Chyrll Point of view
Kulot! Kulot! Mukhang puwit ng kaldero! 'Yan ang bansag sa akin, ng mga batang kalaro ko noong bata pa ako. Happy go, lucky. Ako, si Chyrll Palermo Araneta, 19 year old. Anak ako ni Police General Wilson Araneta sa ibang babae. Rochelle Medina, siya naman ang asawa ng aking ama. Carlyn Araneta, 19 year old, ang kapatid ko sa ama na mortal kong kaaway, everyday, everywhere. Ang lahat ng kilos o galaw ko ay pinapakialaman niya, siya ang human cctv ni Daddy sa akin, taga report kung ano ang ginagawa ko, kapag wala siya. Bago pa lamang daw na magkasintahan si Mommy at Daddy noon ay nagkaroon ng bachelor party ang isa sa mga kaibigan ni Daddy at nakagawa daw ito ng kasalanan kay mommy, at nagbunga ito. Naghiwalay sila ni mommy dahil ang babaeng nabuntis pala ni Daddy noon ay anak pala ng kaibigan ng lola ko. Buntis din ang aking ina noong maghiwalay sila ni Daddy, pero mas pinili na lamang nito ang ilihim dahil wala din naman daw mangyayari, kaya ang edad namin ni Ate Carlyn ay hindi magkalayo, panganay lang ito sa akin ng isang buwan. Rasselle David, 19 year old, ang aking kaibigan na kasanggang dikit sa lahat ng kalokohan na naiisip ko. Tuwing gabi ay may call time kaming dalawa ng kaibigan ko. Pagsapit ng alas-dyes ng gabi ay para na kaming Unggoy na dalawa, umaakyat kami ng puno at tatalon sa mataas na pader, makatakas lamang. Bago mag alas-onse dapat ay nasa puno na kami ng mangga, doon kase ang aming sekretong tagpuan kapag gusto namin pumunta ng bar. Ellen Palermo, siya naman ang pinakamamahal kong ina na ipinagmamalaki ko sa buong mundo. May Nanay ka na, kapatid at kaibigan ka pa, sa kanya ko namana ang magandang mukha, at kulot na kulot na buhok. Hindi sa akin mahigpit si mommy, basta hindi ko hahayaan na mapariwara ang buhay ko, kumpara kay Daddy na wala kaming araw na hindi nag-aaway. May taas akong 5'4. Morena ang kulay nang aking balat. Kulot ang itim na itim kong buhok na lampas sa balikat. Masasabi kong maswerte pa rin ako, dahil nang magpasabog ng kagandahan ng mukha at ganda ng katawan ang Panginoon ay gising ako ng araw na 'yon, kaya ito ako ngayon taas noong naglalakad papasok ng isang sikat na mall dito sa Mandaluyong upang magwaldas ng Pera ni daddy. Lahat ng tao na nandito ay nakatingin sa amin ng kaibigan kong si Rasselle, nagbubulongan, at iniismiran nila kami, pero wala akong pakialam sa kanila, hindi sila ang pinunta ko dito para bigyan ng atensyon ko, dahil hindi sila gold. Matangos ang aking ilong at hugis puso naman ang mapula kong labi. Mahaba din ang pilik-mata ng aking singkit na mga mata. Pero ang lahat ng 'yan ay may nakikitang kapintasan parin sa mata ng mga taong naiinggit sa akin. Istrikto ang aking ama, pero dahil ang motto ko sa buhay ay happy go, lucky ay sinusuway ko ito. Katulad ngayon, nakipag patintero kami ng kaibigan ko sa mga tauhan ni Daddy, pero naabotan parin kami kaya hito ako, wanto-sawa nanaman ang aking tainga sa sermon ni Daddy. Saka ko na lang sasabihin sainyo ang dahilan kung bakit naging ganito ang ugali ko. "Hindi ka lalabas ng kwarto mo, hangga't hindi ka nagtatanda, Chyrll! Nakakahiya kang anak! Naturingan ako na may mataas na katungkulan sa Polisya. Isa akong Police General, na may tungkulin na ipatupad ang batas at disiplinahin ang mga taong bayan na hindi sumusunod sa batas, lalo na sa mga kabataan na napapariwara ang buhay! Pero ang sarili kong anak ay hindi ko mapasunod sa sarili kong batas dito sa mismo kong pamamahay! Hindi nga ako namatay sa pakikipaglaban sa mga taong pusakal na lumalabag sa batas, pero sa ginagawa mo Chyrll mapapaaga ang aking buhay! Hindi ko na alam ang gagawin ko saiyong bata ka! Ang gusto ko lang naman ay mapabuti ka, kayo ng ate Carlyn mo. Ginagawa ko ito para sa kaligtasan ninyong magkapatid, pero hito ka pinapasakit mo ang ulo ko! Simula ngayon ay isang buwan kang hindi gagamit ng cellphone, o kahit na anong gadget dito sa bahay. Sasabihan ko ang lahat ng katulong dito, pati na ang mga driver, kahit na ang mga hardenero natin na huwag kang pahihiramin ng cellphone kaya huwag mo ng tangkain na lapitan pa sila upang manghiram. Makukuha mo lang ang cellphone mo sa opisina ko kapag nagtino ka kana. Isa pa yang kaibigan mong si Rasselle, sumasakit na rin ang ulo sa kanya ni Winston. Pagbabawalan ko na rin na pumunta yan dito, upang magtanda kayo pareho. Suwayin mo pa ako ng isang beses, ipapadala kita sa Isla Del Rama, kasama yang kaibigan mo. Naiintindihan mo!?" Mahabang sermon sa akin ni Daddy. Napabuntong hininga ako ng malalim, at humalikipkip ng aking braso, habang hawak parin ang magkabilaan kong braso ng dalawang bodyguard ni Daddy. Yan ang palagi kong naririnig sa aking, ama. Isang buwan akong parurusahan, pero inuulit ko parin pagkatapos ng isang buwan na parusa. Palagi niyang sinasabi na dadalhin kami sa Isla nila lolo upang ikulong ng isang taon, pero hindi naman niya ito ginagawa hanggang pagbabanta lamang s'ya sa akin. "Tapos kana ba Daddy? Inaantok na ako." Iyan lang ang sagot ko sa dinami-dami niyang sinabi sa akin, at pinakita ko pa sa kanya na humihikab ako. Tumalikod ito sa akin, nanginginig ang mga kamay nito dahil sa galit sa akin. "Bitawan na ninyo ang pasaway na yan, baka hindi ako makapag timpi, masaktan ko pa yan!" Nagpipigil na utos ni Daddy sa kanyang dalawang body guard. Binitawan nga ako ng mga bodyguard ni Daddy. Tinulak ko sila ng ubod ng lakas, bago ako tumakbo papuntang hagdanan na natatawa. "Chyrll..." Dumadagundong ang boses ni Daddy na tinatawag ako. Humarap ako sa kanila na may pang-aasar. "Yes Daddy, may sasabihin kapa po ba sa akin? Inaantok na po kase ako." Sabi ko ng humihikab ulit na pa kunwari. "Sumosobra kana talaga, Chyrll." Galit na galit parin nitong sabi sa akin at may paghawak pa ito ng kanyang dibdib. "Good night, Daddy. Wala naman po pala kayong idagdag na sasabihin sa akin, tinawag mo pa ako, sana nasa kwarto na ako ngayon." Sagot ko ng may pang-aasar. Mahal ko naman si Daddy, gusto ko din naman patunayan sa kanya na maipagmamalaki din niya ako balang araw, pero may sumusubok talaga ng pasensya ko kaya paulit- ulit ko ding ginagawa ang pinakang ayaw niya sa lahat, ang lumabas ng gabi para lang gumimik. Sa labas ng bahay, ang alam ng iba, mga kaibigan nila Daddy at kakilala namin dito ay isa kaming masayang pamilya. Pero hindi nila alam, ay pakitang tao lang ang lahat. Kapag kami-kami na lang ay, daig pa namin ang mga mortal na magkakaaway. *** "Bakit, nandito ka? Hindi ba sinabi saiyo ng Daddy mo, na bawal kang lumabas ng Mansion?" Tanong sa akin ni Rochelle na asawa ni Daddy. "Wala ako sa mood makipag-usap saiyo, Rochelle kaya lubayan mo ako, kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan." Maldita kong sagot dito habang nakahiga ako dito sa pool float. "Bastos, wala ka talagang mudong babae ka!" Gigil nitong sabi sa akin. "Ako pa talaga ang walang mudo sa ating dalawa? Eh sino ba ang pumunta dito at nanggugulo? Hindi ba ikaw 'yon? Saka nag-iisip ka ba? Wala naman sa labas ng bakuran ni daddy ang pool natin, kaya huwag mong sabihin na nasa labas ako ng mansion..." Katwiran ko pa, ang bobo talaga. Wala na naman seguro itong magawa sa buhay kaya ako ang ginugulo nito. "Bwisit ka talaga, kahit kailan. ay hindi ka nauubusan ng ikakatwiran sa akin!" Galit na galit niton sigaw sa akin. Pinagtawanan ko naman ito kaya mas lalo itong nagalit sa akin. Hawak na nito ang kanyang suot na tsinelas na pambahay, naka amba ito na ibabato sa akin. "Kumalma ka Rochelle, baka atakihin ka sa puso niyan, tirik na tirik pa nama ang araw ngayon. Kung ibabato mo yan sa akin, baka lumipad din yan pabalik saiyo." Nang-aasar ko pang sabi dito. Tinalikuran ako nito, at nagpapadyak pa ng kanyang paa habang naglalakad pabalik sa loob ng mansion, hindi na nito tinuloy ang pagbato sa akin ng kanyang tsinelas. Pinikit ko nalang ang aking mga mata, habang nagpapalutang parin ako dito sa gitna ng pool. Hindi muna ako magpapasaway kay Daddy ng tatlong araw, hahanap ako ng tiyempo na hindi ako mahuhuli na tumatakas ako. Lahat kase ng daan na pwede kong lusutan ay may mga bantay ngayon. Minulat kong muli ang aking mga mata, kinuha ko ang kopita at sinalinan ko ito ng paborito kong wine. Eksakto na, sumisimsim ako ng wine, nang may lumilipad na drone dito sa mismong tapat ko. Kinuha ko ang isang plastik na may laman na papel na nakaipit sa drone. Napapangiti na lang ako, isa lang ang ibig sabihin nito. Napagalitan din si Rasselle, at katulad ko din ay nakakulong ito sa mansion nila tito Winston. Inalis ko sa loob ng plastik ang papel, binuklat ko ito. _{Chy, kinulong ako ni Daddy, alam kong ganun ka din. Paano tayo niyan? Magpapakabait na muna ba tayo ngayon? Ang sabi kase ni Daddy isa pang pagpapasaway ko sa kanya, ay isasama daw niya ako sa Isla ng lolo mo... Ayaw ko sa Isla, walang boylet don, kaya magpakabait mona tayo ngayon ha, hangga't hindi natatapos ang isang buwan na parusa sa ating dalawa... Rasselle}_ Napapailing na lang ako ng aking ulo., kahit kailan talaga ang kaibigan kong ito, napaka hina ng loob. Mabuti na lamang ay hindi ako kagaya niya na mahina. Kinuha ko ang bolpen na kasama sa papel, na nakasilid din sa plastik. Sa may natitirang espasyo ako nag sulat. _{"Gaga, hindi kaya tayo niyan magkasakit kapag tinapos natin ang isang buwan na parusa nila sa atin? Ako ang bahala, gagawa ako ng paraan para makatakas tayo ng hindi nila nalalaman. Kapag nangyari 'yon, hindi na mona tayo uuwi, hayaan nating mamuti ang mata nila kakahanap sa ating dalawa... Chyrll}_ Tinupi ko ulit ang papel at binalik ko sa loob ng plastik, at sinipit kong muli sa drone ni Rasselle. At suminyas ako na, paliparin nya ulit ang drone niya pabalik sa kanya. Kinampay ko na ang dalawa kong kamay sa tubig, upang dalhin ako sa gilid ng pool. Umahon na ako sa pool, dinampot ko na ang roba at binalot ko sa katawan ko. "Manang Mandheng, pakikuha ng wine sa pool, pakilinis narin ng kalat ko don. Huwag na ninyong iutos kay Sherely dahil may ipapagawa ako sa kanya." Utos ko sa yaya ni Rochelle. Ayaw na ayaw pa naman nito na inuutusan ko ang kanyang yaya. "Masusunod po senyorita." Sagot ni manang Mandheng sa akin. Hindi ko na ito pinansin pa. Si Sherely naman ang tinawag ko. "Sherely, ihanda mona ang meryenda ko dahil nagugutom na ako. Dalhin mo sa Theater room dahil manunuod ako ng paborito kong movie ang Incognito, mamaya pagkatapos kong maligo." Utos ko sa personal maid ko. "Okay po senyorita." Sagot nito sa akin. Tumungo na ako sa aking silid upang magbanlaw. Nakasalubong ko naman si Ate Carlyn sa hagdanan, hindi ko ito pinansin, nilampasan ko lamang ito. Pagbukas ko pa lamang ng aking silid ay naamoy ko na agad ang mabangong silid ko. Nahiga mona ako sa aking kama. Pilit kong inaalala kung napaano ang hiwa banda sa aking tiyan. Ang sabi lamang sa akin ni Daddy noon ay takot na takot daw ako noon na tumatakbo kaya ako nagkaroon nito sa tiyan na sanhi ng pagkadulas ko sa hagdanan. Nabagok ang aking ulo, nagising na lang daw ako na walang masyadong maalala, kaya nagkaroon ako ng sakit na Selective Amnesia, na ang ibig sabihin daw ay isang uri ng pagkawala ng alaala kung saan ang isang tao ay hindi na makakarecall ng mga partikular na detalye o aspeto ng isang pangyayari, habang ang iba pang mga bahagi ng parehong pangyayari ay naaalala pa rin. Ito ay madalas na nauugnay sa mga traumaticong karanasan. Tatlong taon buhat na mangyari sa akin iyon."Ehem!" Rinig kong tikhim sa aking likuran. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Red Simon. Hindi ko napansin ang prisensya ng dumating ito. "Hi! Nandito kana pala, kanina kapa ba?" Nakangiti kong tanong, ngunit ang nakalukot ang mukha nito. Natawa naman ako ng lihim dahil alam kong nagseselos ito. "Oo, kanina pa. Kitang-kita nga ng dalawa kong malinaw na mga mata kung gaano kalaki yang mga ngiti mo sa labi habang kausap ang paksiw na ito. "Bye, Sir. Alis na po kami ng sundo ko." Paalam ko sa law professor namin na half pinoy pala. Lalo naman nag alburoto na parang bata si Red Simon dahil sa aking sinabi na SUNDO."Ano ba ang nangyayari saiyo ha? Para kang bata na inagawan ng candy." Naiinis na sabi ko dito."Tinatanong mo pa talaga ako? Sa kaniya ang laki ng ngiti mo. Samantala ako, sa tuwing magkausap tayo hindi ka manlang ngumingiti at palagi ka pang nakabulyaw sa akin. Nasaan naman ang hustisya don, asawa ko? Tapos, ang paalam mo pa sa mukhang paksiw na professor
Chyrll Maaga akong nagising, ngunit pakiramdam ko ay bigat na bigat ang katawan ko. Tinatamad akong bumangon, ganito talaga seguro kapag buntis. Nakaramdam ako ng pangangasim ng sikmura, nagmamadali akong bumangon at tumungo sa banyo. Duwal ako ng duwal na wala namang lumalabas na kinain namin kagabi. Naramdaman ko na lamang ang paghagod ng kamay ni Red sa aking likuran. "Okay ka lang ba misis ko?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Red, naramdaman pala niya ang pagbangon ko sa kama. Matamlay akong tumango sa kaniya ng aking ulo. "Segurado kaba? Gusto mong dalhin kita sa hospital?"Tanong pang muli nito? Umiling naman ako ng aking ulo. "Sabi ng doctor, normal lang na makaramdam ako ng ganitong sintomas sa umaga. Nahihilo lang ako at gusto ko ulit matulog, pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko." Sambit ko. Bigla namang umiwalas ang mukha nito. "Baka namimiss ng kabibe mo ang sea lion ko?" Nakangiti pa nitong sabi sa akin. "Red! Ang manyak mo talaga, masama na nga ang pakira
Red. "Congratulations! Mr Marcos. Five weeks pregnant na po ang asawa mo." Nakangiting wika ng babaeng pinay na doctor sa ob-gyn na pinuntahan nila ni Chyrll dito sa Cambridge Massachusetts ng makasalubong niya ito sa hallway ng Ob-gyn ng may dala dalang isang botle mineral water. Halos lumundag sa tuwa si Red namg kumpirmahin ng doctor na buntis nga ang kaniyang asawa. Tuwang-tuwa din naman ang babaeng doctor, at pinuring muli si Red bago ito pumasok sa loob ng room kung saan naghihintay din si Chyrll na nagpahinga ng saglit dahil nakaramdam ito ng kaunting hilo. Halos magkasunod lang na pumasok si Red at ang doktora. Masaya ding binalita ng doctor ang result kay Chyrll. Pinahigang muli ng doctor si Chyrll sa patient bed, upang iparinig sa mag-asawa ang pintig ng puso ng baby sa ultrasound machine. Kinuha ng doctor ang fetal doppler pagkatapos nitong pahiran ng gel ang tiyan ni Chyrll. Hindi maipaliwanag ng dalawa ang kasiyahan na nararamdaman nilang pareho ng marinig at ma
Chyrll. "Totoo po mama, magkakaroon na po kami ng little brother o little sister?" Masayang tanong ng aking bunsong anak. "Hindi pa ako segurado anak ko. Pupunta pa lamang kami ng iyong papa sa ob-gyne para magpa check up." Naka ngiti kong paliwanag, ginulo ko ang malago nitong buhok na kulot. Maagang nagising ang mga bata, at maaga din akong kinukulit ng mga ito dahil sa kanilang ama na maaga ding nagising upang ipamalita na nagdadalang tao ako, kahit hindi pa kami segurado. Pumasok din si mommy dito sa loob ng aking silid na sobrang saya din. "Mabuti naman anak, at okay na kayo ni Red Simon? Napakasaya ko na malaman at makita na nagkakamabutihan na kayo ngayon, na tinanggap mo na siya d'yan sa puso mo. At muling nanumbalik ang pagkagusto mo sa kanya." Ani ni mommy. Nangunot naman ang aking noo, dahil nagiging madrama ngayon si mommy. "Wala lang po akong choice mommy, kundi ang tanggapin na siya sa buhay ko. Kung hindi sa mga bata at sa paparating pang blessing kung saka
Hindi ako pinapansin ni Chyrll, tanging mga kaibigan kong hudas ang kinakausap nito, na tuwang-tuwa naman. At ako pa ang nautusan na ilaga ang balot. "Matagal paba 'yan maluto?" Tanong sa akin ni Chyrll ng pumasok ito sa kusina. "Saglit na lang ito misis ko. Limang minuto na lang maluluto na ito." Sagot kong nakangiti. "Kahit ngumiti kapa diyan, mukhang kanduli kapa rin sa paningin ko." Pagtataray parin nito sa akin. Hindi ko na nagugustuhan ang pagsusungit nito sa akin, kailangan ko na itong parusahan. Kinabig ko ito, at sinakop ng aking labi, ang labi nito. Pilit akong tinutulak nito sa dibdib, pero dahil ako si Red Simon Marcos. Hindi ako nagpatinag. "Oohh." Isang ngiti ang sumilay sa aking labi ng marinig ko ang ungol nito. Pinasok ko ang palad ko sa suot nitong pantulog, at sinalat ko ang hiyas nito. Hindi naman seguro papasok ang mga hudas dito sa kusina. At wala naman cctv dito. Gumapang pa ang isa kong kamay sa loob ng damit nito, habang magkasugpong parin ang labi namin
Red. Walang pagsidlan ang aking labis na nadarama ngayon. -Ngayon, hawak ko na ang isang basket na balot na inorder ng mga matatalik kong kaibigan sa online para sa aking pinakamamahal na asawa. Sana nga ay tama ang kutob nila na buntis na si Chyrll. Talagang ako na ang pinaka masayang lalaki sa balat ng lupa. "Dude, baka naman mapunit na yang bibig mo sa sobrang laki ng pagkakangiti mo." Turan ni Eutanes. Lalo naman lumaki ang aking pagkakangiti. " Ganito pala ang pakiramdam na malaman mo na buntis ang asawa, kahit hindi ko pa kumpirmado kung buntis nga siya." Sagot ko. "100%, dude. Buntis ang asawa mo. Hindi yan maghahanap ng werdong balot na lalaki ang sisiw kung hindi yang buntis," Ani naman ni Fucklers, nakikinig pala siya sa amin ni Eutanes. Tumango tango naman ako ng ulo sa kanila habang malaki ang aking pagkakangiti. "Kahit balot pa ng dragon ang ipahanap niya sa akin at bakla ang inakay nito ay maghahanap talaga ako, kahit libotin ko pa ang buong mundo, mapagbigyan k