RAZIEL was participating in an illegal car racing. Kapag nalaman ng mga magulang niya ang pinaggagagawa niya tiyak na ipatatapon siya ng mga ito sa bunganga ng bulkan. His parents, especially his mother was overprotective of him and his younger brother. Kaya patay talaga siya kapag nalaman nito ang pinaggagagawa niya ngayon.
Himala nga at hindi pa rin nalalaman ng mga ito ang tungkol sa pangangarera niya ning huling tatlong taon. Magaling ang kaniyang ama sumagap ng balita kaya medyo nagtataka siya kung bakit hindi pa rin alam ng kaniyang ina itong pinasukan niya.
Or did his father already knew? Hindi lang nito sinasabi sa kaniyang ina? Pero imposible naman yata iyon. Ang alam niya kasi ay walang naitatagong sekreto ang kaniyang ama sa kaniyang ina. If his mother learned that her husband was keeping a secret from her, it would mean World War Three in their house.
Pero hindi na bago sa kaniya ang mga ganoong klase ng karera. Noong makuha niya ang kaniyang driver's license ay dumeretso siya sa racing track kasama ang kaniyang mga kaibigan. It was such a wild day and he almost gave his mother a heart attack.
Halos lahat ng mga barkada niya ay nakikipagkarera ng ilegal paminsan-minsan. Isa pa, hindi siya masyadong nag-aalala dahil may kaibigan siyang pwedeng umayos ng gulo. Mahal nga lang maningil ang abnoy.
He'd been living the past three years in constant danger dahil sa mga karerang pinapasukan niya. May mga ilang pangyayari na muntikan na siyang maaksidente. Pero sa awa ng Diyos walang masamang nangyayari sa kaniya.
Kahit na nga ba lihim niyang ipinagdarasal na sana may mangyari ngang hindi maganda sa kaniya. Baka sakaling bumalik uli sa kaniya ang dati niyang asawa.
He closed his eyes tightly. He didn't want to remember anything about his wife now. It will only distract him. And it might cause him to lose this race...or get into a serious accident. He better be in one track mind.
Ipinukos niya sa racing flag na hawak ng babaeng nasa gitna ng kalsada ang atensiyon. The woman held it high above her head, all three cars going for the race started their engines including him.
He gripped the stirring wheel tight and watched as the woman released the flag on both her hands. But before the flag touched the ground, the car on his left already went for it.
Malakas siyang napamura at tinapakan ang accelerator. May mga uhugin talaga kapag ganitong hindi ligal ang karera. Ekspertong minaniobra niya ang kotse sa kalsada. Kabisado na niya ang daan, pinag-aralan at minimorya niya iyon.
Mabilis na naabutan niya ang nangunguna. Hindi pa niya ito nalalagpasan pero kampante siya na magagawa rin niya iyon. Kailangan lang niya ng tamang tiyempo.
Mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo. They were head-to-head already when his opponent chose that moment to bump into him.
Isang malutong na mura ang kumawala sa bibig niya. Kinailangan niyang hinaan ang takbo dahil muntik na siyang mawalan ng kontrol sa kotse. Ang dumi talagang maglaro ng mga h*******k na ito. But he expected it nonetheless. He knew it would happen when he joined the race.
Muli siyang napamura nang makitang malayo na naman ang agwat nila. Nakapokus ang tingin niya sa nangungunang kotse kaya hindi kaagad niya nakita ang babaeng nasa gilid ng kalsada.
Naramdaman niya ang paglundag ng kaniyang puso nang tuluyang makita niya ang tao. Kaagad na inapakan niya ang brake. Sumagitsit ang gulong pero nagawa niya iyong pahintuin ng hindi nababangga ang tao. Or so he thought. Dahil bigla na lang natumba ang babae.
Nasa lalamunan niya ang puso nang bumaba ng sasakyan. Patakbo niyang nilapitan ang babae dahil pamilyar sa kaniya ang pigura nito.
"Please, help me. Parang awa mo na."
Kumapit ito sa pantalon niya. Nanginginig ang kamay nito habang nakahawak sa kaniya. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso habang tinititigan ang babae. He felt like his throat had stopped working.
"Miss?"
Hindi ito kumibo. Ang akala niya ay hindi siya narinig nito pero nag-angat din ito ng mukha. Natigilan siya sa nakita. Hindi nga ba siya namamalikmata lang? Kinusot niya ang mga mata para masiguro kung totoo nga ang nakita niya. Nakayuko na ito kaya umuklo siya sa harap nito at maingat na itinaas ang baba nito.
Napasinghap siya. Ang asawa nga niya! Nilampasan siya ng isa pa niyang kalaban sa karera pero hindi na niya iyon napansin. Nakatuon lang ang atensiyon niya sa babaeng nasa bisig niya ngayon.
He felt immediate happiness for having his wife in his arms again. But it was immediately replaced by anger when he realized he almost crashed into her.
"What the hell are you doing here?!" sigaw niya rito.
Hindi sumagot ang asawa niya. Well, dating asawa. Pero asawa pa rin ang tingin niya rito kahit na nga ba na-annul na sila. Hindi pa rin niya matanggap na hiwalay na sila ng tatlong taon dahil ipinagpalit siya nito sa ibang lalaki. Ah, oo nga pala, his wife was a prostitute.
Nakita mismo ng dalawang mata niya kung paano siya pinagtaksilan nito. Nakita niya itong may katabing lalaki sa master’s bedroom ng bahay nila. Sa kuwarto pa talaga nilang mag-asawa. Parehong hubo't-hubad ang dalawa. Nagkalat pa ang mga damit ng mga ito sa sala hanggang sa hagdanan.
Nagtagis ang mga bagang niya. Iyon ang pinakamadilim na araw ng kaniyang buhay. Masaya naman ang naging buhay nila noon. Kung hindi pa pala niya nakalimutan ang mga mahahalagang papeles sa bahay ay hindi pa niya mahuhuli ang pagtataksil nito sa kaniya.
Masakit isipin na naging faithful ka sa asawa mo pero pinagtaksilan ka lang niya. Hindi naman siya maniniwala sa mga nagsasabing bayarang babae ang asawa niya pero nakumpirma niya iyon nang ipa-cash nito ang check na ibinigay niya rito para lumayas sa harap niya, sa buhay niya.
Ilang buwan din siyang nagpakagago noon. Nagba-bar, nagpapakalasing, nambababae. Pero wala. Mahal pa rin niya ang asawa niya. Sinubukan niya itong hanapin pero hindi niya ito nahanap. Kakalimutan na sana niya ang atraso nito sa kaniya basta bumalik lang ito pero nakita niya itong may kasamang lalaki sa ospital kung saan niya dinalaw niya ang kaniyang inang isang doktor.
Marahas na nilingon niya ito nang hindi pa rin ito sumagot. Umurong ang dila niya nang mapansin ang suot nitong negligee na kitang-kita ang loob na wala itong ibang saplot sa katawan bukod doon.
He couldn't deny how his body reacted over it.
Nagmura siya.
Naaalala pa niya ang mga panahong nakakasama pa niya ito...sa kama. Wala na siyang ibang nahihiling noon kundi manatili na lang ito sa tabi niya habang buhay. Pero ito na rin mismo ang sumira sa mga pangarap niya para sa kanilang dalawa.
"What are you doing out here in that kind of dress?" muling bulyaw niya rito para maibsan kahit paano ang init na nararamdaman niya.
Nagtagis ang kaniyang mga ngipin. Wala sa pokus ang mga mata nito at pinagpapawisan. Binuhat niya ito at idineposito sa passenger's seat. Umikot siya para na rin sumakay.
Hindi muna niya pinaandar ang kotse. Tinitigan niya ang asawa. Medyo namumula ang pisngi nito, nanginginig, magulo ang ayos at hindi mapakali.
A realization hit him hard.
"Are you out here hunting for a man that will share your bed tonight? Bakit, wala na bang lalaki ang gusto kang ikama sa Manila kaya pati rito narating mo para lang maghanap ng panandaliang aliw?" hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa iritasiyong nararamdaman niya maisip pa lang na may iba ng lalaking kasalo sa kama ang kaniyang asawa.
"Ano? Sumagot ka!"
Natigilan siya nang yakapin nito ang sarili habang walang tigil sa panginginig. Sa pagkakataong iyon ay klarung-klaro na ang panginginig nito. Nakatutok lang din ito sa dashboard ng sasakyan niya. Nihindi na nga ito kumukurap. Kita niya ang panginginig ng mga labi nito.
"Shit!"
Tarantado talaga siya kahit kailan. Sarili lang niya ang iniisip. Hindi man lang niya napansin ang kalagayan ng asawa niya.
Mabilis na binuhay niya ang makina ng kotse at pinaharurot iyon palayo.
Muli niyang sinulyapan ang asawa. Ganoon pa rin ito, yakap ang sarili, tinititigan ang dashboard ng hindi kumukurap at patuloy sa panginginig. Mas lalong nagiging visible ang panginginig nito kaya kinabahan na siya.
"Lyx..." nag-aalalang sambit niya.
Nakita niya sa rearview mirror na kumurap ito nang tawagin niya ang pangalan nito. Nakita rin niyang bumuka ang bibig nito pero hindi niya narinig sinabi nito.
Muli niyang pinagtuunan ang pagmamaneho. Hindi sila puwedeng maaksidente dahil kailangan siya ng asawa niya. Bumalik na ito sa kanya. All rational thoughts in Raziel's mind flew away.
"Raziel..."
"Yes, love?"
Sinulyapan ulit niya ito sa rearview mirror.
Nakayuko lang ito at matagal na sumagot. Ang akala niya ay tinulugan na siya nito. "Mainit."
"Sandali na lang at dadalhin na kita sa ospital. Hintay ka lang ng konte."
Nataranta siya nang hindi ito sumagot kaya napadiin ang pagtapak niya sa silinyador.
"Damn it!"
Naramdaman niyang kumilos ang asawa kaya sinulyapan uli niya ito. Nalalaglag ang panga niya nang makitang naghuhubad ito. Is she trying to kill them both?!
"What the hell are you doing?"
He mentally cursed himself when he felt his body react. Hanggang ngayon hindi pa rin pala talaga nagbabago ang reaksiyon niya rito.
"Mainit." ulit nito.
"Damn it, Lyxelle!"
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe