Share

Chapter 52

NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.

Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.

Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.

Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.

“Lyx?” tanong nito.

Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.

Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.

Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status