Share

KABANATA 16

MISS YOU

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas singko ng umaga. Naglaba na ako ng mga labahan ko at hinanap ko ang phone ni Samantha. Nasa couch iyon sa sala hindi sa kanyang room. Malinis naman ang room ni Sammy kaya hindi ko na pinakialaman. Sa mga sulok-sulok ng sala at ang aking kwarto lang ang nilinis ko. Higit tatlong oras ko din bago natapos iyon. After that, I took a nap at nag-alarm ng 12 o'clock dahil 2:30 PM ang aking schedule, sa BGC naman ang studio ngayon kaya medyo mas malapit kesa sa Quezon City. Fifteen to twenty minutes lang naman ang biyahe. I'll just take a grab later. 

Nakatulog ako dahil sa pagod ko sa paglilinis. Hanggang sa tumunog ang aking phone. Pagtingin ko ay si Sage ang tumatawag. Pinatay ko iyon at ipinagpatuloy ang pag-idlip. 

Bahala ka Sage, inaantok pa ako isapa ay busy ako. Wala ka namang mahalaga na sasabihin diba? 

After thirty minutes ay tumawag muli ito kaya sinagot ko na kahit medyo inaantok ako. 

"Hello..." ani ko sa inaantok na boses. 

"How are you? Are you, okay?" may pag-aalala sa kanyang tono. 

"Oo, bakit? Matutulog muna ako Sage, I'm so sleepy," reklamo ko. 

"Thank goodness you are safe! The car was ambushed last night. Mabuti nalang at sekretarya lang ni Devon ang nandoon and she handled the situation well," saad ng nasa kabilang linya.

Napabangon ako sa narinig, "Ano?!" nawala ang aking antok, "What happened, Sage?! May kaaway ka ba? That car is yours, right? May kaaway ba iyang kaibigan mo? Bakit pinagdiskitahan ang sasakyan?" sunod-sunod kong tanong. 

"Wala, don't mind it and you should focus on recuperating. I'll be in Manila tonight. Do you have friends that can be with you while I'm not around?" habilin at tanong niya sa akin pagkatapos.

Bakit ako ang tinatanong mo eh wala naman akong kaaway?

Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Wynther na delikado ang kaibigan ni Sage na Devon Delmore na iyon. 

"Huwag kang mag-alala sa akin. Baka naman mamaya pinagkamalhan na ikaw iyong nasa sasakyan kaya pinaulanan ng bala? Stay away from me muna. I'll gonna come over there in Playa kapag tapos na ang aking photoshoot," I told him.

"Okay. Just make sure that you are not alone everytime, okay?" habilin niya. 

"Alam ko. Sanay na akong mag-isa and I don't have enemies like you. Dinadamay niyo pa ako sa gulo ninyo," makahulugang saad ko. 

"I'll investigate what happened last night. What important is that you are safe." 

"Sige na. I'll sleep pa," kulit ko para tapusin ang tawag.

"Take care, wife. I'll fix this as soon as possible," saad niya.

Napalunok ako dahil sa sinabi ng nasa kabilang linya, "Sige na, bye na," kumbinsi ko. 

Pinatay ko ang tawag at agad nag text kay Wynther.

Ako:

Wynther, the car was ambushed last night! Are you okay?

I got a message within a minute.

Wynther Gabriella:

Yes, tinakasan ko si Edna.

Hindi ako nakontento at tinawagan siya.

"Hello, Wynther. Are you really, okay?" salubong ko.

Tumawa naman ang aking kausap. "Yup! Pumasok ako sa mall at saka nag taxi ako. For real! I told you, kung nasaan iyong Edna na iyon it means there's trouble. Pero mabuti at hindi siya nasugatan. I heard it from the news. The car was almost unrecognizable mabuti nalang at wala tayo doon. What happened is a big news sa mga negosyante, the car is owned by the Montiels, hindi mo alam iyon? Siguradong hindi palalampasin ni Kaixus Montiel ito. He might be the target kaya siniguradong wasak iyong car. It's scary. Akala ko ay sa lalaking iyon iyong sasakyan but it's not pala. Baka mamaya ay siya pala ang target at hindi ang mga Montiel. Imposibleng may kaaway ang mga iyon, ngayon lang ito nangyari sa kanila. Baka maapektuhan ang stocks nila lalo na at nasa news ang nangyari."

I don't know anything about business but if that will happen, baka nga luluwas si Sage para asikasuhin ang nangyari. 

"Basta safe tayo... Kita nalang tayo mamaya. Mabuti rin at hindi tayo nasama sa balita. Walang masyadong nakaalala na sumakay tayo sa sasakyan but prepare parin baka isama tayo na tanungin if kakanta si Edna but I doubt it," aniya.

"Kaya nga. It's unexpected that something happened like that. Sige you take care." I told to Wynther. 

Pinatay ko ang tawag matapos naming mag-usap. Inaantok pa ako kaya I tried to sleep pa. It's only 10:03 kaya gusto ko pang matulog san but before I went back to sleep I texted Angela if pwede akong makisabay sa kanya. Medyo natatakot ako dahil sa nangyari. Tama si Sage. I need to take care. Pumayag naman si Angela kaya napanatag ang loob ko. Susunduin niya ako mamaya at sabay kaming ihahatid ni Ian. Nabalitaan niya rin pala ang nangyari sa sasakyan ni Sage.  It's really a big issue to resolve. Sana nga lang ay hindi ako madawit lalo na at ako ang sakay noong araw na iyon. 

I wake up before my alarm dahil medyo naging mababaw ang tulog ko. Naligo na ako at nagluto ng lunch. I prepare an alfredo pasta at lemon juice. Sapat na iyon for my stomach to handle until until dinner. I enjoyed eating my lunch when what happened to Sage's car flashes on the screen of the television. 

"A tycoon's car was ambushed last night near a giant mall here in Philippines, fortunately the driver, a lady, is out of danger. We haven't heard anything from the victim as of now but the families spokeperson tells that it might just a mistaken identity and not really planned although the police aren't convinced based on the bullets fired through the car but will wait for the victims statement before conducting any further investigation. This the first-time that a businesswoman's car is ambushed publicly, their spokesperson tells. According to the spokesperson the tycoon will handle the matter privately and will cooperate with the police and NBI. Hopefully, this matter will be resolved as possible so that other investors and businessmen will remain calm in investing here in the Country. This is Sonia—" 

Hindi ko na itinuloy pa ang news at nilipat sa foreign channel ang palabas pero agad ding nilipat ulit. My goodness! Ganoon pala talaga ang inabot ng sasakyan, parang kulang nalang ay sindihan para talagang masira na. What if I was tailed yesterday at ako ang susunod na puntiryahin ng gumawa niyon sa sasakyan ni Sage? Imposible na ako ang magiging target although I am a model, my asset isn't as big as him, atleast from the eye of the public besides no one knows my relationship with him kaya ligtas ako, pero dapat ay hindi ko baliwalain ang nangyari kahit na sinabing baka mistaken identity lang iyon. Baka mamaya ay nasundan talaga ako sa pag-uwi ko dito. 

"...BCN news back to studio..." 

Pangalan ng news company ang narinig kong huli dahil sa mahabang pag-iisip. Kaya pala tumawag sa akin kanina si Sage. May mga missed calls din siya kagabi hangang alas kwatro ng madaling araw. Bawat trenta minuto ay tatlong tawag ang hindi ko nasagot simula kagabi. Bukod sa naka silent ay medyo lasing ako kagabi dahil dumaan kami sa Xylo. 

I turned off the television and wash the dishes. I also re-check myself in front of the mirror and brush my teeth. Mag a ala-una na at papunta na sigurado si Angela dito kaya inayos ko na ang mga dapat kong dalhin at saka kinuha ang phone ni Sammy at dinala sa kwarto niya. Full charge iyon pero naka patay. I unplugged all the appliances except the refrigerator at lumabas na ng unit.

Ako nalang ang pupunta kay Angela. 

Tatlo kami sa elevator na pababa puro babae pero nagkukwentuhan ang dalawang kasabay ko. 

"The ambushed is so bad, baka sadya iyon at hindi mistaken identity. Wala daw kalaban ang pamilya at ito ang unang beses na nangyari iyon. Naku the masterminds behind are not that skilled enough. Patay sila kung maunahan sila ng mga Montiel, sa dami ba naman nila at sa lawak ng connections nila hindi pa mahuhuli ang gumawa niyon? Imposible. They'll surely conduct private investigations lalo na at some of the family members are graduate of military and police." 

Tama! 

I silently agreed. 

"Kaya nga, mabuti nalang at skilled yung lady driver. Makikita mo palang na pagdating sa driver nila is hindi lang ordinary, mukhang kayang magpatumba ng tao din. If a lady like us will be a driver it's impossible to survive," saad naman ng isa. 

Tumikhim ako at saka hinintay ay pagbukas ng elevator sa floor ni Angela. Napatingin lang sa akin ang dalawa at ngumiti. 

Kanina pa ako hindi makahinga sa loob ng elevator dahil sa usapan ng mga kasama pero kinakalma ko lang ang aking sarili.

You're safe Yacinda, so you don't have to worry. Sage told you that he'll handle the situation. Believe in your husband. 

Husband? Kailan ko pa siya natawag sa titulong iyon? Pinilig ko ang aking ulo at naglakad ng mabilis papunta kina Angela. 

Pinagbuksan niya ako at agad na niyakap.  

"Oh my goodness! Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kagabi. Mabuti nalang at you're safe. Tumawag sa akin si Wynther at sinabi niya na iyon ang sasakyan na ginamit ninyo." 

"I'm fine, nauna akong hinatid bago ang incident," maikling sagot ko. 

"Simula ngayon lagi ka na naming ihahatid ni Ian. Pati siya ay nag-aalala baka mamaya ay ikaw pala ang target or si Wynther. Mabuti si Wynther at may mga bodyguards iyon, eh ikaw? Kaya ihahatid kita sa mga lakad mo simula ngayon," saad ni Angela.  

Seriously?! Medyo natatakot na tuloy ako. Maybe being with Angela is much safer... 

"Thank you so much, Babuuu, best ka talaga," lambing ko sa kanya. 

"Let's go na, nasa parking na si Ian. Umuwi kasi siya kagabi dahil may pinaayos na documents sa kanya." 

"Let's go," aya ko at naunang lumabas ng pintuan. 

Dadalawa lang kami sa elevator hangang sa parking kaya magaan ang pakiramdam ko.

Kumaway sa amin si Ian ng makalabas kami ng kaibigan ko sa elevator. May kausap siya sa phone.

"Sige, no worries. I get it... See yah, bro... Oo." 

Iyon ang narinig ko na sinabi ni Ian paglapit namin. Hindi ko alam kung sino pero lalaki ang nasa kabilang linya base sa sinabi niya na bro.

Sa tabi ni Ian umupo si Angela at sa dating pwesto ko naman sa loob ng sasakyan ako umupo. 

"Who's that?" tanong ni Angela sa fiancé niya. 

"Just one of my highschool buddy," Ian answered at tumingin siya sa akin. 

"Are you okay, Cindy? Mabuti at naihatid ka bago mabaril iyong sasakyan na ginamit ninyo ni Wynther..." 

"Kaya nga eh, I'm fine, Is just that I'm a little shocked," I stated.

"Kaya simula ngayon ihahatid kana namin. Right, Babe?" Angela chirped.

"Yes, it's safer that way," Ian answered agreeing with his wife. 

"Siguro mga one week and three days lang ako dito. I have important appointment for two months kaya I'm rushing the photoshoots," paliwanag ko. 

"Kami din kaya isasabay ko na ang schedule ko sa iyo, pareho naman tayo ng mga schedule. Si Sammy wala pa ba siya? Have she not heard of what happened yet?" Angela, asked me. 

"She's on a vacation with Silver's family. I don't know because she left her phone, kakacharge ko lang. She's using Silver's account and number the last time she contacted me," I answered truthfully. 

My friend pursed. "Ah, kaya pala sabi niya na i-save ko iyong numero noong tumawag siya. Hindi ko kasi siya macontact at biglang tumawag noong nakaraan," ani Angela. 

"We are here na. I'll wait for the two of you. I'll just drop some documents at the office and will attend one meeting. Wait for me, okay?" habilin ni Ian sa amin. 

Angela kissed Ian's right cheek at bumaba na kaming dalawa sa sasakyan. Hindi nakontento si Ian at hinatid kami hanggang sa studio. 

"Go na," utos ni Angela sa nobyo kaya umalis na ang huli. 

"Akala mo naman eh hindi kami nagkakasama sa isang bahay," my friend stated habang tumatawa. 

"Ako kaba, mabuti nga at ganyan siya ka sweet hindi gaya ng asawa ng iba eh..." 

Lumingon kami ni Angela sa kung saan galing ang boses. Si Wynther iyon at nakangiti. 

Sumilip sa papalayong binata at tinawag niya at kumaway. 

"Wynther!" saway ni Angela sa kasama namin. 

"Ano kaba ate Angela. Binati ko lang naman si brother-in-law," biro ni Wynther. 

Tumawa ako. Palabiro pala si Wynther. Akala ko ay masungit dahil sa taas ng boses niya kahapon sa kinakausap niya.

"You do change na," utos sa amin ni Wynther kaya pumunta na kami sa dressing room.  

Alas siyete na namin natapos ni Angela ang photoshoot. Mas nauna si Wynther dahil may meeting pa daw siya sa company nila. She's a businesswoman and it's just her hobby na maging model. 

Winala ko sa aking isip na baka madawit ang pangalan ko if may makakilala sa amin ni Wynther na magkasama kahapon. 

Hangang sa matapos ang photoshoot ay pinag-uusapan parin ang nangyari sa sasakyan ni Sage. May mga nahuli na raw na suspek pero tikom ang mga ito na magsalita kung sila ba ay nautusan lang o mali ang kanilang naging target. 

Kumakain kami ngayong tatlo nina Ian sa isang Chinese restaurant dito sa BGC. 

"Malaki siguro ang naibayad diyan sa mga iyan kaya ayaw magsalita," turan ni Angela. 

Siguro nga. Ang bilis na nahuli ang mga suspect. Sigurado iyon ang inasikaso ni Sage ngayon.  

"They have past criminal record kaya siguradong may target talaga sila, pero hindi lang nila nagawa ang trabaho nila ng maayos," pagpapatuloy pa niya. 

Tahimik lang kami ni Ian. Tumikhim ito at tumingin sa akin tapos uminom ng tubig. 

"Kalyl already handled the situation kaya tatahimik na ang media maya-maya. He hates tsismis lalo na at may bago silang venture nitong nakaraan lang." Ian sighted. 

Si kuya Kalyl? No doubt. He always do good for all of them. Sana nga ay hindi maapektuhan ang investments nila dahil sa nangyari. 

"Alam mo naman iyang mga iyan, hindi sila titigil. They look relax though..." said, Angela. 

Tumawa ng mahina si Ian, "As long as their Queen is fine. Hindi mo sila makikitang kabahan. There's no weakness from them."

Tumikhim ako at uminom ng tubig. 

"Hindi ikaw ang isa sa mga iyon, Yacinda. Don't dream to be one. You are just lucky that you have a mabait na guardian angel. It's not yet your time," Paalala ko sa aking sarili gamit ang isip.

"Eh, iisa lang naman ang babae sa kanila. Siya lang ang kasal at hindi naman siya lumabas ng basta basta lalo na at buntis si Avikah..."

Ngumiti lang si Ian at saka nagpatuloy sa pagkain. 

Wala namang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Sage kaya panatag ang loob ko. Saka hindi naman siguro close sina Ian at Sage kahit na halos magkalapit ang edad nila at parehong negosyante. 

"Let's eat na, Babe," saway ni Ian kay Angela. 

Kumain naman na ito at hindi na nagsalita. Nang matapos kaming kumain ay diretso na kami na umuwi sa condo. 

Nakita kong kasabay na naman namin iyong Ferrari na lagi kong nakikita noon.

Wala iyon kagabi ah...

Bumaba kami ni Angela dahil maiiwan daw muna si Ian at may tatawagan. 

"I'll wait for you sa bahay," sambit ni Angela sa nobyo. 

"Sige, Babe. I'll just take this important call, mauna na kayo.." 

Humalik na si Ian sa pisngi ni Angela. Nauna na kami ng kaibigan ko papunta sa elevator. Hindi parin lumalabas sa kotse ang kasamang nag-park ni Ian. 

Nasa phone si Ian ngayon habang nakasandal sa hood ng kanyang BMW. 

"Let's go na," aya ni Angela sa akin dahil nagbukas na pala ang elevator pero hindi ko naramdaman. 

Bago sumara ang elevator ay kumakaway si Ian sa amin. Nasa tainga na niya ang kanyang cellphone tanda na may kausap sa phone. Ako naman ay nakatingin sa gawi ng itim Ferrari. Wala paring lumalabas na tao mula doon.

Sumara na ang elevator. Nakapulupot ang kamay ni Angela sa akin na parang sawa. It's her hobby talaga. 

"Busy na naman siguro siya dahil ka a attend lang niya ng meeting. Sabi niya ay may bidding daw sila nina Gareth. Hindi ko alam kung ano na naman ang gustong gawin ng mga iyon." 

"Gareth Bracamonte?" tanong ko. 

"Yes. Iyong unggoy na iyon. He is a bad influence. Naiinis parin ako sa ginawa niya noong birthday niya." 

Ikaw Yacinda, nakatikim ka noong birthday ni Gareth! Ang swerte mo!

Tumikhim ako dahil sa bulong ng isip ko. 

"Muntik pa akong mamura noong birthday niya tapos maabutan ko lang si Ian na tumatawa kasama ng asawa ni Fluer dahil sa kalasingan. They are having a pool party. Hay naku, talaga... It's a business venture naman kaya pinayagan ko na si Ian," buking ni Angela. 

"Ako din muntik na akong mamura. Mabuti at hindi ako namukhaan ng mga tao na pinagbuksan ko," tawa ko.  

Hinatid ako ni Angela sa unit kaya inaya ko muna siya sa loob. Bahala na daw si Ian na maghintay sa unit nila. 

Gumawa ako ng apple juice at uminom kami. Saka gumawa ng peanut butter spread. 

"Hay naku, dapat na umuwi na si Sammy para kahit papaano ay may makakasama ka kahit paano." 

"Extended daw ang vacation nila. They might be home next week,"  sabi ko. 

Pagkatapos naming kumain ng bread ay nagpaalam na si Angela. Hinatid ko siya hanggang sa pinto at naghabilin na naman siya sa akin, "Lock your door, ha. Just call me if there's suspicious happening around." 

"Don't worry. I'll be fine," I guaranteed her.

I close the door when Angela is already out of my sight pero may nahagip akong bulto na parang nakatingin sa banda sa akin.

Maybe some other tenants...

I brushed my teeth na at saka nag hot half bath. Pagkatapos ko nag-shower ay tumatawag si Sage.

"May problema na naman ba?" salubong ko sa kanya. 

Sinabi ko ng huwag siyang tatawag at ako nalang ang pupunta sa Playa kapag tapos ko na ang photoshoot ko. 

"I just can't sleep until I make sure that you are fine... I'm here in Manila," aniya. 

"And? I'm safe, Sage. Ano bang nangyayari at bakit nabaril ang sasakyan?" hindi ko natiis na tinanong. 

"It's just a mistaken identity. I got the situation on my palm, don't worry." 

"Huwag mo akong idamay sa issue mo Kaixus Sage, ha. Wala akong panahon para diyan. Those gunmen aren't first timers," saad ko. 

I think he is not telling something. Pero hindi ko alam kung saan ang may mali. 

"Alright, aayain sana kita ng dinner but it seems that you are not in the mood." 

Medyo na guilty ako dahil sa sinabi ng aking kausap. 

"I already had dinner earlier with my friends... Why not as your friends nalang to have a dinner with you," kumbinsi ko. 

"It's alright. I'll just take dinner at home," he stated. 

"Look, I'm sorry,"  I uttered. 

Para makabawi ay sinabihan kong bukas nalang kami mag-dinner sa malapit na isang exclusive na Korean restaurant sa isang hotel dito sa malapit sa building, "Bukas. Let's have dinner bukas..." 

I told him the name of the restaurant. Madali lang makita ang location nila sa kanilang pages. 

"I saw it. See you tomorrow, then. Good night!" paalam niya sa akin. 

"Bye!" 

Kinabukasan ay sabay kaming muli ni Angela. Sinabihan ko na siya na may sasaglitin lang ako sa building na malapit sa condo kaya dito na nila ako hinatid. Ma maaga kami ngayon. Alas singko pasado palang kaya hindi kami nakapagdinner. Dito na rin daw sila magdi-dinner sa malapit na five star hotel. 

"Just text me kapag tapos kanang kumain ha..." Angela reminds me.

"Hindi na, maglalakad na ako pauwi, don't worry about me. I'll be fine. It's only 8 minutes walk from the building naman eh at marami ding tao ngayon." 

"Sige sige, pero kapag mas mauna kang matapos ay mag text ka para atleast alam ko, okay?" 

"Alright!" I surrendered.

Pumasok na ako sa lobby ng hotel at tinawagan si Sage. Isang ring lang sumagot na ito. 

"I'm already here. I already reserved a room for us. It's room 2301." 

"Okay, I'm coming up na." 

Pinatay ko na ang tawag at saka pumasok sa elevator. May isang babaeng medyo familiar na kanina pa nakikipagtitigan sa akin. Nagngingitian kaming dalawa. Lumapit ito sa gawi ko at bumulong. 

"Yancinda, ikaw ba iyan?" 

Lumaki ang mata ko. Mauna kakakilala sa akin. She's one of my highschool classmates before. Isa siya sa mga honor students noong first year highschool kami hanggang sa magkahiwalay kami ng section. Lumipat daw ang pamilya niya dito sa Manila paglaon. 

"Hi, ikaw pala iyan, long time no see," bati ko. 

"Oo nga. I'm working in one of the restaurant here. Kumusta?" 

"Okay lang naman, ikaw how are you?" tanong ko. 

"Ito, I'm already married...I'm a manager in one of the restaurant here. Okay lang ba na makuha ko number mo?" she asked. 

Binigay ko naman ang aking numero sa kanya. Paalis na kasi siya dahil malapit na ang floor ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya.

"I'll call you kapag wala na akong ginagawa. Visit the restaurant kapag dika busy. My treat," saad pa niya. 

Nagpaalam ako sa kanya, "Sige, sige...Take care."

Umalis na ito dahil bumukas na ang elevator. Kumaway siya sa akin at kumaway rin ako. 

She's one of the girl in the class na tahimik noon. Kagaya ko ay nagtratrabaho lang din ang kanyang pamilya sa isa sa mga may kaya sa Reina Soliven. Dalawa lang sila ng kuya niya at pulis dito sa Manila kaya siguro sila lumipat. Wala na akong balita sa kanya mula noon. Wala din kasi akong cellphone noon. 

The elevator open sa floor kung saan ang Korean restaurant na napag-usapan namin ni Sage. Sinabi ko ang room na pinareserved ng kasama ko. May mga Japanese cuisine din na kasama sa servings nila bukod sa magaling magluto ang chef ay may mga VIP rooms talaga sila kaya dito kami nagpupunta noon ng mga designers pagkatapos ng rampa namin ng mga models. 

Pinagbuksan ako ng isa sa mga crew doon. Ngumiti din ito.

Pumasok ako at sinalubong ako ni Sage. Mukhang kakatapos lang niya tumawag dahil nagpapaalam siya habang papunta sa akin.

He lead me to one chair and he sit in front of my seat. Nakapag-order na daw siya at ilang segundo nga ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang crew na may cart. 

Sage and I ate in silence at pagkatapos naming kumain ay walang nagsalita ni isa sa amin. 

"What are you doing here?" tanong ko.

"I have a meeting to attend at hindi mapakali dahil sa nangyari kagabi. You even went to the bar last night, Yacinda." 

I rolled my eyes. Sinumbong siguro kami ni Edna. Nice!

"I don't have anything to say pero, you're partying like other girls. I don't want you to go home drunk at night, Yacinda. It's for your own good. Hindi kapa natuto na may naglagay ng ganoon sa inumin mo," he reminded me of that night. 

Napayuko na parang batang pinapagalitan. 

"I just go out with a new friend," palusot ko. 

"I know, but please refrain from drinking. Ihahatid na kita," alok niya. 

Ayokong malaman niya kung saan ako nakatira kaya tumanggi ako. 

Nakauwi na daw si Angela. Sinabi ko na pa-uwi na rin ako. 

"I still have to go somewhere." I told him. 

"I'll drop you off." 

"It's just near..." pilit kong tanggi. 

He surrendered, siguro ay nakaramdam na nagpapalusot lamang ako at sa totoo ay ayokong ihatid niya ako. 

"I'll go out first...Baka may makakita pa sa atin sa labas," turan ko. 

Wala siyang nagawa kaya hinatid nalang niya ako sa pinto ng VIP room kung saan kami kumain. 

"Take care..." 

Bigla niya akong niyakap mula sa likod, "I miss you so much. Take care, wife. Call me when you get home." 

Hindi ako sumagot o nagreact manlang. 

Nang bumitaw siya ay naglakad na ako pa-alis ng restaurant. 

"Thank you so much, Ma'am. Please visit us again," sabi ng crew na nasa labas. 

"Thank you, sure," ngiti ko. 

Sumabay na ako sa mga tao na naglalakad paglabas ko ng building na iyon. Tinanaw ko muna bago nakipagsabayan sa mga tao. Malamig ang hangin at gabi na rin. Bahala na si Sage, ang mahalaga ay hindi kami makita na magkasama hanggang hindi niya na pi pirmahan ang aming divorce papers. Hindi na magbabago ang aking pasya. I come to my senses pagkatapos ng maraming taon. Pero noong mga unang taon naming mag-asawa ay naghintay ako sa kanya. Umaasa na sana ay maalala manlang niya akong dalawin. Hindi siya kailanman nagparamdam sa akin... 

Bumuntong hininga ako at hinintay na maging berde ang streetlight patawid papunta sa condo.

Umilag naman iyon after ng 30 second kaya nakatawid na ako pero paglingon ko sa pinanggalingan ko ay napasigaw ako. 

"My goodness!!!!"

May isang babaeng kapareho ko ng damit na nabangga.

Nanghina ako at napaupo dahil sa nasaksihan.

Maging ang mga ibang tao ay nagsisigawan. 

May yumakap sa akin na naka jacket at tinakpan ang aking mga mata. The person carried me but I don't know where because I lost my consciousness out shocked from the scene. 

Ang tanging naririnig ko lang ay pangalan ko na tinatawag ng bumuhat sa akin. 

"Yacinda, please...open your eyes. You're safe, wife. You are safe..." 

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Walang maingay at naka-swero ako. Ako lang din ang mag-isa sa loob ng kwarto. 

Hindi ito hospital at lalong hindi condo dahil napakalawak ng room. More like a house. 

"You're awake..." 

Napatitig lang ako sa babaeng nasa pintuan. 

Tita Dahlia... 

"Hello po," bati ko gamit ang malat na boses.

Lumapit siya sa akin at umupo sa isang upuan at hinawakan ang aking kamay. 

"How are you feeling, hija?" agad niyang tanong ng may ngiti.

Tumingin ako sa pintuan pero walang tao doon. 

She isn't aging. Still clean and elegant lady. 

"Hinatid ka ni Kaixus dito kanina. He is worried dahil nawalan ka daw ng hininga...He is currently in the office. Pa-uwi na rin ang isang iyon maya-maya kasama si kuya Edriel mo. They have a late night, meeting." 

"Thank you so much po..." 

I moved at sumandal sa headboard ng bed. 

"Mabuti nalang at nakita ka ni Kaixus. Tarantang-taranta siya kagabi, hija. Akala ko naman kung sino ang bitbit niya. Ikaw pala." 

"Pasensiya na po, tita nakaabala pa ako sa inyo..." 

"Ano kaba, iha, para kanamang iba sa amin. Mabuti nga at dito ka dinala ni Kaixus para kahit papaano ay makapagpahinga ka ng maayos." 

Tumayo ang ginang at nagsalita muli, "I'll just get the soup that I prepared for you, ha. Wait lang hija," paalam sa akin ni tita Dahlia. 

Hindi na ako makatanggi kaya't tumango nalang ako. 

Nang makaalis si tita ay tiningnan ko ang aking phone at saka sinabihan si Angela na sa bahay ng isang kaibigan muna ako magpapalipas ng gabi and that I am safe. Mabuti at hindi na siya nagtanong pa. 

I also sent a message to Sage. 

Ako:

You have explanation to do, later. Let's talk when you're here.

Sage: 

Yes, wife.

Muli akong nagtipa ng mensahe.

Ako:

Wife, your face! Bakit dito mo ako dinala sa bahay ng kapatid mo!

Sage:

Do you want me to bring you to our home, instead?

Kinagat ko ang aking labi sa inis. 

Ako:

SAGE!!!! Bilisan mong umuwi!

Hindi ako natutuwa sa pinagsasabi niya. 

That Kaixus Sage Montiel is a pain in the head! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status