Share

Chapter 42

NANG MATAPOS silang kumain ay si Avi na ang nagkusang magligpit ng pinagkainan nila. Gusto siyang tulungan ni Xavier pero tumanggi siya dahil mukhang wala namang mayayaring trabaho kung didikit ito sa kaniya. Maya't-maya kung nakawan siya ni Xavier ng halik na hindi niya rin naman matanggihan.

"Mag ready ka na..." Pagtataboy niya rito ng maalala ang gusto nitong mangyari, ang ipinta niya ito. "Gusto kong pagpasok ko sa kuwarto ay nakahiga ka na sa kama na walang saplot ni isa," giit niya pa.

Natigilan naman si Xavier dahil sa sinabi niya ngunit hindi nakaligtas sa kaniya ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa pagnanasa.

Kinurot niya ito sa tagiliran dahilan para mapangiwi ito. "Sinabi ko lang na dapat ay wala ka ng saplot mamaya, parang narating mo na ang climax ah!"

"Kasalanan mo, kung anu-ano kasi ang ipinapasok mo sa isip ko," sagot naman nito. "Dinudungisan mo ang dangal ko!" Giit pa nito pero nakangisi naman. Ang kapal ng mukha, samantalang ito ang dumudungis sa napakalinis niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status