Share

Dangerous Temptation
Dangerous Temptation
Author: snowqueencel

Simula

Author: snowqueencel
last update Last Updated: 2022-08-03 23:11:42

Kylie

Kasalukuyan akong nakatambay at nagbabasa sa hardin namin kasama ang matalik kong kaibigan na si Adrian. Aalis na kasi siya mamaya patungong ibang bansa para magbakasyon kaya naisipan niyang tumambay muna rito sa ’min. Susunduin na lang daw siya ng papa niya na si Tito Sebastian kapag paalis na sila.

Ilang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng magtapos kami ng senior high school. Kaya naman ay gusto raw muna niyang magliwaliw bago kami tumuntong ng kolehiyo sa susunod na pasukan.

Ngunit nagambala ang tahimik kong pagbabasa nang bigla na lang niya akong kiniliti. Magkatabi lang kasi kami habang nakaupo sa damuhan. Dahil dito ay biglang naging alerto ang mga nagkalat naming tauhan sa paligid. Kaya naman ay mabilis ko silang sinenyasan na ayos lang ako.

“Ibang klase talaga kapag anak ka ng isang mafia boss. To the rescue agad ang mga men in black!” bulong ni Adrian bago nakalolokong ngumisi.

Mahina ko namang binunggo ang balikat ko sa kaniya. “Sira! Wala kasi si Papa ngayon. Kaya siyempre ay bantay sarado talaga ako kahit dito mismo sa loob ng bahay namin.”

Natawa naman siya bago inilibot ang tingin sa paligid. “Mansyon kamo. Sa sobrang lawak nitong lugar n’yo ay hindi na ako magtataka kung bibihira lang kayo magkita ni Tito Kairo.”

Napailing na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa pagbabasa.

Nagkakilala kami ni Adrian noong orientation day para sa mga high school freshman students dahil magkatabi kami sa upuan. Nang magsimula naman ang pasukan ay nagulat pa kami pareho dahil nasa iisang seksyon lang pala kami. Kaya magmula noon ay naging mas malapit na kami sa isa’t isa hanggang sa naging matalik na magkaibigan kaming dalawa.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natuklasan niya ang lihim ng pamilya ko. Ang katotohanan na parte kami ng underground society at isa si Papa sa tinitingala na mafia boss sa mundong ginagalawan namin.

Ang buong akala ko noon ay matatakot siya sa ’kin at lalayuan na ako. Pero kabaliktaran ang nangyari. Magmula kasi nang malaman niya na anak ako ng isang mafia boss ay mas lalo pa siyang naging protective sa ’kin.

“Pero ito seryosong tanong. Siyempre kapag nagretiro na ang papa mo ay ikaw na ang papalit sa puwesto niya. After all, you’re his only child. Tatanggapin mo ba ang posisyon na iaatang sa ’yo kapag nagkataon?”

Natigilan ako at marahas na napalingon sa kaniya. Sa pagkakataong ’yon ay seryoso na ang kaniyang mukha.

Malalim akong napabuntonghininga at tuluyang ibinaba ang hawak na libro. “Sa totoo lang ay hindi ko alam. Ayos lang sa ’kin na saluhin ang responsibilidad sa pagpapatakbo ng negosyo. Pero ibang usapan na kasi ang pagiging isang mafia boss. Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng interes tungkol sa bagay na ’yon.”

Napatango naman siya. “May ilang taon ka pa naman para pag-isipang mabuti ang tungkol sa bagay na ’yan. Pero kapag nagkataon ay kunin mo akong bodyguard mo, hah.” Itinaas baba pa niya ang kaniyang kilay.

Mahina ko siyang hinampas sa braso ng librong hawak ko. “Loko-loko! Hindi ka papasa na maging bodyguard ko. Sa payat mong ’yan,” pang-aasar ko pa sa kanya.

Nalukot naman ang kaniyang mukha bago itinaas ang kaniyang kanang braso at tinapik-tapik ito.

“Mukha lang akong payat sa paningin mo. Pero ang totoo niyan ay may mga nakatago akong bakal sa katawan ko,” pagyayabang pa niya.

Napairap na lang ako sa kaniya. “Oo na!”

Akmang magsasalita pa siya nang biglang tumunog ang notification tone ng kaniyang cellphone. Kunot noong kinuha niya ito mula sa bulsa at binasa ang dumating na mensahe.

“Nandiyan na raw si Papa sa labas.” Tumayo na siya bago inilahad ang kanang palad niya sa ’kin para alalayan ako.

“Ihahatid na kita sa gate. I-chat mo ako kapag nakarating ka na roon, hah,” paalala ko sa kaniya nang magsimula na kaming maglakad.

“Okay. Anong gusto mong pasalubong?” Masuyo niya akong inakbayan.

Napanguso ako. “Hindi ka pa nga nakakaalis ay pasalubong agad ang tinatanong mo.”

Malakas naman siyang natawa. “Siyempre. Para mahanap ko agad pagkarating ko sa States.”

Napaisip naman ako. Sa totoo lang ay wala naman akong ibang mahihiling sa kaniya sa ngayon.

“Basta umuwi ka lang dito ng ligtas ay ayos na sa ’kin,” wala sa loob kong tugon.

Marahan niyang pinisil ang balikat ko. “That’s for sure.”

Hindi na ako umimik pa hanggang sa makarating kami sa gate na awtomatikong bumukas. Agad ko namang nakita ang nakahintong kotse ni Tito Seb sa tapat habang nag-aabang siya sa labas ng sasakyan.

“Baka parating na rin po si Papa. Hindi n’yo na po ba siya mahihintay?” tanong ko nang makalapit. Kahit papaano kasi ay naging malapit din ang mga ama namin ni Adrian nang dahil sa negosyo.

Bumaba ang tingin niya sa suot na relo bago muling nag-angat ng tingin sa ’kin.

“Hindi na, hija. Baka mahuli pa kami sa flight namin. Pakikumusta na lang ako sa kaniya.” Malawak siyang napangiti.

Pareho kami ni Adrian na wala ng ina. Bata pa lang daw si Adrian nang mamatay ang mama niya nang dahil sa isang aksidente habang si Mama naman ay sa isang insidente na may kinalaman sa gulo ng underground society. Marahil ay dala rin ng halos pagkakapareho ng sitwasyon namin sa buhay kaya kami nagkasundo agad na dalawa.

“Sige po. Mag-iingat po kayo.” Nilingon ko si Adrian na tila biglang nawalan ng imik sa tabi ko at nagbago ang ekspresyon ng mukha. “See you soon,” nakangiti kong sambit sa kanya.

“We’ll go ahead now,” paaalam niya bago tuluyang tumalikod sa ’kin.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Para bang may nag-uudyok sa ’kin na pigilan ko siyang umalis.

Pasakay na sila sa loob ng kotse nang biglang mapuno ng malakas na tunog ng alarma ang buong lugar. Agad na naalerto ang lahat ng mga tauhan namin sa paligid at mabilis na lumapit sa ’kin.

“What’s happening?” natataranta kong tanong sa kanila. Maging sina Adrian at Tito Seb ay biglang natigilan at nagpalinga-linga sa paligid.

“An intruder has entered the area, Young Miss. We need to secure your safety,” imporma ng isa sa mga tauhan namin.

Akmang hahawakan nila ako sa braso pero mabilis akong lumabas at lumapit kina Adrian.

“How about them?” naniniguro kong tanong sa mga tauhan namin habang nakaturo sa mag-ama.

“Ang ilan po sa mga kasamahan na namin ang bahala sa kanila. Sa ngayon ay kailangan po namin masiguro ang kaligtasan n’yo.”

“But—”

Tila biglang bumagal ang mga kaganapan sa paligid nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Sa isang iglap ay duguan na bumagsak sa lupa ang katawan ng ilan sa mga tauhan namin.

“Shit! Kylie! Let’s go!”

Wala na akong nagawa nang bigla akong hinila nina Adrian at Tito Seb sa magkabila kong braso patungo sa nakabukas nilang sasakyan.

Everything happened so fast. Mula sa kung saan ay may isang lalaking nakasuot ng maskara ang bigla na lang humila sa ’kin pabalik.

Nahigit ko ang hininga kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Mayroon siyang hawak na baril at halos kumawala ang puso ko mula sa kinalalagyan nito nang itutok niya ang bagay na ’yon sa kaibigan ko.

“No!”

Itinaas naman ng mag-ama ang kanilang magkabilang kamay. Pero mababakas pa rin ang magkahalong takot at galit sa mga mata ni Adrian habang pinaglilipat-lipat niya ang tingin sa ’kin at sa lalaking nakasuot ng maskara.

“Please, don’t! Alam kong ako ang kailangan n’yo! Kaya wag n’yo na silang idamay pa!” pagmamakaawa ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na basa na pala ng luha ang aking pisngi.

Ganito rin ba ang sinapit ni Mama noon habang pilit na pinoprotektahan niya ako sa mga umatake rin sa ’min dati?

Ngunit tila hindi niya narinig ang pakiusap ko.

Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi nang kalabitin niya ang gatilyo ng hawak na baril ng dalawang beses. Tulalang napatitig na lang ako sa bumagsak na katawan nina Adrian at Tito Seb.

“You’re the daughter of a mafia boss. With that fact alone, you should be aware that anyone who becomes close to you will eventually die.”

Tanging ang mamula-mula niyang mga mata lang ang nakikita ko. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay tila ba pamilyar ito maging ang kaniyang malamig na boses.

Bago pa ako makaimik ay naramdaman kong may tumama na kung ano sa batok ko dahilan para unti-unti akong makaramdam ng hilo at bumagsak sa lupa. Narinig ko pa ang magkakasunod na putok ng mga baril sa paligid at ang boses ni Papa na tumatawag sa pangalan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dangerous Temptation   Kabanata 19

    Caleb “You’re so mean! Why can’t I go?” Palabas na kami sa mansyon nang biglang humabol sa ’min ang magaling kong kapatid. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang dahil sa pagkakabusangot. “Because I said so.” I patted her head. “No worries. You can come tomorrow though,” I assured her. Sa pagkakataong ’yon ay biglang sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. “Alright. I’ll just go to the company then.” “She’s really energetic.” Kylie shrugged. “It can’t be helped. Despite her age, she’s still my little sister for me.” Nauna na kaming umalis kay Caitlin dahil mag-aasikaso pa siya. Pagkarating namin sa university ay agad kaming sinalubong nang maingay at magulo pa ring paligid pagkababa namin sa kotse. “Don’t you dare try to play any more of the games. Lalo na kung hindi mo naman kukunin ang premyo at itatambak mo lang sa ’kin,” Kylie warned as we started walking. “Alright. So what should we do now here? Tutunganga maghapon?” I can’t help but to be sarcastic. Napaira

  • Dangerous Temptation   Kabanata 18

    Kylie Foundation week na. Pero heto ako at nakatambay lang sa isang tabi. I’m really bored to death. Gustuhin ko mang manatili na lang sa mansyon ay hindi rin naman matatahimik ang mundo ko dahil nandoon si Caitlin. Paniguradong kukulitin niya lang ako para mag-practice. Ang energetic pa naman masyado ng babaeng ’yon. Malayong-malayo ang ugali niya sa kuya niya. Sa Friday pa ang schedule ng pageant. Pero sana ay nauna na lang ’yon para tapos na agad. “Coffee?” Napaangat ako ng tingin kay Caleb bago lumipat ang atensyon ko sa hawak niyang styro cup na naglalaman ng kape at kinuha ’yon. “Thanks.” Mula sa pagkakatayo ay tumabi siya sa ’kin ng upo. Hinayaan ko na lang ito dahil wala rin namang mangyayari kahit ipagtabuyan ko pa siya. Isa pa ay pagod na rin akong makipagtalo sa kanilang magkapatid. “Handa ka na ba sa Friday?” tanong niya bago sumimsim ng kape. It’s really weird to see a vampire drinking coffee. Napasimangot ako. “Wag mo akong simulan ng pang-aasar.” He looked at me

  • Dangerous Temptation   Kabanata 17

    Caleb “Kylie, gumising ka na raw sabi ni Mr. Aragon. Handa na ang almusal,” malakas kong tawag mula sa labas ng pinto pagkatapos kong kumatok. Ilang minuto rin akong naghintay ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. “I’ll come in,” wika ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto. There, I saw her still sleeping peacefully. Palibhasa kasi ay late na rin siyang natulog kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw na rin ’yon. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya. Bahagyang nakababa ang kumot na tumatakip sa kaniyang katawan at halos nasa gilid na siya ng kama. Marahan akong napailing habang nakapamulsa. “Ang likot mo pa ring matulog.” Hindi ko napigilan ang sarili na mapatitig sa kaniyang maamong mukha. Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang dahilan ng pagpasok ko rito. “I guess there are some things that still don’t change no matter how many years have passed.” Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at pinagsasawa ang sarili na titigan ang mukha ni Kylie per

  • Dangerous Temptation   Kabanata 16

    Kylie Everyone is busy. Foundation week na kasi ng university sa susunod na linggo. Kaya naman ay aligaga na sa pag-aasikaso ang iba’t ibang organisasyon at clubs ngayon para sa kanya-kanya nilang pakulo. Well, not me. I’m not really interested in such events. I’d rather sleep all day than participate with them. “Aren’t you going to join the event?” Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba. Para bigyang daan ang ginagawang preparasyon ay wala kaming gaanong klase buong linggo. Nag-iwan lang ng take home activity ang mga professor namin. Pero nang dahil sa sobrang bored ko ay natapos at naipasa ko rin naman agad ang mga ito. “No. Wala ako sa mood saka hindi ako interesado.” Hindi ko nilingon si Caleb. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kayang harapin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa ’kin noong gabing ’yon. Will you get mad if I kiss you right here? My lips thinned from irritation. Ang akala ko ba ay ma

  • Dangerous Temptation   Kabanata 15

    Kylie Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan. Akala ko ay sa mga palabas lang posible ang ganoong klase ng mga pangyayari. But the fact that Caleb is already 425 years old and has even taken a number of degree programs in different countries keeps bugging me. It sure is nice to do everything because you have unlimited time in this world. But at the same time, I bet it makes him sad too. “My father is friends with your parents, right? Where are they now?” I asked curiously as I checked his old CDs and DVDs. He has some cassette tapes too. But I frowned when I saw a vinyl record player on the other side. It really feels so old. “They’re dead already.” Akmang aabutin ko ang naturang record player nang bigla akong matigilan nang dahil sa naging sagot niya. “Oh. I’m sorry to hear that.” Malungkot akong napaharap sa kaniya. He shrugged. “It’s okay. After all, they have lived for a thousand years already.” Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. “

  • Dangerous Temptation   Kabanata 14

    Caleb Kasalukuyan kaming nagkakape ni Mr. Aragon at nag-uusap tungkol sa negosyo rito sa hardin nang biglang dumating si Kylie at malakas na hinampas ang ibabaw ng bilugang mesa. Pinigilan ko naman ang pagsupil ng ngiti sa ’king mga labi dahil may ideya na ako sa dahilan ng paghuhuramentado niya. After all, I was the one who instructed Brent—also known as Arlo to her—to provide that information about me. “What the hell, Kylie? Anong problema?” gulat na tanong ni Mr. Aragon sa anak. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na tasa pero mabilis ko naman itong naalalayan. “Anong problema, Pa?” Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagturo niya sa ’kin. “Itong bampirang ’to ang problema ko!” Lumalim naman ang gatla sa noo ni Mr. Aragon. “What is it this time, hija?” “Pa! Since you have been friends with his family, just like you told me before, I guess you already know that Caleb is the CEO of Valiente Investments Corporation. How come the CEO of the top company in our country ag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status