Share

Kabanata 3

Sa buong umaga ay walang ibang ginawa si Levi kung hindi ay inisin ako dahil nalalamangan niya ako masiyado.

"Gusto mo samahan kita mag-aral?" sabi ng asungot na to.

Nandito kami ngayon sa canteen ng school. Sinundan niya pa din ako hanggang dito. Nakapila kami para mag-order at ang asungot ay nasa likod ko. Nung oras na para ako naman mag-order ay bigla siyang nagsalita muna sa likod ko.

"Parehas po kami ng order." kahit hindi pa naman niya time para mag-order ay sinabi na agad niya ito sa tindera.

Inirapan ko muna siya bago humarap sa tindera para sabihin ang aking order. "One spaghetti with chicken, here po ang bayad."

"No, take this." Kinuha niya ang pera ko na nasa tindera at inabot ulit ito pabalik sa'kin at imbis na pera ko ang nasa kamay ng tindera, pera niya.

Nag-away pa kami sa harap.

"Napaka-pakilamero mo at pwede ba na tantanan mo na ako, sunod ka ng sunod." Kinuha ko ang tray na nasa lamesa na ang laman ay ang order ko.

Pero kahit ano pa ata ang sabihin ko dito ay hindi niya ako kayang tantanan dahil ngayon ay nasa harapan ko na siya nakaupo.

"I told you, I like you." hindi maipinta kung gaano kalaki ang ngisi na nasa labi niya.

"Paano ba yan, I hate you." bwelta ko rito.

Habang kumakain ako ay ramdam ko ang pagtitig niya sa'kin. Parang gusto ko nalang siyang suntukin.

Lumipas pa ang mga oras at ngayon naman ay tapos na ang klase at uwian na. Nag-aayos at nilalagay ko lang ang mga gamit ko sa bag nang biglang may tumulak ng braso ko kaya nagulo ulit ang mga gamit ko.

"First day na first day napaka-haliparot mo!" may diin sa bawat pagsasabi niya ng salita. O bakit naman ito galit?

Hindi ko siya sinagot at tinitigan lamang. Wala ng katao-tao dito sa room kung hindi ako at silang tatlo. Yung babae na tumulak sa braso ko ang parang leader nila.

"Ang cheap mo namang babae." sabi pa ulit nung leader.

"Cheaper." maarteng sabi ni Pok1

"Cheapest." maarte din na sabi ni Pok2

Ano ba kase ang pinaglalaban ng mga ito ni hindi ko nga sila kilala. Para silang mga bata.

"Please h'wag ngayon wala akong time makipag-talo sa walang utak." nilimot ko na lang ang gamit ko at nilagay sa bag.

Papaalis na sana ako kaso bigla niyang hinila ang kamay ko, masiyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin at hindi ko mapigilan na masaktan dito. Lumapit ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.

"Umayos ka kung ayaw mong masaktan kita. Layuan mo si Levi dahil kung hindi ako ang makakalaban mo, by the way ako nga pala si Alexandra Stevens." pabuong na sabi nito at binitawan ako.

Paalis na sana siya nung bigla siyang tumigil na parang may nakalimutan pa siyang sabihin saakin.

"Everyone knows that I'am his future wife." sabi niya pa at umalis na sa room.

"Everyone knows daw tapos hindi alam ni Levi." bulong ko sa sarili ko at natawa nalang mag-isa.

"Baliw ka ba?" Hindi ko na namalayan na may tao na pala sa loob ng room at kinamalas malas nga naman. Si Levi.

"Epal ka ba?" bwelta ko rito. Hindi naman niya maitago ang pag-ngiti niya.

Hindi na din naman siya nagsalita pa kaya naman umalis nalang ako. Nasa gate na ako ng matanaw ko mula sa gate si Marcus na naghihintay. Lumapit naman ako agad sa kaniya.

"Pinaglihi ka ba sa pagong? Ang bagal mong kumilos." bungad niya sa akin. Sino ba kaseng nagsabi sa kaniya na hintayin ako.

"Oo nga pala, may alam ka ba na part time?" Naisipan ko kase na mag-part time dahil baka mahirapan si mama sa araw-araw na baon.

"Doon sa pinagta-trabahuhan ko naman ay wala pang openings. Ihahanap nalang kita." sabi nito sa akin.

"H'wag nalang ako nalang ang maghahanap." Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep.

Mag-jeep daw kami para mas mura ang pamasahe pero ang mahirap lamang daw sa pagji-jeep ay may lakaran na magaganap.

"Bakit mo naman naisipan mag-part time?" Tanong ni Marcus nung makasakay na kami sa jeep.

Sa pagtanda talaga ay maiisip mo na din ang mga gastusin hindi lang sa bahay kung hindi pati sa school.

"Gusto ko lang mabawasan ang gastusin." sabi ko nalamang.

"Para po!" kumatok pa ito sa bubong ng jeep para malaman ng driver na may pumapara.

Mula sa binabaan namin hanggang bahay ay lalakarin namin. May araw pa naman kaya okay pa na maglakad pero pag gabi na ay mas pipiliin mo nalang din na magtricycle dahil sa masiyadong nakakatakot lakarin ito.

"Tingin mo makakagraduate ako?" nabigla ako sa naging tanong ni Marcus. "Sa madaming pera ay hinding hindi nila poproblemahin kung makakatapos ba sila o hindi, pero ako na mahirap ay palagi kong kinakatakot na baka isang araw ay ibalita nalang sa akin ni inay 'yon."

Tingin ko ay tama ang sinasabi niya, pagdating sa pera ay walang problema ang mayayaman pero sa mahihirap ay malaking problema ito.

"Nung panahon na buhay pa si papa ay wala akong isipin masiyado dahil nandito siya at maayos ang pasok ng pera. Pero nung mawala siya ay naranasan ko lahat ng hirap." Hindi ko maiwasan mapatingin sa langit, I miss you Dad.

"Naranasan kong tumira sa kwarto kung nasaan si papa sa hospital. At matapos mawala ni papa ay halos wala na din kaming matirahan kaya wala akong choice kung hindi tumigil sa pag-aaral. Ngayon ko lang nalaman ang halaga ng piso." Hindi ko maiwasan na matawa sa huli kong sinabi.

"Nung pagka-bata mo ba ay na-enjoy mo?" tanong nito sa'kin. "Maligo sa ulan, maglaro sa putik, at mag-bahay bahayan?"

"Sa lahat ng sinabi mo ay wala ako ni isang naranasan. Wala akong ibang ginawa sa bahay kung hindi mag-aral." Nakita ko sa mukha ni Marcus na para bang naaawa ito sa akin.

Hinatid niya muna ako sa bahay namin bago siya umuwi sa kanila. Kumain lang kami ng gabihan ni mama at ako na ang naghugas ng mga plato dahil pansin ko ang pagod ni mama.

"Ma naisipan ko pong mag-part time job." sabi ko dito. Napatingin naman siya sakin.

"Sapat na ang kinikita ko sa araw-araw. Huwag na anak mag-focus ka nalang sa pag-aaral mo."

"Pero ma, ayaw ko naman nakikita na araw-araw kang may iniinda sa katawan. Pati hahanap ako ng trabaho na hindi maiipit ang aking oras." pangangatwiran ko dito. Nakita ko naman sa mukha niya na para bang talo na siya sa usapan na ito.

"Basta h'wag ka magpapaka-pagod."

Nung matapos kong maghugas ng pinggan ay sinilip ko muna si mama sa kwarto namin, tulog na siya.

Dahil maaga pa naman ay lumabas muna ako saglit para tignan ang talon na nakita ko nung unang punta ko dito. May natanaw ako na tao na pumasok sa talon kaya naman sinundan ko ito.

Hindi nagtagal ay nakapag-adjust na ang mga mata ko sa dilim. Nakita ko na may tao do'n sa parang kubo malapit sa may talon.

"Levi, ikaw ba 'yan?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status