Share

KABANATA 11

FERIDA SY

Nakatulog ako pero hindi mahimbing dahil sa dami ng gumugulo sa aking isipan. Iyong paghahanap kay Itay at pag-iwas sa amo ko...

"Gumising ka na diyan Yacinda at tulungan mo ang mga kaibigan mo sa kusina. Marami akong gagawin ngayon. Titignan ko Iyong mga naglilinis sa mga silid, isapa, iyong labahan mo iha, natapos mo na ba?" 

"Mamaya pa po, Lola. dito na po ako sa quarters maglalaba pagkatapos ng agahan," paliwanag ko. 

Ilang araw na akong natambakan ng labahan dahil ginagabi ako ng uwi palagi. 

Bumangon na ako at inayos ang hinigaan namin ni Lola, saka pumunta sa kusina ng quarters. Gising na nga ang tatlong kong mga kaibigan kagaya ng sinabi ni Lola kanina ay abala ang mga ito sa pagbalat at pahiwa ng gulay. 

"Maganda umaga!" bati ko sa kanila.

"Magandang umaga rin, Yacinda. Salamat naman at gising kana. Halika dito at ikaw ang bahala sa kanin. Hindi ko alam kung paano buksan itong gas range dito. Baka mamaya ay makalikha ako ng sunog. Wala akong pambayad sa magiging pinsala kundi ang buhay ko lang. Naku gusto ko pa namang makita si Lee Min Ho sa South Korea, iyon ang pinag-iipunan ko," lintaya ni Betty.

Binuksan ko na ang gas range at saka nagsalang ng kanin. Itinuro ko sa kanila kung paano iyon gamitin. Tumulong rin ako sa paghiwa ng mga gulay. Babalik daw si Lola at siya na ang bahala na magluto sa gulay. Kaming apat lang kakainin ng lulutuin dahil nagluto na sina aling Marta at ate Mae ng pagkain ng mga trabahador at sa Mansion. 

Ilang minuto pa kaming naghintay pero wala pa si Lola, paluto na rin ang kanin kaya kami nalang ang nagluto sa gulay. Simpleng gisado ang ginawa ni Maimah. Si Betty at Paula ang taga tikim kung tama ang timpla samantalang ako ang taga pasa kay Maimah sa mga sahog.

Naghahain na kami nang dumating si Lola. Tumingin kaming tatlo sa kanya. 

"Niluto na namin iyong ulam Nanay Ana. Gutom na kami eh," tawa ni Maimah. 

"Pasensiya na at medyo natagalan kami sa paglilinis ng mga silid at nang sala mga iha. Oh, siya, maiwan ko na kayo. Kumain na kayo diyan..." 

"Nanay Ana, pwede po ba kaming pumunta sa ubasan at sa taniman ng bulaklak pagkatapos namin dito? Hindi rin po kami tatagal..." 

"Kayo ang bahala," lumingon sa akin si Lola," Mamayang hapon ka nalang maglaba kung ganun Yacinda, samahan mo sina Paula..." saad ni Lola.

"Sige po Lola," ani ko.

"Maraming salamat po, Nay..." si Paula.

"Saglit lang po kami doon, Nay..." si Betty.

Umalis na si rin si Lola pagkatapos. Nagsimula na kami ng agahan...

"Mag bi-video ako sa may ubasan. Ipapakita ko kung gaano ka ayos at katamis iyong ubas ng Hacienda." ani Betty.

"Ako naman ay i-tu-tour ko iyong mga nanood ng live ko kahapon sa taniman ng mga bulaklak, gusto daw nilang makita ng malapitan..."

Si Paula naman ang nagsalita na huli.

"Sige, titignan namin ni Maimah sina Tasia at Thunder. Aabutin ba tayo ng  Tanghali doon?" tanong ko.

"Baka, anong pwede nating madalang meryenda at tanghalian ba? Iyong madaling ihanda lang para hindi tayo matagalan," suhestiyon ni Maimah.

"Sandwich... Maglaga ako ng itlog para mag egg sandwich at tsaka nilagang patatas nalang tayo mamayang tanghali. Hingi tayo ng ubas na meryenda mamaya," turan naman ni Betty.

Nagsasalita rin si Paula, "Nilagang patatas at saging nalang... Sapat na iyon. Magdala tayo ng banig para mag picnic tayo sa ubasan," 

Tumigil ito at saka muling nagsalita, "Unahin muna nating pumunta sa taniman ng bulaklak para hindi tayo maabutan ng tirik ng araw...bilisan nating kumain... Hindi pa tayo naka ligo..." pahabol pa niya.

"Oo nga, sige sige," sang-ayon ni Betty.

Binilisan nga naming tinapos ang agahan. Naglaga na rin ng itlog at saging si Betty saka siya nag prito ng hotdog.

Unang sabay na naligo sina Paula at Maimah samantalang pinuntahan ko muna sa kuwadra sina Thunder at Tasia. Napaliguan na raw ang mga ito at napakain. 

Bumalik ako sa quarters at naligo na rin dahil may mga damit ako sa silid ni Lola. 

Naabutan kong nag-aayos ng mga kukunin namin sina Paula at Maimah. Tinulungan ko sila at hinintay si Betty. 

Sabay-sabay kaming apat na pumunta sa kuwadra. Ako na ang naglabas sa dalawang kabayo. Hinintay nalang ako ng tatlo sa labas ng gate ng barn house. Si Betty ang may hawak sa mga pagkain at si Paula naman ang humawak sa banig na aming dadalhin. Gaya kahapon ay nakunang sumampa sina Betty at Maimah pero hinintay na kami ng dalawa bago pinatakbo ni Maimah si Tasia. Mabuti nalamang at sanay si Tasia kay Maimah kung hindi ay siguradong nahulog na ang dalawa noong kahapon pa. 

Pumunta nga kami sa flower farm na una... Maganda ang sinag ng araw at doon nag live si Paula ng kalahating oras at saka kumuha rin ng detalyadong video ng mga tanim bago kami pumunta sa ubasan. 

May mga trabahador sa ubasan noong makapunta kami. Kaya minabuti kong nagtanong kung okay lang na mag vi-video kami at dumugo muna kaming apat. 

"Okay lang naman Ma'am, tignan nalang ninyo iyong hinog lalo na sa berdeng ubas, walang problema naman po, kami din ay kumukuha minsan...Doon po kayo banda, mas malilim doon..."

Itinuro ng trabahador ang parte kung saan pwede raw kaming maglatag ng banig. 

Nagpasalamat kaming apat at tumungo nga roon.

Hindi ko pa nalibot ang buong ubasan dahil ilang ektarya rin iyon at pumupunta lamang ako kung utusan ako na kumuha ng ubas at sa bungad lamang ako palagi. Ngayon ay sa bandang gitna ang itinuro ng trabahador kanina. 

Masayang masaya si Paula at si Betty. Nagsisigaw ang mga ito. 

"Huwag kang magsalita ng magsalita Betty, matatalsikan ako ng laway mo!" sigaw ni Maimah sa kasama niya.

Si Paula naman ay humingi ng paumanhin at tumahimik na. 

Nang makarating kami ay itinali ko sina Thunder at Tasia sa isang puno ng mangga.

"Ang ganda! Hindi po ba? Ganito po ang ubasan dito sa San Gabriel..." 

Tumakbo na si Betty papunta sa ilalim ng ubas at nag pinagpatuloy ang pa kuha ng video. Pinapanood nalang namin siya na tatlo nina Maimah at Paula. 

"Parang bata naman..." tawa ni Maimah.

Tumawa tuloy din kami ni Paula. 

"Alam mo naman iyan..." 

Kumumpas si Betty sa amin na lumapit kami sa kanya. Baka tapos na itong mag video pagkatapos ng mahigit ng kinse minutos. Lumapit kami sa kanya. 

"Tapos kana? Okay na?" paniniguro ni Paula baka mamaya ay hindi pa pala tapos ang isa sa kanyang ginagawa.

"Oo, okay na iyon nakuha ko... Mamaya sama kayo sa video ko, gaya ng ginawa mo kanina Paula, para naman makita nila na hindi lamang ako ang naghirap sa pagkuha ng mga video..." 

"Sige sige, ikaw ang bahala," sabi ni Maimah.

Tumingin sa akin si Betty ng may tanong sa punta ng mukha niya kaya itinuro ko ang aking sarili. Ngumuso ito at saka nagsalita,

"Sama ka sa video ha... Hindi ko naman patatagalin sa iyo iyong video, kumaway ka nalang, sapat na iyon... Gaya ng ginawa mo kanina sa video ni Paula..." pakiusap pa ni Betty.

"Sige na nga..." sambit ko.

Baka mamaya ay magtampo ito kung hindi ako makisali sa video niya. Ayoko sanang sumama sa video ni Paula pero hinila ako ng huli kaya wala na akong nagawa. Ipinakilala pa niya ako sa harap ng camera habang naka live siya... Hay naku! 

Niyakap ako ni Betty, "Maraming salamat, Yacinda..." 

Bumitaw ito at saka ibinigay kina Paula at Maimah ang pinitas niyang ubas. Hindi raw siya pumitas kanina dahil nahihiya baka mamaya ay makapanood sa mga Montiel o mga taga Catalina na nakakakilala sa kanya at kung ano pa ang masabi ng mga ito. 

Nilatag namin ang banig sa ilalim ng ubas at saka humiga. Medyo na antok pa ako kaya pumikit ako at inilagay ang aking kanang braso sa aking bandang ulo. Ganoon din ang ginawa ni Paula. Ginawang unan naman nina Maimah at Betty ang kanilang mga braso. 

"Ang sarap ng hangin dito...Siguro kung dito ako nakatira ay araw-araw akong pupunta dito..." biglang sabi ni Maimah.

"Ako din," saad naman ni Betty, "Mabuti kapa Yacinda at pu-pwede mong puntahan ang ibat ibang sulok ng hacienda kahit anong oras at araw mo gustuhin..." pagpapatuloy pa niya.

"Hindi rin naman ako araw-araw na lumalabas dahil pumupunta din ako sa bahay upang maglinis. Minsan lang tuwing ipinapasyal ko si Thunder at tuwing narito kayo... Saka tuwing bakasyon lamang ako may oras upang mamasyal..." paliwanag ko.

"Sabay, sa susunod na taon ay siguradong hindi na tayo makakauwi palagi rito pagsapit ng June..." wala sa isip na sabi ni Maimah.

"Oo nga eh... Sa Catalina State University na ako sabi ni Inay," ani Paula.

"Ako din...Sa Remnant sana ako pero baka hindi namin makaya ang bayarin," saad naman ni Betty, tumingin siya sa gawi ko. "Ikaw ba, Yacinda? May natipuhan kana kung saan ka mag-aaral?" 

"Wala pa, tatanungin ko si Lola kung saan niya ako gusto, isapa ayokong malayo sa kanya kaya kung sakaling sasabihan ako sa Mansion na lumuwas ay tatanggihan ko." 

"Sabi sa bahay ay iskolar daw nina Don at Donya ang lahat ng anak ng trabahador na nasa kolehiyo pero sa CSU daw, ang mga gugustuhing sa Remnant mag-aral ay mga tuition at miscellaneous fee lang magiging libre," tugon ni Maimah.

"Talaga? Sayang at dalawa na kasi kami sa kolehiyo... Patapos naman na si kuya kaya okay iyan... Maganda naman sa CSU at malawak pa. May law na rin sila doon gaya ng Remnant at maraming mga galing doon na nasa ibang bansa na at mga Politician pa ng Catalina," saad ni Betty.

Totoo ang sinasabi ni Betty. Hindi nagpapatalo ang CSU dahil ang mga propesor ay galing sa sikat na mga paaralan sa Maynila at ibang panig ng bansa. Libre na rin ang lahat dahil ito ay pinopondohan ng gobyerno, buwis ng taong bayan ang mga ginagamit upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon. Walang masama doon. Tanging mga maimpluwensyang tao at may mga kaya lang talaga ang nagpapa-aral ng kani-kanilang mga anak sa siyudad o ibang bansa pero marami naring mga may kaya ang dito sa Catalina ninais mag-aral imbis sa ibang lugar. Marami naring nagsisibalikan na mga pumupunta ng siyudad upang mag trabaho dahil tumaas na ang minimum wage ng probinsya. Sa La Cita ay pantay na rin ang sahod ng mga nasa pribadong kumpanya sa sahod nila sa Baguio City mas mataas pa nga sa iba. Mabubuhay naman siguro kami ni Lola kung sakaling nanaisin mag trabaho nalamang at patigilin na ito sa paninilbihan dito sa hacienda. 

Ipinilig ko ang aking ulo sa aking naisip. Wala kapa sa legal na taon upang makapagtrabaho, Yacinda! Ipapahamak mo pa ang kumpanya na papasukan mo! I scolded myself, but why not? What if I will privately message those who commented to my photos that ate Avikah uploaded? I can definitely make a decent wage out of it, and I saw child and teen models on the television... It's legal to work even though you aren't eighteen. You just have to ask permission to your guardian. Ang tanong ay kung papayag si Lola... Alam kong malabo iyon, but what if I can meet my father if I have media exposure?  If I will make my name known?  What if I'll ask my grandmother to gave me permission to be a model...It's not a bad idea at all. I can make money and we will be able to live comfortably away from here...No, it's just me... I can live comfortably if I'm away from one person in this place. Siya lang naman ang hindi ko mawari kung bakit may hinanakit sa akin. Isapa ay sinabihan ko na siya na bigyan niya ako ng isang taon na manatili rito. 

I heave a sigh. Mukhang napalakas ata kaya tumingin sa akin ang tatlo. 

"Parang ang bigat ng problema mo Yacinda at pati paghinga mo ay nakakabahala," ani Maimah. 

Nagpalusot ako, "Inaantok kasi ako dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Siguro ay namamahay ako," biro ko sabay tawa.

"Ay, walanghiya iyan... Kabilang silid lang naman ang silid ni Nanay Ana kung saan ka natulog kagabi. Paano pa kaya kami na ang lalayo ng bahay namin pero hindi naman kami namamahay. Isapa ay natulog sa bahay pero hindi ka naman napuyat..." ani Paula.

"Matulog ka nalang muna kaya... Matulog muna tayo at ang sariwa ng hangin at nakakaantok pa ang init ng araw," sabi ni Betty.

Pumikit na nga ako para wala ng maisip pa. Itulog ko nalang ang aking iniisip para hindi na sumakit ang aking ulo. Nagsisimula na akong magkaroon ata ng migraine kagaya ni ate Avikah. 

Hindi na namin alam kung ilang minuto o oras kami nakatulog lalo na ako dahilan ng magising ako ay wala na akong kasama sa banig. Pagtingin ko ay nasa isang banda na ang tatlo at kumukuha ng video at mga larawan. Nagtatawanan pa ang mga ito. I smiled while watching them. Maybe if sir Kaixus didn't go back home. I am already smiling with my friends like the days before. Nowadays, I feel like I am not the Yacinda everyone knows... I am too inclined to what will happen next year, will I able to live away from my grandmother? If only my father is with me I am sure that I will not be as consciousness as now. Natatakot ako na baka mamaya ay may gagawin ang bunsong anak ng Don at Donya. What I know is that he hates me. That's so vivid that his actions tells it all. Ayaw daw niya sa ganito? Ayaw niya na malapit ako sa kanyang pamilya... Dahil hindi ko nga naman sila pamilya... Apo lamang ako ng katulong nila...Wala akong karapatang gamitin ang mga mamahaling gamit na galing sa pinaghirapan ng kanyang mga magulang... 

Naiyak ako sa aking naiisip, kung kagaya ba ako ng kanyang kasintahan ay magiging maayos kaya ang trato niya sa akin? Kung magkakaroon ako ng lakas ng loob na maging matapang at sumabay sa kanya ay kahit paano kaya'y ibibilang niya ako bilang isa sa mga anak ng trabahador? Bakit ako lamang ang nakikitaan niya ng mali sa lawak at sa dami ng mga trabahador dito sa hacienda? 

Kumaway sa akin ang tatlo, tumalikod ako at nag punas ng aking luha bago ngumiti sa kanila. Tumayo na rin ako at lumapit sa kanila bago nagpakawala ng isang ngiti. 

"Iniwan ninyo ako... Mahabang oras ba ako naka-idlip?" agaran kong sabi.

"Hindi kana namin ginising dahil ang ganda ng tulog mo at para makapagpahinga kapa ng kaunti..." sagot ni Paula,

"Tumawag kasi sa akin si Collin kanina kaya nagising ako. Ang walanghiya, sinabihan ba naman na ang pangit daw ng mukha ko sa live ko...Bigyan daw niya kami ni Betty ng pang kolorete sa mukha galing ng South Korea. Napanood daw nila ang channel namin maging ang iba nating ka klase..." 

"Ganoon ba...Hindi ba nanliligaw sa'yo si Collin, Paula?" tanong ko sa aking kaibigan.

"Iyan nga din ang tanong ko sa kanya kanina eh... Napaghahalataan ko na iyang Collin na iyan eh..." says, Maimah. Pati pala ito ay nakakahalata na rin.

"Hindi eh..." - Paula.

Noon pa man ay close na sina Paula at Collin pero parang manliligaw na ang inaasta ni Collin dahil mga mamahaling gamit ang binibigay kay Paula. Lahat naman kami ay nabigyan na ni Collin ng kung anu-ano pero hindi gaya ng mga ibinibigay niya kaya Paula. 

Tinitigan ko si Paula, "Yiiiiiiiiieeeee!" 

Kiniliti ko siya sa bewang kaya tumili ito. 

"Hindi siya nanliligaw, wala naman siyang sinasabi na manliligaw siya. Alam naman ninyo ang siraulo na iyon kung anu-ano ang pakulo at laging ako ang nakikita niya," depensa niya,

"Paula ha, binigyan ka ng mamahaling tsokolate na galing pa sa ibang noong araw ng mga puso. Hindi pa ba iyon nanliligaw?" buking ni Maimah.

Nagulat kami ni Betty dahil walang sinabi sa amin si Paula tungkol doon. 

"Ano?!" 

Sabay naming turan ni Betty. Maging ito ay napatigil sa pag selfie dahil sa nalaman mula kay Maimah. 

"Bigay lang daw iyon sa kanya, sabi niya at hindi siya kumakain ng tsokolate kaya ibinigay niya sa akin para hindi masira.  Kay Jayjay naman niya iniabot hindi sa akin eh..." palusot ni Paula. 

Namumula na ang pisngi niya kaya tinigilan na namin siya. 

"Wala talaga siyang sinasabi na manliligaw siya sa'yo? Ang siraulo naman niya saka lumalandi sa ibang mga babae sa kabilang section. Kapag makita ko iyon ay makakatikim ng sapok sa ulo iyon, paasa. Akala ko pa naman eh seryoso na sa'yo..." lintaya ni Betty.

"Sabi ko naman kasi sa inyo eh, malabo pa sa sulat ng doktor iyon pero baka may natitipuhan na malapit sa akin,sa atin," ani Paula.

"Akala ko na manliligaw mo eh," saad naman ni Maimah.

Tumingin si Paula kay Maimah, "Akala mo hindi ko rin alam na binigyan ka ni Pedro ng tsokolate noong intramurals natin..." 

Paula mimic the way Maimah say thank you to Peter in a cute voice, "Maraming salamat Pete... Thank you very much for this!" 

Tumawa si Paula ng malakas at tinuro si Maimah. 

Pulang pula ang mukha ng huli at hindi maitago sa mukha niya iyon. 

"Oy! May pinasuyo siya sa akin noong araw na iyon kaya iyon daw ang pasasalamat niya," paliwanag ni Maimah.

Sinaway na ni Betty ang dalawa bago pa mapalaki ang paksa at may masabi pa ang isa sa kanila. 

"Tama na iyan. Kumain na tayo dahil nagugutom na ako," saway ni Betty. 

Kinuha ko na iyong picnic box sa pinaglagyan namin kanina at inilapag sa isa sa mga lamesang gawa sa kahoy na nasa gilid ng poste ng ubas. Tinawag ko na ang aking kasamahan. 

Unang dumating si Betty at tinulungan ako sa paglapag ng mga pagkain namin. Naghugas ako ng kamay saka kinuha ng tinidor at saka hinalo ang lutong itlog at mayonnaise sa isang maliit na mangkok. 

Dumating na rin sina Paula at Maimah. Umupo si Maimah sa tabi ko at si Paula naman ay sa tapat nito. 

"Okay na kayo? Nagpaliwanagan na ba kayo?" paniniguro ni Betty.

"Oo, wala naman kaming dapat pag-awayan ni Paula. Lalo na kung tungkol sa lalaki... Naku ipamigay ko na sa ibang ka klase natin at mga babae sa ibang seksyon ang mga lalaki na iyan at ayoko ng sakit ng ulo... Diba Paula?" 

"Totoo..." maikling sagot ni Paula. 

"Salamat naman at akala ko'y magbabangayan na kayo..." ani ko.

"Hindi ah..." si Paula. 

"Eh ikaw Yacinda? Okay na ba ang tulog mo?" 

Ako naman ang pinagdidiskitahan nila ngayon na tanungin. 

"Wala kabang inaway? Baka mamaya ay may itinatago ka sa amin... You're not keeping any secret..." matalinhagang turan ni Maimah.

"Walang maitatago iyan... Lalo na at marami siyang bantay. Sino naman ang maglalakas loob na mang-away o manligaw sa kanya..."

Salamat Paula at pinagtanggol mo ako. 

Kumain na kami at nagtawanan sa mga pangyayari noong bata bata pa kami. 

Katok sa pinto ng office ang nagpabalik sa aking diwa mula sa pagbabalik tanaw. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko ang naka apron na may tatak na spoon at fork.  It's someone from one of the restaurant here in Caleta.  

"Ma'am someone ordered a truffle cake and fresh orange juice for you. Bayad na po Ma'am. Enjoy your snack Ma'am."

Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik at saka kinuha sa kanya ang serving plater. 

"I'll return it later nalang ha...Thank you so much." 

"Sige po Ma'am sa may malapit po kami sa pool area." 

"Okay, thanks again..." 

Umalis na ang babae at dinala ko na ang aking bitbit sa may mesa at bumalik ako sa swivel chair.  Kinuha ko ang cake at tinikman. 

Bumalik akong muli sa pagtanaw sa dagat. May nakita akong apat na babae na nagpapahiran ng lotion sa likod ng isa't isa. Napangiti ako.

"Sabing huwag mong ipunas sa mukha ko iyang palaman Betty eh..." 

Reklamo ni Paula dahil pinunasan ni Betty ng palaman na nalaglag ang  pisngi ni Paula. Gumanti naman ang isa kaya naghabulan ang mga ito sa likod namin ni Maimah. Tumawa kaming lahat dahil hindi nila mahuli ang isa't isa. Idinamay pa kami ni Maimah sa kanilang kalokohan.

"Tama na! Huwag tayong magsayang ng pagkain..." pagsuko ni Betty at saka bumalik sa kanyang upuan. 

Nagsibalik na rin kaming tatlo nina Maimah at Paula at ipinagpatuloy ang pananghalian.

My phone rings after a while. Nakalahati ko lang ang cake na dala ng tauhan ng restaurant kanina dahil sa muling pagbabalik tanaw.

Agad kong nilapitan sa outlet ang aking cellphone para tignan kung kanina galing ang tawag. It's from one of the models that I worked with in Italy. 

"안녕하세요 (Hi) Cindy 언니 (ate), are you here in France?" 

"지금? (Ngayon?) 아니 (hindi), 왜? (bakit?)Are you in France now?" tanong ko.

Tinanggal ko muna ang aparato sa charger at saka bumalik sa inupuan ko kanina. 

"Yes, I thought you're here...I will scout you for runway of one the famous Korean traditional clothes designer." 

"That would be a great opportunity, but I am currently here in the Philippines. I would be back in France next month on the eight day. When is the event?" 

"It's next month already. 30th, you message me when you're here 언니, okay? I will sleep already. Magandang gabi po..." 

"Sure sure, 감사행 Rin, 하하하 you didn't forgot what I taught you."

Bumungisngis si Rin sa kabilang linya at nagpaalam na. 

"잘가, 생... Sige... Bye bye!" paalam ko. 

Si Rin ang nagturo sa akin ng Korean, kapalit niyon ay tinuturuan ko siya ng ilang mga salita natin. 

Ibinalik ko sa charger ang aking cellphone upang ma full charge. Tinapos ko na rin ang cake at saka bumaba upang hanapin ang restaurant kung saan galing pagkain. Agad ko naman itong nahanap. Tinawag ko ang isang dine-in waiter at saka tinanong kung saan ko pwedeng ilagay ang tray at ang iba pang gamit. Kinuha ng waiter ang aking hawak at siya na daw ang magbabalik sa loob ng mga iyon. 

"Ako na po Ma'am..." 

"Thank you so much..." pagpapasalamat ko. 

Pumunta na siya sa loob ng restaurant at ako naman ay napatingin sa loob ng establishment. See through glass ang walls kaya kitang kita ang mga kumakain sa loob. Maraming mga naka dine-in at naka alfresco, masarap ang cake n kinain ko kanina kaya panigurado na maging ang mga kumakain ay nagustuhan ang luto ng restaurant. Umalis na ako at nagpunta sa lobby ng hotel. 

Busy ang mga nasa front desk. May mga iilang bisita na dumating. Umupo ang isang foreigner na babae sa aking tabi. 

"It's our first year anniversary tomorrow, me and husband were able to avail an anniversary promo from the hotel. They even offer us a free cruise," tuwang-tuwa niyang ibinalita sa akin.

Abot tainga ang ngiti nito habang nakatingin sa akin. 

"Are you having a vacation here? You are so gorgeous...Are you still single?" tanong at puri pa niya sa akin. 

I smiled at her "Sort of... Hope you will enjoy your stay here, welcome to Philippines and here in Caleta..." I beamed, with enthusiasm.

"Thanks...how should I call you?" 

"Cindy..." maikling sagot ko.

"Thanks Cindy... See you around, Dear." 

Tumayo ito dahil kinawayan ito ng kanyang asawa na pumunta sa mga front desk officers. She signaled me for her to go to her husband. 

"Go ahead. See you around..." 

Muli akong ngumiti. Noong nasa tabi ng kanyang asawa ay tumingin sa akin ang dalawa at kumaway ang asawa niya. Kumaway ako pabalik sa kanila at ngumiti saka yumuko. 

Nakasanayan ko na ring yumuko habang nagpapasalamat dahil kay Rin. Siya ang palagi kong kasama noong nasa Italy pa ako. Alam rin niya ang tungkol sa akin dahil naikuwento ko. Alam niya ring kasal ako pero hindi kami magkasamang mag-asawa dahil sinabi ko lang na dapat hindi ako ang asawa ng asawa ko pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay parang iyon ang kabayaran ko sa paratang sa akin. 

Naalala ko ang mga panahong nasa ibang bansa pa ako. Lalo na noong unang tapak ko sa Italy. I'm just 18 and hiding from everyone after what happened in France and what happened after that. 

Bitbit ko ang aking maleta matapos makalusot sa immigration officer. Walang ka alam alam kung saan pupunta at hindi ko rin ma kontak ang kaibigan ni tiya Lucy. Sa kanya ako lumapit pagkatapos ng libing ni Lola. Hindi ko matiis pang manatili sa San Gabriel. Sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari kay Lola. 

Naputol ang aking pagbabalik tanaw ng may tumabi sa akin. 

Isang babae na nasa late thirty na siguro. Pero maganda siya at hindi maipagkakaila ang dugong Tsino sa kanya dahil medyo singkit ang kanyang mga mata. 

"Yes, I'm already here kuya... Are you sure about it? Did they signed it already? Nandito daw ba siya? No, I didn't saw him, alam mo naman ang isang iyon." 

Hindi ko rinig ang sinasabi ng kanyang kausap pero mukhang may hinahanap na tao ang babae. 

"好吧 (Hāo ba), 好吧 (Hāo ba)... Okay, okay... I got it na... Bye bye na..."

 

Mula sa mga salitang narinig ay hindi nagkamali ang hula ko. She's a Chinese or perhaps a Tsinoy one.

Naramdaman siguro nito na nakatingin ako sa kanya. Kaya ngumiti siya sa akin. 

"Sorry ha... Maingay ba ako masyado, Miss?" tanong niya. 

Pinilig ko ang aking ulo, "Hindi naman po... I'm sorry, I kinda hear some of your conversations..." pag-aamin ko. 

"It's okay... It's my brother... May hahawakan siyang project dito para sa expansion ng hotel. He can't be here today because he's in Dubai for business that's why I'm the one attending the meeting. You look familiar, by the way, did we met before ba or maybe I saw you somewhere before..." aniya.

Ito ang unang araw na nakita ko siya kaya hindi ko alam kung saan niya ako nakita... 

"I do modeling po... Maybe you saw me sa magazines or fashion show..." hindi ko mapigilang sabihin ang aking trabaho.

"I doubt it... I don't attend so much gathering because I'm busy with business but you really look familiar... What's your name? Sorry for asking." 

"Yacinda Sy..."

Linahad ko ang aking kamay sa kanya. It's not bad to be a little bit friendly especially that she is not rude towards me. 

"Oh! we have the same surname, I'm Ferida Sy... It's nice to meet you... You're a Chinese too?" 

"My father..." maikling sagot ko sa kanya. 

Oh my goodness! Magkapareho kami ng apelyido.

"I have to go na... My meeting is near na kasi..."

Nag-abot siya sa akin ng isang calling card at umalis na. Kumaway pa sa akin. 

Tinignan ko ang calling card. May pangalan nga siya, at titulo. Isa siyang inhinyera. May pangalan ng kumpanya sa kanang bahagi ng pangalan niya ay may 'SY Architecture and Co.'

Hindi ko alam bakit biglang tumibok ang puso ko pagbigkas sa pangalan ng kumpanya nila. Marahil ay dahil pareho ang aming apelyido?@ Naalala ko ang mga panahong hinahanap ko si Itay pero sumuko ako ng malabo aking makahanap ng lead manlang kung nasaan ito nakatira sa Cebu. Ilang taon na rin ang nakakaraan at wala akong sapat na pera noon. Ngayon kaya? Mahahanap ko kaya siya kung muli kong susubukan? 

"Miss Yacinda..." 

Si Jalilla ang tumawag sa akin. Kumaway siya ng madaan sa kung saan ako naka-upo banda. 

Ngumiti ako sa kanya at tumayo na. Tumungo ako sa elevator kung saan ako bumaba. May mga iilang bisita na nakatingin sa akin dahil may nakalagay na 'Private Elevator' sa kung nasaan ako. Ngumiti lamang ako habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Pumasok na ako at pinindot ang floor ng office ni Kaixus. Inilapag ko ang calling card sa presidential table. 

Muli akong umupo sa swivel chair habang hinihintay ang ang cellphone. Nang mainip kay tinignan ko ang mga display sa isang sulok ng office. May mga trophy doon at mga plaque ng hotel mula sa ibat ibang organisasyon. 

Bumukas ang pinto at pumasok si Sage. 

"I have a meeting for an hour... Wait for me here. Did you get what I ordered for you, earlier?" 

Tumango at hindi na nagsalita. 

Agad din itong umalis. 

Meeting? Siya ang kaya ang hinahanap ni Miss Ferida kanina? Baka siya nga. Dahil siya naman ang boss ng Caleta.

I am a little sleepy kaya nahiga ako sa couch. Medyo hindi pa ako makalakad at lutang ang aking isipan. 

"Yacinda..." 

"Yacinda...Wake up..." 

Binuksan ko ang aking mga mata... Naramdaman ko ang mahinang pagyugyog at pagtapik sa akin. Naka on na ang ilaw. Gabi  na ba? Bakit may ilaw na sa loob ng opisina? Ang cellphone ko! Baka overcharge na! 

Agad kong tinignan ang socket. Wala na doon ang aking telepono. 

"It's on the table. I unplugged it earlier...What do you want for dinner?" 

Gabi na? Ibig sabihin ay nakatulog ako ng ilang oras? Ang sabi ko ay magpapahatid ako sa Manila. Hintayin ko lang si Kaixus para sabihan niya si Bentley. 

I check the window to see if it's already night. The outside is already dark. Hindi ko manlang nakita ang paglubog ng araw.

"Hindi pa sana kita gisingin but you are having a bad dream..." 

Hindi ko maalala ang laman ng aking panaginip na sinasabi ni Kaixus. 

"You are mumbling..." paliwanag pa niya.

Ipinilig ko ang aking ulo. I really can't recall what's on my dream. Pero kung hindi iyon maganda ay mabuting hindi ko na nga alalahanin pa. 

Iniabot sa akin ni Kaixus ang isang bottled water, "Drink..." aniya.

Sinunod ang kanyang utos at tumayo na sa couch. Nilagyan pa niya pala ako ng kumot. Nakacoat siya kanina at ngayon ay nakakumot sa akin iyon. Inayos ko iyon at saka pumunta sa table niya. Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan. 

"Sana ginising mo ako kanina... I have things to in Manila, Sage..." sagot ko.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. May mga papeles na nakalatag sa table tanda na may binabasa siyang mga documents... 

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa mesa at saka muling nagsalita, "Kung alam ko lang sana ay sinabihan ko na ang pamangkin mo na ihatid ako kanina pa!" 

Hindi niya ako pinapansin. Nagbabasa ito ng mga dokumento kaya nainis ako at inagaw ko ang binabasa niya saka nilapag sa mesa. Nagulat siya sa aking inasta dahil hindi niya siguro inaasahan ang ginawa ko. Medyo kinabahan ako lalo na at baka nasira ko ang mga papeles. 

Ito ang unang beses na kinompronta ko siya na medyo mataas ang aking boses at may hindi magandang ginawa. Hindi siya nagalit kundi ngumiti pa habang nakatingin sa akin. Tumayo siya sa pagkakaupo at ilang sandali ay nasa tapat ko na. He put his hands on my both sides. Sumiksik ko ang aking sarili sa mesa. Yumuko siya hanggang sa magpantay ang aming tingin. 

He bite his lower lips and pouted. After that he smirked.

"You learn to grow some fangs already, wife..." aniya. 

Itinulak ko siya para iparating na hindi ako kumportable sa aming posisyon. Nakuha naman niya iyon dahil lumayo siya at saka umupo sa couch. Sumunod ako at umupo sa side kung saan ako natulog kanina.

"May helipad ang hotel, call for a helicopter..." I demanded.

Narinig ko iyon sa isang guest kanina. Nagtanong ito kung okay lang daw pumunta sa roof top sa may helipad. 

Hindi kasi pinapayagan ang sinuman dahil baka may maaksidente at masira ang pangalan ng Playa. 

"I'm too tired to drive, wife..." mahinahong sagot ng nasa tapat ko.

Tired to drive? Ibig sabihin ay may nakahanda na helicopter sa roof top! 

"Bentley and Fire aren't here already... If you really don't want to be with me... You can stay here and I'll go back to the house. That's the only option we have..." 

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. 

"Ipahatid mo ako sa resthouse...bahala ka rito..."

Tumayo ako at kinuha ko ang aking charger sa parte ng presidential table. Kinuha ko rin ang calling card na ibinigay ni Miss Ferida kanina bago naglakad papunta sa pinto. Saktong kumulo ang aking tiyan. Nakalimutan ko na hindi pa pala ako nakapaghapunan. 

"Let's eat first...the food is on the way," saad ni Kaixus.

Gutom na rin ako baka walang naluto sa resthouse. Naglakad akong muli pa balik sa couch at saka umupo. 

My goodness! Kailan ba matatapos ito?! Kung noon ay siya ang may ayaw sa akin, ngayon naman ay ako ang may ayaw sa presensya niya. Namumuhi ako sa pagmumukha niya!

Habang hinihintay ang pagdating ng pagkain ay chineck ko muna ang aking schedule. Wala naman akong mahalagang lakad hanggang next week pero mas gugustuhin kong nakakulong lang sa unit kesa kasama siya. 

Tumayo siya sa pagkakaupo at tinignan ang cellphone niya. Maya-maya ay pumunta sa pintuan at saka binuksan. May isang lalaki na may hawak na cart. Niluwagan ni Kaixus ang pintuan para makapasok ang isa. Nilapag ng service crew sa center table ang mga in-order ni Sage. 

"Enjoy your dinner, Ma'am, Sir. Thank you for ordering with us!" 

Umalis na crew at naiwan kami muli sa loob ng office. 

Steak ang nasa lamesa at saka marble potatoes. May wine rin na kasama sa order na dumating. 

"Let's eat..."

Tahimik kaming kumain na dalawa. I have no choice but to stay with him even if it's torturing.

This is the first time that we have a meal as a couple.

I never imagine this day to happen... Hindi ko talaga alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Ilang taon na rin ang nakalipas... 

I watch him as he eats. Parang walang pinagbago sa paraan ng pagkain niya noon... Still elegant and calcutative. Very noble. Royale and clean.

Napalingon siya sa akin siguro ay nahalata niya na may tumitingin sa kanya at nagtaas kilay.

"Why? You don't like the food?" he ask in a soft way. 

Napapikit ako at ng dumilat ay ipinagpatuloy na kumain. Hindi ako naimik. Sinadya kong hindi sagutin ang tanong niya dahil wala namang problema sa pagkain. Ang problema ay parang nawalan ako ng gana na kumain dahil kasabay ko siya.

Ipinagpatuloy na rin niya ang pagkain ng hindi makakuha ng sagot mula sa akin. 

Tinapos ko ang aking pagkain ng mabilisan. Hindi na rin nabuksan iyong wine. Tumayo na ako ng makainom ng tubig at pumunta sa pintuan. I don't wanna fake myself that I can stand to be with him in the same room for a whole hour.

"I'll wait for the driver at the lobby...Thank you for the food." 

Iyon na at umalis na ako. Naramdaman ko lang na tumayo siya pero binalewala ko na iyon. 

I press the elevator at pumasok na agad. I check my phone for any updates but I haven't received any. 

Umupo na naman ako sa inupuan ko kanina na couch at hinintay ang driver na maghahatid sa akin sa resthouse. Doon ako dahil parang maraming inaasikaso si Kaixus at siguradong  magtatagal dito iyon. 

Ilang minuto pa ay may lumapit sa akin na naka uniporme ng puting tshirt, hindi gaya ng driver ng resort. Medyo may edad na ito. 

"Magandang gabi po, Ma'am, ako po ang inutusan ni Sir Kaixus na maghahatid sa inyo sa Mansion. Ako po si Fredo." 

"Magandang gabi po, pasensiya na sa abala," bati ko.

"Hintayin ko po kayo sa labas Ma'am," pagpapaalam ni Manong Fredo. 

"Sige po. Sunod po ako sa inyo." 

Umalis na ito. Tinignan ko ang pribadong elevator baka maya-maya ay bumaba din si Kaixus pero wala kaya lumabas na ako. Nakababa ang wind shield ng van sa unahan kaya nakita ko si Manong Fredo. Binuksan ko ang van at tsaka ako pumasok. It's a limousine not like the ordinary vans of the resort. It's black in color and don't have any logo of the resort. 

I relax my head on the headrest and closed my eyes. This day is so so much for me... 

Naramdaman ko na huminto ang van kaya dumilat ako at saka bumaba. Nasa rotonda kami ng Mansion. May ilaw na rin sa paligid nito at napakaliwanag. Nagpasalamat ako kay Manong Fredo.

"Walang anuman po Ma'am..." 

I am so curious that's why I didn't stop my mouth to speak. 

"Pasensiya na po... Sa resort po ba kayo nagtratrabaho?" 

"Ay, hindi po Ma'am. Sa Mansion po ako ng mga Javonillo. Nagtataka nga ako akala ko ay doon ko kayo dadalhin pero ang sabi ni Señor Kaixus ay dito. Okay lang po ba kayo dito Ma'am? Mukhang mag-isa po kayo dito. Pero baka darating din ang Señor pagkatapos ng inaasikaso niya sa kanyang opisina. Maiwan ko na po kayo at bi-bihaye pa ako pabalik sa kabilang Mansion." 

"Salamat pong muli. Okay lang po ako rito..." 

"Sige po Ma'am..."

Pumasok na si Manong Fredo sa van at nag busina ng tatlong beses bago niya pinaalis ang sasakyan. 

Pumasok na rin ako sa loob ng Mansion. Ang liwanag pero walang katao tao. May mga gwardiya naman daw na nag ro ronda sabi ni Nanay Guada kanina kaya panatag ang aking loob. 

Dumiretso na ako sa silid na aking inokupa at saka naligo at nagbihis. 

May mga boxes na puno ng mga damit at kung anu-ano pang gamit. Alam kong utos iyon ni Sage. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status