INICIAR SESIÓNElara's POV.
Napatitig ako sa likod ni Master Damien habang palabas siya ng p***o.
Pagkatapos ay napatingin ako sa banyo kung saan naroon ang anak niya.
"Ano 'yun? Gano'n lang ba 'yon? Hindi ba niya pupuntahan ang anak niya?" tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Clyde.
Lumapit ako sa p***o ng banyo at marahang kumatok.
"Young Master Clyde..." tawag ko.
Walang sumagot.
"Young Master Clyde, ako ito... ang nanny mo," mahina kong sabi.
Ngunit nanatiling tahimik ang loob.
Mas lalo akong kinabahan.
Lalabas na sana ako para humingi ng susi ng banyo nang biglang bumukas ang pinto—kaunti lamang.
"Young Master Clyde!" bulalas ko.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang naramdaman ko nang makita siya.
Sobrang liit niya pa, ngunit parang ang dami na niyang dinadalang bigat.
Nakatitig lamang siya sa akin.
At doon ko siya napagmasdan nang mabuti.
Ang mga mata niya...
Ang hugis ng mukha niya...
Halos eksaktong kopya ni Master Damien.
Mas batang bersyon niya.
Dahan-dahan akong lumuhod upang maging pantay ang tingin namin.
Tahimik kong sinuri ang kanyang katawan, tinitingnan kung may iba pa siyang natamong sakit bukod sa ilang bahid ng pamumula sa maliit niyang braso.
"Nasaktan ka ni Mommy... dahil sa akin," mahina niyang sabi.
Nanikip ang dibdib ko.
"Okay lang..." ngumiti ako, kahit pilit kong itinatago ang lungkot na nararamdaman ko. "Hindi mo kasalanan."
"Okay lang, kasi babayaran ka naman ni Daddy," mahinang sabi niya.
Umiling ako.
"Hindi, Clyde..." mahinahon kong paliwanag. "Hindi lahat tungkol sa pera."
Hindi siya sumagot.
Sa halip, tumalikod siya at dahan-dahang naglakad papunta sa kama.
Humiga siya at dumapa, nakaharap sa kutson.
"Lumabas ka na..." mahina niyang bulong.
Parang ayaw niyang makita ko ang lungkot na unti-unting lumalabas sa kanya.
Tahimik akong nanatili roon.
Wala akong nagawa kundi lumabas.
May gusto rin sana akong sabihin kay Master Damien.
Maingat kong isinara ang p***o ng kwarto ni Clyde. Sa halip na dumiretso sa sarili kong kwarto, nagpasya akong pumunta muna sa opisina niya.
Ngunit pagdating ko roon...
Wala siya.
Napatingin ako sa paligid, umaasang baka bumalik siya, ngunit tahimik lamang ang buong opisina.
May isang maid na dumaan at napansin ako.
"Ahm... Ate, nasaan po si Master Damien?" tanong ko.
"Naku, kapag wala siya sa opisina, baka nasa kwarto na niya... o kaya nasa mini bar," sagot niya. "Subukan mong tingnan doon."
"Saan po banda ang mini bar?"
"Sa bandang dulo, neng."
"Sige po, salamat," mahina kong sabi.
Maingat akong naglakad papunta roon.
Ngunit wala rin siya sa mini bar ng mansion.
Napatingin ako sa paligid.
Iba't ibang klase ng alak ang naka-display sa mga estante. Tahimik ang lugar, tanging malamlam na ilaw lamang ang nagbibigay-liwanag sa buong silid.
Napabuntong-hininga ako.
"Bukas na nga lang..." inis kong bulong sa sarili.
Aalis na sana ako nang biglang may isa pang maid na lumapit sa akin.
"Miss Elara, pinapatawag ka ni Master Damien sa kwarto niya."
Napatigil ako.
"Huh? S-sa kwarto?"
Napansin ko ang maliit niyang pagngiti kaya agad akong nagsalita.
"Di ba puwedeng sa office na lang niya? Bakit sa kwarto niya pa kami mag-uusap?" tanong ko, halatang nag-aalinlangan.
Hindi ko maiwasang kabahan.
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pag-usapan.
"Ehh... iyon ang sabi niya," sagot ng maid.
Napakamot ako sa ulo at nanahimik sandali, pinag-iisipan kung dapat ba talaga akong pumunta.
"Dalian mo na... masamang paghintayin si Master," mahinang paalala niya.
Napabuntong-hininga ako.
"Saan po ba ang kwarto niya?" tanong ko.
"Samahan na kita," nakangiting sabi niya.
Naglakad kami nang magkasabay sa mahabang hallway ng mansion.
"Ah, ako pala si Bea," pagpapakilala niya. "Ikaw nga pala ang bagong tagapangalaga ni Young Master Clyde, 'di ba?"
"O-oo..." sagot ko.
"Naku... mag-ingat ka sa batang 'yun," mahina niyang sabi. "Pilyo 'yun. May pagka-salbahe rin. Mana sa ama at ina."
Napalingon ako sa kanya.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya tungkol kay Clyde.
Para sa akin, hindi masama ang batang nakita ko kanina.
Nasasaktan lang siya.
Ngunit pinili kong manahimik na lamang.
Hindi na ako kumibo at patuloy na sumunod sa kanya.
Pagdating namin sa tapat ng kwarto ni Master Damien, kumatok muna si Bea.
"Master Damien, andito na po si Elara," mahina niyang sabi.
Walang sumagot.
Ilang segundo kaming naghintay bago marahang pinihit ni Bea ang doorknob.
Binuksan niya ang p***o at pinapasok ako.
Pagkatapos ay isinara rin niya iyon mula sa labas.
Pagkapasok ko, agad kong napansin ang loob ng kwarto ni Master Damien.
Lalaki ang dating ng buong silid.
Kulay gray ang mga pader, simple ngunit elegante ang bawat dekorasyon. Walang anumang kalat—lahat ay maayos at minimalistic.
Ang malaking kama ay may itim na bedsheet, habang ang dim na ilaw ay nagbibigay ng maliliit na anino sa paligid.
Tahimik ang buong silid.
At hindi ko maikakaila...
May kakaiba itong aura.
Misteryoso.
Malamig.
At bahagyang nakaka-intimidate.
Hindi ko maiwasang huminto saglit, nakaramdam ng kaba. Pero kasabay ng kaba ay isang kakaibang paghanga-parang bawat detalye ng kwarto ay sumasalamin sa personalidad ni Master Damien. Ang laki ng kanyang presensya ay ramdam ko kahit wala pa siya rito, at bahagyang nanginginig ako sa halo ng kaba at paghanga habang naglalakad ako papunta sa gitna ng kwarto.
Biglang bumukas ang banyo lumabas si Master Damien. Naka-bathrobe siya, basa ang buhok na natulo pa sa kanyang matipunong dibdib.
Hindi ko maiwasang matulala at mapatingin saglit. Ang tikas ng kanyang katawan.
Halos nagsusumigaw sa aking malanding kaisipan ang salitang "daddy na daddy" ang itsura niya-gwapo, malakas, makisig, at may dominanteng presence na para bang kaya niyang kontrolin ang lahat sa paligid niya.
Nang matauhan Agad akong tumalikod, hindi makatingin. Kinabahan ako, halo ang kaba at paghanga.
Hindi ko maipaliwanag ang damdamin-takot sa kanyang presensya, ngunit kasabay nito ay ang pagkamangha sa katawan niya, sa paraan ng kanyang postura, at sa mismong aura ng lalaki na nasa harap ko..
"Humarap ka," malamig na utos ni Master Damien.
Sinunod ko na lang siya, humarap ako dito ng hindi tumitingin.. ang mga mata ko ay nakatitig sa aking paanan.
"Kumusta si Clyde?" malamig niyang tanong.
Sa simpleng tanong na iyon, bumalik ang inis ko sa mga magulang ng bata..at agad nag angat ng tingin..
"Master Damien, mawalang-galang po... kanina, sana man lang po sinilip niyo si Clyde. Sana po tinanong niyo rin po siya kung ano ang nararamdaman niya," mahina kong sabi, puno ng galit at inis.
"Pinagsasabihan mo ba ako?" parang galit na tanong ni Master Damien.
"H-hindi naman po sa ganun, Master Damien," mabilis kong sagot, nanginginig, at bigla akong kinabahan sa paraan ng pagtitig nito kaya Awtomatikong napakagat ako sa labi.
Napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko, kasabay ng isang mabilis na pag-inom ng alak sa basong hawak niya..habang hindi hinihiwalay ang tingin sa labi ko.
“You know you have no right to tell me how to treat my own child…” dugtong ni Master Damien.
"P-pero-" pilit kong sagot, nanginginig sa kaba.
"No buts!" inis niyang putol sa sasabihin ko.
Napabaling ako ng tingin sa gilid, at napakagat ng labi ulit, nanginginig na sa inis at pinipigilan ang sarili na sagutin siya.
"Don't bite your lips..." malamig niyang sabi, may bahid na pagbabanta.
"Huh!?" napatingin ako sa kanya, naguguluhan pero ramdam ko ang kakaibang tensyon sa pagitan namin lalo na ang sabihin nito ang mga salitang nagpanganga sakin..
"Don't bite your lips... unless you want me to see exactly how much I can make you tremble."
Elara's POV... Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kagabi.Pagkasabi ni Master Damien ng mga salitang iyon na nagpakaba sa akin, bigla na lang akong lumabas ng kwarto niya.Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataong magsalita pa.Akala ko tatawagin niya ako ulit o papagalitan dahil sa ginawa ko, pero mabuti na lang at wala siyang ipinatawag sa akin.Alam kong hindi tama ang bigla kong pagtalikod sa amo ko nang walang paalam.Pero...Hindi ba parang nakakabastos din naman ang sinabi niya?Napabuntong-hininga ako habang inaalala ang nangyari.Ayokong isipin iyon.Mas kailangan kong mag-focus sa trabaho ko.Alas otso ang pasok ni Young Master Clyde sa school, kaya kailangan kong gumising ng alas-sais ng umaga. Mahaba pa ang biyahe namin, at ayokong mahuli sa unang araw ko bilang tagapangalaga niya.Pagkatapos kong mag-ayos, nagsuot lang ako ng simpleng maong pants at plain white shirt. Hindi ko kailangan ng magarbong damit—ang mahalaga ay maayos at komportable ako.Lumab
Elara's POV. Napatitig ako sa likod ni Master Damien habang palabas siya ng pinto.Pagkatapos ay napatingin ako sa banyo kung saan naroon ang anak niya."Ano 'yun? Gano'n lang ba 'yon? Hindi ba niya pupuntahan ang anak niya?" tanong ko sa sarili ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Clyde.Lumapit ako sa pinto ng banyo at marahang kumatok."Young Master Clyde..." tawag ko.Walang sumagot."Young Master Clyde, ako ito... ang nanny mo," mahina kong sabi.Ngunit nanatiling tahimik ang loob.Mas lalo akong kinabahan.Lalabas na sana ako para humingi ng susi ng banyo nang biglang bumukas ang pinto—kaunti lamang."Young Master Clyde!" bulalas ko.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang naramdaman ko nang makita siya.Sobrang liit niya pa, ngunit parang ang dami na niyang dinadalang bigat.Nakatitig lamang siya sa akin.At doon ko siya napagmasdan nang mabuti.Ang mga mata niya...Ang hugis ng mukha niya...Halos eksaktong kopya ni Master Damien.Mas batang bersyon niya.Dahan
Elara's POVKabado akong bumalik sa mansion ni Master Damien habang bitbit ang malaking bag na dala ko. Agad naman akong pinapasok ng guard matapos nitong ipaalam sa loob ang pagdating ko.Pagdating ko sa front door ng mansion, nakita ko si Manang Bebang—ang siyang nagrekomenda sa akin para magtrabaho rito."Elara, sa opisina ka muna raw dumiretso. Sabi ni Master, para malaman mo ang mga ginagawa ni Young Master Clyde araw-araw," sabi niya."S-sige po..." mahina kong sagot.Kabado akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Master Damien. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at karangyaan ng mansion. Kahit ilang beses ko nang nakita ang lugar na ito, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko.Ngunit nang makarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ni Master Damien, pareho kaming biglang natigilan.Dahil kahit nasa labas pa lang kami, malinaw na naming naririnig ang pagtatalo sa loob."But Damien, you can't just cut off my allowance like that!" galit na sigaw ng isa
Elara's POV..Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking gate ng mansion na pagmamay-ari ng kilalang si Damien Drake Ashwood.Narito ako para mag-apply bilang nanny ng nag-iisa niyang anak na lalaki-si Clyde Ross Ashwood.Inirekomenda lamang ako ni Aling Bebang, isa sa mga kasambahay ng mansion. Kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Para bang bawat hakbang ko patungo sa mansiyon ay may kasamang bigat ng responsibilidad at isang misteryong hindi ko maipaliwanag.Pagkapasok ko sa loob, agad na nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong iginala ang paningin sa buong mansion.Grabe... ang gara naman dito!Kumikislap sa linis at karangyaan ang bawat sulok. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mamahaling muwebles, halatang walang kahit anong bagay rito ang basta-basta lamang.At higit sa lahat, ramdam ko agad ang kakaibang kapangyarihang bumabalot sa buong lugar.Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.Sigurado ba talaga akong kaya kong magtrabaho rito?"Miss Elara... sumun







