NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
SUMASALAMIN sa mga mata ni Lyxelle ang mga bituing nagniningning sa kalangitan. Napakaaliwalas ng gabing iyon. Walang makikitang ulap na tumatabon sa buwan at mga bituin. Subalit kabaligtaran niyon ang kaniyang nararamdaman. Simula nang araw na iwan niya ang kaniyang asawa, ang lalaking pinakamamahal niya, palagi na lang mabigat ang kaniyang dibdib. Tumatawa nga siya pero walang laman iyon. Para bang hindi na niya mararamdaman pa ang totoong kaligayahan. Alam naman niyang hindi dapat sa lalaki umiikot ang buhay. Pero hindi lang talaga niya maisawalang-tabi ang kaniyang nararamdaman. Umaasa rin siyang hihilom ang sugat niya sa puso sa pagdaan ng panahon subalit tatlong taon na ang lumipas at hindi pa rin naiibsan ang sakit, mas lalo pa ngang lumala iyon. Bumuntunghininga siya. “Hey, babe, what’s up?” Nilingon ni Lyxelle ang lalaking kasama niya. Nasa anim na talampakan ito at masasabi niyang napakagwapo nito…sa paningin ng ibang babae at binabae. Isa lang ang guwapo sa paningin niy
NAGISING si Lyxelle dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman. Para siyang binugbog ng sampong katao. Hindi nga niya magawang idilat ang mga mata at pagalawin ang mga daliri. Tila ba naging paralisado siya. Pinakalma niya ang sarili dahil walang mangyayari kung magpapadala siya sa panic. Ramdam niya ang malamig at matigas na hinihigaan. Kung tama ang hula niya, nakahiga lamang siya sa sahig na walang kahit anong sapin. May mabaho rin siyang naaamoy at kung anong ingay na hindi niya matukoy. Hindi siya komportable sa kinahihigaan pero mabigat pa rin ang kaniyang pakiramdam kaya napagdesisyunan niyang bumalik na lang sa pagtulog. Muli siyang nakatulog. Hindi sigurado si Lyxelle kung ilang oras na siyang tulog hanggang sa may maramdaman siyang ingay na gumigising sa kaniya. Ilang ulit din siyang napaidlip at nagising ng hindi nagmumulat ng mga mata dahil sa maingay niyang paligid. Hindi sana niya iyon papansinin subalit gusto talaga siyang gisingin. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga
KAHIT ano ang gawing pagmamakaawa ni Lyxelle ay parang walang narinig ang mga tao roon kahit na nga ba umiiyak siya at nakaluhod. “Please…” Nanigas siya nang hawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Nang nakatayo na ang babae sa mismong harap niya ay doon lang gumalaw ang katawan niya. Pilit siyang nagpumiglas sa hawak ng dalawang lalaki pero dahil doble ang laki ng mga ito sa maliit niyang katawan ay wala siyang nagawa nang tuluyang i-inject sa kaniya ang kung anumang likido iyon. “Sigurado akong malaki ang kikitain natin sa babaeng `yan.” sabi ng isang may katandaang lalaki, nandidiri si Lyxelle sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kaniya. “Oo nga, makinis.” “Puwede bang tikman muna natin Joseph? Bago mo ibinta?” Wala siyang narinig na sagot mula sa lalaking nagngangalang Joseph, iyong nagpaligo sa kaniya. Wala siyang pakialam dito, isa lang ang nasa isip niya. Ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lugar na iyon dahil hindi niya kayang isipin kung ano ang ma
RAZIEL was participating in an illegal car racing. Kapag nalaman ng mga magulang niya ang pinaggagagawa niya tiyak na ipatatapon siya ng mga ito sa bunganga ng bulkan. His parents, especially his mother was overprotective of him and his younger brother. Kaya patay talaga siya kapag nalaman nito ang pinaggagagawa niya ngayon. Himala nga at hindi pa rin nalalaman ng mga ito ang tungkol sa pangangarera niya ning huling tatlong taon. Magaling ang kaniyang ama sumagap ng balita kaya medyo nagtataka siya kung bakit hindi pa rin alam ng kaniyang ina itong pinasukan niya. Or did his father already knew? Hindi lang nito sinasabi sa kaniyang ina? Pero imposible naman yata iyon. Ang alam niya kasi ay walang naitatagong sekreto ang kaniyang ama sa kaniyang ina. If his mother learned that her husband was keeping a secret from her, it would mean World War Three in their house. Pero hindi na bago sa kaniya ang mga ganoong klase ng karera. Noong makuha niya ang kaniyang driver's license ay dumerets
TAHIMIK ng ilang sandali ang loob ng sasakyan kaya akala ni Raziel ay kumalma na ang dati niyang asawa. Kaya nga lang ay hindi na siya komportable sa pagkakaupo. Ano bang nangyayari rito? Hindi niya inaasahan na aakitin kaagad siya ng asawa niya sa muli nilang pagkikita. Ang akala niya maghahabulan at magbabangayan pa sila bago nila maayos ang isyu nila sa buhay. Narinig niyang umungol ang asawa niya kaya nilingon niya ito at gaya noong una, nalaglag na naman ang panga niya dahil sa nakita. She was touching herself! "Lyxelle!" Muntik na siyang mawalan ng kontrol sa manibela. He uttered a low curse when he felt his manhood twitch. Talagang sinusubukan nito ang pasensiya niya. Kailangan niyang bilisan ang takbo para marating na nila ang siyudad. At nang makalayo naman siya ng kaunti rito. The woman was driving him nuts! Itinuon na lang niya sa kalsada ang atensiyon kahit ramdam niya ang init ng atmospera sa loob ng sasakyan. Pinagpapawisan na siya. Nararamdaman niyang tinititigan si