Share

Chapter 01

NOTE: Please be advised that this story contains, mature themes, and strong language that are not suitable for every young audiences. Read at your own risk.

[[SIX MONTHS AGO]] 

====≠===≠===≠===≠===≠===≠====≠

"Avigail Alfonzo!"

Abot langit ang ngiti ni Avi habang paulit-ulit niyang binabasa ang pangalan niya sa bulletin board. Sino ba naman ang hindi? Kabilang lang naman siya sa sampung mapapalad na napiling pintor upang iprisinta ang kanilang obra sa isang kilalang musileyo sa Spain. Ang Museo del Prado.

Hindi niya inaasahang mapapasama siya sa listahan, at nasa ika-apat na hanay pa nga! Alam niya rin na hindi siya ganoon kagaling kumpara sa mga sikat at mahuhusay na pintor na talaga namang pinipilahan ngayon, pero hindi rin naman siya pahuhuli.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at kaagad na kinuhanan ng larawan ang pangalan niyang nakapaskil pa rin sa bulletin board, bago kaagad na pinost sa social media. 

Wala pang isang minuto ay umani na kaagad ng napakaraming reaksyon ang larawang pinost niya. Sunod-sunod din ang mga nag komento na karamihan ay kaibigan at mga naging kaklase niya sa FSU dito sa Florida. Ngunit nakuha ang atensyon niya sa komento mula sa kaniyang pinakamamahal na ama at kakambal na si Avery.

I'amAvery:

[Congrats, napakahusay mong bruha ka! Call me whenever you're not busy... So proud of you bitch!]

MightyAlfonzo:

[Go home... Let's celebrate bago pa ako maging busy ulit and travel out of the country.]

Napangiti siya pagkabasa niya sa mensahe ng kaniyang kapatid at ama. Hindi man lantaran ang pagkakapahayag ng mga ito sa achievement niya ay napakasaya niya pa rin ng dahil sa pasimpleng pagbati ng mga ito.

Kaagad niyang dinayal ang numero ng kapatid niyang si Avery upang tawagan at kumustahin na rin ang mga ito sa Pilipinas. Plano niya na ring umuwi at magtayo ng sariling Art Gallery upang doon na lang din sa Pilipinas manirahan. Seyempre pa, magiging katuwang niya ang kapatid sa naiisip niyang negosyo dahil isa itong magaling na Interior Designer.

Dalawa lang silang magkapatid at kambal pa nga. Purong Pilipina ang kanilang ina, habang ang ama naman nila ay Pilipino/Italian na isa sa masasabing mayaman na businessman.

At the age of twenty, Avi flew to Florida to pursue her chosen profession as an Artist. Her family become very supportive of what she wanted to do in her life. She lived in Florida for three years with no one but herself. Nakaya niya naman at ngayon nga ay heto... nagbabalak ng umuwi sa lupang kaniyang sinilangan.

"Bakit ba ang tagal sumagot ng bruhang 'to?!" Inis na dinayal niya ulit ang numero ni Very sa ikatlong beses.

Kung hindi siya nagkakamali... may hihingin na namang pabor ang kambal niya sa kaniya kung kaya't sinabi nitong tumawag siya. Ngunit ngayon nga ay heto at halos paos na ang cellphone niya ka-ri-ring pero hindi pa rin sinasagot ng bruha!

"Kapag hindi ka pa sumagot... tablado na tayong dalawa!" muli niyang asik na para bang nasa harap niya lang ang kapatid.

Avery or Very is her total opposite even if they're twins. Very is a shy type, ni hindi nga yata makatingin ng diretso ang kambal niyang 'yon sa katawan ng lalaki. Si Very rin ang maituturing na prim and proper, habang siya naman ang trouble maker o blacksheep ng pamilya.

Lahat ng kabulastugan, kamalditahan at ng magsabog ang kakapalan ng mukha ay sinalo niyang lahat. Kaya naman siya rin ang dahilan ng halos araw-araw na sakit ng ulo ng kanilang mga magulang noong nasa Pilipinas pa siya.

Ganoon pa man, para sa kaniya ay malaking bagay na nasalo niya ang lahat ng katangiang 'yon. Dahil kung hindi... baka hindi niya naabot ang pangarap niya at tulad ni Avery ay mistula siyang ibon na nakakulong sa isang malawak na hawla.

[Hello...] Nangunot ang noo ni Avi ng marinig ang tila kagigising lang na boses ni Very. [Who's this?]

"Hoy bruha! Ako 'to, ang pinakamaganda mong kambal. Anyare bakit ganyan ang boses mo? Don't tell me... kahuhugot lang ng-"

[Watch your word, Avi! Hindi mo ba alam kung anong oras palang dito sa Pilipinas ngayon?] Putol ni Very sa kaniya na mas lalong nagpakunot ng noo niya at napatingin sa kaniyang relo. [Alas dos ng madaling araw palang bruha ka... salamat sa pangbubulahaw mo!]

Wari mo ay nasa harap niya lamang si Very kung sigawan siya ng bruha. Hindi niya na lang 'yon pinansin dahil sanay naman na sila sa pagmamaldita sa isa't-isa, katunayan nga ay ugali na talaga nila ang magsigawan na para bang laging nagtatalo.

"Hey, you're the one who told me to call you up when I'm not busy!" Narinig niya ang mahinang buntong hininga sa kabilang linya dahilan upang mapaisip siya at magtanong sa kapatid. "May problema ka ba? Alam mong kaya kong lutasan yan... sa tamang presyo. So ano, magkano?"

[Ten thousand... ako na rin ang bahala sa plane ticket mo. Magpanggap kang ako at sumama kay Daddy sa business trip nito. Don't worry, three days lang 'yon.]

Kaagad niyang kinalkula sa isip kung sapat na ba ang ten thousand at pa-plane ticket ni Very bilang bayad sa kaniya. Mahal ang talent fee na hinihingi niya sa kapatid sa tuwing humihingi ito ng pabor sa kaniya dahil may pinag-iipunan siya. Ganoon din naman si Very sa kaniya na mas mautak pa nga pagdating sa pera.

Madalas nilang gawing magkapatid ang magpapalit-palit ng pagkakakilanlan upang lutasin ang kanilang problema. Minsan naman ay nagpapanggap sila para lang mang-trip at lalong inisin ang mga hampaslupang may galit sa kanila.

Bukod kasi sa mga magulang nila, bihirang-bihira lang ang nakakaalam kung sino si Very at sino si Avi kapag magkasama sila. Minsan nga kahit ang mga magulang nila ay nalilito na rin. Kaya naman madali na lang din para sa kanila ang magpanggap ng hindi nabubuko.

"Additional five thousand. Malamang na mapapanisan lang ako ng laway doon at magmumukhang aso na sunod ng sunod kay Daddy kung saan man siya pupunta!" baliwalang sagot niya at sumakay na sa kotse niya upang umuwi at maghanda na para sa celebration nilang magkakaibigan.

[Okay deal! I-bo-book ko na ang ticket mo ngayon para makauwi ka na rin bukas. Sa susunod na araw na ang business trip ni Dad-]

"Teka! Kalma! Bakit ang bilis naman yata?! May party pa kami mamaya, balak ko pa ngang umiskor sa jowa ko ng maranasan naman ang ika pitong glorya kung sabihin nila! Very naman, hindi ba puwedeng next day?" sunod-sunod niyang tanong at paghihimutok sa kapatid. Nagbabakasakaling pumayag ito at pagbigyan siya sa kaniyang kapiratso.

[Hindi nga puwede dahil sa susunod na araw na ang business trip ni Dad. Ano? Ayaw mo ba o gusto?]

"Additional five thousand! Rushed kasi!" Malutong na tawa ang pinakawalan ni Very mula sa kabilang linya na ikinaikot naman ng mga mata niya. Ganoon pa man ay pumayag pa rin ang kaniyang kapatid, halatang desidido ang bruha na 'wag sumama sa ama nila.

                 ====≠====≠====≠====

Dahil hindi naman ganoon kalayo ang  unit ni Avi sa FSU ay nakauwi rin siya kaagad. Akmang bubuksan niya na ang pinto ng unit niya ng bigla na lang may pumiring sa kaniyang mga mata.

Sa una ay kinabahan siya ngunit kalaunan ang kabang nadama niya ay naglaho at napalitan ng excitement. Dahil kahit nakapikit pa siya ay kilalang-kilala niya ang pabangong gamit ng may-ari ng kamay na nakapiring sa kaniya.

"Jake... I know that's you," aniya at sumilay ang pinong ngiti sa kaniyang labi. "I can smell your cologne honey."

"Congratulations!" Kaagad siyang niyakap ni Jake na nobyo niya sa halos tatlong buwan na. "I'm so proud of you... Can we celebrate here in your unit? I want to be with you now, Avi."

Avi knew what her boyfriend wanted to do. When she opened the door, Jake pinned her to the wall and kissed her immediately.

Bahagya lang siyang nagulat sa pagiging agrisibo ni Jake, ganoon pa man ay tinumbasan niya ang klase ng halik na ginagawa nito sa kaniya. Maya-maya pa ay kapwa na sila naghahabol ng hininga ng bumitaw sa labi ng isa't-isa.

"Let's make it quick... I know that you want this Avi. And I promised, I won't stop untill your legs are shaking," bulong ni Jake sa kaniya habang humahaplos ang kamay nito sa baywang niya pababa sa kaniyang hita.

Kung noon ay i-ni-imagine niya ang kaniyang sarili na kaniig ang lalaki, ngayon ay tila nawalan siya ng gana rito. Para bang bigla na lang siyang nanlamig at saka palang naisip na hindi pa pala siya handa para sa mature roles.

"Sorry, Jake, but we can't do-"

"Oh come on Avi! Don't tell me you're still a virgin? With a face and body like that..." Pinasadahan siya nito ng tila nang-uuyam na tingin bago muling tumitig sa mga mata niya at ngumisi. "...I doubt! So don't act as if you're a virgin and don't know how to fuck a guy!" giit pa nito sa nanunuyang tono.

Nag-init kaagad ang ulo ni Avi ng dahil sa kagaguhang sinabi ni Jake sa kaniya. Tinulak niya ito at tinuro ang pinto upang ipaalam na makakaalis na ito sa unit niya. Hindi siya ang tipo ng babaeng magpapa-under sa lalaki at hahayaan na lang na bastusin siya. Ika nga niya, 'kung gaguhan lang din ang labanan... top one siya d'yan!

"Kapal ng mukha mong gago ka! Ni hindi ko nga naramdaman na tinigasan ka! Malamang sa alamang, ga-sausage lang ang sukat ng tang'nang etits mo na yan!" Nangunot naman ang kilay ng lalaki dahil hindi siya nito maintindihan.

Purong Amerikano si Jake kung kaya't sigurado siyang ni isang salita na binanggit niya ay hindi nito naintindihan.

Nang lumabas ang lalaki ay napasandal na lang siya sa saradong pinto at bumuntong hininga. "Mabuti na lang din na hindi ko isinuko ang bataan ko sa lalaking 'yon. Mabibitin lang ako, baka 'di ko pa maabot ang ika pitong glorya dahil sa liit ng ibon n'ya!"

Nagpupuyos ang kalooban na pumasok siya sa silid niya at natulog na lang. Dahil kinabukasan... handa na siyang bumalik sa bansang kaniyang kinalak'han.

*****

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Paupau
thank you so much po. sinisimulan ko narin po ang series two nito hehehe. na inspired po kc ako sa pagsuporta nyo. salamat po ulit and god bless
goodnovel comment avatar
Lilla Vennarucci
Magsulat**
goodnovel comment avatar
Lilla Vennarucci
Iba ka tlaga magsukat ms. Paupau!!! Eto n nman ako at umaabang sa kwento mo! More power.. keep it up
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status