Share

Dark Secret Series 1: Hidden Desire
Dark Secret Series 1: Hidden Desire
Author: Paupau

PROLOGUE

[[PRESENT]]

====≠====≠====≠====≠====≠====≠

"TAKE OFF YOUR CLOTHES!"

Avi's lips parted a bit when her handsome brother-in-law Xavier enters her room and commands her to take off her clothes. But still, she remains calm and stared at his handsome face.

Namumungay ang kulay asul na mga mata, namumula ang pisngi at higit sa lahat ay sumusuray sa paglalakad palapit sa kaniya. Napailing na lang siya sa ideyang lutang na naman sa alak ang guwapo niyang asawa kuno.

Sa halos isang linggong pananatili niya sa mansyon na ito ni Xavier ay walang araw na hindi ito umuwi ng lasing o 'di kaya ay nakainom. Ngunit hindi tulad ng dati, naging mapangahas ngayon ang lalaki at dito pa talaga sa silid niya pumunta.

"You're drunk again." Walang emosyong saad niya habang nakatutok ang paningin sa papalapit na lalaki. "Doon ka sa kuwarto mo matulog o kaya naman ay sa ibang babae ka magpalipas ng gabi!" aniya pa.

Kaagad na hinawakan ni Xavier ang paa niya at hinila siya hanggang sa dulong bahagi ng kama. Halos pawalan naman siya ng lakas at manginig dahil sa takot na nadama niya mula rito. Hindi naman kasi ganito ang pagkakakilala niya kay Xavier sa halos isang linggong nakakasama niya ito.

Walang kibo, walang pakialam, laging seryoso o 'di kaya ay nakasimangot, at tila may sariling mundo ang lalaki sa tuwing magkikita sila sa apat na sulok ng mansyon. Bukod pa sa lagi itong nakainom, madalas ay nahuhuli niyang lumalabas ito ng gabi at kinabukasan na ng tanghali kung umuwi.

"I said take off your damn clothes!" Hinila ni Xavier ang lingerie niya na kalaunan ay napunit dahil sa kanipisan ng tela. "I want to see your beautiful body... wife!" mariing bulong pa nito bago siya hinalikan sa leeg pababa sa nakahantad niyang balikat.

Buong lakas niyang tinulak ang lalaki upang tumigil ito sa kahahalik sa kaniyang balikat. "X-Xavier... lasing ka, mabuti pa ay matulog ka na!" 

Hindi maikakaila ni Avi na sa bawat haplos ni Xavier sa kaniyang balat ay naghahatid sa kaniya ng init sa katawan na tanging ito lamang ang nakapagpaparamdam. Tila may kung anong bultahe ng koryente ang lumulukob sa kaniyang katinuan, at ganoon na lang ang kagustuhan niyang tumugon dito. Ngunit sa kabila ng nararamdaman niyang 'yon, pilit niyang isinisiksik sa kaniyang isipan na hindi siya dapat makaramdam ng kung ano man sa lalaki.

Hindi siya puwedeng magpatangay sa bugso ng kaniyang damdamin at tawag ng katawan. Alam niyang hindi siya makatatanggi sakali mang ipilit ni Xavier sa kaniya ang sarili nito, dahil nga sa mata ng tao o sa kahit sino mang ponsyopilato ay legal silang mag asawa... 'yon ang pagkakaalam niya ayon sa kapatid niya. Ganoon pa man, hindi pa rin maaari dahil hindi naman niya tunay na pag-aari ang lalaki.

"Don't push your luck, husband," aniya at pilit na tinatatagan ang sarili na 'wag bumigay sa mapang-akit na tingin ni Xavier. "Tumatayo lang naman yang alaga mo ngayon dahil lasing ka, pero kapag nasa normal kang huwisyo... I doubt! Ni hindi nga ako sinaluduhan niyan kahit na nga ba nakita mo na akong walang saplot ni isa rito sa kuwarto noong nakaraang gabi!"

Mahinang tumawa si Xavier na ikinabigla niya. Ngayon niya lang kasi nakita at narinig na tumawa ang lalaki. Hindi niya maikakailang mas naging guwapo ito sa paningin niya. Muli rin itong lumapit at umupo sa tabi niya bago siya tinitigan na wari mo ay binabasa ang laman ng kaniyang isip.

"You don't know how much I tried not to masturbate that time. But then, I found myself inside my bathroom. Stroking my shaft as fast as I could while thinking about you till I reach my fucking climax, my dear wife."

Nanlaki ang mata niya sa kaalamang 'yon na sinabi sa kaniya ni Xavier. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking tulad ni Xavier Oxford, ang isa sa pinakamayaman at kilalang tao sa lipunan ay paliligayahin ang sarili ng dahil lang sa kaniya?! Mahabaging langit!

Sa dinami-dami ng babae sa mundo, hindi niya inaasahang siya pa talaga ang iisipin ng lalaking ito habang nagmimilagro. Well, hindi naman siguro talaga siya ang iniisip nito, kun'di ang kapatid niyang ga-sino lang ang nakakaalam kung sino ang sino sa kanilang dalawa.

"Alam mo bang puwede kitang kasuhan sa ginawa mong 'yon?" Taas ang kilay na pinakatitigan ni Avi ang namumungay na mga mata ni Xavier bago dinuro ang tungki ng matangos nitong ilong. "Lusting over me is a sin, my dear hubby. Kaya naman mas mabuti pang bumalik ka na sa silid mo, matulog, at tigilan ang kaharutan mo!" asik niya pa rito na tanging ngisi lang ang naging sagot.

Gumapang ang kakaibang kilabot sa katawan ni Avi nang magsimulang maghubad ang lalaki sa kaniyang harapan. Walang pakialam na hinagis nito ang nahubad na polong kulay puti bago tumayo sa harap niya. Hindi rin alintana ng lalaki kung paano niya binusog ang kaniyang mga mata sa halos makalaglag panty nitong abs, na nakabalandra sa kaniyang paningin.

"Paanong naging kasalanan ang pagnasaan ko ang aking asawa? Sa pagkakatanda ko ay binili kita ng dalawampung milyon sa ama mo kasama ang kumpanya n'yo, at binayaran pati ang patung-patong na utang n'yo! Kaya naman lahat ng mayroon ka ay pag-aari ko na rin at bayad na!" Xavier pushed her hard that caused her to lie down on the bed. "Now do your duty... pleasure me, my dear wifey."

"In your fucking wet dreams! Ano ka, hibang? Mahal ang talent fee ko kaya please lang, 'wag ako... baka hindi mo ako kayanin, ikaw rin!" aniya sa kaalamang wala sa tamang katinuan ang lalaki sa kaniyang harapan.

Her father Mario Alfonzo forced her twin sister Avery to marry this Xavier Oxford to prevent their company from bankruptcy. Ngunit sa kasamaang palad, tatlong araw matapos ang kanilang kasal ay sabay na naaksidente ang kanilang mga magulang sa isang plane crash. Walang ni isa man ang nabuhay sa naturang insidente at kabilang sa mga nasawi ang kanilang mga magulang.

Kaya naman ang letseng kumpanya nila ay tuluyan na nilang ibinenta dahil wala namang may gustong mamahala no'n sa kanilang dalawa. Avery lives her life with this handsome but snob, perfectionist, and cold-as-ice Xavier Oxford - her twins very own husband. Habang siya naman ay namumuhay ng malaya sa paraang gusto niya.

Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, ang magaling niyang kambal ay lumayas ng walang paalam. Dalawang araw ng makaalis si Avery at nalaman niyang nasa Italy pala ngayon ay tumawag ito sa kaniya, at nakiusap na magpanggap na muna siyang asawa ni Xavier hanggang sa makabalik ang bruha! Sino ba naman siya para tumanggi pa kung may bayarang magaganap?

Aniya nga sa kaniyang sarili 'give me the money, and I will do my duty'. Aba, sa panahon ngayon pera-pera na lang ang labanan at wala ng libre! Sabagay, ganoon din naman sa kaniya ang kaniyang kapatid kapag may hinihingi siyang pabor dito. Hindi rin naman siya papayag na magpanggap bilang asawa ng asawa nito ng walang kapalit. Pero ang tanong, kailan ba babalik ang magaling niyang kapatid?!

"I'm tired and sleepy... Be kind enough Very... For once, do your duty as my wife," pakiusap ni Xavier sa kaniya habang marahang gumagapang sa ibabaw niya.

Pilit niya itong tinulak, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak mismo sa kaniyang katawan. Mabilis na ginawaran siya nito ng banayad na halik sa leeg na sa kabiglaan ay hindi niya na naiwasan pa. Unti-unti rin siyang nakakaramdam ng init sa katawan at pagnanasa sa lalaki lalo na ng dumapo ang mga kamay nito sa baywang niya pababa sa kaniyang hita.

"X-Xavier... this is wrong, p-please stop!" halos pabulong at paos niyang sabi habang mariin na ring nakakapit sa matipunong balikat ng lalaki. "I don't love you... At hindi ko rin maatim na mahalin ka gayong wala ka namang ibang ginawa kun'di ang magpakasaya sa kandungan ng iba!"

Muling lumapat ang labi ni Xavier sa kaniyang balikat pataas sa kaniyang leeg, hanggang sa dumapo ito sa kaniyang tenga bago bumulong.

"Not because men dumped you countless times, you'll gonna dumped me as part of your revenge. Tandaan mo kasal tayo, sa ayaw at sa gusto mo ako ang end game mo Very!"

Muli niya sana itong sisinghalan pabalik. Ngunit ganoon na lang ang halakhak niya ng marinig ang mahinang hilik ng guwapo niyang bayaw, kasabay ng biglang pagsubsob ng mukha nito sa leeg niya. Nakatulog na ang hibang na lalaki dala na rin siguro ng kalasingan. Nagmistula tuloy itong lantang gulay sa ibabaw niya matapos siyang sabihan ng kung anu-ano. 

"Lakas ng loob mong mag demand ng wife's duty tol! Heto nga't hindi pa tayo nakaka-isang round at wala pa sa exciting part ay tulog ka na... tsk, alak ka kasi ng alak... Ayan tuloy, bitin si manoy!"

Marahan niyang tinulak ang lalaki palayo sa kaniyang katawan bago tumayo. Nanguha rin siya ng panibagong lingerie at kaagad na isinuot bago lumabas ng silid upang magtungo sa bar counter ng mansion. 

Hindi niya alam kung kailan babalik ang kapatid niya, at kung kailan matatapos ang pagpapanggap niya bilang asawa ni Xavier. Ngunit isa lang ang sigurado siya at talaga nga namang kinatatakutan niya...

"And that was to fell in love with my handsome brother-in-law who commands me to do the wife's duty," she whispered and sighed while thinking deeply about how to resist that irresistible Xavier Oxford.

*****

©alrights reserved

_PAUPAU_

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status