin.
"Clyde..." mahinahon kong tawag. "Pumasok ka muna sa banyo."
Ilang segundo siyang natigilan, ngunit agad din niyang sinunod ang sinabi ko.
Nang makaalis siya...
"You're fired!!" sigaw ni Ma'am Trisha.
Sunod-sunod niya akong sinampal.
Hindi ako gumanti.
Hindi ako lumaban.
Hinayaan ko lamang siya habang pinipikit ang mga mata ko at pinipilit pigilan ang sarili kong umiyak.
Hanggang sa biglang pumailanlang ang isang malamig at mabigat na boses.
"TRISHA, STOP IT!!"
Agad siyang hinila ni Master Damien palayo sa akin.
"Damien!! Patalsikin mo 'yan!" sigaw ni Trisha. "Hinawakan niya ako! Sinagot-sagot niya ako!"
Napatingin sa akin si Master Damien.
Parang hinihintay niya ang sasabihin ko.
Kung ipagtatanggol ko ba ang sarili ko.
Ngunit umiling lamang ako.
"H-hindi po, Master..." sagot ko nang nanginginig, habang pumapatak na ang luha ko.
Biglang bumukas ang p***o at pumasok ang ilang guard.
Napangisi si Ma'am Trisha, tila sigurado siyang ako ang mapaparusahan.
Ngunit ang sumunod na sinabi ni Master Damien ang nagpawala sa ngisi niya.
"Palabasin niyo siya ngayon din mula rito sa mansion."
Tumigil ang lahat.
"At siguraduhin n'yong hindi na siya makakapasok muli."
Nanlaki ang mga mata ko.
Akala ko...
Ako ang tinutukoy niya.
Napapikit na lamang ako, tinanggap ang akala kong mangyayari.
Ngunit bigla akong napadilat nang marinig ang malakas na sigaw ni Ma'am Trisha.
"Damien!!! Anong ibig sabihin nito?! Damien!!"
Sinimulan siyang kaladkarin palabas ng mga guard.
Hindi siya pinansin ni Master Damien.
Hindi siya sumagot.
Nanatili lamang siyang tahimik hanggang sa tuluyang mawala ang boses ni Trisha sa hallway.
Nang kami na lamang ang naiwan sa kwarto ni Clyde, mariin niya akong tiningnan.
Pagkatapos ay bahagya siyang bumuntong-hininga.
"Ayusin mo ang sarili mo..." malamig niyang sabi. "Babayaran ko ang ginawa sa'yo ni Trisha."
Pagkasabi noon, tumalikod siya at lumabas ng silid ni Clyde.
Naiwan akong tahimik.
Elara's POV... Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kagabi.Pagkasabi ni Master Damien ng mga salitang iyon na nagpakaba sa akin, bigla na lang akong lumabas ng kwarto niya.Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataong magsalita pa.Akala ko tatawagin niya ako ulit o papagalitan dahil sa ginawa ko, pero mabuti na lang at wala siyang ipinatawag sa akin.Alam kong hindi tama ang bigla kong pagtalikod sa amo ko nang walang paalam.Pero...Hindi ba parang nakakabastos din naman ang sinabi niya?Napabuntong-hininga ako habang inaalala ang nangyari.Ayokong isipin iyon.Mas kailangan kong mag-focus sa trabaho ko.Alas otso ang pasok ni Young Master Clyde sa school, kaya kailangan kong gumising ng alas-sais ng umaga. Mahaba pa ang biyahe namin, at ayokong mahuli sa unang araw ko bilang tagapangalaga niya.Pagkatapos kong mag-ayos, nagsuot lang ako ng simpleng maong pants at plain white shirt. Hindi ko kailangan ng magarbong damit—ang mahalaga ay maayos at komportable ako.Lumab
Elara's POV. Napatitig ako sa likod ni Master Damien habang palabas siya ng pinto.Pagkatapos ay napatingin ako sa banyo kung saan naroon ang anak niya."Ano 'yun? Gano'n lang ba 'yon? Hindi ba niya pupuntahan ang anak niya?" tanong ko sa sarili ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Clyde.Lumapit ako sa pinto ng banyo at marahang kumatok."Young Master Clyde..." tawag ko.Walang sumagot."Young Master Clyde, ako ito... ang nanny mo," mahina kong sabi.Ngunit nanatiling tahimik ang loob.Mas lalo akong kinabahan.Lalabas na sana ako para humingi ng susi ng banyo nang biglang bumukas ang pinto—kaunti lamang."Young Master Clyde!" bulalas ko.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang naramdaman ko nang makita siya.Sobrang liit niya pa, ngunit parang ang dami na niyang dinadalang bigat.Nakatitig lamang siya sa akin.At doon ko siya napagmasdan nang mabuti.Ang mga mata niya...Ang hugis ng mukha niya...Halos eksaktong kopya ni Master Damien.Mas batang bersyon niya.Dahan
Elara's POVKabado akong bumalik sa mansion ni Master Damien habang bitbit ang malaking bag na dala ko. Agad naman akong pinapasok ng guard matapos nitong ipaalam sa loob ang pagdating ko.Pagdating ko sa front door ng mansion, nakita ko si Manang Bebang—ang siyang nagrekomenda sa akin para magtrabaho rito."Elara, sa opisina ka muna raw dumiretso. Sabi ni Master, para malaman mo ang mga ginagawa ni Young Master Clyde araw-araw," sabi niya."S-sige po..." mahina kong sagot.Kabado akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Master Damien. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at karangyaan ng mansion. Kahit ilang beses ko nang nakita ang lugar na ito, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko.Ngunit nang makarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ni Master Damien, pareho kaming biglang natigilan.Dahil kahit nasa labas pa lang kami, malinaw na naming naririnig ang pagtatalo sa loob."But Damien, you can't just cut off my allowance like that!" galit na sigaw ng isa
Elara's POV..Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking gate ng mansion na pagmamay-ari ng kilalang si Damien Drake Ashwood.Narito ako para mag-apply bilang nanny ng nag-iisa niyang anak na lalaki-si Clyde Ross Ashwood.Inirekomenda lamang ako ni Aling Bebang, isa sa mga kasambahay ng mansion. Kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Para bang bawat hakbang ko patungo sa mansiyon ay may kasamang bigat ng responsibilidad at isang misteryong hindi ko maipaliwanag.Pagkapasok ko sa loob, agad na nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong iginala ang paningin sa buong mansion.Grabe... ang gara naman dito!Kumikislap sa linis at karangyaan ang bawat sulok. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mamahaling muwebles, halatang walang kahit anong bagay rito ang basta-basta lamang.At higit sa lahat, ramdam ko agad ang kakaibang kapangyarihang bumabalot sa buong lugar.Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.Sigurado ba talaga akong kaya kong magtrabaho rito?"Miss Elara... sumun







