ELARA POV..Nakatayo lang ako, tahimik na pinagmamasdan si Ma'am Trisha habang lumalangoy sa swimming pool ng mansion. Bitbit ang towel..Sabi niya ako raw ang magsisilbi sa kanya ngayon, tamang-tama raw, Sabado naman at walang pasok si Clyde. Nasa kwarto lang ang bata, abala sa paglalaro.Ang kinis, ang puti ni Ma'am Trisha. Siguro kaya siya nagustuhan ni Master Damien... bulong ko sa isip, pilit na iniiwas ang tingin.Nangangalay na ako sa katatayo, pero tiniis ko na lang. Di bale, bukas rest day ko naman, sabi ko sa sarili.Kanina, nakita kong maagang umalis si Master Damien.Naalala ko pa ang nangyari kagabi, matapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran niya lang ako. Naiwan akong tulala sa kusina, walang masabi, akala ko talaga katulad siya ng mga nababalitaan kong amo na namamantala sa nanny o maid. Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin ang pagtawag ni Ma'am Trisha."Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba?"Napakislot ako."S-sorry po, Ma'am!"Napairap siya, halatang in
Last Updated : 2026-08-30 Read more