INICIAR SESIÓN
Elara's POV..
Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking gate ng mansion na pagmamay-ari ng kilalang si Damien Drake Ashwood.
Narito ako para mag-apply bilang nanny ng nag-iisa niyang anak na lalaki-si Clyde Ross Ashwood.
Inirekomenda lamang ako ni Aling Bebang, isa sa mga kasambahay ng mansion. Kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Para bang bawat hakbang ko patungo sa mansiyon ay may kasamang bigat ng responsibilidad at isang misteryong hindi ko maipaliwanag.
Pagkapasok ko sa loob, agad na nanlaki ang mga mata ko.
Dahan-dahan kong iginala ang paningin sa buong mansion.
Grabe... ang gara naman dito!
Kumikislap sa linis at karangyaan ang bawat sulok. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mamahaling muwebles, halatang walang kahit anong bagay rito ang basta-basta lamang.
At higit sa lahat, ramdam ko agad ang kakaibang kapangyarihang bumabalot sa buong lugar.
Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.
Sigurado ba talaga akong kaya kong magtrabaho rito?
"Miss Elara... sumunod ka sa akin."
Agad akong tumango at naglakad kasunod niya.
Sa bawat hakbang, pilit kong kinokontrol ang panginginig ng aking mga tuhod at ang mabilis na tibok ng puso ko. Para bang kahit anong gawin ko, hindi ko kayang itago ang kaba.
Huminto kami sa harap ng isang malaking p***o.
Maayos siyang kumatok bago bahagyang yumuko.
"Master, andito na po si Miss Elara."
Ilang segundo ang lumipas bago isang malalim at baritonong boses ang umalingawngaw mula sa loob.
"Come in."
Napakagat ako sa labi at malalim na napalunok.
Ramdam ko ang init ng kaba sa buong katawan ko-halo ng takot at pananabik sa kung ano ang naghihintay sa likod ng pintong iyon.
Dahan-dahan kong hinawakan ang laylayan ng damit ko bago tuluyang pumasok.
Pagkapasok ko, agad akong napahinto.
Napanganga ako nang makita ang lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa. Nakasandal siya sa swivel chair habang tahimik na sinusuri ang biodata na hawak niya.
Malamig ang ekspresyon ng mukha niya.
Ngunit ang mga mata niya...
Matalim.
Para bang sa isang tingin lamang ay kaya niyang basahin ang bawat kilos at intensyon ng isang tao.
Unti-unti niyang ibinaba ang biodata at itinaas ang kanyang tingin.
Diretsong tumama sa akin ang malamig niyang mga mata.
Nanigas ako.
"Sit down."
Malalim at baritono ang kanyang boses-kalmado, ngunit puno ng awtoridad.
Agad akong sumunod.
Tahimik akong naupo sa harap niya, habang pilit na pinapakalma ang sarili.
Ito na ba ang magiging amo ko?
Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko na tila umaalingawngaw sa loob ng dibdib ko.
Bawat galaw niya, bawat matalim na titig, ay lalo lamang nagpaparamdam sa akin ng kakaibang tensyon. Para bang hindi lang simpleng job interview ang nangyayari sa pagitan namin.
"ELARA JANE VELASCO, 20 years old..." basa niya mula sa biodata na hawak niya.
Bahagya niyang ibinaba iyon bago muling itinuon sa akin ang kanyang malamig na mga mata.
"Anong alam mo sa pag-aalaga ng bata?" tanong niya, diretso at seryoso.
Simple lamang ang tanong, ngunit ramdam kong may bigat iyon. Para bang isang maling sagot lang ay sapat nang dahilan para hindi niya ako tanggapin.
Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko.
"M-Master...! Marami po!" mabilis kong sagot.
Bahagya akong umayos ng upo bago nagpatuloy.
"Kaya ko pong magtimpla ng gatas, magpalit ng diaper, magpakain, magpaligo at magbantay sa bata. Kaya ko rin po siyang patulugin at samahan kapag umiiyak siya."
Huminga ako nang malalim.
"Hindi man po ako eksperto, pero mabilis po akong matuto. At sisiguraduhin kong aalagaan ko nang mabuti si Master Clyde."
Tahimik siyang nakatingin sa akin.
Walang mababakas na emosyon sa mukha niya.
Lalo tuloy akong kinabahan.
Bakit parang mas nakakatakot pa ang titig niya kaysa sa mismong interview?
"He's five years old..." Malamig niyang sabi habang hindi inaalis ang tingin sakin.
"M-Master...! Kahit five years old pa po siya, hindi po ibig sabihin na hindi ko siya kayang alagaan!"
Mabilis akong napailing, halos magkadikit na ang mga kamay ko sa sobrang kaba.
"Kaya ko po siyang bantayan habang naglalaro, tulungan sa mga kailangan niya, at turuan siyang maging responsable sa sarili niyang mga gamit."
Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.
"At promise po... hindi po ako ganoong klaseng nanny."
Bahagya kong itinaas ang aking mga kamay, tila nais ipakita na wala akong masamang intensyon.
"Hindi ko po siya sasaktan o pagbubuhatan ng kamay kapag matigas ang ulo niya. Kakausapin ko po siya nang maayos at tuturuan kung ano ang tama."
Sandali akong natahimik.
Napansin kong nananatili lamang siyang nakatingin sa akin, walang anumang emosyon sa mukha.
Muli akong nagsalita..
"Marami po akong kapatid... Sunod-sunod po sila. Ako po ang nag-aalaga sa kanila noong maliliit pa sila, Master."
Bahagya akong ngumiti.
"At mahilig po talaga ako sa mga bata."
"Mahilig sa bata?" ulit niya.
May kakaibang ngisi na sumilay sa kanyang labi habang nakatitig sa akin.
"O-Opo..." mabilis kong sagot.
Napayuko ako sandali bago muling nagsalita.
"Simula po kasi bata pa ako, sanay na akong tumulong sa pag-aalaga sa mga kapatid ko. Dahil abala rin po sa trabaho ang mga magulang ko, madalas ako ang naiiwan para magbantay sa kanila."
Napangiti ako nang bahagya habang naaalala ang mga panahong iyon.
"Kaya po siguro, nasanay na ako. Marunong na rin po akong magpasensya, mag-alaga, at umintindi sa mga bata."
Muli akong tumingin sa kanya.
"At higit sa lahat... natutuwa po talaga akong makasama at maalagaan sila."
Sandali siyang nanahimik.
Hindi ko alam kung nakumbinsi ko ba siya o lalo ko lamang siyang binigyan ng dahilan para pagdudahan ako.
Pero sa unang pagkakataon, bahagya niyang ibinaba ang hawak niyang biodata.
"Hmm..."
Iyon lang ang sinabi niya.
Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, lalo akong kinabahan.
Ilang malalalim na pag hinga at malamig na expression niya bago siya nagsalita..
"You're hired."
Maikli lamang niyang sabi.
Ngunit sa dalawang salitang iyon, parang biglang nawala ang lahat ng kaba na kanina pa bumabalot sa akin.
Kumikinang ang mga mata ko sa tuwa.
"Talaga po?"
Napangiti ako nang hindi ko napigilan. Sa sobrang saya, napakagat pa ako sa labi ko.
Ngunit napansin kong bigla siyang napatingin sa labi ko.
Saglit na tumigil ang kanyang tingin bago siya bahagyang umiling.
"Don't bite your lips."
Seryoso ang kanyang tono-malamig at puno ng awtoridad.
Agad akong napahinto.
"O-Opo..."
Napahiya akong ibinaba ang tingin ko.
Bakit parang pati simpleng pagkagat ko sa labi, napansin niya?
Tahimik siyang bumalik sa pagbabasa ng biodata ko, na para bang walang nangyari.
Samantala, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Start tomorrow. You'll be staying in. So, bring everything you need... you aren't allowed to go out."
Malinaw at malamig ang boses niya, puno ng awtoridad, pero may kakaibang intensity na nagparamdam ng kontrol.
"Your salary is 35k a month... on top of your daily allowance.."
Sabi ni Master Damien, seryoso at diretso sa punto,"S-sige po, Master," nanginginig ngunit sumusunod ang tinig ko, ramdam ang kaba at excitement sa puso.
35k ang sahod!!OMG!!!
"Out.." malamig na utos nito na kinatayo ko agad at nagpaalam na bago lumabas.
Agad akong naglakad pag kasara ko ng p***o, ramdam ko pa ang kaba sa dibdib ko habang tinatahak ang malawak na sala ng mansion. Pero bigla akong napatigil nang makita ko ang isang batang lalaki sa gitna ng silid.
Nakangiti ito-isang inosenteng ngiti na biglang nabura nang itutok niya ang hawak na gun blaster sa yaya niyang papalitan ko.
"Bang!"
Parang tumigil ang oras. Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa nasaksihan ko. Ang bata... binaril niya ang sarili niyang yaya!!!
Aba!!!
Napahinto ako bigla nang marinig ang malakas na sigaw at iyak ng yaya.
Parang napako ako sa kinatatayuan ko habang nakikita kong tumatakbo ito palabas, hawak ang braso nitong tinamaan ng gun blaster.
Napalunok ako, hindi alam kung lalapit o tatakbo rin.
Kahit kasi sabihing laruan lang yun, may lakas din yun at sakit pag tumama sayo noh!
Ang bata... tahimik lang pero may maliit na ngisi sa labi, mayamaya napatingin siya sa akin may kakaibang ningning sa mga mata.
"Hey, you! Are you my new nanny?" tanong ng bata habang nakataas ang kilay, hawak pa rin ang gel blaster.
Sasagot pa sana ako nang marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko.
"Yes, son... she's your new nanny," malamig na sabi ni Master Damien.
Agad napalingon sa akin ang bata.
Bigla itong sumimangot at, sa halip na magsalita, itinutok sa akin ang hawak nitong gel blaster.
Nanlaki ang mga mata ko.
Ano ba 'to?!
Napandilat ako sa kanya, gulat na gulat sa ginawa niya.
"Ibaba mo 'yan, Young Master..." mahinahon kong sabi habang pilit na pinapakalma ang sarili. "'Di ba mabait ka namang bata?"
Sinikap kong ngumiti, kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang mapaatras.
Hindi ko na lang ipinahalata kay Master Damien ang pagkagulat ko. Ayokong isipin niyang hindi ko kayang hawakan ang anak niya.
Biglang kumunot ang noo ng bata.
"Daddy! Ayoko sa kanya!" reklamo nito, halos mangiyak-ngiyak. "Pinandilatan niya ako!"
Napakurap ako.
Naku! Ako pa talaga?!
"Ako pa talaga?" bulong ko, bago ngumiti nang pilit. "Eh, malaki lang talaga ang mga mata ko, Young Master!"
Nanatili ang ngiti sa labi ko, ngunit halos magkadikit ang aking mga ngipin sa pagpipigil ng inis.
Sa halip na sumagot, bahagya itong napaatras.
Napatingin ako sa kanya.
Natakot ba siya?
Tahimik lamang si Master Damien sa likuran ko.
Hindi ko man siya nakikita, ramdam ko ang presensya niya-mabigat at nakakapanginig.
Para bang biglang lumamig ang hangin sa paligid namin.
At sa katahimikang iyon, lalo kong naramdaman ang bigat ng bagong trabaho na kakapasok ko pa lamang.
"Put the gun down, son" malamig niyang utos sa anak, halos pabulong pero matalim.
Agad na ibinaba ng bata ang gel blaster, nakayuko.
"Go to your room."
"B-but, Daddy-"
"Now."
Nanginig ang boses ng bata bago ito tumakbo paakyat, iniwan akong tulala sa gitna ng sala.
Tahimik kong nilingon si Master Damien.
Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Seryoso lamang siya-walang bakas ng galit, awa, o kahit anong emosyon.
"Next time," aniya sa mababang tono, "'wag mo siyang titigan nang gano'n. He's not used to... defiance."
Napalunok ako.
"S-Sorry, Master Damien... Hindi ko po sinasadya-"
"Just do your job."
Maikli.
Diretso.
Walang puwang para sa anumang pagtutol.
Tinalikuran niya ako at marahang naglakad paakyat ng hagdan.
Naiwan akong nakatayo roon, tahimik na pinagmamasdan ang kanyang papalayong likod.
Nang tuluyan siyang mawala sa aking paningin, saka ako napahawak sa dibdib ko.
Halos kumawala na sa sobrang bilis ng tibok ang puso ko.
Grabe...
Huminga ako nang malalim..
Mukhang hindi magiging madali ang trabaho ko dito.
Elara's POV... Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kagabi.Pagkasabi ni Master Damien ng mga salitang iyon na nagpakaba sa akin, bigla na lang akong lumabas ng kwarto niya.Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataong magsalita pa.Akala ko tatawagin niya ako ulit o papagalitan dahil sa ginawa ko, pero mabuti na lang at wala siyang ipinatawag sa akin.Alam kong hindi tama ang bigla kong pagtalikod sa amo ko nang walang paalam.Pero...Hindi ba parang nakakabastos din naman ang sinabi niya?Napabuntong-hininga ako habang inaalala ang nangyari.Ayokong isipin iyon.Mas kailangan kong mag-focus sa trabaho ko.Alas otso ang pasok ni Young Master Clyde sa school, kaya kailangan kong gumising ng alas-sais ng umaga. Mahaba pa ang biyahe namin, at ayokong mahuli sa unang araw ko bilang tagapangalaga niya.Pagkatapos kong mag-ayos, nagsuot lang ako ng simpleng maong pants at plain white shirt. Hindi ko kailangan ng magarbong damit—ang mahalaga ay maayos at komportable ako.Lumab
Elara's POV. Napatitig ako sa likod ni Master Damien habang palabas siya ng pinto.Pagkatapos ay napatingin ako sa banyo kung saan naroon ang anak niya."Ano 'yun? Gano'n lang ba 'yon? Hindi ba niya pupuntahan ang anak niya?" tanong ko sa sarili ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Clyde.Lumapit ako sa pinto ng banyo at marahang kumatok."Young Master Clyde..." tawag ko.Walang sumagot."Young Master Clyde, ako ito... ang nanny mo," mahina kong sabi.Ngunit nanatiling tahimik ang loob.Mas lalo akong kinabahan.Lalabas na sana ako para humingi ng susi ng banyo nang biglang bumukas ang pinto—kaunti lamang."Young Master Clyde!" bulalas ko.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang naramdaman ko nang makita siya.Sobrang liit niya pa, ngunit parang ang dami na niyang dinadalang bigat.Nakatitig lamang siya sa akin.At doon ko siya napagmasdan nang mabuti.Ang mga mata niya...Ang hugis ng mukha niya...Halos eksaktong kopya ni Master Damien.Mas batang bersyon niya.Dahan
Elara's POVKabado akong bumalik sa mansion ni Master Damien habang bitbit ang malaking bag na dala ko. Agad naman akong pinapasok ng guard matapos nitong ipaalam sa loob ang pagdating ko.Pagdating ko sa front door ng mansion, nakita ko si Manang Bebang—ang siyang nagrekomenda sa akin para magtrabaho rito."Elara, sa opisina ka muna raw dumiretso. Sabi ni Master, para malaman mo ang mga ginagawa ni Young Master Clyde araw-araw," sabi niya."S-sige po..." mahina kong sagot.Kabado akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Master Damien. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at karangyaan ng mansion. Kahit ilang beses ko nang nakita ang lugar na ito, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko.Ngunit nang makarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ni Master Damien, pareho kaming biglang natigilan.Dahil kahit nasa labas pa lang kami, malinaw na naming naririnig ang pagtatalo sa loob."But Damien, you can't just cut off my allowance like that!" galit na sigaw ng isa
Elara's POV..Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking gate ng mansion na pagmamay-ari ng kilalang si Damien Drake Ashwood.Narito ako para mag-apply bilang nanny ng nag-iisa niyang anak na lalaki-si Clyde Ross Ashwood.Inirekomenda lamang ako ni Aling Bebang, isa sa mga kasambahay ng mansion. Kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Para bang bawat hakbang ko patungo sa mansiyon ay may kasamang bigat ng responsibilidad at isang misteryong hindi ko maipaliwanag.Pagkapasok ko sa loob, agad na nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong iginala ang paningin sa buong mansion.Grabe... ang gara naman dito!Kumikislap sa linis at karangyaan ang bawat sulok. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mamahaling muwebles, halatang walang kahit anong bagay rito ang basta-basta lamang.At higit sa lahat, ramdam ko agad ang kakaibang kapangyarihang bumabalot sa buong lugar.Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.Sigurado ba talaga akong kaya kong magtrabaho rito?"Miss Elara... sumun







