Naku Red, may red tide seguro si Chyrll kaya nasabi noya na magkukulay pula ang tubig dagat.
Chyrll. "Hindi porke ikaw ang ina ng mga apo ko ay gusto na kita para sa anak ko." Ani ni Avvielle ng ipatawag ako nito pagkatapos kong magbanlaw ng ihagis ako ni Red sa dagat. "Mawalang galang na po, ha. Hindi naman po sa nagiging bastos ako saiyo. Ito lang din po ang sasabihin ko saiyo, hindi din po porket ikaw ang lola ng mga anak ko at INA ni Red Simon ay gusto na po kitang maging byenan." Sagot ko, at pinagdiinan ko pa ang salitang ina. Aba, hindi porke siya ang ina ni Red ay magpapaapi na ako sa kaniya. Sawa na ako sa maging mabait, wala naman akong ginagawa sa kanila ay gaganitohin na nila ako. "At ito lang ang sasabihin ko saiyo, mommy. Hangga't ako ang mahal ng anak mo, magtiis ka na ako ang asawa niya." Sabi ko pa. Ipagpapatuloy ko na ang nasimulan kona ang nasimulan kong pagpapanggap na asawa ni Red. Bahala siyang mangisay sa inis sa akin. "At talagang wala ka pang modo! Hindi mona ako ginalang bilang byenan mo, ang lakas ng loob mona sagot sagotin ako!" Gigil niton
Nagmumukha ako ngayon na hangin dito sa hapag. Hindi ko naman mapagalitan ang aking mga anak baka matakot sila sa akin, ayaw ko naman ng ganun. Total, ayaw akong pansinin ng ina ni Red. Ako na lamang ang papansin sa kanya. Pwes, tarayan niya ako sa harapan ng mga anak ko. Aalis kami ngayon din. "Mommy, ang sarap naman po ng mga pinaluto ninyo para sa amin. Lahat po ay paborito ko kaya nagustuhan ko po. Naku kapag ka ganiyan kayo palagi sa akin magkakasundo po tayo niyan mommy." Kausap ko sa ina ni red. Nagtataka naman si Red sa mga sinabi ko kaya, sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa dahilan ng pag ngiwi niya. "Diba asawa ko?" Nakangiti kong baling kay Red. "A, oo. Asawa ko. Paborito mo nga pala ang lahat ng iyan. Tsaka tama ka, tiyak na magkakasundo kayo ni mommy dahil pareho kayo nv hilig sa pagkain." Pagsang-ayon ni Red sa akin. Akala ko hindi niya ako sasakyan sa trip ko, humanda talaga siya sa akin mamaya. Ang ina naman ni Red ay pilit na ngumit sa akin. Halatang plastik. "Hin
Chyrll. Nakarating kami ng Polo Island. Ito ang unang beses na sumakay ng helicopter ang aking mga anak kaya nakaramdam sila ng takot na panandalian lang din naman dahil sa kanilang ama na nagbibugay sa kanila ng lakas at tapang ng loob. Pagbaba namin ng helicopter ni Red ay naka akbay agad ito sa akin. "Red Simon kapag hindi mo inalis yang kamay mo sa aking balikat, uuwi ka ng mansion ninyo na iisa na lang yang braso mo." Naiinis kong sita dito. Imbis na ang mga anak namin ang asikasuhin niya, ako itong ginugulo at binubuwisit. "Nariyan naman si Tonton at Sherely, hindi naman sila bibitawan ng dalawa." Katwiran nito sa akin. Kanina pa ako napipikon sa lalaking ito. Kaya, sa inis kong muli hinawakan ko kamay niya at pinilipit ko ito. "Aw, masakit asawa ko!" Nakangiwi na reklamo nito sa akin. "Masasaktan ka talaga sa akin Red Simon Marcos kapag hindi mo ako tinigilan sa pangungulit mo!" Inis kong sagot dito. Lumapit naman ang mga anak ko sa amin. At tumatawa na nakatingin
Chyrll. Isang buwan na ulit ang lumipas. Sa sunod na buwan na ang alis namin patungong Washington. Wala na rin nagawa si Red Simon ng si mommy na ang nakiusap sa kaniya... Mabilis ang pagbabago sa pamumuhay ng aking mga anak. Lalo na ang kanilang kalusugan, hindi parin sila sanay humarap sa ibang tao. Ngayon, nakiusap sa akin si Red Simon na bisitahin namin ang kaniyang ina sa Isla Polo nila Fucklers kung saan ito nila dinala upang magbago. Gusto daw makilala ng ginang ang kaniyang mga apo. Pinagbigyan ko na lang kahit labag sa aking loob. "Mama, sino po ang pupuntahan natin sa Isla?" Tanong sa akin ni Luigi. "Ang lola Avvielle mo, mommy ng papa ninyo." Nakangiti kong sagot sa aking anak. "Mabait po ba iyon? Hindi po ba iyon nanakit ng bata na katulad namin?" Tanong naman ni Adonis. Ngumiti naman ako sa kanila. " Sa totoo lang, wala na akong balita sa ina ni Red, kaya nagdadalawang isip ako kung paano ko sasagotin ang tanong ng aking anak na si Adonis. "Umm. Mga anak, hi
Chyrll. Dalawang araw na ang nakalipas, matapos ang pagligtas sa mga anak ko. Nasa kamay narin ng mga Police si Rochelle, patong patong na kaso ang nakahain sa kanya na dapat niyang pagbayaran. Si Carlyn ay ganun din, iniuwi na rin siya dito sa Pilipinas upang panagutin din sa pagkakasalang nagawa sa akin, lalo na sa mga anak ko. Hindi ko pinapahintulotan na kuhanan ng kahit na interview sa mga media ang pang yayari dahil ayaw kong ma expose sa madla ang mga anak ko dahil may trauma sila. Unti unti man nilang natatanggap ang sitwasyon nila ngayon ay mas gusto ko parin ang katahimikan sa kanila. ___✂️ "Hindi namin alam na may pinagdadaanan ka pala kapatid. Bakit hindi mo sa amin sinabi?" May himutok na ani ni Issa. "Oo nga kapatid, kung hindi pa namin napanuod sa tv, hindi pa namin malalaman. Sana nadamayan ka namin." Saad naman ni Aria. Si Marian lang ang wala dito dahil nasa Paris pa ito dahil sa kaniyang pag momodelo. "Alam ninyo naman na ayaw ko ng gambalain pa kayo da
Pinagpahainga ko na ang mga anak ko, pagkatapos ko silang paliguan at bihisan at pakainin. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na sila, nahahawakan at nayayakap, nakakausap. Marami silang sugat na naghilom na sa katawan nila tanda na grabe ang dinanas nila sa kamay ng mag-ina. Tumutulo ang aking luha habang sinasabon ko ang kanilang madungis na katawan. Hindi ko imagine na habang sinasaktan sila ay nagmamakaawa sila at humihingi ng saklolo. Gusto ko ng magpahinga dahil sobra na akong napapagod, pagod ako sa lahat ang buong pagkatao ko. Nagpapasalamat parin ako dahil hindi ako pinabayaan ng panginoon sa aking mga pagsubok.. Bago umalis sila Red dito sa Mansion ay sinabi sa amin na hawak na ng mga kapulisan ang mga magulang ni Lance, dahil sangkot din ang mga ito sa mga katarantaduhan ng kanilang anak. ••• Kinabukasan ay maaga parin ako nagising kahit paumaga narin ako nakatulog. Gusto kong ipaghanda ng masarap na agahan ang mga anak ko. Gusto kong iparanas sa kanila kung ano
Chyrll. Nandito na kami ngayon sa Mansion ni Daddy. Hindi parin ako kinikibo ng mga bata simula ng dumating kami dito. Pinatawag ni Daddy ang family doctor namin na si Tito Henry na ama ni Szarina. Gusto kong patingnan ang mga anak ko kung maayos lang ba sila dahil nararamdaman ko na nagkaroon sila ng trauma. Si Rochelle ay pinaghahanap na ng mga awtoridad, pinaanunsyo na ni Daddy sa buong Pilipinas kaya hindi na rin siya makakaalis pa ng bansa upang magtago. Nagbigay narin kami ng award. At napag-alaman pa namin na matagal na silang kaalyado ni Lance Morales na isang leader ng mafia. Dahil biglaan ang pangyayari na pagsugod sa kuta nila ay hindi na kami nagawa pang tulongan ng organization nila Tito Juanito. Galit ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong maghiganti sa lahat ng ginawa nila sa akin, ngunit may batas na dapat sundin. Kaya, ibibigay ko na sa kanila kung ano ang nararapat na parusa sa mag-ina. "Senyorita, nasa labas parin po ng mansion si Sir Poge. Gusto ka daw pon
Chyrll. "Red! Sa likod mo!" Sigaw ko ng makita kong may isang kalaban na lumitaw. Mabilis ang pagkilos ni Red, bumagsak ang lalaki sa sahig na wala ng buhay. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan. Dumiritso kami ng takbo sa pangalawang palapag. Lahat ng kwarto ay binubuksan ni Red habang na kaniyang likuran lang ako. Iisa na lang na silid ang hindi nabubuksan. Hindi ito mabuksan kaya, sinipa niya ito, at ganun na lamang ang gulat ko, naka gapos ang mga anak ko. At nakatutok ang baril ni Lance sa kanila. "Huwag kayong lalapit, sabog ang bungo ng mga batang 'to!" Galit na sigaw sa amin ni Lance Morales ng sipain ni Red Simon ang pinto. Naninikip na ang dibdib ko, bumabalong na ang mga luha ko, sa aking mga mata. Wala akong magawa. Takot na takot ang mga anak ko. "Nakikiusap ako saiyo, Lance. Huwag ang mga anak ko! Ibigay mona sila sa akin, please! Ano ba ang ginawa ko saiyo?" Nakikiusap kong sabi. "Anak? Anak mo kami? Tanong sa akin ng anak kong lalaki na namana sa akin ang buh
Red. Gusto kong sugurin ang pinagkukutaan nila Lance Morales ng makita ko ang kalagayan ng mga bata, kung hindi lang ako pinigilan ng aking mga kaibigan. Galit na galit ako sa aking sarili, dahil ramdam na ramdam ko sa aking puso na ako ang ama nila. Lukso ng dugo ang nararamdaman ko kahit cctv ko lang sila nakita. Halos madurog ang puso ko, na nasa ganun silang kalagayan. Hindi ko alam na habang nagpapakasaya ako may mga anak na pala akong napapabayaan na hindi ko alam. Gusto kong basagin ang mukha ni Lance. Gusto kong madurog ang buto niya sa mga kamay ko hanggang sa malagutan siya ng hininga. "Dude, dito ka lang, samahan mona lang dito si Chyrll. Kami na ang bahala sa pagligtas sa mga bata. Hindi namin hahayaan na makatakas sa amin ang hayop na Lance na iyan." Kausap sa akin ni Eutanes. "Sasama ako, gusto kong ako ang dudurog sa mukha ng hayop na yon!" Galit kong sagot. "Dude, tama si Eutanes. Samahan mona lang si Chyrll dito, at ipakita mona lang sa kanya ang mga anak n