Share

Dating the Billionaire's Son
Dating the Billionaire's Son
Author: Gailines

Kabanata 1

Celestine POV.

Simula nung lumisan sa mundo na ito ang aking ama ay hindi ko na muling nakita pa ang aking ina na ngumiti. Sa isang taon na pagkaka-hospital ng aking ama ay nagsimula na din malugi ang lahat ng business na naitayo niya.

Simula nung wala na kaming mapa-sahod sa mga kasambahay namin ay nagsi-alisan na sila isa-isa ang tanging tao lamang na hindi kami iniwan ay si Aling Marta. Ibinenta ni mama lahat ng pwede namin ibenta kasama na do'n ang aming mga sasakyan at bahay pati na din ang nalulugi namin na negosyo.

Habang ako ay nag-aaral ay nasa hospital ang aking ama. Si mama naman ay nagtatrabaho para may pang-bayad kami sa lahat ng gastusin. Halos sa hospital na kami nakatira dahil wala kaming pera para sa pang-upa ng bahay.

Pinauwi namin si Aling Marta sa kaniyang probinsya at sinabi naman nito na tawagan siya kung may kailangan kami.

Ngayon ay nandito kami ngayon sa labas ng bahay ni Aling Marta. Tutulungan daw niya kami maghanap ng mauupahan na bahay.

"Ang ganda mo pa din neng" nahimigan ko naman sa kaniyang boses ang pagka-galak. "Pasensya na sa aming bahay."

Nilibot ko ang aking mga mata, ang bahay nila ay hindi gaano kalakihan at wala itong kahit na kisame man lamang. May tatlo silang kwarto at ang nagmistulang pintuan nito ay ang mga kurtina lamang. Sa bakuran nila ay maraming magagandang halaman na makikita. Sa likod naman ng bahay nila ay makikita mo ang apat na puno ng buko.

"Sa tagal na natin hindi nagkita pasensya na ulit kung hindi ako nakapunta sa burol ni Sir." pag-paumanhin ulit ni Aling Marta.

"Okay lang 'yon Manang gusto ko lang din magpasalamat sayo dahil hindi mo kami iniwan. Halos isang taon na din simula nung mamatay si Robert." Nadama ko ang pag-sulyap saakin ng aking ina kaya ngumiti ako rito.

"Marami kayo na naitulong sa pamilya ko Madam, sa totoo nga ay hindi ko mapapa-aral at hindi nakapag-tapos ang aking panganay kung hindi dahil sa tulong ng pamilya niyo." Lumabas muna sa isang kwarto ang kaniyang anak na lalaki na sa tingin ko ay kasing age ko lang.

"Anak bumati ka muna sa ating mga bisita." nagagalak na sabi ni Aling Marta. Ngumiti naman ito sa aking ina at nung dumapo ang tingin nito saakin at biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"Ang anak ko na ito ay nag-aaral pa habang ang kuya naman niya ay pinapa-aral siya." dagdag na sabi ni Manang.

"Mabuti 'yon, itong si Celestine ay tumigil muna sa pag-aaral simula nung namatay ang kaniyang ama at tumulong sakin. Pero ngayong taon ay kung papalarin ay pag-aaralin ko ulit si Celestine." ito din ang hiling ko.

Dito muna kami matutulog sa bahay nina Manang dahil masiyado na daw gabi. Dito na din kami nag-gabihan kasama ang kaniyang bunsong anak.

"Ako nga pala si Marcus, Marcus Finn Ramirez." pagpapakilala nito saakin.

Nandito ako sa labas ng bahay nila at nagmumuni-muni habang naka-up sa bangko nang bigla itong tumabi sakin at magpakilala.

"Celestine, Celestine Calli Grey." tugon ko dito.

Matapos no'n ay ilang minuto din kami naging tahimik ng bigla niyang basagin ang katahimikan at nagsalita.

"I will call you Calli." hindi ko naman ito pinansin dahil wala akong pakialam.

"Gusto mo ba na mag-aral?" sabi pa nito. Napatingin ako sa kaniya dahil sa kadaldalan niyang taglay.

"May alam ako na school na open pa for scholarships." Napangisi siya nung makita niya sa mata ko ang pagka-interest. "Balita ko sa aking ina ay matalino ka daw, mukha namang hindi."

"Excuse me!" hindi ko maiwasan na singhalan siya dahil sa sinabi nito. Simula Preschool hanggang High School ako ay with highest honor ako. Pero tumigil lang ako nung magse-senior high school na ako.

"Easy! Sa pagkaka-alam ko sa Adam University 'yon. Malapit lang ang school na tinutukoy ko siguro ay isang sakay mo lang ng tricycle." Nagtanong pa ako sa kaniya tungkol sa school na 'yon.

Isa pala iyon sa mga private school at kilala na school dito. Madalas daw na pumapasok doon ay mga mayayaman.

Kinabukasan ay nag-umpisa na kami na maghanap ng murang paupahan kasama ko ngayon si mama at si manang.

Nabanggit ko na din kay mama kagabi ang nabanggit sa akin na school ni Marcus. Pumayag naman ito dahil kung sakali na makapasok ako ay makakatipid kami dahil scholar ako.

"Five thousand isang buwan. Kasama na ang tubig ang kuryente." tugon ng nagpapaupa.

"Ang mahal naman kumare baka naman pwede mo pang babaan." narinig ko ang pakiki-usap sa tono ni manang.

Tahimik lang kami ni mama habang nagdidiskusyon ang dalawa. Nilibot ko ang tingin sa bahay may isa itong kwarto at comfort room, mula sa sala naman ay tanaw mo ang kusina. May kaliitan ang bahay na ito pero masasabi ko na okay na ito para sa'min ni mama.

"Sige last na tawad na ito four thousand nalang." sabi ng may-ari.

Lumingon naman saamin si manang na may ngiti sa labi. Habang nag-uusap sila ulit tungkol sa bayaran kasama ni mama ay sinubukan ko muna na maglibot dito.

"H'wag ka masiyado pumunta sa malayo!" pagpapaalala nila sa'kin.

Hindi paman ako nakakalayo mula sa bahay na 'yon ay may narinig na agos ng tubig na sa tingin ko ay ito ang tinatawag na talon. Lumapit ako sa kung saan nanggagaling ang agos na naririnig ko.

"Wow, ang ganda!" bumungad sa'kin ang mataas na talon. Napapalibutan ang talon na ito ng mga puno at dahon na tila ba ay nagtatago ito sa tao.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumapit sa bungad ng talon at basain ng tubig ang aking mga paa. Maligamgam ang tubig dito hindi katulad sa ibang talon na malamig ang tubig. Naglakad ako sa talon para subukan alamin kung hanggang saan lang ang aking kaya.

Nasa may tuhod palang ang tubig ay napatigil ako dahil may sumigaw mula sa likod ko.

"Miss h'wag!" hindi paman ako nakakalingon ay naramdaman ko na ang pagtulak nito saakin. Dahil sa biglaan ang pagtulak niya sa'kin ay nawalan ako ng balance sa sarili na naging resulta ng pagbagsak ko sa tubig.

Nang makaahon sa tubig ay sinamaan ko ng tingin ang lalaki na tumulak sa'kin, oo lalaki siya!

"Ano ba?! Bakit mo ako tinulak?" hindi ko maiwasan na mainis sa kaniya. Basang basa na aking damit at buong katawan.

"Bakit ka magpapakamatay?!" nahimigan ko pa din sa boses niya ang pag-aalala. Anong sinasabi nito?

"Sino ang may sabi sayo na magpapakamatay ako?!" balik ko na sigaw dito.

"Hindi ka magpapakamatay?" nahimigan ko pa sa boses nito ang pagkadismaya. Aba sira yata ulo nito e!

Pinilit ko muna na huminahon dahil mas hindi ako makakapag-isip ng tama. Nung huminahon ako do'n ko lang napansin na wala pala itong damit sa itaas at tanging jersey shorts lang ang suot.

"B-bakit ganiyan lang ang suot mo?!" hindi ko mapigilan na magputol-putol sa pagsasalita dahil ngayon ay mas maliwag pa sa ilaw ang kaniyang mga abs.

"Gagawa kase ako ng bahay sa banda do'n," tinuro niya naman ang parte na 'yon na malapit pa din sa talon. "Gagawin ko sana itong tambayan kaso nakita kita akala ko ay magpapakamatay ka kaya pinigilan kita."

"Kung mag-aral ka nalang kesa sa pagtambay 'yang iniisip mo," hindi ko maiwasan na pangaralan ito kahit na tingin ko ay maka-edad lang kami.

"Bakasyon po kaya." pangangatwiran naman niya.

Biglang humangin kaya naman nakaramdam ako ng lamig sa katawan. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya na-aalis na ako pero bago paman ako makalisan sa talon na 'yon ay nagsalita siya.

"Ako nga pala si Levi, anong pangalan mo?" pormal na sabi nito nilingon ko siya at nakita ko ang malaking ngiti niya sa labi.

"Celestine but you can call me Calli." tungon ko bago umalis sa lugar na 'yon.

Nung matanaw naman ako ng aking ina ay nagulat siya dahil basang basa ang aking damit at buhok. Sinabi ko nalang dito na nagpunta ako sa talon na malapit dito.

"May kasama ka ba sa talon na 'yon ineng?" nagulat ako sa biglang pagtatanong nung babae na nagpapaupa. Umiling lang ako rito bilang sagot.

"Ay sayang may kasabihan kasi dito na kung sino man ang kasama mo sa loob ng talon na 'yon ay siya ang makakatuwang mo sa buhay." hindi ko na nagawang magulat pa sa sinabi nito dahil hinila na ako ni mama at manang pauwi para makapalinis na ng katawan.

Kakatapos ko lang maligo at magbihis ng makita ko si Marcus na bumaba sa tricycle. Pagkapasok niya sa bahay ay nilibot niya ang kaniyang tingin at nung tumama ang tingin niya sa'kin ay agad siyang lumapit sa'kin.

"Interesado ka sa scholarship hindi ba?" tanong nito at parang hinihingal pa siya. Tumango lang ako dito.

"Hanggang ngayong araw nalang daw ang pagkuha ng exam! Bilisan mo at sasamahan na kita do'n ngayon." pinagmamadali niya akong pinagbihis kaya naman agad akong pumunta sa pansamantalang kwarto namin ni mama.

"Goodluck!" sabi niya at nginitian ko lamang siya.

Nandito kami ngayon sa Adam University at ngayon ay nasa isang room ako at naghihintay. Tatlo lang kami na nasa room at puro kami babae. Nasa kalagitnaan ako ng paglilibot ng may biglang pumasok na isang tandang babae sa loob.

Sinilayan niya lang kami isa isa at ngumiti.

"Kayo at 'yong isa pa na nauna sainyo lang ang nag-apply ng scholarship sa school na ito. Madalas ang mga nakakapasok dito ay puro may pera." daldal nila saamin bago niya kami binigay ng test papers.

Nagfocus lang ako sa pagsasagot. Buti nalang at kahit wala akong kareview-review ay madami akong naisasagot.

Ang dalawa kong kasama ay hindi pa tapos magsagot ng magpasa na ako ng test paper. Sinabi naman sa'kin ng babae na nagbantay na sa'min na ipapaskil nalang daw ang name ng nakapasa sa f******k page ng school.

"Ang bilis natin magsagot ah, binasta mo no?" pagbibiro niya sa'kin. Hindi naman kami close pero inirapan ko nalang siya.

Ngayon ko lang nalaman na hindi pala siya dito nag-aaral kung hindi sa katabi nitong paaralan.

Pagkarating namin sa bahay ay sinabi ko sa aking ina ang nangyare at kinagalitan pa ni manang si Marcus dahil hindi raw ako nito hinayaan na magpaalam man lang sa aking mama. Tinignan niya ako at pinanlakihan ng mata na para bang sinasabi nito na tulungan ko siya pero nilabas ko lang ang aking dila para inisin siya.

Kinabukasan ay nag-umpisa na kaming maglipat ng gamit sa bahay natitirahan namin. Tumulong din si Marcus pati ang panganay na anak ni manang sa pagbubuhat.

"Sa tingin mo ay papasa ka?" bungad na sabi sa'kin ni Marcus panigurado ay gusto lamang nito masira ang araw ko.

"Alam mo manahimik ka nalang baka magulat ka pangalan ko ang nasa unahan ng listahan." pagyayabang ko dito. Nakita ko kung paano niya ilabas ang cellphone niya at may ginawa dito. Hindi nagtagal ay tinapat nito sa mukha ko ang cellphone niya.

"Tignan mo." gumuhit sa labi nito ang ngisi.

Inagaw ko sa kaniya ang cellphone niya at tinignan 'yon. Listahan pala ito ng nakapasa sa scholarship. Inaasahan ko ang pangalan ko sa unahan pero nabigo ako dahil nakita ko ang pangalan ko sa pangalawa.

Kumunot ang noo ko dahil kahit kailanman ay walang nakahigit sa'kin pagdating sa academics.

"Pangalawa ka." nahihimigan ko sa tono ng pananalita niya ang pang-aasar. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Hindi kase ako nakapag-review." nakita ko kung paano nagpalit ang expression niya.

"Isaiah Levi Ferrer." ito ang pangalan ng nangunguna sa listahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status