Share

Chapter 02

[Ninoy Aquino International Airport]

Tila hindi pa rin makapaniwala si Avi na ngayon nga ay narito na siya sa Pilipinas. At dahil wala na rin naman siyang planong magtagal pa sa Florida, natuloy din ang pag-uwi niya ng rushed. Halos mag a-apat na taon na rin kasi simula ng umalis siya at nanirahan sa Florida. Ganoon pa man, hindi naman nakalimot ang isip at puso niya sa bansang kaniyang kinalak'han.

Kaagad na kinuha ni Avi ang cellphone niya ng maramdaman ang pag vibrate no'n, matapos siyang tumulala sa nakaimprintang pangalan ng Airport sa itaas. Alas kuwatro na ng hapon ng makarating siya kaya malakas pa ang loob niya na maglibot pa sana, kaya lang ay heto at tumatawag na ang kapatid niya.

[Where are you?] bungad sa kaniya ni Very mula sa kabilang linya. [Kanina pa naghihintay d'yan si Mang Jose... tanda mo pa naman siguro ang itsura niya 'no?]

Inilibot ni Avi ang kaniyang paningin upang hanapin si Mang Jose. Nagbabakasakali na makita niya ito  sa hanay ng mga taong may hawak na papel, at nakasulat ang pangalan ng mga hinihintay nila.

"Yes, tanda ko pa ang itsura niya, kaya lang sa dami ng tao-"

"Ma'am Very? Akala ko ay hindi kayo makakapagsundo... hindi ko pa nakikita si Ma'am Avi," putol sa kaniya ng lalaking kaunti na lang ang buhok sa ulo - for short panot na kung sabihin ng iba.

Pinakatitigan niya ito at sinuring mabuti. Medyo may katandaan na, payat ngunit matangkad, at nakasalamin na rin na daig pa yata ang magnifying glass sa kapal. Kung tama ang kaniyang hinala, siya na nga ang hinahanap niya.

"Mang Jose?" nananantiyang tanong niya sa matanda bago muling kinausap si Very sa kabilang linya. "Nakita ko na siya... I'll end this call now, see yah later bitch," pagpaaalam niya sa kapatid, bago muling bumaling sa matandang lalaki.

"Mang Jose ako ho ito... ang pinakamaganda, pinakasexy, at pinakatalented na si Avi," nakangiting giit niya kay Mang Jose na hindi rin makapaniwalang nakatitig sa kaniya.

"Ma'am Avi!" bulalas nito na para bang artista ang nakita niya. "Naku, magkamukhang-magkamukha kayo ni Ma'am Very... Welcome back."

Sa isip niya'y natural na magkamukha sila ni Very dahil nga identical twins sila. Ganoon pa man nginitian niya ito at nagmano na rin bilang respeto sa matanda.

Kaagad namang tumalima si Mang Jose upang buhatin ang iba niyang gamit. Sinundan niya na rin ang matanda ng nagsimula na itong maglakad hila ang maleta niya sa kaliwang kamay, at ang isa niya pang bag sa kanang kamay.

"Mang Jose kumusta naman ho kayo? Nag asawa na ho ba kayo?" sunod-sunod niyang tanong.

Bago siya sagutin ni Mang Jose ay binuksan na muna nito ang pinto ng kotse at inilagay ang mga gamit niya. Doon na rin siya sa katabi ng driver seats umupo upang makipagkwentuhan sa matanda.

"Wala pa ring nagkakamali Ma'am..." ngumiti ang matanda na halatang baliwala lang sa kaniya ang sinabi. "...ayaw yata nila sa pogi," aniya pa na nagpatawa kay, Avi.

Sa edad ni Mang Jose na sa palagay niya ay nasa fifty plus na, palabiro at masiyahin pa rin ito. Hindi niya rin inaasahan na simula noong umalis siya patungong Florida, at ngayon na bumalik na ulit ay binata pa rin ito.

"Sana ho pala sinabi n'yo sa akin at ng hinanapan ko kayo ng tisay sa ibang bansa," sagot niya naman na ikinangisi na lang ni Mang Jose.

Nang namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay inihilig ni Avi ang ulo niya sa bandang bintana bago pumikit. Gawa rin ng pagod at mahabang byahe ay kaagad siyang nakatulog. Panatag naman siya na mabuting tao ang nanundo sa kaniya kung kaya't hindi na siya nag-isip pa na baka may gawin itong masama habang tulog siya.

Makalipas ang ilang oras na byahe ay naramdaman niya na lang na tumigil na ang sasakyan at ang mahinang tapik sa kaniyang balikat.

"Narito na tayo Ma'am," ani Mang Jose sa kaniya at nauna na itong bumaba.

Madilim na sa labas ng ilibot niya ang kaniyang paningin. Tinanggal niya na rin ang seatbelt niya at lumabas na. Sa loob ng tatlong taon ay walang ipinagbago ang mansion na nasa harap niya ngayon.

Ganoon pa rin ang kulay, ang pinaghalong puti at itim. Bahagya ring maaaninag ang loob ng mansion dahil gawa sa salamin ang ibang parte nito. Mas naging maliwanag lang yata ngayon dahil kahit madilim na ay kitang-kita niya pa rin ang itsura ng mansion nila na wari mo'y kumikislap sa gitna ng dilim.

"Home sweet home," hindi niya mapigilang usal bago pumasok na nga sa loob ng kabahayan.

Sumalubong naman sa kaniya ang kambal niyang si Very pagkapasok niya. Kung ano ang pisikal niyang itsura na lagi niyang pinupuri sa salamin ay ganoon na ganoon din ang kaniyang kambal.

Parehong kulot ang kanilang buhok na lampas kilikili. Magkasing-taas, parehong kumikinang sa kaputian ang kanilang kutis at pati na rin ang kilos ay halos iisa. Kung may pinagkaiba man sa kanilang dalawa, iyon ay ang kulay ng kanilang mga mata, pati na rin ang klase ng pananamit nila.

Ang mata ni Avery ay kulay tanso na para bang kakulay ng papalubog na araw. Habang ang sa kaniya naman ay bahagyang mapusyaw na para bang kulay ng araw sa tanghaling tapat. Ngunit kung hindi tititigang mabuti... hindi pa rin mapapansin ang pagkakaiba nilang 'yon.

"Welcome back, Avi..." Niyakap siya ni Very at ginawaran ng halik sa pisngi. "...may dinner meeting pa sila Mommy at Daddy pero alam naman nila na ngayon ang uwi mo. Mahihintay mo ba sila?" tanong nito.

"I'm tired, puwede na ba akong matulog muna para may lakas akong umakting bukas?" nakangising balik tanong niya kay Very na tinanguan lang siya.

Hinatid din siya nito sa sarili nitong silid upang doon na matulog. "Bukas ang alis n'yo ni Dad kaya naman dito ka na sa kuwarto ko matulog at doon naman ako sa kuwarto mo. Starting today, palit muna tayo ng identity... don't worry three days lang," paglalahad pa ni Very sa kaniya na mataman niya namang pinakinggan.

"Galingan mong magpanggap na ako huh! Sasabunutan talaga kita kapag pumalya ka. Tsaka, saan ba ang business trip?" Sa pagkakataong ito'y siya naman ang nagtanong kay Very.

Hindi pa kasi nasabi nito sa kaniya kung saan ba ang business trip nila ng ama nila. Mas mapapadali kasi ang pag-arte niya kung mayroon siyang kahit na kaunting impormasyon na makakalap tungkol sa magaganap.

"I don't know..." maikling sagot naman ni Very.

Humiga na siya sa kama at ipinikit ang mga mata dahil nangingibabaw na talaga sa kaniya ang antok at pagod. Unti-unti na ring humihina sa pandinig niya ang mga sinasabi ng kaniyang kapatid, ngunit bago siya tuluyang makatulog ay narinig niya ang huling sinabi nito ng malinaw.

"Our company is facing bankruptcy, Avi... do your best on that business trip. Kung kaya ko lang makisalamuha sa ibang tao, ako na sana ang sasama."

         ====≠====≠====≠====

When morning comes, Avi woke up because of the continuous knocking on the door. Kahit nakakaramdam pa ng antok at pamimigat ng mata ay pinilit niyang tumayo upang pagbuksan ang kung sino mang hangal na sumira ng beauty sleep niya.

"Good morning Very," nakangiting bati sa kaniya ng kapatid niyang si Very.

Pinakatitigan niya ito at sinuri mula sa ulo hanggang paa. Suot ang maikling short niya na maong at tinernohan ng sandong itim na humahakab sa kurbada nitong katawan. Muntik ng tumikwas ang kilay niya ng umikot ito sa harap niya bago kumindat. Nawala sa isip niya na ngayon na pala ang umpisa ng kanilang pagpapanggap.

"Nasa baba sila Mommy at Dad maganang kumakain ng breakfast. Maghanda ka na rin bago bumaba," paglalahad nito sa kaniya.

"You look stunning in my clothes, artehan mo pa dahil maarte akong sadya. Hindi ka papasang artista kung  mukha kang naiilang sa itsura mo, be proud... you're not Avigail Alfonzo for nothing my dear twinnie."

Pinanlakihan lang siya ng mata ni Very na ikinatawa niya na lang. Kaagad na rin siyang pumasok sa banyo nito at naligo ng mabilisan. Hindi puwedeng paghintayin ang mga magulang nila lalo na't nasa hapag kainan na ang mga ito.

Istrikto ang ama nila habang konsintidor naman ang kanilang ina. Kaya naman sa tuwing napagsasabihan sila ng kanilang ama ay sa ina nila sila tumatakbo upang mag sumbong. Ganoon pa man, their parents are the best parents that they ever have. Pinalaki sila ng mga ito ng matino at punong-puno ng pagmamahal. Walang bagay sa mundo na hindi ibinigay sa kanila ng kanilang mga magulang ng hindi nila hiniling.

Matapos siyang maligo ay nagtungo siya sa walk-in closet ni Very. "Mahabaging langit!" Napangiwi siya ng makita ang mga damit ng kapatid na hindi man lang pumasa sa standard niya. "How does she expect me to wear this things? Does she know the word fashion?" aniya pa ng mahawakan ang nagkakapalan, at naghahabaang damit ni Very sa closet nito

Baliwalang hinugot niya na lang ang black turtle-neck dress na may slit sa magkabilang gilid na malapit sa tuhod. Tinupi niya na lang din ang manggas no'n hanggang sa siko. "My gosh, ang init-init sa Pilipinas tapos ganito ang tipong damit ng kambal ko!" bulong niya at napairap na lang.

Nang maisuot niya 'yon ay nagsuklay lang siya ng buhok at walang kahit na anong nilagay sa mukha. Hindi kasi mahilig si Very mag make-up, kaya naman wala siyang magagawa kun'di ang ipakita na lang ang natural niyang karisma. Nang sa tingin niya ay ayos na siya, kaagad na rin siyang bumaba upang sumalo sa mga magulang at kapatid niya.

It had been four years since the last time she ate with her family. And Avi thinks that it would be the perfect time to start her first day here in the Philippines, not as Avi but as her twin sister Very.

"Let's see if my parents would notice the difference between their twin daughters, Avi and Very." She whispered and smirk.

*****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status