Share

Chapter 3. Lance Morales

last update Last Updated: 2025-03-19 22:18:17

Chyrll Point of view.

Sa pangtatlong sundo sa akin ni Sherely ay wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lamang ng theater room kung saan ako kanina dumiritso ng iwanan ko sila Daddy sa aking silid.

"Gusto nila ng gulo, okay simulan natin ang laro na gusto ninyo, matira matibay sa atin kung sino abg magwawagi."

Hindi na ako nagbihis pa, walang emosyon na tumungo ako kung nasaan ang mga bisita ni Daddy.

Salubong ang kilay ni Daddy ng makita ako nito, at ang mukha naman ni Rochelle ay hindi maipinta.

Tumayo si Daddy at lumapit ito sa akin. Hawak nito ang aking kanang braso. "Pinapahiya mo ba talaga ako, ha. Chyrll!?" Nagtitimpi na bulong sa akin ni Daddy. Narinig ko naman na humihingi ng pasensya si Rochelle sa mga bisita nila.

"Hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yan Daddy. Ito ang gusto ninyo diba? Pwes magtiis kayo." Walang emosyon na sabe ko. Pabalang kong binawi ang aking braso at nilampasan ko si Daddy at naglakad palapit sa mga bisita.

Nakita ko naman ang tinutukoy nilang lalaki na gusto akong maging asawa. Gwapo ito, at matangkad. Ngunit hindi ko ito gusto, dahil sa itsura pa lamang nito makikita mo na may tinatagong kasamaan sa loob ng katawan nito. Akma itong tatayo, upang salubungin sana ako at ibigay sa akin ang bulaklak na dala nito para sa akin, ngunit pinigilan ko ito.

Nakangiti naman ng kaplastikan ang mga magulang nitong kasama halatang hindi nila nagustuhan ang inasal ko ng tingnan ko sila.

"Ganyan nga ang gusto ko, kaya ginagawa ko ito upang madismaya sila sa akin. Upang hindi na matuloy ang kasunduan na ikasal kami ng anak nila" Ani ng aking isipan.

"Huwag ka ng mag-abala pang tumayo, hindi ko matatanggap ang bulaklak na 'yan dahil kaya ko din namang bumili ng ganyang klase ng bulaklak para ibigay ko sa sarili ko.- Hindi ko na pahahabain pa ang sasabihin ko, hindi ako magpapakasal sa lalaking ngayon ko pa lamang nakita, at lalo na sa hindi ko mahal. Pwede na kayong umuwi, tapos na ang oras ng pagpunta ninyo dito. Walang kasal na magaganap sa ating dalawa." Matapang na sabi ko sa kanila. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pag-igtingan ng panga ng lalaki, at pagkuyom nito ng dalawang kamao, at ang masamang tingin nito sa akin. Kung ano man ang nararamdaman niya ngayon, ay wala akong pakialam.

Pagkasabi ko ng lahat ng 'yon ay walang sabi-sabing tinalikuran ko silang lahat.

Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Daddy at ng mag-inang Rochelle at ate Carlyn.

Hindi ko sila pinansin, inismiran ko pa sila. Kung inaakala nilang mapapasunod nila ako sa mga kagustuhan nila, pwes nagkakamali sila sa inaakala nila.

Sila ang pumayag sa gusto ng kabilang panig, eh di sila ang magpakasal, at huwag ako ang pilitin nila. Sumasakit na nga ulo ko sa kanila, tapos gusto pa nila akong magpakasal sa lalaking mukhang hudlom. No way.

Bumalik ako sa Theater room, alam kong Hindi matatapos ang gabing ito ay hindi pwedeng palampasin ito ni Daddy.

Kailangan kong makapag-isip kung paano makakaalis dito sa mansion ni Daddy, sana pala hindi na ako nagpasaway pa kay Daddy, eh di sana may condo na ako. Ito kaseng mag-ina na ito, sinusubok ang pasensya ko.

Naupo ako pagkapasok ko pa lang ng theater room, at bigla ding napatayo.

'Shit, oo nga pala muntikan ko ng makalimotan... -Tama, ang negosyo namin ng kaibigan kong si Rasselle ang gagawin kong dahilan upang magawa ko ang plano kong pag-alis dito. Hindi pwedeng sila ang masusunod palagi sa mga desisyon ko sa buhay kaya kailangan ko ng umalis na dito.

Kinausap ko si Daddy noon, sinabi ko sa kanya na gusto kong magkaroon ng sariling condo, dahil gusto kong magkaroon ng pribasiya, kung saan walang makakapag-disturb sa akin kahit ano pa ang gawin ko sa buhay.

Ang sagot niya sa akin kapag kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa ay tsaka na lamang niya ako papayagan sa gusto ko. Seryuso ako sa sinabi ko sa kanya na gusto ko ng bumukod ng tirahan, dahil gusto ko ng tahimik at walang asungot sa akin kaya napag-isipan kong magnegosyo na lang, nanghingi ako sa kanya ng pera para sa puhunan ko sa sisimulan kong maliit na negosyo. Binigyan ako nito, kaya tuwang-tuwa ako, pero nagkaroon kami ng kasunduan na kapag hindi daw pumatok kung ano man ang negosyo kong naisipan ay hindi ako aalis sa puder niya. Pumayag ako sa gusto niya, pero sinabi ko kay Daddy na kapag napalago ko ang negosyo na sisimulan ko ay hahayaan na ako nito kung ano ang gawin ko sa buhay ko, at hindi na niya pa panghihimasukan ang mga desisyon ko sa buhay.

Kinabukasan ay pinuntahan ko ang kaibigan kong si Rasselle, nagkasundo kami sa plano kong gawin. Nanghingi ito ng pera sa kaniyang ama na sI Tito Winston at binigyan ito kahit labag sa kalooban nito dahil magpapagod lang daw kami sa mga trip naming magkaibigan. Ang gumawa ng coffee ang naisipan namin na gawing negosyo, dahil mahihilig ang mga tao sa kape. Mag-iisang taon na din ang Chyselle Coffee shop namin ni Rasselle, marami na ang nakakakilala dito kaya dinadayo na ito, kahit ng mga sikat na blogger. Kaya ngayong malakas na ito at nababawi narin namin ang pera na ginawa naming puhunan ay pwede na akong bumukod ng bahay ngayon. Kailangan kong makausap ulit si Daddy upang ipaalala sa kanya kung ano ang napagkasunduan namin dati.

Hindi naman ito napapabayaan kahit nakakulong kami pareho ni Rasselle dahil palagi kong sinasabihan si kuya Arnolfo na bisitahin niya ito kung minsan. Hindi naman ito tinutulan ni Daddy dahil unang negosyo ko yon na pumatok kaagad sa mga kabataan.

Hindi nagtagal, pumasok si Daddy na galit na galit sa. akin, at kasama nito ang dalawang kontrabida sa buhay ko.

"Hindi mona talaga ako binigyan ng kahihiyan Chyrll. Para din naman sa ikabubuti ng buhay mo ang ginagawa ko, para saiyo, pero nagawa mo parin akong ipahiya sa pamilyang Morales. Kapag si Lance Morales ang napangasawa mo, magiging panatag ang kalooban ko, hindi na ako mag-iisip kung paano kana sa kinabukasan mo kapag yumao na ako! Hindi naman kalakihan ang kinikita mo at ng kaibigan mo sa Coffee shop ninyo! At puwede ka pang tulongan ni Lance mamahala ng kumpanya na ipapamana ko sainyong dalawa ng kapatid mo,-

Hindi ko pinatapos si Daddy sa pagsasalita.

"Dad, sinabi ko na sainyo na ayaw kong magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal, pero pinipilit ninyo ako! Tapos magagalit kayo sa akin ngayon, saka kung kinabukasan ko naman ang iniisip mo ay huwag mo na pong intindihin yon dahil kaya ko namang buhayin ang sarili ko na hindi umaasa sa iba o sa tulong ng ibang tao. Kaya, daddy huwag mo ng ipilit sa akin ang mga bagay na ayaw ko. Tigilan mo na ang panghihimasok sa buhay ko, oo alam ko kinabukasan ko lang ang iniisip mo, kaya naiintindihan ko po 'yon.- Pero sana maintindihan mo rin ako.- pakiusap daddy, tama na. Tantanan n'yo na ako." Sagot ko kay Daddy.

"Hindi ako papayag sa gusto mo, kahit tinanggihan mo si Lance ay matutuloy parin ang kasal ninyong dalawa. Nag-usap na kami ng kaibigan ko, tungkol sa inasal mo sa harapan nila bago sila umalis kanina." Sabi nito sa akin sa mataas na tono boses nito

"No, Daddy, buhay ko ito kaya ako ang masusunod kong sinong lalaki lamang ang pakakasalan ko, walang sino man, ang magdidikta sa akin kung sino ang lalaking pakakasalan ko, kahit na magulang ko pa." Sagot ko namay paninindigan.

Ang mag-ina naman ay pangisi-ngisi lang sa isang tabi habang pinapanuod kami ni Daddy na nagtatalo.

"Anak lang kita, kaya kahit ano pang pagtanggi mo ay wala ka ng magagawa pa. Ikakasal kayong dalawa ni Lance." Paninindigan parin nito.

Napahilot na ako ng aking sintido. Naalala ko ulit ang napag-usapan namin dati.

"Diba Dad, may napagkasunduan na tayo dati? Hindi mo ba naalala iyon?" Seryuso kong tanong dito.

Nangunot naman ng noo nito, at nagtataka na tumingin sa akin.

"Anong napagkasunduan na sinasabi mo?" Tanong ni Daddy sa akin.

"Nakalimotan mona aga Dad?" Hindi ko makapaniwala na tanong ko dito.

Hindi naman ito nagsalita kaya sasabihin ko nalang sa kanya ang tungkol sa napagkasunduan namin dati.

"Tungkol sa pagbukod ko ng tirahan, Dad. Kapag napatunayan ko saiyo na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa, ay pwede na akong umalis dito. Malaki na ang kinikita ng Coffee shop ko Dad, sapat na seguro iyon na payagan mo na akong umalis dito sa puder mo. Natatandaan mo naman po seguro kung ano ang napagkasunduan nating dalawa. Sana po ay tumupad kayo." Paalala ko sa kanya sa napag-usapan namin dati.

"Hindi parin sapat para sa akin ang kinikita mo sa coffee shop ninyo ng kaibigan mo, kaya ako parin ang masusunod sa ating dalawa,-

"Ano Dad? Gulat ko sa sinabi niya. "Ibig sabihin ba nito Dad, hindi ka tutupad sa kasunduan nating dalawa? Ibig sabihin ba nito, wala akong mapapala sa mga pinaghirapan ko, mapatunayan ko lang saiyo na kaya ko na ang sarili ko?" Tanong ko dito.

Hindi ako makapaniwala, nawindang ako sa sinabi niya. Kahit nakikita naman niya na kung gaano kalakas ang benta ng coffee shop ko ay hindi parin ito sapat para sa kanya.

"Nakapagdesisyon na ako, Chyrll. Hindi ka aalis ng mansion na ito. Ang napagkasunduan natin ay baliwala na yon sa akin. Hindi ko parin nakikita saiyo na kaya mo na ang sarili mo, dahil puro laskwatsa lamamg ang alam mo. Sundin mo na lang kung ano ang gusto ko para sa ikabubuti mo, para wala na tayong pag-awayan po." Pinal na sabi sa akin ni Daddy.

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Daddy tinalikuran kona silang lahat, lumabas ako ng theater room at dumiritso sa aking silid. Nakita ko pa ang pasimpleng pag ngisi ng mag-ina. May araw din kayo sa akin. Hintayin ninyo ang ganti ko. Balang araw ay ako naman ang paniniwalaan ni Daddy.

Kung sila na lang palagi ang nasusunod sa buhay ko, at kontra sila palagi sa akin sa mg desisyon ko sa buhay na alam kong tama para sa akin, mas mabuti na lang na gawin ang plan b ko, ang tumakas dito.

Kinuha ko ang isang malaking malet ko sa loob ng kabinet ko. Nilabas ko ito at pinatong ko sa kama. Kinuha ko naman ang mga gamit ko z kabinet ko, kinuka ang lahat na dapat kong dalhin at sinilid ko ito sa maleta ko. Kung hindi niya ako bibigyan ng sarili kong condo, kay mommy ko lalapit. Segurado pa ako don, matutuwa pa yon sa akin kapag binisita ko siya sa mansion nila ni Tito Edgar.

Kinuha ko ang laruang baril sa ilalim ng higaan ko, ito ang gagamitin ko na panakot ko bukas sa mga tauhan ni Daddy na hindi ako papayagang palabasin ng gate.

Sinilid ko na ito sa aking dadalhin na bag.

Pagkatapos kong mag-impake ng mga kailangan kong dalhin sa akin pag-alis ay sumilip akong muli sa guard house , kita ko naman sila sa terasa ng aking kwarto.

______✍️

Gumising ako ng maaga, ayaw kong maabotan ako ni Daddy na paalis ng mansion nito. Kailangan ako ang maunang umalis kaysa sa kanya na papasok ng kanyang trabaho.

Naligo ako ng mabilis.

Wala pang 30 minutes ay, palabas na ako ng aking silid.

Para akong magnanakaw ngayon, bawat hakbang ko ay may pag-iingat. Ang maleta ko na dAdalhin ay binuhat ko na upang hindi makalikha ng ingay.

Kahit nahihirapan ako sa maleta ko ay nakalabas ako ng mansion na walang nakakita sa akin.

Nagtago mona ako sa halamanan, dahil nakita kong nagpapalit ng duty ang pang-gabi at pang-umaga. Sayang kung mas napaaga sana ako ng gising, madali lang ako makakalabas ng gate.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chyrll Dumulot
sana makatakas ka
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 85. ikaw lang.

    Chyrll. Nagulat ako ng pagbukas ng gate ng security guard ay mukha ni Red Simon ang nakita ko. Napairap na lamang ako ng aking mata, si mommy lamang ang magsasabi dito kung nasaan kami ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kaniyang mga sinabi sa akin. Inis na inis ako sa kaniya ng gusto pa ako nitong sundan... Wala akong panahon sa mga kadramahan niya, kaya pinagtabuyan ko siya. At nagtagumpay ako, hindi na niya ako sinundan pa. Pinagpatuloy ko ang aking pag jo jogging hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Napagpasyahan kong hindi mona umuwi dahil alam kong nasa labas pa ng mansion ang unggoy na iyon. Naglakad lakad mona ako, hanggang sa mapadako ang aking paningin sa isang coffee shop. Naalala ko ang shop namin ng aking kaibigan. Pumasok ako at nagtingin tingin kong ano ang pinaka masarap na kape nila dito, hanggang sa may napili ako. Naghanap ako ng mauupuan ko, at ang napili ko ay ang pinakadulo sa hindi daanan ng mga costumer, at maganda ang ambiance nito. Wala

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 84. Manggang hilaw

    "Misis ko, nandito ka lang pala. Kanina pa ako naghahanap saiyo." Sabi ko sabay halik sa labi ni Chyrll. Nagulat ito sa aking ginawa, ang medyo singkit nitong mga mata ay nanlaki. "Red!" Gulat nitong tawag sa pangalan ko pagkatapos ko siyang halikan sa labi. "Ako nga misis ko. Nagulat ba kita?" Sagot ko ng may inis. Walang sinuman na lalaki ang pwedeng kumausap sa asawa ko. " Sino itong manggang hilaw na kausap mo? Baka pwede mo akong ipakilala sa kaniya." Nagseselos kong tanong. Gusto ko ng sapakin ang mukha ng lalaking ito. "May asawa kana pala, akala ko wala pa. Wala kasi akong nakitang singsing diyan sa palasingsingan mo, kaya naglakas loob akong lapitan ka at nagpakilala." Saad ng lalaki. Aba, may lakas pa ng loob na magsalita ang lalaking ito. Lalo akong nag ngitngit sa inis sa klase ng ngiti ng asawa ko. "Pasensya kana Zion, nababaliw lang ang lalaking ito. Wala pa akong asawa, at mas lalong hindi ko siya asawa. SINGLE pa ako." Sagot ni Chyrll na mas lalo kong ikinaga

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   83. Selos si Red.

    Red. Nandito na ako sa labas ng mismong mansion nila Tita Ellen. Bumukas ang malaking gate, mukha ni Chyrll ang nakita ko. Tumayo agad ako ng tuwid at ngumiti, umasim naman ang mukha nito ng makita ako nito. Nakasuot ito ng seksing pang athleisure wear at dito kumunot ang aking noo. Mukhang may babantayan ako ngayon, ayaw ko ng may ibang tumitingin sa katawan ng asawa ko. "Anong ginagawa ng isang unggoy dito?" Tanong agad sa akin nito. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin na nandito na kayo lumipat?" Seryuso na balik kong tanong sa kanya. "Hindi ko obligasyon na sabihin saiyo kung saan ko man gustong lumipat ng tirahan." Mataray na sagot nito sa akin. Napangisi naman ako ng aking labi. Hindi dapat sa ganitong pamamaraan kami mag-uusap. Subalit hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa kaniyang bibig at mas lalo na ang kaniyang kasuotan ngayon kahit na ba liberated ang mga tao dito. Humakbang ako na palapit sa kanya at pinantay ko ang aking mukha sa mukha niya. "Isa kang aboga

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 82. Illegal daw ang kasal😂

    Red. Nagising ako sa sunod sunod na pag doorbell sa labas ng Penthouse ko dito sa Condominiums ko. Bumangon ako at kinuha ko ang roba ko. Lumabas ako ng aking silid. Sumilip muna ako sa butas, at tinignan ko kung sino ang nasa labas. Pagtingin ko, si Aria at ang mga bata ang kasama. " Ano naman kaya ang kasalanan ng kaibigan ko? Bakit naglayas ang kapatid ko, at kasama pa ang mga bata? Pinagbuksan ko sila. "Anong ginagawa n'yo dito? Naglayas nanaman ba kayo? Ano nanaman ang ginawang kasalanan ng magaling kong kaibigan saiyo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kapatid ko. Isang kutos naman ang natanggap ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Fucklers. "Gago, nakita mo lang na pumunta dito ang mag-iina ko, naglayas agad. Masyado namang marumi yang utak mo. Hindi ba pwedeng, may ibibigay lang sila saiyo na pasalubong para sa mga pinsan nila." Saad ni Fucklers. May sa lahi palang kabute itong kaibigan kong ito, basta na lang sumusulpot sa harapan ko. "Malay ko ba na may ginaw

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 81 Kasama kang tumanda

    Red. Nandito na kami sa kung saan ang venue ng wedding anniversary ng mag-asawang Mr at Mrs Santos. Nagsisimula narin kaming kumanta. Ikaw na ang may sabi Na ako'y mahal mo rin At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo? Puso'y laging nasasaktan 'pag may kasama kang iba 'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang. Kahit anong mangyari Pag-ibig ko'y sa'yo pa rin At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal Maghihintay ako kahit kailan Kahit na umabot mang ako'y nasa langit na At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala Na ika'y hanapin at sabihin Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang Umasa kang maghihintay ako kahit kailan Kahit na umabot mang ako'y nasa langit na At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala Na ika'y hanapin at sabihin Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan Na ako'y sa'yo at ika'y ak

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 80. Siraulo itong si Red.

    "Daddy." Masayang tawag sa akin ni Sam. Agad akong lumapit dito, at niyakap ko ng mahigpit. "Kumusta na ang baby girl ko?" Tanong ko ng kumalas ako sa pagkakayakap. "Masaya na po ako Daddy, dahil nakita na po kita." Sagot nito sa akin. "Bakit ngayon ka lang po nagpakita sa akin Daddy?" Tanong nito sa akin. Tumingin naman ako kay, Jobel bago ko sinagot si Sam. "Sorry baby, naging busy ang Daddy nitong mga nakaraang araw kaya, ngayon lang kita napuntahan dito." Paliwanag ko sa bata. Hinaplos ko ang braso nito, maputla na ito at hindi na katulad ng dati. "Ganun po ba? Sana Daddy, dito ka lang sa tabi ko para lagi akong masaya, namimiss po kasi kita kapag umaalis ka po lagi, tapos palagi ka pa pong matagal bumalik." Nakalabi nitong sabi. Natawa naman ako sa palabi ni Sam. Ganito ito kapag nagtatampo sa akin ng bahagya. "Hayaan mo baby, kapag hindi ako palaging busy, madalas kitang pupuntahan dito para makasama mo ako." Sagot ko. "Ayaw ko po ng madalas lang, ang gusto ko po

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status