Share

KABANATA 10

EXPENSIVE AND EXCLUSIVE 

"Bakit ka nakabusangot iha, gutom ka pa ba? Darating mamaya ang mga kaibigan mo. May gagawin ba kayong importante?" sunod-sunod na tanong ni aling Marta sa akin.

"Ah, si Betty po ang may gagawin, tutulungan lang namin siya," sagot ko. 

"Maya-maya ay nariyan na ang mga iyon. Maiwan na kita at pagsabihan ko ang ibang kasambahay baka mamaya ay tapos ng kumain sina Señor Kaixus." 

"Sige po aling Marta, pupuntahan ko lang po si Thunder upang paliguan." 

"Sige sige, andoon si kuya Hugo mo. Ang iyong mang Kanor ay nasa hacienda pa." 

Umalis na ako. Sa daan sa likod ako dumaan. Naabutan ko nga si kuya Hugo na nagpapaligo ng mga kabayo. 

"Kuya, ako na po ang magpapaligo kay Thunder at sa mga iba." 

"Ikaw ang bahala Yacinda," saad ni kuya Hugo. 

Hinaplos ko si Thunder, "Maliligo ka muna boy, ha, para malinis ka ngayong araw."

Sinimulan ko ng paliguan si Thunder. Hindi naman ito mahirap paliguan. Maging ang ibang mga kabayo sa kuwadra. Ang mga nasa parang lang ang mailap at medyo hindi ma-amo.

Tinapos kong paliguan ang ibang mga kabayo. Hindi ko na namalayan ang oras hangang sa nag vibrate ang aking telepono. Tawag iyon galing kay Paula. Agad-agad ko itong sinagot at itinigil ang pagbuhat ng timba pabalik sa storage room. 

"Yacinda! Nandito kami sa quarters. Nasaan kana ba? Kanina kapa namin hinahanap?" 

"Pasensiya na, Paula. Nandito ako sa kuwadra. Pinaliguan ko si Thunder. Tapos na rin. Ibabalik ko lang ang mga gamit sa storage. Hintayin niyo ako saglit." 

"Sige sige. Pinapakita sa amin ni Betty iyong ginagawa niya. Subukan ko rin baka sakaling pumatok. Patayin ko na itong tawag. Hintayin ka namin dito..." 

Tinapos na nga ni Paula ang tawag. I return the pail, brush and scrubs to the storage room before I go back to my room. Nangangamoy hayop kasi ako dahil kumapit sa aking damit ang amoy ng kuwadra. Hindi iyon maiiwasan kahit malinis ay kakapit talaga sa balat ang amoy sa loob. Mabilisan akong naligo, pinatuyo ko na rin ang aking buhok gamit ang blower bago bumaba at pinuntahan sina Paula sa quarters.

Naabutan ko ang mga ito na naka-upo sa couch sa sala habang hindi mapakali.

"Pasensiya na, hindi namalayan ang oras. Tinapos ko lang paliguan sina Tasia," pagpapaliwanag ko. 

"Okay lang iyan. Hindi rin naman kami na bored."

Umupo ako sa tabi nila. 

"Ang galing naman ni Betty... Naka limang daan na siyang followers sa kanyang YouTube account. Tanungin nga sana namin si sir Calibre kanina kaso nahiya naman na ako." - Paula.

"Nasaan na ba sina kuya?" tanong ko. 

Hindi ko sila nakita kanina noong umakyat ako. Walang tao sa loob ng Mansion. Ni ingay ay wala rin.

"Nakita namin sina Ma'am Avikah at sir Kaixus na nagdala ng meryenda ng mga nag-aani kanina." 

Kaya naman pala walang tao sa loob. 

"Hindi namin nakita yung iba kanina eh, baka may mga pinuntahan," pagpapatuloy pa ni Paula. 

"Baka nga, umuwi lang silang kumain kanina," ani ko.

"Saan ba tayo pwedeng pumunta ngayon para sa bagong konsepto ng video ko?" osyosong tanong ni Betty.  

Tumayo si Maimah, "Alam ko na...doon sa resthouse sa bundok, magandang pasyalan doon, mangabayo tayo. Tapos ipakita natin kung paano umakyat ng burol." 

"Magandang idea iyan, Maimah." I seconded. "Let's go."

"Marunong naman akong mangabayo, kaya dalawa na tayo, Betty. Tapos kayo na ni Paula, Yacinda. Okay lang ba iyon?" pahabol pa ni Maimah.

Sabay kaming tumango ni Paula. 

"Kaso dapat bago mag dilim ay makababa na tayo dahil ipinagbabawal nila sir Kaixus ang na gagabihan sa daan dahil sa balita na may mga nakapasok na kawatan dito," sabi ko. 

Naintindihan naman ng aking mga kasama ang nais kong iparating. 

"Oo nga narinig ko mula kina Inay ang balitang iyan," si Maimah. 

"Maghahanda ako ng meryenda at tanghalian kung ganoon," saad ko.

"Tapos na, may hinanda na si aling Marta para diyan nasa kusina," turan ni Paula. "Ipinaalam kana rin namin kay Nanay Ana kanina."

"Kami na ang kukuha ni Maimah. Ilabas nalang ninyo sa kuwadra sina Tasia at Thunder, Yacinda. Kita nalang tayo doon sa malapit sa kuwadra, sa short-cut na tayo dumaan," ani Betty.

Tumayo na ang dalawa. Kami din ni Paula ay tumayo na rin at naglakad pabalik ng kuwadra. Kinuha ni Paula si Tasia at ako naman ay kinuha si Thunder.

"Mabuti nalang at napaliguan mo na sila Yacinda."

Tumawa lang ako. 

Dumating na ang dalawa naming kasama. Ibinigay ni Maimah kay Paula ang hawak niyang basket at saka niya pinasampa si  Betty at sumunod dito. Sumampa na rin si Paula. Iniabot ko ang basket at sumunod ako. Pinahawak ko rin ang aking cellphone sa kanya. Maging si Maimah ay si Betty ang naghawak sa kanyang telepono. Nakita kong inilagay iyon ni Betty sa box. 

"Ilagay ko na ang ating telepono dito sa box, Yacinda." 

"Maganda ng hindi mahuhulog," sagot ko kay Paula at saka sinundan sina Maimah. 

Kanina pa niya pinatakbo si Tasia. 

Naabutan namin siya at saka kami naghabulan. Hindi namin ramdam ang init ng araw dahil sa preskong hangin ang sumasalubong sa amin. 

Nang nasa paanan na kami ng bundok ay bumaba na kami. Nagsisimula mula ng mag video si Betty. 

"Magandang araw po sa inyong lahat. Kagabi ay ipinasyal ko kayo sa kapitolyo, ngayon naman ay aakyat tayo sa bundok. Mamayang hapon ay ipapakita ko iyong paglubog ng araw dito sa amin."

Nagpatuloy pa ito sa pagsasalita hangang sa matapos ang kanyang introduction at saka niya pinatay muli ang kanyang cellphone. Si Paula naman ay mamayang daw kukuha ng video kapag nasa burol na kami. 

Nang marating namin ang resthouse ay inayos namin ni Maimah sina Tasia at Thunder.  Nauna ng sumulong sa ilog sina Betty at Paula pero naririnig namin ni Maimah na kumukuha ang mga ito ng video bago lumusong sa tubig. 

"Hindi ako makikiligo dahil naligo na ako kanina lang," tipid ko. 

"Ako rin. Wala akong dalang extra na damit," turan naman ni Maimah. 

Pumunta nalang dalawa sa resthouse at binuksan ko ang pintuan. Walang tao roon at wala ding natulog dahil maayos ang mga gamit hindi gaya noong unang punta ko. Inilagay namin sa lamesa ang aming dalang box at pumunta kami beranda sa second floor. 

Sumigaw sina Paula sa amin. 

"Hindi ba kayo makikiligo?!" 

"Kayo nalang! Wala kaming dalang damit!" sigaw ni Maimah pabalik. 

"Maghanap kayo diyan baka may mga damit na pwedeng mahiram diyan!" suhestiyon ni Betty. 

Tumingin sa akin si Maimah. 

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko alam kung may mga damit nga loob. Saka malay ba namin baka damit iyon nina kuya Driego.

"Tara na, sa totoo lang gusto ko ring maligo, Yacinda. Baka may mga malinis na damit ditong naiwan na pwede nating hiramin. Saka nalang natin ibalik sa susunod," kumbinsi pa niya sa akin. 

Wala akong nagawa kundi samahan si Maimah na maghalungkat sa mga kabinet dito sa ikalawang palapag. May mga nakita itong damit pambabae mga dress iyon. 

"Ito, kasukat lang natin, Yacinda. Tignan mo..." aniya.

Pinakita ni Maimah sa akin ang kanyang mga nakita, "Okay na ito, hindi ba?" 

Tumingin tingin siya sa loob ng kwarto at nagsalita, "Pasensiya na po, hihiramin muna namin itong mga damit ninyo. Isasauli rin namin." 

"Tara na nga Maimah..." 

Sumunod na kami ni Maimah kina Paula. Sumulong na rin kami ni Maimah. Lumangoy kami ng lumangoy hangang sa mapagod kami at saka nagbihis. Pinatuyo namin ang aming mga damit sa mainit na parte ng mga bato. 

"Matutuyo rin ang mga damit natin, Yacinda. Kanina mo pa yan tinitingnan." 

Hindi ko pala maitago ang pagsulyap sa aming mga damit. 

Tumawa ang aking mga kasama... 

"Hindi naman sa ganoon, Paula. Hindi kasi komportable sa suot ko." 

"Bagay kaya sa'yo iyan...diba, Betty?" sabi ni Maimah. 

Backless ang dress na ibinigay ni Maimah sa akin, hapit na hapit pa sa akin. Medyo makapal naman ang tela at maganda pero hindi talaga ako kumportable. Lantad ang aking likuran.

"Ang ganda mo nga diyan sa damit na iyan, Yacinda eh. Para kang modelo," puri sa akin ni Paula. 

"Tumigil nga kayo...Kain na nga tayo, gutom na ako," sambit ni Betty. 

"Napagod ka kalalangoy, Betty," biro ni Paula sa kanya. 

"Tumigil ka nga, Paula. ikaw din naman ah," dipensa naman ng isa. 

Bahala kayong magbangayang dalawa dyan. 

Natuyo ang mga damit nilang tatlo samantalang yung damit ko ay hindi. Bakit ganun? Napilitan tuloy akong isuot ang dress na nakuha namin sa aparador kanina. Iyon ang aking damit hanggang sa bumaba kami ng burol. Nagsisigaw pa sina Paula at Maimah. 

"Nakita po ninyo? Ang dito po kami palaging nagpupunta dahil napaganda ng paglubog ng araw dito. Hintayin po natin mamaya, panoorin po ninyo itong video hangang matapos." 

Nagsasalita na naman si Betty. Para iyon sa kanyang bagong i a-upload na video. 

Si Paula naman ay naka live sa at YouTube. Gumawa siya ng account. Ginaya niya ang ginawa raw ni Betty kagabi sa may pailaw sa kapitolyo. Nag live ito upang makamit niya nag oras na required ng application upang maaari na siyang kumita ng pera. Malapit lapit na raw niyang makamit iyon dahil kulang nalang ng dalawang daang oras para doon. Lampas isang libo na rin daw ang kanyang followers. Marami ang mga taga Catalina na nasa ibang bansa. May mga manong din siya na mga OFW sa ibat ibang panig ng mundo. 

May mga nagtatanong sa manonood ni Paula. Saan daw ang lugar na ito at puntahan nila dahil napakaganda. Tanaw mo ang flower farm ng hacienda sa ibaba ng burol. 

"Private property po ito... dito po sa probinsya ng Catalina. Taga San Gabriel po kami at ang tanawin na nakikita ninyo ay sa mga Montiel. Dito po nag o-ojt ang mga estudyante ng Catalina State University at Remnant Colleges Foundation..." 

Naka speaker ang cellphone ni Paula kaya kita namin ang mga sinasabi ng kanyang manonood sa live chat. 

"Sa kanila kami nagtratrabaho noon, sa Alfante bago kami pumunta dito sa USA... It reminds me of the past. Ang babait ng mga Montiel na amo..." 

"Ang ganda ganda... Gusto kong tumira diyan!" 

"Magandang hapon sa inyo, diyan, from Italy! Ipagpatuloy mo lang ganitong ginagawa hija... It's amazing back there in Philippines!" 

"Hindi ako mag i-skip ads kung ganito kaganda ang mga laman ng channel ninyo Ma'am!"

Iilan lang iyon sa mga binasa ni Paula na komento ng kanyang manonood. Humarap siya sa camera at nagsalita. 

"Maraming salamat po sa inyong panonood. I follow po ninyo itong channel ko. Ilalagay ko rin po sa description box ang channel ng aking kaibigan. Magaganda rin po ang kanyang topic. Huwag niyo pong kalimutang i follow siya at huwag kalimutang pindutin ang notification bell. Maraming salamat po muli, bukas abangan po ninyo ang aking live ng umaga, ipapakita ko sa inyo kung paano mamalengke dito sa amin."

Pinatay na ni Paula ang kanyang live. 

"Maraming salamat Paula. Babanggitin ko rin ang iyong channel dito sa video ko..." ani Betty. 

Hinintay namin ang paglubog ng araw. Nagbi-video na naman ang dalawa naming kasama samantalang kami ni Maimah ay nakahinga sa damuhan. Kumakain naman ang dalawang kabayo sa hindi kalayuan. 

Nang matapos ang paglubog ng araw ay nagmadali kaming bumalik sa Mansion. Medyo maginaw lalo na at walang tela sa likod ang aking dress. Sa kuwadra na namin tinigil ni Maimah ang mga kabayo. Bumaba kaming apat at ipinasok sina Tasia at Thunder sa kanilang pwesto. Saka pumanhik pa punta sa quarters nina Lola. Naabutan namin si ate Mae na nag aayos ng kanyang damit. 

"Oh, narito pala kayong tatlo? Gabi na, dito ba kayo matutulog?" tanong ni ate kina Paula. 

"Opo..." - Paula.

"Oo, ate." - Betty.

"Opo ate Mae." - Maimah.

Sabay na sagot ng tatlo. 

Tumingin sa akin si ate Mae at saka pinilig ang kanyang ulo. 

"Ngayon ka lang nag dress ng ganyang kahalay, Yacinda. Saan mo nakuha iyang damit mo?"  

Hinintay akong magsalita ni ate pero nahihiya akong magsabi. 

Sumabat naman si Maimah, "Nakuha namin doon sa resthouse sa gubat sa silangan ate, hiniram namin dahil naligo kami at hindi pa tuyo ang aming mga damit. Ibabalik din po namin pagkatapos labhan." 

Sinabi na lahat ni Maimah. Ayoko ng ulitin pa. 

"Ah, mabuti naman at may damit pambabae roon. Kung hindi ay baka mga damit nila Señorito Queziah ang nahiram ninyo..." 

Ipinagpatuloy na ni ate ang pag-aayos ng kanyang mga damit pero kalaunan ay nagsalitang muli, "Pero kanino kaya ang mga damit na iyan? Alangang nagdadala ng mga babae doon sina Señorito? Wala namang mga damit pambabae noong huling naglinis kami doon?" May pagtatakang turan ni ate Mae.

"Hindi rin po namin alam, ate, nakita ko lang po..." Maimah stated, honestly. 

"Baka sa mga bisita nina sir Kaixus nitong nakaraan ate. Iniwan siguro ng mga kasama nilang babae," tugon ni Paula. 

"Baka nga, Paula...O siya, dito na kayo at babalik na ako sa kusina para maghanda ng panghapunan nina Señorita." 

Tumingin sa akin si ate Mae, "Ikaw Yacinda hindi kaba sasabay sa kanila?" 

Ipinilig ko ang aking ulo,

"Sa inyo na po ako sasabay ate. Dito na rin po ako makikitulog mamaya..." 

"Ikaw ang bahala...dito muna kayo. Magpahinga kayo at pagbalik ko ay kakain na rin tayo...Okay ba?" 

"Opo!" sabay sabay naming sagot na apat. 

Nanood lang kami at tinulungang nag-edit sina Paula at Betty sa kanilang video, pagkatapos ay ini-upload na ng dalawa ang natapos namin. 

Hinintay namin si ate Mae na bumalik at saka kumain ng panghapunan. Iniwan ko muna sina ate upang mag shower at magpalit ng damit dahil hindi talaga ako kumportable sa aking suot. Para akong n*******d. Kinulang sa tela masyado ang dress. Ganito ata ang tipo ng mga babae sa siyudad...

Wala akong naabutang tao sa baba ng Mansion. Umakyat na siguro ang lahat at anong oras na rin. Pasado alas otso na ang oras sa grandfather clock ng Mansion. 

Nasa gitna na ako ng staircase ng magkasalubong kami ni sir Kaixus. Umangat ang kilay nito at madilim ang aura na lumapit sa akin. Napasiksik ako sa barandilya ng hagdanan.

Yumuko ito at pinantay ang kanyang mukha sa akin bago nagsalita. 

"Who gave you the permission to wear that dress? It's not yours. Your boobs are showing, little miss... Do you want my workers to go gaga over this?" hinaplos niya ang aking balikat pataas sa aking leeg.

Napapigil ako ng hininga at napapikit. 

"Hindi na po mauulit... Sorry po..." 

Yumuko ako at sa tumingin sa kanya... Muli itong nagtaas kilay at napakagat labi. Tinignan ko ang aking sarili at na realize na napakamali na yumuko ako dahil mas lalong kitang kita ang aking dibdib.

"Go upstairs and change your dress now or else I will strip that piece of cloth..." 

Iyon na at bumaba na ito ng hagdan at dumiretso sa wine bar at nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok.  

Tinakbo ko ang hagdan at nagmamadaling binuksan ang pinto ng aking silid. Nang nasa loob na hindi ko napigilang maupo at mapasandal sa pintuan. 

Anong kahihiyan ang inabot ko ngayong araw na ito...Kahit kailan ay hindi talaga maiiwasan ang ganitong pangyayari kapag mananatili ako dito sa Mansion!

Kapag makaipon ako ng lakas ng loob ay magpapaalam ako kay Lola na bumalik sa bahay kahit mag-isa lang ako. Mas mapapabuti ang lahat sa ganoon at maiiwasan ko ang ganitong pangyayari sa susunod dahil nakakahiya... 

Tumayo na ako at agad na naligo. Ilang beses kong tinignan ang aking sarili sa salamin upang siguruhing maayos at walang balat ang nakalitaw sa aking pantulog na damit bago bumaba. Wala na sa bar counter si sir Kaixus. 

Dumiretso na ako sa quarters at naabutan kong kumakain ng pakwan sina ate Mae. Nahalata ata niya na may mali sa akin. Baka hindi ko maitago ang kahihiyang inabot ko kanina...

"Yacinda, okay ka lang ba? Maputla ka... Kailangan mo ba ng gamot? Masama ba ang iyong pakiramdam?" pagtitiyak niya. 

"Inaantok lang po ako ate, nakakapagod ang maghapon. Mauna na akong matulog... Sa tabi nalang po ako ni Lola," paalam ko.

"Sige...Ayaw mo bang kumain ng pakwan, muna?" 

"Hindi na po ate," tanggi ko.

Nagpaalam na ako kina Paula at tumuloy sa silid ni Lola. Tumabi ako sa kanya at ipikit ko na ang aking mga mata. Sobrang pagod na pagod ang aking isipan at maging ang aking katawan. Bukas siguro ay makakalimutan ko ang nangyari kanina. Sana ganoon din si sir Kaixus... 

Ilang beses na ba niyang nakita ang aking pang itaas na bahagi...baka dahil doon ay mas lalong magiging mababa ako sa kanyang paningin...

Hindi alam na napaiyak na pala ako hanggang sa may tumulong luha sa aking mga mata. Nagising ko tuloy si Lola. 

"Yacinda, apo, bakit ka umiiyak?" 

Niyakap ko si Lola... 

"Lola, sa tingin po ninyo, kapag alam ng Itay na meron ako...Matatanggap po kaya niya ako?" 

Hindi ko napigilang tanungin. Ito ang unang beses na nagtangka akong magtanong ng ganoong bagay kay Lola. 

"Siyempre naman apo, ang kwento ng iyong Mama ay mabait ang iyong Itay..." 

"Kapag po makaipon ako ng sapat, hahanapin ko po siya Lola...Gusto ko po siyang makilala manlang sa personal kahit sakaling ayawan niya ako." 

"Hayaan mo iha, at magpapatulong ako kay Donya Diana pagbalik nila," ani Lola.

"Huwag na po, Lola. Ako na po ang maghahanap kay Itay." 

"O, siya matulog na tayo." 

"Opo..." 

Pinilit kong natulog kahit na maraming gumugulo sa aking isipan. Saka ko na isipin ang tungkol kay sir Kaixus bukas ulit. Iwasan ko siya hanggang maari. 

My priority is to search my father and studies. I should cut all unnecessary things before I will finish my goals. Kailangan ko na talagang magdesisyon habang maaga pa.

I have no one to rely on, lalo na kapag aalis na kami dito. Ipapabenta ko nalang kay lola ang bahay dito para sa Ilo-Ilo nalang kami, kung sumapit ang school year at dito ako, baka hindi ako makatagal lalo na kung nandito ang bunsong anak ng Donya.

At first, I am so excited to meet him but I don't know what to think of him anymore, pero sigurado akong kinabahan iyon ng sinagot ko. I love how his power weakens as I used to watched on movies. I enjoy seeing him taken a back...

I have long terms goals to achieve and goals to chase. I won't chase love because it's my least priority. Life is slapping me reality already. Hindi kailanman pwedeng magsama ang tubig at mantika. Hindi lang ordinaryong mantika pa, olive oil pa! Expensive and Exclusive!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status