Share

KABANATA 18

WELCOME BACK HOME 

I prepared gimbap and buttered tiger prawns as my dinner. Tinupad naman ni Sage ang pangako niya na hindi pupunta dito hanggang sa wala siyang mahalagang gagawin pero nagising ako dahil sa busina ng busina na sasakyan sa ibaba kaya dali-dali akong lumabas. 

Naabutan ko ang ilang sasakyang mamahalin at mga lalaki na naroon. Siguro ay nasa lima sila kasama sa mga tumatawa sa likod ng Raptor si Quinn.  

Ang dalawang driver ng sasakyan lang kilala ko.

Sina Fire at Bentley. 

Mabuti nalang at disente ang aking suot at naghilamos ako bago lumabas ng room. 

Nakasandal si Fire sa hood ng isang type-r na civic habang humihithit ng sigarilyo pero ng makita ako ay pinatay niya iyon gamit ang kanyang boots at uminom ng sprite bago tumawid ng tayo. 

Nakita ako ng mga lalaki na nasa hood ng Raptor at maging sa likod kaya nagsisigawan ang mga ito.

Mga lasing sila! 

"What's happening here, Fire?" I asked at saka ngumuso sa mga lalaki na kasalukuyang kumakaway na sa amin. 

"He's here!!!" sigaw ng isa sa mga iyon. 

"Don't mind him. He's drunk!" sigaw naman ng isapa.

"No, I know her. I've seen her, long time ago..." sagot ng sumigaw kanina. 

"Wooh!!! Gorgeous Mr. Montiel!" 

Tinakpan ni Quinn ang bunganga ng lalaki. May tinuturo siya sa likod kasama nila. Pero hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. 

"Sinundo namin sila sa kabilang isla. They had a bachelor's party daw sabi ng manager at lasing si tito. Nagpupumilit na dito umuwi kaya dito namin hinatid," Fire explained. 

Lumapit si Bentley sa amin, "Sorry Miss Yacinda, ha. Nakakahiya si tito, ngayon pa naglasing kung kailan may bisita siya..." 

I smiled at Bentley, "It's okay Bentley, I understand, what I don't understand is kasama sila?" tumingin ako sa mga lalaki sa likod ng Raptor. 

"They are actually not just five. Kaming apat ng mga kaibigan ko at tatlong kaibigan ni Bentley ang sumundo sa kanila pero pinauna ko na iyong iba sa Playa. I let them there sleep at the hotel. Tignan namin kung walang mga asawa at girlfriend ang susugod bukas doon..."

Tuwang-tuwa tuwa ang boses ni Fire sa kanyang sinabi parang kalkulado ang mga ginawa.

Natampal ko ang aking ulo. "Oh my goodness!"

What a mess did I get on my first night! Akala ko ay makakatulog na ako ng maayos pero mukhang mag-aasikaso pala ako ng lasing.

"We'll bring tito upstairs nalang po at we'll leave na rin..." - Fire.

"Sige can you carry your tito ba? Dalawa kayo?" - Bentley.

"Watch us!" Pagmamalaki ni Fire at naglakad pa punta sa likod ng Raptor. 

Bumukas ang window ng isang BMW at may sumuka na isang lalaki,

"Water, please! waiter!!!" sigaw niya. 

Tumawa naman ang isang binata at nag-abot ng bottled water sa lalaki. "Geez! Mahina..."

For real ba ito?!

Ano ba tong hitsura ng rotonda ngayon parang amoy suka at ang gulo.

"Sorry, Ma'am. They are wasted po," hinging paumanhin ng isang binata na nasa isang Aston Martin. 

I nodded as an answer. "It's okay."

Lumapit ako sa likod ng Raptor. Nagsisigawan ang mga naroon. 

"Kaixus! You're home na fucker! Wake up!" tawa ng isa. 

"Kaixus, boy!!!! Gising na bro!!! A gorgeous lady is here waiting for you!" sigaw ng lalaki na tinakpan ang bunganga ni Quinn kanina. 

"Fuck you, Allan!!! Can you shut up!!! Natutulog na ako!"

May sumigaw mula sa isang Audi. 

Napatingin ako doon.

Humingi naman ng paumanhin iyong lalaki, "Sorry Miss. Ang ingay kasi ng fucker na iyan eh. Busalan ko bunganga niya..." 

Hindi na ako nakasagot dahil may lumabas na isang lalaki mula sa isang pinto ng Raptor at saka sumuka ng sumuka din. Pinuntahan naman iyon ni Fire at binigyan ng tubig. Iyong kaibigan niya na isa ay nag distribute ng mga bottled water sa mga kasama ni Quinn. 

"Am I home? I'll gonna sleep now before getting scolded," bangon ni Kaixus.  

Umupo muna siya ng maayos at humikab saka bumaba sa sasakyan. 

"Don't shout guys. Someone is inside the house. She's a little bit sensitive these days pa naman." 

Tumawa si Quinn, "Bentley, dalhin mo na sa loob iyan." 

Sinunod naman ni Bentley na ang sinabi ni Quinn. Inalalayan ni Bentley ang kanyang tito. Dumaan ang mga ito sa harap ko pero hindi ako nakita ni Sage. Tumango lang si Bentley at saka dumiretso sa loob. 

Tumahimik na mga maingay na kasama ni Quinn sa likod maging iyong sumigaw kanina ay humihilik na. 

Nagpaalam ako kay Quinn bago sumunod kay Bentley sa loob. "Thanks, Quinn."

"No worries..." he responded. 

"Mag-iingat kayo, drive safely," habilin ko din sa mga kasama ni Bentley. 

Lumabas sila sa mga sasakyan.

"Thank you so much po..." 

"Maraming salamat po, Ma'am."

"Salamat po ate."

"No worries..."

"Saan po dadalhin si tito?" lingon sa akin ni Bentley. 

"Follow me," saad ko at nagpatiuna.

"Follow me, daw..." bulong ni Kaixus pero narinig ko.  

Tumawa si Bentley. 

Sa dating kwarto ko pinapunta si Sage. Malinis naman lahat ng rooms pero doon kasi ang malapit sa balcony. 

Bentley settled his tito sa bed at saka nagpaalam. Hinatid ko siya sa rotonda at saka kumaway habang paalis na sila. I locked the maindoor bago pinuntahan si Sage sa kwarto. 

Medyo naalimpungatan siya.

"Wife!" he called me. 

Naghalukipkip ako. I rolled my eyes.

Lumapit ako sa kanya. I smelled a girl's perfume all over him. Pinsandal ko siya sa headboard before I interrogate him. 

"You reeked of alcohol and girl's perfume!" Akusa ko. "Did you enjoy the girls striped in front of you, huh, Sage?!" duro sa kanya.

Nagsumbong ang isa pang kasama nila na nasa Audi. Sinabi na huwag sabihin na may mga babae sa bachelor's party na iyon at malalagot ito sa kanyang girlfriend. 

He look at me with his drunk eyes. 

Itinaas niya ang kanang kamay na parang nanunumpa, "I swear. I didn't let any girl near me. It might be because the room is ventilated," sabi niya. 

"Huwag kang magsinungaling, Sage! Those girls dry hump your friends. Imposibleng hindi ka kasali?!" mataas na boses na turan ko. 

I wasn't born yesterday. Pero teka lang, eh ano naman ngayon kung may babae na lumapit kay Sage, diba mag-asawa lang naman kayo sa papel, Yacinda? Right? Have the tables turned? 

He scooped me kaya napatabi ako sa kanya. Nahubad na rin niya ang kanyang polo at pati ang kanyang trouser. He is only wearing a boxer shorts now. 

"Accompany me to the shower room. I'll remove the hint of those girls but I swear I didn't touch any of them," aniya. 

Tumayo na siya at saka naglakad papunta sa shower room ng pasuray-suray. 

Wala akong nagawa kundi ang samahan siya dahil medyo lasing pa siya. 

Hinila ako ni Sage papunta sa malapit sa shower head. Hindi ako nababasa pero nakikita ko siya. He was able to take a bath. A cold bath and I watched him. Nakatalikod siya sa akin pero medyo hindi ako kumportable. Tumikhim ako at naghanap ng towel na maliit, may nakita ako na isa sa isang overhead cabinet para magamit ng kasama ko. Nakatapis na si Sage sa kanyang ibaba ng lumingon ako at iniabot sa kanya ang towel na nahanap ko.

"Faster..." saad ko.

Wala na ang kanyang antok at kalasingan dahil sa cold shower na ginawa niya dahil anyo niya. 

Naglakad ako papunta sa bed at umupo sa gilid. Doon ko siya hinintay. He's already wearing a white tshirt at naka boxer shorts pagkalabas mula sa shower room. He is half decent pero hindi gaya kanina sa loob ng bathroom. 

Umupo siya sa tabi ko at saka ako iniangat at pinaupo sa kanyang tiyan habang nakahiga siya.

Nakatunghay ako sa kanya. Medyo naiinis parin dahil nawala ang aking antok. 

He is making circles on my back and his right hand is busy on my left thigh.

Nakipagtitigan siya sa akin, "I didn't kiss and let the girls near me, they aren't you..." bulong niya gamit ang paos ngunit malambing na boses.

"Sage, it's okay. You don't have to explain."

He doesn't really need to explain dahil hindi naman kami lovey-dovey na mag-asawa.

"Let's sleep..." alok niya sa akin. 

"I told you that if there isn't important things to do here, don't come. What happened?" I demanded an explanation from his behavior.

"Just told them jokingly that they'll bring me here because I don't want to be with them in one room but Quinn told that you are here and that I have to come to accompany you, the rest teased the boys to bring me here and my poor nephews obeyed the elders." 

"Inabala mo pa ang mga pamangkin mo. Mabuti nalang at masunurin at mabait sila." 

"Of course! kanino ba sila nagmana kung hindi sa akin," pagmamalaki niya. 

"Tsssk!" I rolled my eyes.

Whatever floats your boat, Sage!

Pigs can fly! 

"Sa kabilang kwarto ako matutulog. Don't try to sneak in. Itulak kita sa balcony ng kwarto mo at ng mas mahimasmasan ka," banta ko sa kanya.

Tumango siya, "Yes, Ma'am!"

Umalis na ako sa pagkakaupo at saka umalis sa kwarto niya at bumalik sa kabilang room.

Bahala ka diyan, Sage, palit tayo ng kwarto ngayon.

Nakatulog na ako ng maayos at maagang nagising kinabukasan. Hindi pa gising si Sage kaya I cooked some sunny side up eggs. Baked potatoes. Sinangag and paksiw na sap-sap. Pinuntahan ko ang aking kasama sa kwarto pero wala na pala ito. Kaya kumain ako ng mag-isa gaya ng unang umaga noong unang punta ko.

Inabala ko ang aking sarili sa pagligo sa dagat. I date myself. May mga damit akong dinala na pangdagat dahil nga sa sasaglit pa ako dito. I wore a one piece white bikini. Kumuha din ako ng malong at iyong ang ginawa kong banig. Hindi pa mataas ang araw at wala namang tao dito banda sa dagat na malapit sa Mansion kaya safe naman siguro ako.

Naka-idlip pala ako ng hindi ko namalayan hangang sa may narinig akong parang tumatawag sa akin pangalan. 

Napabangon ako at pinakinggan kung saan iyon galing. Sa bandang hagdan ng Mansion.  

"Miss Yancinda!!!" 

"Miss Yancinda!!! Tao po!!!" 

Parang kilala ko iyong boses kaya pinulupot ko sa aking bewang ang coveralls at nag lakad pa punta sa hagdan. 

I saw Jalilla. Naka golf skirt ito at naka t-shirt ng puti.

"I'm sorry. I am tanning over there at medyo naka-idlip." 

Naglakad kami papunta sa swimming pool ng Mansion sa side ng hagdan. Umupo ako sa isang sun lounger at maging si Jalilla ay umupo rin sa isa. 

"Sorry for the intrusion po. I just want to invite you po sana to play golf. May malapit pong golf course dito doon sa bandang kaliwang bahagi ng isla." 

"Really?" 

I am amazed na may golf course pala dito. 

"Yes po sa malapit po sa mga townhouses po. May golf course po sila doon and I'm a member kaya naisipan ko pong ayain kayo because Bentley is still on duty. It's my day off po kasi today..." aniya. 

"Sige sige. Can you wait for me? I'll just take a shower, okay?" I asked her. 

"Sige po. I'll wait for you po." 

"Let's go inside sa sala ka nalang maghintay," aya ko sa dalaga. 

Sumunod si Jalilla sa akin at umupo sa isang single couch sa sala. Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng spread at kumuha ng orange juice. I gave it to her. "Kain ka muna."

"Thank you po," pasasalamat niya. 

"No worries!" I smiled at nagmamadaling umakyat sa itaas. 

Tumatawa si Jalilla dahil tinakbo ko na ang staircase. 

Agad akong naligo pero umabot parin iyon ng 15 minutes at sampung minuto na pagbibihis.

I settle a isang white shorts at puting tshirt. I also get a sunglasses at cap. Bumaba na ako at nakita ko na nag-uusap si Sage at Jalilla. Meron ding isang dalaga na dumating kasama ni Fire. 

Nang makita ako ni Jalilla ay ngumiti siya sa akin. Napalingon naman si Sage at sina Fire. 

Ngumiti ako at bumaba na, "Sorry for keeping you wait." 

"It's okay lang po..." - Jalilla. 

"Good morning po," bati naman ng kasama ni Fire. 

She looks so pretty pero medyo mahiyain.

"Good morning too," ngiti ko.

"You should go now, para hindi pa masyadong mainit," tumingin si Sage sa kanyang pamangkin, "Drive safely. I'll go to the office now." 

"Yes tito." 

Inihitad kami ni Sage sa sasakyan ng tahimik marahil gustong makasihuro. Isang bagong labas na Hilux ang gagamitin base sa naka-park na sasakyan.

Sa tabi ng driver pumasok ang kasama ni Fire at kami naman ni Jalilla sa likod.  

"Fire, okay lang ba na dumaan tayo saglit sa bahay ampunan? May iaabot lang ako kay sister." 

"Sure, sige," ngiti ni Fire. 

"Salamat," sagot ng kanyang katabi. 

Tahimik lang kami ni Jalilla sa likod. Pinagsasawa ko ang aking mata sa mga nadadaanan namin. Puro mga puno o hindi kaya ay mga malalawak na parang. Lumiko kami sa isang daan at nagulat ako ng may mga bahay doon at saglit lang ay nakarating kami sa isang bahay ampunan. Bumaba kaming apat at sinalubong kami ng isang babae.

Humalik ito sa kasama ni Fire. Maya-maya ay tinawag ang mga bata ng naglalaro. 

"Magandang umaga sa inyo mga hija."

Lumingon ang babae kay Fire, "Sa'yo din hijo." 

"Good morning po!" Si Jalilla. 

"Magandang umaga din po, sister." - Kasama ni Fire.

"Good morning po," - Ako. 

"Buenas Diaz, Señora. Good morning po." - Fire.

Sabay sabay kaming bumati sa babae. 

"May iaabot lang po ako pinapaabot ni Mommy."

Isang envelope ang binigay ng dalaga sa babae. 

Inabot naman ni Jalilla ang mga naka-eco bags na mga pagkain base sa hula ko. Binitbit namin iyon pagkababa naming apat. 

May tinawag na binata ang babae at pumunta namin siya at saka inabot ang mga dala namin.

"Sige hija, makakarating ito. Maraming salamat sa mga dala ninyo..." ngiti ng madre sa amin. 

"Walang anuman po," si Jalilla ang sumagot.

Ako'y ngumiti lang. 

Inalok kami ng babae na pumasok sa loob pero sinabi ng dalaga na may pupuntahan pa kami kaya nagpaalam na kami pero pinauna ko ang tatlo sa sasakyan at kinausap iyong babae. 

"Magandang araw po, gusto ko lang po sanang tanungin kung paano po ako makapag-abot ng tulong para sa mga bata." 

"Naku hija, maraming salamat. Ito ang card ng bahay ampunan. Maraming salamat ha. Pwede kang dumalaw kahit anong araw. Mag-iingat kayo hija." 

I hug her, "Kayo din po. Maraming salamat po."

Pumasok na ako sa sasakyan pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa. Kumakaway siya sa amin habang papalayo kami. 

Naalala ko tuloy noong sinasama ako ni Donya Diana sa isang bahay ampunan sa Reina Soliven. Nakikipaglaro ako noon sa mga bata at nakikitulong na mag serve ng pagkain. Si kuya Dante ang madalas na driver namin noon at palaging mga malalaking boxes ang dala dala ng Donya sa tuwing pumapasyal siya doon sa araw ng biyernes tuwing huling week ng buwan. Doon ko nakita yung mga ibat ibang bata na iniwan ng mga magulang. Hindi naman marami pero ang sabi ng nagbabantay doon sa foundation ay mga karamihan sa iniiwan ay may mga kapansanan. 

Hindi ko alam na malalim na pala ang aking iniisip dahil nasa may parking na kami ng club house. 

"Excited na ako na maglaro ulit," ani Jalilla. 

"Ako din. Kailan ba noong last na nandito tayo?" 

"Last month, noong sabay ang day off namin ni Bentley," sagot ni Jalilla. 

"I'll be your caddy?" tanong ni Fire sa katabi niya. 

"Oo kaya nga nagpasama ako sa'yo eh..." biro ng dalaga. 

Tumawa kami ni Jalilla. 

"It's okay Fire," I said. "I'll help you carry."

Tinuro ko ang mga gagamitin namin. 

"Tulungan mo lang kami. Bakit may date kaba sana?" tugon ni Jalilla. 

"Dapat pala sinabi mo at sinama natin," biro naman ng isang dalaga.

Nagkamot ng ulo si Fire, "Jardine dapat si Maddox ang sinama mo. Nasaan ba siya?" 

Jardine pala ang pangalan niya. 

"He's puyat I don't know kung anong ginawa kagabi may sinundo daw sila nina Debross."

Tumikhim si Fire. Siguro iyong mga binata na kasama nila kagabi. 

"They're with me, sinundo namin sina kuya Allan. Sa dulo..." 

"Kaya pala eh. I'll call him para pumunta dito, he's awake na siguro," saad ni Jardine. 

Nasa club house na kami at nagwa-warm up na si Jalilla. She's a pro base on the she swung the club me made earlier. 

Minsan minsan lang kami nina Samantha at Angela na pumupunta sa Manila golf club dahil sa sobrang busy ng aming schedules.

"Miss Yancinda, you try. I'm done warming up." Jalilla told me. 

I told her that she can call me ate nalang at hindi na Miss dahil medyo pormal iyon. "Don't call sa name ko, it's too formal. Ate is pretty fine with me," ulit ko.

"Alright, ate."

I will enjoy my time ngayon sulitin ko habang narito pa ako sa Playa. I warmed up for five minutes at saka uminom ng tubig. Medyo okay na rin iyon. 

May pumapalakpak na mga grupo ng foreigners na malapit sa amin. They are westerns and it's obvious.

"Great warm-up Miss," sabi ng isa at nag thumbs up sa akin. 

The rest wave their hands and gave me a thumbs up too. 

"Thank you," I said to them.

Sabi ni Fire ay susundin na lang muna niya ang nobyo ni Jardine kaya bumalik siya sa sasakyan at kinuha lahat ng mga gagamitin namin. It's just a 10 minute ride going to his friends house daw dahil nasa subdivision lang iyon. 

Dalawang rounds ang warm up na ginawa naming tatlo nina Jardine at Jalilla. 

Saktong pagkatapos mag warm-up ni Jalilla ay may mga dumating na binata kasama ni Fire. Apat ang mga iyon. 

Humalik ang isa kay Jardine. It might be Maddox.

Kilala ko ang isa sa mga binata. Kasama he's the driver of the BMW kagabi. 

"Good morning po..." bati niya sa akin. 

I smiled to him, "Hi. Good morning!" 

Ako ata ang pinakamatanda sa mga ito. Medyo nahiya tuloy ako. Pero may isang babae na paraating at kumaway si Jalilla dito.

"Ate! Here!!!" sigaw pa ng huli.

Mabilis na naglakad naman ang babae papunta sa amin. Una niya akong binati. 

"Good morning, hindi ba ako late? I'm Emmarie, Jalilla's cousin, she invited me here dahil nandito ka daw kaya pumunta ako. I'm a dentist. Mostly for VIP clients in the metro. Nice to finally see you in person."

I shake hands with her, "Seems like I don't need an introduction. Nice to meet you. Is it okay that I'll you, Emma?" 

"Sure! sure!" sagot niya sa akin. 

Pareho kami na bente singko na kaya medyo gumaan ang aking pakiramdam na may kasama ako. Nakagaanan ko rin siya ng loob. Nagpaalam siya sa mga kasama namin na isama niya ako at may laro daw siya ngayon. 

"Sige po. See you around po!" 

"Sige Ma'am!" 

"Sige po." 

"See you around po." 

"Ingat po!" 

"Call me if you need a caddy po." 

"Thanks! Bye guys!"

Emma snake her hand on my left arm at saka kami lumayo sa mga kasama namin. 

"Let's rest muna doon sa sun lounger doon, they'll be here in 10 minutes na, late na naman ang mga iyon so unprofessional," saad niya.

Nagtungo kami sa sun loungers sa may clubhouse at pumikit muna ako ng ilang saglit. Ganoon din si Emma. 

Pagmulat ko ng mata ko ay siyang pagdating ng dalawang babae. Nagising na rin si Emma. 

"Sorry we just finished our duty," turan ng isa.  

"It's okay, let's go?" aya ni Emma. 

We played for almost two hours. Dalawa kami ni Emma at sina Cristine at Vina naman ang mag-partner. Nanalo kami ni Emma hindi ko alam na may tapat pera iyon hanggang sa sinabi ni Vina. 

Pumunta kami sa isa sa mga establishments na nasa labas ng golf course. Nag-order ng croissant si Emmarie at saka ng orange juice. 

Nagmeryenda kami at nagkwentuhan saglit. Napag-alamang ang dalawa ay nurse at si Emma ay isang dentista gaya ng sabi niya kanina. Ako lang pala ang hindi nakatapos sa amin. I wasn't able to get into college because I didn't get my form from the school and because I became busy with work as an eighteen years old runaway model. 

Nang tanghali ay doon na kami kumain. Kaming apat ay piniling mag-iihaw ng lamang dagat gaya ng ibang guests. I enjoyed the time that I spend with them. Ang napalanunan namin ni Emma ay pambili nalang ng mga foods na ibibigay sa bahay ampunan. Minsan ay nagka-conduct daw sila at mga ibang doctors ng free check-up para sa bahay ampunan. Matagal na daw nilang ginagawa iyon. Pati ang free check-up sa mga residente na malapit sa Playa at sa mga ibang barangay. Mostly are sponsored ng Caleta lahat at si ate Czarida ang head kaya mas lalo akong napahanga sa mga Javonillo sa likas na pagiging matulungin.

How I wish I can go with them one time pero bukas ay wala na siguro kami aalis ni Kaixus papunta ng San Gabriel. Magkuwentuhan pa sana kami after lunch pero may tumawag na kay Vina. May emergency daw sa hospital kung saan siya at kailangan nila ng mga nurses kaya pati si Cristine ay sumama na rin. 

"Sorry, next time ulit." - Vina.

"Una na muna kami," - Cristine.

Umalis na ang mga ito ng ihatid namin sa mga sasakyan nila.

"Ganoon talaga, bigla-bigla ang trabaho," biro ni Emma.

"Everytime na may lakad," segunda ko. 

Hinanap namin ang grupo nina Jalilla at naabutan naming nagkukwentuhan sa isang mahabang bench. Kumain na raw ang mga ito ng aming tanungin. 

"We'll go to Playa later too," lintaya ng isa sa mga kasama ni Maddox. 

Sage actually texted me na magla-lunch daw kami but I told him na nandito pa kami sa golf course. 

"Let's go na," sabi ni Fire. 

Nagsiuna na ang mga lalaki na pumunta sa BMW. Doon na daw iyong tatlo at kay Fire na kami sasakay nina Jalilla at Jardine. 

Si Emma ay uuwi na raw sa bayan dahil may gagawin pa siya sa clinic. Siya na din ang bahala na maghatid bukas sa mga tinapay at laruan na bibilhin gamit ang napalanunan namin. 

"Take care guys," lumingon sa akin si Emma, "I'll text you bukas after I drop the goods sa ampunan."

"Sure, no pressure. Thank you so much for today," sagot ko. 

Pinauna namin siya bago kami umalis sa golf course papunta sa Playa pero hindi na ako sasama dahil medyo pagod ako at gusto kong magpahinga.

Nang maihatid ako sa Mansion ay agad akong nag shower at natulog. Hindi ko na tiningnan ang bagong message mula kay Sage. Bahala siya. I'm too sleepy na because of the commotion that happened last night. 

Nagising ako na papalubog na ang araw. I prepare my dinner and had the dinner early. Wala si Sage, he might be busy. 

I sleep early too but I was awake when someone kiss my forehead. It's Sage and he is wearing his office attire yet. 

"Good evening," bati niya at umupo sa gilid ng bed. 

I moved at sumandal sa headboard. Humikab ako bago ko siya binati pabalik, "Good evening! What time we'll gonna go to San Gabriel, tomorrow?" I asked him. 

"Tomorrow afternoon at one so that we'll be home for dinner. I already told Mama about it." 

Kung ala una kami aalis ay alas otso na kami makakarating ng Mansion. We will not take the chopper na. 

"Did you had your dinner already?" Sage asked me. 

"I did. Ikaw?" balik ko. 

His face looks so tired and he even have a hangover. Maaga din siyang pumunta ng Playa kanina. 

"I thought you didn't had dinner yet. I was to ask you to accompany me sana," he stated. 

"I can accompany you if you didn't had your dinner pa. Is dinner, ready?" 

"Yup!" tipid niya. 

Sa totoo lang ay medyo gutom na ako dahil maaga ako kumain. Napapansin ko na medyo magana akong kumain nitong nakaraan but I don't feel any changes on my body naman kaya baka normal lang as the effect of the shot that I had. 

Bumaba na ako sa bed, "Let's go downstairs then," aya ko at nagpatiuna na ng bumaba. 

Sumunod si Sage sa akin. Dumiretso ako sa isang power room na baba at saka naghilamos. Hinintay pala ako ng kasama ko. 

Pinauna ko siya sa dining room at sumunod naman agad ako. We had dinner in silence as usual. Siya na rin ang nagligpit at naghugas ng mga nagamit. Umupo naman ako sa couch sa sala at tinitigan ang grand piano sa isang gilid. Matagal na akong hindi tumutugtog. Minsan minsan lang kapag napasyal ako sa Milan at may mga public piano. 

I decided to texted Samantha. 

Ako:

I am not home already. Be gone for few months, Babuuu. See you soon after my vacation.

Wala siyang reply, siguro ay hindi pa nakita ni Silver. Hindi pa kasi online ang account niya simula kahapon. 

"Is one of your friends will be married? Why did you have a bachelor's party last night?" hindi ko napigilang tanungin si Sage. 

Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Lalo na at mukhang nag enjoy ang kanyang kasama. Some of them are even married. 

"Yup, three months from now." 

I buy his statement dahil mukhang hindi siya nagsisinungaling.

"Some of them are married but let girls striped in front of them?"

Tumaas ang isang kilay ko. 

Pati ikaw? Kahit naman sana kasal tayo sa papel at tayo lang ang nakakaalam ay nirespeto mo sana Kaixus Sage! 

Muntik ko ng masabi ang nasa aking isipan pero pinigilan ko lang ang aking sarili. 

"I wasn't one of them. I just drink with Quinn and the others. Maybe the perfume of one of them get through my polo when we helped them going home." 

"Alright, by the way..." Lumunok ako bago nagpatuloy sa pagsalita, "What did you tell them in San Gabriel?" 

Umayos ng upo si Sage, "I told Mama na pumayag ka mamasyal doon. I'll be back and forth here, Manila, and San Gabriel for business so you can't see my everyday. Unless may mga aayusin doon but I will not stay at the Mansion. Would that be okay with you? After two months I'll give you what you want. The documents might be kept in my office so don't worry, also no one knows so just act normal. No one else will know after it so it won't affect your work, you can do whatever you want afterwards," mahabang paliwanag niya. 

Tumango lamang ako, but one part of my heart feels like it was pricked by a needle. 

"That's acceptable." I stated shortly. 

I want the conversation to end that's why I bid him good night already. I didn't wait for his answer and walked going upstairs. 

I brushed my teeth and surf on the net for a while. 

I saw a latest news about something that gives me a headache. 

"The daughter of retired General Cabral, a doctor, philanthropist, and a businesswoman is opening her clinic in honor of her late sister, actress Sabrina Cabral in one of the rural areas here in Zambales." 

Kinabahan ako sa narinig na sinabi ng reporter. Pumunta ako sa balcony at nagpahangin. Nakatanaw sa dagat. Nagbalik tanaw sa mapait na nakaraan...

Nagpatuloy ang pag-uusap namin ni Sabrina. Sa tuwing hindi niya makontak si sir Kaixus ay sa akin siya nagtatanong. Minsan ay hindi ko alam ang aking isasagot dahil sa iniiwasan ko ang kanyang nobyo. 

Minsan ay inaya kami nina Collin sa Playa del Fuego. Kami nina Paula, Betty, Maimah. Sumama din sina Santi at iba pang classmates namin na fourth year highschool students.

Tatlong sasakyan ang ginamit namin. 

Camping ang sinabi ni Collin at nag-ambagan kaming lahat. We had a campfire sa dagat dahil last day na namin dito. Babalik na kami sa San Gabriel bukas. 

"Pwede ba kaming uminom ng beer in can?" paalam ng mga lalaking kasama namin. 

"Pwede naman basta huwag lang kayong manggapang o magsisisigaw mamaya. Baka mamaya ay may magpakalunod na sa inyo sa dagat naku, hindi namin alam lumangoy, bahala kayo! Sabihin niyo doon sa lobby si ate, susunod na kami ni Yacinda." 

Turan ng isa naming kaklase na may-ari ng isa sa mga resort na pinuntahan namin.

"Thank you so much, Aleng ang bait mo talaga!" biro ng boyfriend ni Alena sa kanya. 

Agad na tumayo sina Collin at tumayo na rin kami ni Alena. 

Pumunta kami sa lobby ng resort at sinabi ni Alena na kukuha kami ng beer. Agad namang nagbigay ang mga staff at sila na rin ang nagdala sa kung saan kami nag campfire. 

Halos dalawang dosena ang naubos nina Collin. Sumama din ang ibang babae naming mga kaklase. 

"Mabuti at pinayagan ka na sumama, Yacinda?" bulong sa akin ni Alena habang pinapanood namin ang apoy.

"Hindi sana, pero nagpaalam si Nanay Panyang kay Lola at kasama ko naman sina Paula kay pumayag na si Lola," ani ko. 

Hindi ako makatulog kaya lumabas ako sa villa kung saan kami natulog, sa poarch ako at umupo sa upuang kahoy na sun lounger. 

May isang staff na naglalakad pa punta sa villa namin. Nakita niya ako kaya nagtanong kung gising na si Alena. 

"Hindi po bakit po, ate? Gisingin ko po siya..." alok ko.

"Sige po Ma'am, may hinahanap kasi sa kasama ninyo Ma'am. Nandoon po sila sir sa lobby. Kaya hintayin po namin si Ma'am Alena." 

Pinauna ko na ang staff sa lobby at ginising ko si Alena. Bumangon naman agad siya at pati sina Paula ay nagising din. Humihikab pa ang mga ito habang papunta kami sa lobby. Sa may front desk officer kami pumunta.

"Anong problema ate? May naghahanap daw po sa akin?" 

"Opo Ma'am. Hinahanap po si Collin daw po." 

Tumingin tingin kami hanggang sa mapako ang mata namin nina Paula kay kuya Sidney. He waved to us at lumapit. 

"Kayo actually ang hinahanap ko hindi si Collin, wala akong pakialam doon sa isang iyon, lunurin ko pa siya sa dagat eh..." biro niya, "Pinapasundo kasi kayo."

Tinuro niya ako, si Paula, Maimah at Betty,

"Lalo na kayo," aniya habang turo kami.

"Sidney, please lang alas kwatro palang wala pang dalawang oras ang tulog namin." 

"Sige na Betty, baka mamaya ay mag-inom pa sina Collin mamaya. Sunod nalang kami mamaya. Magpapasundo ako sa driver namin bukas kasama ang mga iba. Inaantok pa kasi ako," humihikab na sabi ni Alena. 

Lumingon siya sa akin at niyakap ako, "Una na kayo. Antok pa kasi ako. Mag-ingat kayo, frenny. See you later nalang." 

"Salamat, Alena." 

Lumingon ako kay kuya Sidney, "Kuya kunin lang namin mga bags namin sa villa." 

"Sama na ako, may mabigat ba?" he asked. 

"Sidney, sino ang nagsabi sa'yo na sunduin mo kami?" tanong ni Betty kay kuya Sidney kaya siya sinaway ni Paula. 

"Betty! respect..." Ani Paula at humingi ng paumanhin kay kuya Sidney. 

May mga iba kaming kaklase na taga bayan din sumama pauwi ng magising sila. Van naman ang dala ni kuya Sidney kaya okay lang daw at kina Paula na muna kami magpapahatid. Mamayang hapon na kami tutungo sa Mansion nina Paula.

Natulog ang iba naming kaklase pagkapasok namin sa loob ng van. May kasama din si kuya Sidney na isang kaibigan niya, dalawa pala just in case daw na hindi kami dalawang oras ang biyahe pauwi ng San Gabriel dahil dadaan pa kami sa La Flora. 

Maging ako kay inaantok, pero narinig ko pa ang sinabi ng kaibigan ni kuya Sidney, "Ginawa ka pang tagabantay ng mga bata," tawa niya. 

"Tumigil ka nga, isa ka rin. Sabi ko na eh, it's a bad idea. I know that one's head, tssssk! tssssk!" 

"Akala ko pa naman kung ano ng nangyari. Sira din ang isang iyon ah, by the way, will go to Manila later at two. Sama ka?" 

"Sure. Nadaanan mo ako sa resthouse mamaya. Agahan mo, doon na tayo mag ready, don't be late!" sagot ni kuya Sidney. 

"Cool, Xylo or The Lounge?" sipol ng kaibigan ni kuya Sidney. 

"Lounge. Call the others too," saad ni kuya Sidney. 

"Si Angelo, tawagan ko siya para sa free pass natin. Sugar Daddy!" 

Hindi ko na narinig ang iba nilang usapan dahil inantok na rin ako gaya ng iba. 

Nagising nalang kami ng nasa bayan na kami at medyo may mga tunog na ng sasakyan. Unang hinatid namin ang iba naming kasama at kami nina Betty ang hinatid nina kuya Sidney na huli.

Nagpasalamat kami at itinuloy ang aming tulog.

Someone wrapped me with a blanket.

It's Sage. 

"It's almost midnight na pala. I saw your door open and you're not answering. What are you doing here?" 

Sumandal ako sa balcony at yumuko. 

"Sino ang nag-asikaso sa libing ni Lola?" May kabang tanong ko at bumuhos ang aking luha.

Sage tried to hug me pero umiwas ako. 

Not now, Sage. I don't want you to feel sorry for me. 

Hindi siya nagsalita agad, pumasok na ako sa loob at saka nagtalukbong. Hinahayaan ko na siya. Maya-maya ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Siguro ay umalis na ito. 

I cried my heart out for the first time about my grandmother's death. Pagdating ko sa San Gabriel ay siya ang una kong pupuntahan. 

Mas lalo akong hindi nakatulog kaya masakit ang aking ulo kinabukasan. Medyo sinisipon pa ako dahil nahamugan kagabi sa balcony. Gaya kahapon ay hindi ako maagang nagising. Mga magla-lunch iyon kaya agad-agad akong naligo na at bumaba sa kusina.

Naroon si Sage na nagluluto ng pananghalian. Kaya bumalik ako sa taas at inayos ang room. I pack all my things that I'll carry going to San Gabriel. Bumaba ako ng tinawag ako ni Sage para sa pananghalian namin. 

Walang umiimik sa amin hanggang sa matapos kaming kumain but since naka ready na ako, I volunteer to wash the dishes so that Sage can prepare. 

After I washed the dishes I return to my room and double check my important things. I also message Samantha and Angela too. 

After 30 minutes ay kumatok si Sage. 

"Are you ready? Where's your things?" aniya. 

Tinuro ko ang tatlong Rimova luggage ko. 

Ang dami ko palang dadalhin! 

"Wait for me downstairs. I'll carry your things to the car."

Sinunod ko ang sinabi niya. 

Nahiya ako sa isang maleta na dala niya dahil sa marami ata ang dala ko. Whatever! 

Ang dala naming sasakyan ay isang puting Hilux. Natulog ako buong biyahe hangang sa nasa Pueblo Cielo kami. Mas dumami ang mga establishments at may mga condominium na rin pala. Mas namangha ako noong nasa San Gabriel na kami. Dumami ang mga bahay sa bungad at maging ang bayan ay buhay na buhay. Maraming mga mall building sa main road. Pati ang daan patungo sa hacienda ay sementado na. It's just seven years passed by. 

When I saw the arch sign saying 'Hacienda Montiel' ay bumuntong hininga ako. 

Welcome home, Yacinda! 

I greeted myself.

"You can take a nap, I'll wake you up when we are already home. Aren't you hungry, yet?" 

Pinilig ko ang aking ulo, "No I'm okay." 

I count all the streetlights na nadaanan namin. Hangang sa nasa rotonda na pala kami ng Mansion. 

Mas lumawak ang parking at may mga building na nadagdag sa quarters ng mga kasambahay at mga drivers. 

Isang nakangiti na Donya Diana na naka-upo sa wheelchair ang nag-aabang sa amin. 

Pagbaba ko ay nagmano ako sa kanya at yumakap saka ngumiti. 

She is still as elegant as before.  

"Welcome back home, hija!" 

Bati niya sa akin at saka tumingin kay Sage.

I smile at her, "Buenas noches, Senyora!" bati ko ng nakangiti.

 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status