Chapter 14
EVERYTHING is normal na simula nang matapos ang trial sa kaso ng mga Reyes laban sa mga Sanchez, but that’s Marina’s thoughts. Nakakausap na nila ng maayos si Hendrix at balik na sa pag-business ang family nito pero pansin pa rin ni Marina ang lungkot sa mga mata ni Hendrix, sa tuwing nakikita niyang ganu’n ang kaibigan ay naalala niyang nakipag-break na ito sa girlfriend na si Catherine. Wala man lang nakakapansin sa mga kasama nito.
That day was busy, ayaw man ni Marina na sumama sa mama niya ay kailangan na may mag-assist dito, invited lamang ang ina niya sa isang kasal bilang ninang. The motif of the wedding is earth color to beige, all of them are wearing filipiana as the dress code of the wedding.
As usual kailangan sumunod ni Marina sa tema, simple lang naman ang filipiana niya na may touch of modern style na maigsi ang palda sa harapan habang mahaba sa likod nito na kulay beige and white sandals na may two inches lang ang taas, ayaw niyang mag-suffer siya sa huli lalo na’t hindi naman siya sanay magsuot ng mga ganu’ng damit kung hindi lang dahil sa ina niya.
Napuno ng dried flower ang simbahan ng parokya nila na gawa sa makalumang bato lalo na’t noong panahon pa ito ng mga kastila nakatayo. Nakaupo lang si Marina sa mga bisita, hinanda niya ang camera ng phone niya nang isa-isa pumasok ang entourage para makuhaan niya ng litrato ang ina.
May isang pamilyar na mukha ang nakita ni Marina sa pila, dahan-dahan namilog ang mga mata niya nang tuluyang dumaan ito sa puwesto niya habang may kapartner na babae at hindi maiwasang mapatitig din ito sa kanya nang mapansin siya.
Agad na umiwas ng tingin si Rina, bigla na lang nag-init at namula ang pisngi niya sa ayos ni Filan ngayon, not usual na porma nito mas lalong lumabas ang pagiging Sanchez ni Filan sa tindig niya ngayon, alam niyang hindi lang siya ang nakapansin dahil ang mga katabi niyang bisita sa gilid ay pinag-uusapan siya.
Pinapanood lang ni Rina ang mga nangyayari sa kasalan na iyon, doon niya nalaman na isa pala si Filan sa secondary sponsor sa kasal. Nang matapos ang kasal sa simbahan ay diretso silang pumunta sa reception na malapit lang din sa simbahan na may temang vintage garden.
Pakiramdam ni Rina mapapagod siyang bumati sa mga kakilala ng ina niya lalo na’t sikat sila roon, kailangan niyang ngumiti at magkunwaring okay kahit na alam niyang hindi siya sanay. Nang makaupo si Rina at ang kanyang ina sa nakalaang lamesa para sa kanila ay bigla na lang may tumawag sa phone nito kaya nag-excuse na muna sandali, natatakot si Rina na maiwanan ng ina sa party na iyon.
Nang bumalik ang ina niya’y agad na nilabas ang sobreng ampao nito at inabot sa kanya. “Para saan ito?”
“I need to go, importante lang…”
“Sasama na ako sayo,” nagmamadaling wika ni Rina pero pinigilan siya ng ina.
“Huwag na, dito ka lang and enjoy. Beside ikaw ang representative ko, ikaw na ang magsabit niyan sa bagong kasal, umuwi ka pagtapos na ang wedding for respect.”
Napangiwi si Rina. “What? I don’t know them.”
“Relax, hindi ka naman nila kakainin, bye, I’m going now.”
Tinignan lang ni Rina ang paalis na ina at napabuntong-hininga. Pagharap ni Rina sa kanan nabigla pa siya nang makita si Filan na maupo na dapat ay upuan ng ina niya.
“Anong ginagawa mo rito?” hindi aware si Rina na bumibilis ang tibok ng puso niya habang namumula na naman ang mga pisngi niya.
“Sinasamahan ka, bawal ba?” mapang-asar na tanong ng binata.
“Baka kung anong isipin nila, lumipat ka na sa upuan mo,” pasimpleng bulong ni Rina kay Filan.
“I know the feeling na iwan sa ganitong lugar, but I’m used to it. Alam ko kung saan pupunta ang mama mo for important meetings kasama ko para sa project na magaganap dito sa province, I’ll escort you habang wala siya hanggang sa matapos ang kasal,” sabay ngiti ni Filan sa kanya.
‘Anong nakain ng isang ito?’ duda ni Rina sa isip. “Are you sure? Kaya kong mag-isa, I can manage, hindi rin naman ako magtatagal, I think pagkatapos kumain ay uuwi na ako…”
“Hindi mo ba hihintayin yung first dance ng mag-asawa,” sabay turo ni Filan sa hawak niyang ampao.
Tinago ni Marina ang hawak agad sa kanyang bag, she miscalculated the situation kay wala siyang magagawa kundi ang magtagal.
After the first program of the wedding agad naman silang hinain ng makakakain, nagningning ang mga mata ni Rina punong-puno ang lamesa nila ng mga pagkain lalo na ang favorite niyang seafood. Napansin ni Filan ang kislap sa mukha ni Rina.
“You like that?”
“Yes, very much.”
They start to dig in sa pagkain nila, abala lang si Rina sa kinakain niya habang paminsan-minsan ay napapasulyap si Filan sa kanya.
After the eating tumawid na rin sa second program ng reception, pagkatapos magpasalamat ng mag-asawa sa mga um-attend, nag-umpisa na rin silang sumayaw for their first dance as husband and wife. Isa-isa na rin tumayo just to give their pakimkim, tumayo na rin si Filan at doon lang din napansin ni Rina na kailangan na rin niyang isabit yung inabot sa kanya ng mama niya.
Si Filan sa groom at si Rina naman sa bride, nagkatinginan pa sila kaya hindi agad naikabit ni Rina yung sa kanya na napansin naman ni Filan, walang anong lumapit ito sa gawi niya para tulungan siya. Natigilan si Rina at pakiramdam niya pinagtitignan sila ng mga tao roon lalo na ng alalayan siya.
Nang matapos ay agad na bumitaw si Rina at nahihiyang umalis para dumiretso sa banyo. Pagkapasok ni Rina sa loob ay nakahinga siya ng maluwag, pansin niyang pinagpapawisan din siya.
“Tapos na, pwede ka nang umuwi,” bulong ni Marina.
Nang maayos ni Rina ang kanyang sarili roon ay agad na siyang lumabas para umalis pero pagbalik niya sa lamesa nang may humarang sa kanya na isang emcee na bakla sa kasal.
“May another one pa tayong sasali para sa bouquet games!” sigaw nito.
Nagpalakpakan naman ang mga bisitang nanonood, Rina thought that she didn’t sign for this. Wala nagawa si Rina kundi ang sumama sa mga dalagang nakapila sa nakakulong na bouquet sa loob ng animoy hawla, siya ang pinaka-last. Binigyan din sila ng tig-isang susi, kung sino ang nakapagbukas ng hawla sa kanya ang bulaklak.
Pinagdadasal na lamang ni Rina na may makakuha ng tamang susi, palinga-linga rin siya sa paligid para malaman niya kung na andoon pa ba si Filan, ngunit hindi niya nakita ang binata at naisip niyang baka umuwi na ito, kaya nag-aalala siya.
Saka lang napansin ni Rina na wala pang nakakapagbukas ng hawla sa mga hawak na susi ng mga kasama niya kaya napatingin siya sa hawak niya hanggang siya na lamang ang natira, narinig niya ang mga pang aasar na nasa kanya raw ang maswerteng susi.
“Baka ikaw na ang magwagi, pwede mo na rin mauwi si papa Filan!” asar ng baklang emcee roon.
Hinanap ng mga mata ni Rina si Filan hanggang sa makita niyang nakaupo na ito kasama ang groom habang hawak ang garter, Rina doesn’t know na nauna ang garter game bago ang bouquet, ilang minuto lang naman siyang nagbanyo tapos malalaman niyang si Filan pala ang nakakuha.
Humarap na si Rina sa lalagyan ng bulaklak, nanginginig niyang binuksan ang lock nitong hugis pusa at kulay pink hanggang sa hindi nga siya nagkamali at nabuksan nga niya kaya naghiyawan ang lahat, gusto na niyang magtago o lamunin ng lupa para mawala na siya roon.
Hindi alam ni Rina kung paano niya ikwento sa ina ang nangyari pagkatapos siyang iwan nito. Walang nagawa si Rina kundi ang umupo sa white chair para sa kanya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa bulaklak at mas lalong namula ang pisngi niya nang humarang si Filan na nakaharap sa kanya.
Tilian ang lahat ng mga tao roon, nagsama ang isang Sanchez at isang Hidalgo sa ganitong seremonya, sinong hindi pag-uusapan? Lumuhod si Filan sa harap niya for that moment nakalimutan niya ang ingay at nakatutok lang sa binata.
“Don’t be so obvious and don’t mind them, just look at me in the eye,” wika ni Filan.
Iyon nga ang ginawa ni Marina nakatitig lang ang nangungusap niyang mga mata sa binata, hindi na niya napansin na mabilis na isuot sa kanyang kanang legs hanggang itaas ng tuhod niya ang garter. Nakita ni Rina kung paano nag-smile si Filan sa kanya.
Nag-umpisang tumugtog ang slow love songs, nang tumayo si Filan ay nilahad ang kamay sa kanya. “Can I take you a dance?” the way Filan giving her half-smile parang matutunaw si Rina sa kinauupuan niya.
Ibinigay naman ni Rina ang kamay niya sa binata at saka siya dinala sa dance floor nito, and that moment nakita na lang niya ang sarili na sinasayaw ng binata. Nakatingala lang si Rina kay Filan habang nagtititigan silang dalawa, she feel nostalgic, para bang napaka-magical ng araw na iyon at hindi niya maipaliwanag na nararamdaman, basta yung unfamiliar feelings na iyon mas lalong bumubuhay sa puso ni Rina.
In that day, Marina felt so special.
Sorry for the late reply, but I will a sure na makapag-update ako regularly kasi hindi naman po ako masyado busy.
Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b
Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr
Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.
Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n
Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n
After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai