Chyrll.
"Sherely, nasaan ang senyorita Chyrll mo?" Rinig kong tanong ni Daddy sa personal maid ko, na hinahanap ako. "Kasama po ni ma'am Merie Sir, pumunta po sila sa pool, may kukuhanin daw po doon si senyorita." Magalang na sagot ni yaya kay Daddy. Lagot ito sa akin mamaya, sabing payungan ang mga bagong tanim ko na halaman. Ang tigas din ng ulo ng isang 'to. "Hinahanap ka ni Tito Wilson, hindi kaba diyan lalabas sa pinagtataguan mo?" Tanong ng pinsan ni ate Carlyn. Isa pa itong babae na ito, pakialamera din. Kung si ate Carlyn ang human cctv ni Daddy, itong si Merie naman ang human cctv ni Ate Carlyn kapag wala ito dito sa mansion. Ang sarap lang nilang pagbuhol buholin. Nakakulong na nga ako dito sa mansion, bantay sarado parin ako. Sa daming bantay na tauhan ni Daddy na naka paligid sa buong labas ng mansion, makakatakas pa ba ako, pwera na lang kung gamitan ko sila ng pampatulog. "Pakitawag nga Sherely, dahil may sasabihin lang ako sa kanya." Utos ni Daddy, mabait si Daddy sa mga katulong dito sa bahay, hindi katulad ng madrasta ko kung makasigaw akala mo siya na ang pinakamayaman na tao sa buong mundo, ay mali kasama na pala ako don, dahil kapag may nagagawa itong personal maid ko ay napagtataasan ko ito ng boses. "Masusunod po sir." Rinig ko pang sagot ni yaya. "Alam mo, kaya ka palaging napapagalitan nila tito Wilson dahil diyan sa katigasan ng ulo mo. Wala ka namang dapat pagtaguan, pero nagtatago ka kay Tito." Sabi pa ni Merie na pakialamera. "Alam mo Merie? Kung ako saiyo tatahimik na lang ako. Saka wala kang alam na issue sa pamilya namin kaya huwag kang makisawsaw dito, dahil sampid ka lang naman. Wala ka pa ngang isang linggo na human cctv ni ate Carlyn, nakikisawsaw at nagmamagaling kana kaagad. Magkano ba ang binabayad ko para tigilan mo na ako sa kakabuntot mo na parang aso sa akin." Sabi ko kay Merie na naiinis. "Isang Milyon." Naka cross arm pa na sagot nito sa akin. Nangunot naman ang aking noo dahil sa sagot niya sa akin. "Ano, kaya mo ba?" Tanong pa nito ng may paghamon. "Seryuso ka, isang milyon ang binabayad sayo ni Ate Carlyn?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. "Oo, ano, kaya mo bang tapatan?" Paghahamon pa ulit nito sa akin. "Di bale, na lang, wala akong pera na ganun kalaki. Sege bantayan mo ako hanggang sa magsawa ka, pero seguraduhin mo lang na tama yang isusumbong mo sa amo mo mong aso, kapag nalaman ko na puro kasinungalingan lang yang sinasabi mo, kahit pinsan kapa ni ate Carlyn magtago kana, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko saiyo!" Naka-ismid na sabi ko dito. Nagkibit balikat lamang ito sa akin, na may pang-aasar. Isang irap naman ang ginawad ko sa kanya, saka ako lumabas sa aking pinagtataguan. "Yes, Daddy. Bakit mo ako hinahanap?" Wala kong galang na tanong kay Daddy. Napabuntong hininga naman ito, dahil sa inasal ko. "Hindi mona talaga ako nirerespeto Chyrll, kahit bilang isang ama mo na lang sana, iyon man lang ay ibigay mo sana sa akin. "Whatever dad. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ni Daddy, baka magtalo nanaman kami. Pasalampak akong naupo, sa sofa. "Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo sa akin, dahil magtatanim pa ako ng mga halaman ko sa garden ko. Hindi pa ako tapos doon." Naiinip na sabi ko na lang dito. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkuyom nito ng kanyang kamao. Ganito si Daddy, kinukuyom nito ang kanyang kamao kapag nagtitimpi na bulyawan ako. "Darating dito bukas ng gabi ang pamilya ng kumpare ko kasama ang anak nitong binata kaya maghanda kayo ng ate Carlyn mo dahil may mahalaga tayong lahat na pag-uusapan." Seryuso na sabi nito sa akin. "No, Dad. Hindi ako sasali sa pag-uusap ninyo. Kung ipipilit n'yo nanaman sa akin yang pakiusap mo na pakasalan ko yang sinasabi ninyong anak nila, mapapahiya lang kayo sa akin sa harapan nila, kaya itigil n'yo na lang ni Rochelle yang kahibangan ninyo." Sagot ko dito. Tumayo na ako, dahil ipipilit nanaman sa akin ni Daddy ang lalaking kailanman ay hindi ko pa nakikita. "Chyrll, nag-uusap pa tayo, kaya huwag kmo akong tinatalikuran! Napag-usapan nanatin 'to. Sa ayaw at sa gusto mo, matutuloy ang kasal ninyo ng anak ng kumpare ko, kaya bukas ng gabi ayusin mo yang sarili mo!" Habol nitong sabi sa akin habang palabas ako ng mansion namin. Alam kong galit na galit nanaman ito sa akin dahil sa mataas na tono ng boses nito. "Bakit, di na lang si ate Carlyn na pinakamamahal mo ang ipakasal ninyo sa anak ng kumpare mo, kaysa sa akin. Magiging impyerno lang ang buhay niya sa akin kapag tinuloy n'yo yang kagustuhan ninyo!" Pa sigaw na sagot ko habang papalayo ako sa kanya, upang marinig ni Daddy. Tinatawag pa ako ni Daddy, pero hindi ko na ito pinansin pa. Nagpatuloy na akong tumungo sa Garden ko na paborito kong tambayan. Kung nandito lang si mommy, sa kanya mona ako uuwi, gusto ko na talagang magkaroon ng sariling condo para makaalis na ako sa impyernong mansion na ito. Lahat ng tao na nakakasama ko dito ay mga salot sa buhay ko. "Ang tanga-tanga mo naman Sherely, sabi ko sayo huwag mong iwan itong halaman ko dito sa natatamaan ng sikat ng araw! Pumunta lang ako sa pool nagkaganito na ito, wala ka talagang silbi, Alis!" Bulyaw ko sa personal maid ko ng makita kong na lanta na kaagad ang bagong pa bili ko na halaman kay kuya Alfonso. Nagmamadali naman itong tumalikod sa akin at kumaripas ng takbo. "Kahit kailan talaga mga bwisit kayo sa buhay ko, ang simple-simple ng sinabi ko, bago ako umalis dito kanina! Pagtalikod ko pala, umalis din ang gaga. Daig pa na hindi nag-aral ng kinder. Bwisit!" Galit na galit ko pang sabi habang dinudungkalan ko ito ng lupa sa paligid nito. "Chyrll!" Dumadagundong na boses ni Daddy dito sa labas na tawag sa akin. "Sumusobra kana talaga, pati ang yaya mo ay tinatrato mo ng ganyan!" Galit na sermon sa akin ni Daddy. Narinig pala nito ang pagbulyaw ko kay Sherely, sumunod pala ito sa akin. "Huwag mo ng ipagtanggol si Sherely Daddy dahil sadya naman tatanga-tanga eh, sinabi ko ng huwag umalis dito, at payungan lang ang halaman ko na bagong tanim ko, dahil may kukuhanin lang ako na panghabong dito sa mga halaman para hindi sila mainitan ng sobra at malanta. Ang gaga, umalis din." Katwiran ko naman kay Daddy. "Dahil lang sa halaman na 'yan? Tinatrato mo Ang ganyan ang yaya Sherely mo. Wala ka talagang respeto! Hindi na talaga kita kilala Chyrll, hindi ka naman ganyan dati, pero ngayon ang laki ng pinagbago mo mula ng tumuntong ka sa-, "Ako pa talaga ang sasabihan ninyo ng walang respeto! Bakit dad? Ako ba nirerespeto ninyo? Ipapakasal ninyo ako sa taong hindi ko naman mahal, ni hindi ko pa nakikita kahit ang kanyang anino. Tapos ako pa ang walang respeto ngayon? At sasabihin n'yo pa sa akin na hindi ninyo na ako kilala, dahil sa inaasal ko ngayon.- Dad, may dalawa kayong mata, imulat mo ng malaki upang makita ninyo kung ano ang nangyayari dito sa mansion na 'to. Hindi yong ako nalang ang nakikita ninyo palaging may ginagawang kasalanan saiyo. O baka naman sadyang nagbubulag-bulagan lang kayo kahit nakikita mo naman.- Ngayong nasa tamang edad na ako, hindi ko na hahayaan na saktan ako na kahit na sino man. Kung nakikita ninyo at nadidismaya kayo sa inaasta ko ngayon matuto kayong imulat yang mga mata mo, at alamin mo ang dahilan kung bakit ako biglang nagkaganito." Putol ko sa sinasabiii sa akin ni Daddy. Pabagsak kong binitawan ang isang stick ng kawayan na hawak ko. Malalaki ang aking hakbang na palayo sa aking ama. Isang masamang tingin naman ang pinukol ko sa nakangisi na si Merie habang nakatingin ito sa akin. Hindi parin ako nakakalabas ng Mansion, wala parin sa akin ang phone ko, dahil dalawang linggo pa lang ako pinaparusahan ni Daddy. Hindi ako makatakas-takas dito dahil 48 hours nakabantay ang mga body guard ni Daddy sa akin. Lahat na pwede kong daanan ay may bantay, pati ang terasa ko ay mayroong bantay na nakabantay sa ibaba. Pati Drone ni Rasselle na tanging pag-asa nalang namin na pwede naming gawing communication ay kinumpiska daw ni Tito Winston. "Anong, tinitingin-tingin mo sa akin Mandheng? Ipikit mo yang mata mo kung ayaw mong makita ka ng amo mong si Rochelle na wala ka ng dalawang mata!" Galit na sita ko sa yaya ni Rochelle. "Pumasok na kayo sa loob, gawin na ninyo ang trabaho ninyo. Huwag niyo ng pansinin ang mga sinasabi ng senyorita ninyo." Biglang paghinahon na kausap ni Daddy sa kanila. Hindi na ito nakapagsalita pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya. Marahil ay totoo ang mga sinabi ko. Dumiritso na ako sa aking kwarto, pagbukas ko pa lamang ng pinto ng aking kwarto ay hinubad ko na ang mga suot kong damit. Pumasok na ako sa banyo para magbabad sa bath tub, upang kumalma ako. Ganito ako ang ginagawa ko, nagbabad ako maghapon hanggang sa mawala ang init ng ulo ko.. **** "Puwede ba, ate Carlyn! Huwag n'yo ng ipilit sa akin ang gusto ninyo ni Daddy at ng Mommy mo. Kung gusto mo ikaw na lang, total kayo naman ang may gusto nito, diba? Napipikon na sabi ko dito, na pinipilit akong mag-ayos dahil anumang oras ay parating na ang pamilya ng kumpadre ni Daddy. "Ayaw ko, hindi ko type ang lalaking 'yon-; "See, ikaw din hindi mo gusto. Tapos, hindi mo ako maintindihan kung bakit ayaw kong humarap mamaya sa pagdating nila. Lumabas kana, dahil hindi ninyo ako mapipilit sa gusto ninyo." Putol ko sa pagsasalita nito. "Huwag ng matigas ang ulo mo, Chyrll. Sundin mo na lang ang gusto ni Daddy." Sabi na lang nito. Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto ko, ang galit na mukha ni Daddy ang nakita ko, kasama pa nito ang madrasta ko. "Hindi ka pa nakakapag bihis Chyrll!?" Galit na sabi ni Daddy sa akin. "Gusto mo talagang mapahiya ako sa kumpadre ko!" Sabi pa nito na pagalit. "Sakit na nga ng ulo ang binibigay mo sa pamilyang ito, hindi ka pa nakakatulong sa simpleng hiling namin saiyo." Sabi naman ni Rochelle sa akin. "O, wow, coming from you, Rochelle! Simple? Kung simpleng hiling lang naman pala ito para saiyo? Bakit hindi itong anak mo ang ipakasal mo sa lalaking 'yon? O kaya naman ay ikaw? Hindi 'yong ipipilit ninyo sa akin ang gusto ninyo!" Pagsagot ko sa madrasta ko. Aambahan sana ako nito ng sampal sa mukha, ng mapigilan ito ni Daddy sa kamay. "Sege, sampalin mo ako. Akala mo matatakot pa ako saiyo, hindi na ako ang Chyrll na musmos noon na kinakayan-kayanan lang ninyong mag-ina na saktan." Matapang kong sabi dito. Nangunot naman ang noo ni Daddy, dahil sa sinabi ko.Tumingin ito sa kanyang asawa at kay Carlyn. "Totoo, ba ang sinabi ng anak ko, Rochelle?" Tanong ni Daddy. Naglulumikot naman ang mata nito na hindi makatingin kay Daddy. So, tama ang hinala ko, hindi nga alam ni Daddy kung ano ang ginagawa nila sa akin noon, kaya ganun ang reaksyon niya sa akin kahapon? Hindi ko magawang magsumbong noon dahil sa pananakot nila sa akin. "Wala akong alam sa pinagsasabi ng bastarda mong anak, Wilson. Huwag kang maniniwala sa pinagsasabi nyan, dahil diyan naman magaling sa pagsisinungaling yang anak mo." Pagtatanggi pa ni Rochelle kay Daddy. Humarap naman ito sa akin, at masama ako nitong tiningnan. "Magbihis kana, huwag ka ng magmatigas pa ng ulo mo Chyrll. Pamamahay ko ito, kaya ako ang masusunod kong ano sa alam kong makakabuti sainyong magkapatid. Haharap ka mamamaya sa ayaw at sa gusto mo, wala ka ng magagawa pa, kundi ang sundin kung ano ang gusto ko." Seryuso na sabi ni Daddy sa akin. "Hindi, Daddy. Malaki na ako, hindi ko hahayaan na pati buhay pag-ibig ko ay panghihimasukan ninyong lahat. Magpapakasal lang ako sa lalaking mahal ko, at hindi sa lalaking gusto nyo lamang." Pagmamatigas ko parin sa kanila. lumabas ako ng aking silid at iniwan ko sila.Makalipas ang anim na buwan. "Red! Ang tiyan ko, sumasakit. Ah!" Tawag ko sa aking asawa ng maramdaman kong sumasakit na ang tiyan ko. "Shit! Anong gagawin ko?" Natatarantang tanong ni Red. "Dalhin mo ako sa hospital! Tawagan mo si Szarina sa trabaho niya!" Utos ko. "Paano?" "Red! Ginoo ko! Alalayan mo ako, tapos kunin mo ang cellphone ko sa ibabaw ng center table pagkatapos tawagan mo ang kaibigan ko! Dahil manganganak na ako!" Natapik ko ang aking nuo dahil natataranta talaga ang aking asawa. "Diyos ko naman Red! Magaling ka lang gumapang sa gabi!" Sabi ko pa. "Sorry asawa ko! Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam mo naman na bago lang ito sa akin. Saka ang paggapang ko lang saiyo gabi gabi ang maitutulong ko." Katwiran pa nito sa akin. "Ewan ko saiyo! Ah! aray ko Red! sumasakit na talaga ng tiyan ko, manganganak na talaga ako! "Teka, asawa ko. Pigilan mo mona! Baby! Huwag ka monang lumabas, nagtataranta si papa eh! Baka mahimatay ako!" Bulong pa nito sa aking tiya
"Dude! Tama na ang pag-iyak mo! Daig mo pa ang bakla. Nasa harapan mona, umiiyak kapa rin! Bakla kaba?" Sigaw ni Eutanes ng pabiro. Hindi pinansin ni Red ang pabirong sigaw ni Eutanes sa kanya. Umiiyak siya dahil sa labis na saya na nararamdaman niya. "Misis ko!" Panimula ni Red sa kanyang weeding vow sa kaniyang kabiyak. "Hindi ko akalain na darating tayo sa ganito. Akala ko hindi na ito matutupad pa." Aniko pa na umiiyak at halos tumulo na ang sipon ko. "Napakapalad ko, misis ko dahil ikaw ang binigay sa akin ni Lord. Hindi parin ako makapaniwala kung saan tayo dinala ng tadhana mula sa aksidente nating pagkakilala. Dito misis ko sa harap ng dambana, pinapangako ko sa lahat ng nandito, sa magulang mo at sa magulang ko,mga kaibigan natin, mga mahal natin sa buhay, at lalong lalo na saiyo, -higit sa lahat kay Lord na hinding hindi ka magsisisi na binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon na patunayan saiyo na mahal kita, at hindi lang basta mahal. -Mahal na mahal kita, Mrs Chyrll
Ito na. Ito na ang araw na hinihintay namin ni Red. Ang maikasal kami sa simbahan. Tumingala ako sa kalangitan, at pumikit ako. Napakasaya ngayon ng aking puso, dahil natupad na ang pangarap kong maikasal sa lalaki na mahal na mahal ko. Minulat kong muli ang aking mga mata. "Sa Wakas. Nagsimula na akong ihakbang ang aking mga paa patungo sa ilang baitang ng hagdanan ng simbahan ng Quiapo. Labas pa lang, talagang pinaghandaang mabuti ni Red. Ng nasa huling baitang na ako. Kumakabog na ang puso, kabog sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Samantala, ang mga taong naghihintay sa pagdating ni Chyrll ay masayang nag-aabang, pwera lamang kay Red Simon na kanina pang umiiyak. Iniisip kasi nito na hindi siya sisiputin ni Chyrll. Ito na ba daw ang karma niya sa kaniyang ginawang trip noon kay Fucklers ng kinasal ito sa kaniyang kapatid na si Aria. "Dude, ano kaba? Kanina ka pa umiiyak diyan na parang baka! Natutulig na ang tainga ko saiyo. Ang sarap mong ihagis sa labas!" Pabirong
"Hindi ako makapaniwala na bilyon ang halaga ng wedding gown mo, kapatid. Katulad ng sa akin noong kinasal kami ni Eutanes." Masayang ani ni Isadora. "Gusto ko nga sanang ebenta ito kay Rasselle pagkatapos ng kasal namin, kaso ayaw ni Red, magagalit daw siya. Kaya, itatabi ko na lang ito."Ani ni Chyrll. "Ha? Tama ba ang narinig ko. Balak mong ibenta sa akin yang wedding gown mo? Nababaliw kanaba? Wala akong balak na magpakasal, may plano na akong pumasok sa simbahan upang maging postulant." Saad ni Rasselle. Tumawa naman ang magkakaibigan dahil sa tinuran ni Rasselle sa huling sinabi nito. "Seryuso ka? Paano si Rage?" Tumatawang tanong ni Marian. "Naku! Maraming babae pa naman ang patay gutom sa lalaki, tiyak ako na maraming pipila sa Rage mo." Turan naman ni Szarina. Kibit-balikat lang ang tinugon ni Rasselle. Huling dumating si Aria sa dressing room ni Chyrll. Tuwang-tuwa ito ng makita si Chyrll. "Napaka ganda mo talaga kapatid!" Puri ulit ni Rasselle na siya sanang m
"Yaya Sherely! Marunong kaba maglinis ng kuko?" Tanong ni Aria kay Yaya. "Medyo ma'am Aria. Bakit mo po natanong? "Gusto sana namin magpalinis ng kuko. Kung sa salon pa kasi tinatamad na kami. -Pero huwag kang mag-alala babayaran ka naman namin at bibigyan pa namin ng tip. Okay ba yon?" Si Szarina na ang nagsalita. "Sege, mga madam. Tamang-tama kailangan kong makapag ipon ng pera ngayon. Malapit na din kasi ako magpaalam kay Senyorita Chyrll." Tuwang-tuwa na sabi ni Sherely. Lahat nga sila ay nakahilirang nakaupo sa sofa. "Sherely, e footspa mo muna ako bago mo ako linisan ng kuko." Utos naman ni Marian. "Ako din Sherely, kumakapal na din kasi ang kalyo ko sa paa, kasing kapal na ng kalyo ng mukha ni Marian." Saad naman ni Szarina. "Kapal talaga ng mukha mo unanong badjao! Gandang ganda ka talaga sa akin noh! Ang mukha ko na lang ang palagi mong nakikita. "Magpapalinis ba kayong dalawa o magbabangayan na lang? Mga paa n'yo na lang ang lilinisan ko." Reklamo ni Sherely.
"Mama, ang baho naman po ng kinakain mo! Ano po ba 'yan?" Tanong sa akin ni Nicolas. "Bugok, anak ko! Masarap ito. Gusto mo bang tikman? "Ayaw ko po, ang baho po eh. Amoy bulok!" Naduduwal pa na sabi ng anak ko. Natawa naman ako dahil nababahuan talaga siya. At hindi pa maipinta ang kaniyang mukha. "Masarap ito anak, tikman mo kahit kaunti lang." Pamimilit ko pa. "Ayaw ko po talaga mama. Hindi ko po kaya ang amoy, baka po sumakit lang ang tiyan ko. "Sege, anak. Kung ayaw mo hindi na kita pipilitin. "Sina Tita Aria po, at tita Isadora, tita Rasselle, tita Marian at tita Szarina, anong oras po sila pupunta dito? Ang init na po kasi, masakit na po sa balat!" Reklamo na ng anak ko. Kadarating lang namin dito sa Pilipinas, dalawang araw na ang nakalipas. Tapos narin ang isang taon na pag-aaral ng law, may dalawang taon na lang ang bubunuin ko makakapagtapos na ako ng Master of law's. Matutupas narin ang pangarap ko na makabilang sa ICC International Criminal Court. At magigi