Share

Kabanata 2

Author: Gailines
last update Last Updated: 2022-12-17 00:14:29

Sa mga nakaraang araw ay wala akong ginawa kung hindi mag-aral para marecall ko lahat ng napag-aralan ko.

At ngayon na ang pinaka-aabangan ko na araw, ito ay ang pasukan. First day ko na ngayon kaya naman maaga ako gumising para makapaghanda.

Nag-alarm ako ng 4am dahil base sa nabasa ko na schedule ko ay 7am ang start ng klase. Pagkagising ko ay nag-umpisa muna ako sa pagpapainit ng tubig para sa aking kape at para na din sa pang-ligo ko.

"Anak ang aga mo naman ata gumising?" nagulat ako ng may magsalita bigla mula sa gilid ko. Si nanay pala ito.

"Good morning ma, kain po tayo."

Matapos kong magluto at kumain ay agad akong naligo habang hindi pa lumalamig ang aking pinainit na tubig. Halos 5:30 am na ako natapos sa pag-aayos.

5:40 am naman ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Si Marcus na siguro ito, napag-usapan kasi namin na sabay na kaming papasok dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay sa pagbiyahe.

"Wow naman fresh na fresh sa umaga." biro nito sa'kin. Sa paglipas ng mga araw ay naging close din naman kami nito dahil hindi mo man mahalata sa kaniyang itsura ay mabait naman ito.

"Wow umagang umaga parang malapit ka na agad mabulok." Nakita ko naman kung paano lumukot ang mukha nito kaya naman natawa nalang ako.

Laking pasalamat ko talaga kay Marcus dahil kung hindi dahil sa kaniya ay baka hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakapag-aral.

Nung makarating ako sa school ay nilibot ko na agad ang aking mga mata. Ngayon ko lang napansin na sobra pala talagang lawak ng school na ito pero mas malawak pa din ang dati kong pinapasukan.

"Bago ka lang dito?" ngayon ko lang napansin na nasa gitna pala ako ng daan at may babae na tumabi sa akin.

Tumango na lamang ako dito bilang sagot. "Anong strand ang kinuha mo?"

"STEM" naging maikli lang ang tugon ko dito dahil hindi ko pa naman ito kilala.

Nalaman ko na parehas pala kami ng kinuha na strand at same din kami ng section kaya naman sabay na kami pumunta sa room.

Pagka-pasok ko palang sa room ay bumungad sa akin ang mga estudyante na nagkukwentuhan. Napantingin naman ang iba sa akin siguro dahil bago lang ang mukha ko.

Madami pa ang bakante na upuan sa harapan kaya naman naisipan ko na dito nalang umupo dahil medyo malabo din ang mata ko at wala naman akong pera para magpasalamin or para sa contact lenses.

"It's you again." sabi ng lalaki sa akin habang umuupo ito sa tabi ko. Nung una ay hindi ko ito mamukhaan pero nung magtagal ay naalala ko na kung sino ito. Siya yung lalaki sa may talon.

Ngumiti lamang ako dito at tumingin nalang sa bintana dahil ang awkward.

"Calli right? Ikaw ba yung nasa top 2 list do'n sa nakapasa sa scholarship?"

Hindi ko na dapat siya papansinin pero parang ang rude ko naman kung ganun. Tumango lang ako dito bilang sagot.

"Celestine Calli Grey." binanggit niya ang full name ko.

"Pwedeng tumahimik ka muna." medyo may pakiki-usap sa tono ko.

Ngayon ko lang napansin na saamin pala dalawa nakatuon ang atensyon ng buong tao sa room. Nagulat silang lahat sa naging respond ko sa lalaki.

"Sino ba yan? Hindi niya ba kilala si Levi." narinig kong bulong nung student na malapit sa amin.

"Okay."

Hindi din nagtagal ay dumating na ang professor namin. Nakinig lang ako sa pagpapakilala nito.

"Now kayo naman ang magpapakilala. May ilan sa inyo na tanda ko pa ang face pero may mga bagong mukha akong nakikita dito." tumingin siya sa akin at tinuro ako. Tinuro ko ang sarili ko bilang pagtatanong kung ako ba ang tinutukoy niya.

"Yes."

Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta sa unahan.

"Good morning, I'm Celestine Calli Grey, 18 years old." sabi ko at uupo na sana pero biglang nagsalita ang professor.

"Ikaw yung nag-top 2 hindi ba?" tanong nito saakin.

"Yes po."

Habang paupo naman ako sa upuan ko ay tumayo naman ang katabi ko. Yung lalaki sa may talon.

"Hi, I'm Isaiah Levi Ferrer, 19 years old." mahihimigan mo dito ang saya.

"Wow nasa room pala natin ang dalawang scholar na pumasa." Pumalakpak ang teacher kaya naman gumaya sa kaniya ang mga tao sa room.

Pagka-upo nung lalaki sa tabi ko ay inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Nice to meet you, Celestine Calli Grey." Nakangiting sabi nito.

Hindi ko maiwasan na mainis dito lalo na at nalaman ko na siya yung nag-top 1 at natalo niya ako. Pero kahit gano'n ay ngumiti ako sa kaniya ng peke at nakipag-shake hands sa kaniya.

"Nice to meet you too, Isaiah Levi Ferrer." hindi ko maiwasan na mapisil ang kaniyang kamay dahil sa inis ko sa kaniya.

"May the best man or women win." dagdag ko na sabi. This time hindi na niya ako matatalo.

Nagpakilala ang iba kong kaklase pero hindi ko na ito napakinggan dahil sa naiinis pa din ako hanggang ngayon. Natapos na ang pagpapakilala ng lahat at nagstart na mag-discuss ang teacher na nasa unahan pero tungkol lang ito sa kung paano ang magiging grading system niya. And also about na din sa school.

"Get 1/4 sheet of paper para sa pre-test natin ngayon." Kinuha ko sa bag ang papel at nagstart mag-pangalan. Buti nalang ay sinamahan ako ni Marcus na mamili ng mga gamit ko for school.

"Number one...." Nagstart na magtanong si Miss. Nung nasa last question na kami ay do'n ako nahirapan pero buti nalang ay may naisagot pa din ako.

"Checkan na natin ngayon, exchanged paper na sa katabi." dahil katabi ko si Levi ay dito ako nakipagpalit nakita ko pa ang nakakainis nitong ngisi.

"Answer for number one..."

Na-perfect niya ang naging quiz. Nung ibinalik ko sa kaniya ang papel ay napangisi siya. Hindi ito recorded dahil pre-test lang ito pero nakita ko na minalian niya ang sagot ko sa huling tanong.

"Hey tama to ah!" reklamo ko dito.

"Dapat ay letter I at hindi letter E, wrong spelling ka sorry." nung mabanggit niya ito ay doon ko lang napansin. Sh*t nagpabaya ako sa spelling.

"Nice start." ngumisi siya sa akin.

"I hate you." sabi ko sa kaniya habang ang mata ko ay parang nagliliyab sa pagkainis.

"Oh that's too bad because I already like you." hindi pa din mawala ang ngisi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dating the Billionaire's Son   EPILOGUE

    "Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 62

    "Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 61 - After 5 years

    Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 60

    Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 59

    Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 58

    [WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status