“Kumusta naman ang trabaho mo?”
Hinubad niya ang suot na heels at pumasok na sa loob ng bahay. Medyo sumakit ang paa niya kalalakad sa buong classroom. Dalawang section pa naman ang tinuruan niya kanina dahil ang guwapo niyang kasama ay hindi nagpakita. Tapos ang sabi pa naman ng Kapitan nila ay hati sila sa suweldo no’ng lalaking `yon at hindi man lang nagpakitavsa unang araw ng klase. Unfair naman yata ‘yon.Huminga siya nang malalim nang mahubad na niya ang heels. Mas mabuting doll shoes na lang ang gamitin niya bukas, kahit pa magmukha siyang hindi teacher sa height niya. Wala naman siyang pakialam do’n, as long as hindi mabawasan ang sahod niya. May kahati na nga siya eh.Nakangiti pa ang Mama niya nang salubungin siya nito. Kinuha nito ang kaniyang bag.“Ayos naman, `Ma. Ang cute ng mga bata,” sagot niya nang makaupo sa sofa.Mas maayos sana kung nagpakita man lang ang lalaking ‘yon. Baka hindi sumakit ng sobra ang paa niya. Kasalanan talaga lahat ng lalaking ‘yon kung bakit naging miserable ang araw niya.Kumalma ka, Ella. Kumalma ka. Baka may importante na lakad ang lalaking ‘yon kaya hindi nakapasok.Sa TV agad dumapo ang mga mata niya, nanonood na naman pala ang Mama niya ng Korean drama. Kung Korean drama ang pag-uusapan, ang Mama na niya ang panalo. Halos iiyak yata ang araw kapag hindi makapanood ang Mama niya. Bumalik yata sa pagka-teenager.Pero at least, panatag na siya. Mukhang nakapag-adjust na rin ang Mama niya. Panatag na ang loob niya na kaya na ng Mama niyang harapin ang buhay na hindi kasama ang Papa niya.Medyo matagal na rin naman ang panahon na `yon. Pero hindi ganoon kadali ang lahat, hindi madaling lumimot. Gaya ng nangyari sa kaniya. Hindi madaling gamutin ang puso na hindi normal ang sugat. Kung sana may band-aid para sa puso, bumili na sana siya.Biglang may dumaan na amoy sa ilong niya. Hindi nga lang niya matukoy kung ano. Kahit anong gawin niyang hindi pagpansin sa amoy ay mas lalo lamang naaamoy niya ng tudo iyon. Pero nang tingnan niya ang Mama niya ay nasa TV pa rin ang pansin nito.“`Ma?” tawag niya sa Mama niya na hindi man lang nag-abalang lumingon. “May naaamoy po ba kayo?”“Yes, `yong paa mo. Medyo mabaho.”Napaismid siya. Ang paa pa talaga niya ang napansin nito. Namamaga na nga iyon, nadamay pa talaga. “Ibang amoy kasi, `Ma. May niluluto po ba kayo?”Natigilan ang Mama niya at nilingon siya. Nanlaki ang mga mata nito. Ibinuka nito ang bibig pero walang salitang lumabas. Lumunok ito ng laway. “`Yong sinaing ko! Nasusunog na yata!”Napailing na lang siya. May niluluto naman pala tapos dinamay pa ang kawawang paa niya.Ayan, Korean drama pa more, natatawang bulong niya sa isip.***MAAGA na naman siyang nagising. Siya na ang nagluto ng agahan dahil kahit anong gising niya sa Mama niya ay panay hilik pa rin ito. Nagsaing na siya at nagluto na rin ng ulam bago siya nagpasiyang maligo makalipas ang ilang minuto.Nang dalawin niya muli ang Mama niya sa kuwarto ay natutulog pa rin ito. Muli na naman niya itong ginising pero naka-silent mode pa rin. Mukhang puyat yata, baka tinapos na naman nito ang sinusubaybayan nitong series. Iba talaga ang epekto niyon sa Mama niya.Pero sana lahat, pinagpupuyatan.Noong nasa college siya, na-addict din naman siya sa ganiyan pero hindi umabot sa puntong magpupuyat siya. Ang suwerte naman yata ng mga Korean actor kung pagpupuyutan niya pa talaga.Agad siyang napailing. Dapat pala sa mga Korean actor na lang siya nagpuyat. Baka may silbi pa ang mga gabing hindi siya natulog. Maling tao kasi ang pinagpuyatan niya noon. Maling-mali pala talaga siya.Matapos niyang kunin ang tuwalya ay agad na siyang pumasok sa banyo at naligo.Minsan talaga, may mga bagay na saka na lang natin malalaman na mali pala kung tapos na nating gawin. May mga bagay na dapat muna nating pagdaanan bago natin malaman kung karapat-dapat ba o hindi. Ayos din eh, `no? Kailangan muna nating masaktan bago malaman kung para sa atin ba talaga ang taong iyon o hindi.Sabagay, mas mabuti na rin na maranasan. Kaysa sa pagsisihan kung bakit hindi natin ginawa.“Mama!” tawag niya sa Mama niya. “Pahingi po ng shampoo, nakalimutan kong magdala!”***“BALITA ko, ang pogi raw ng kasama mo sa trabaho.” Kinindatan pa siya ng Mama niya.Natigil ang pagsubo niya nang ngumiti ang Mama niya nang nakaloloko. Hindi siya sigurado kung ang teacher ba na lalaki ang tinutukoy ng Mama niya na sumira sa araw niya kahapon. Mukhang magsisimula na naman ang Mama niya.“Ay, opo,” masigla niyang sagot at tumugon sa ngiti nito. Pero bago siya sumagot ay inihatid muna niya ang kutsara sa bibig. “Ang pogi po ni Kuya Marlon, malinis na malinis ang classroom ko.”Biglang nawala ang ngiti ng Mama niya. Mas mabuti ng unahan na ito. Si Kuya Marlon ay iyong janitor ng Baranggay Hall. Dalawang palapag kasi ang Baranggay Hall nila. Ang nasa ikalawang palapag ay naroon ang opisina ng Kapitan at ang mga nagtatrabaho sa baranggay nila. At sa unang palapag ay naroon ang dalawang classroom para sa Day Care.Nasapo ng Mama niya ang noo nito. “Hindi si Marlon ang tinutukoy ko.”“Eh, sino po ba? Si Kuya Marlon lang naman ang guwapo sa Baranggay Hall eh.” Siya naman ang kumindat. “Kahit pa pumunta ka sa Baranggay Hall, baka sabihin mo pang sinungaling ako eh.”Gusto niyang matawa sa inaakto ng Mama niya. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain at tinusok sa tinidor ang isang hotdog na medyo sunog. Siya na lang ang kakain nito, total siya rin naman ang nagluto.Kaya nga hindi siya pumasok sa mga kurso na may kinalaman sa pagluluto kasi mukhang sa pagkain lang siya may talent. Hindi talaga magkasundo ang kamay niya at ang sandok. Hindi niya alam kung bakit. Baka siguro sa pagkain lang talaga siya magaling.“Pumunta kasi rito si Kapitan kahapon,” panimula ng Mama niya, “ang sabi pa ni Kap ang pogi raw ng kasama mong teacher.”Ah, bulong niya. Sino pa nga ulit iyon?“Ah, ‘yong teacher ba? Hindi ko namukhaan eh,” aniya upang tigilan na siya ng Mama niya. Baka kasi kung saan na naman mapunta itong pag-uusap nila.Sinulyapan niya ang wall clock na malapit sa may bintana nila. May isang oras pa pala siya upang maghanda ng mga dadalhin niya. Mabuti na lang talaga at maaga siyang nagising kanina.“Pogi ba, anak?”“Hindi ko nga po namukhaan—”“Grabe naman, pumikit ka lang ba kahapon? Paanong hindi mo namukhaan? Ano bang pangalan no’n? Baka kilala ko.”Sabi na nga ba.Hindi talaga siya nito titigilan. Nagmadali na lang siya sa pagkain upang makaalis na. Pero hindi nagbaba ng tingin ang Mama niya at mukhang hinihintay ang tugon niya.“Hindi ko nga po namukhaan kasi hindi naman pumasok ‘yon kahapon.” Nagpakawala siya ng malakas na hininga at kinuha na ang plato niya na wala ng laman. “Oh, ano? Okay na?”“Anong pangalan nga!”Hindi na niya sinagot ang Mama niya at iniwan itong hindi pa tapos sa pagkain. Wala rin naman siyang maisasagot dahil hindi naman niya alam ang pangalan ng binata.***“Good morning, Teacher Ell!”Tatlong bata ang kaniyang nadatnan na may hawak na walis at nililinis ang buong silid. Aba, kung ganito lang palagi ang madadatnan niya, walang rason na magalit siya sa mga bata.Noong Elementary siya hanggang sumabak sa High School ay palagi silang napapagalitan ng kanilang class adviser. Iba kasi kapag sa public nag-aral, walang janitor o maintenance na maglilinis ng bawat classroom. Sila mismo ang naglilinis, sa umaga, sa tanghali, at sa uwian.Gano’n palagi ang routine nila. Maglinis kapag bagong dating, maglinis pagkatapos kumain, at malinis kapag uuwi na. At kapag hindi nagawa, may magiging dragona.“Good morning, girls,” bati niya rin sa mga bata at inilapag sa mesa niya ang dala niyang bag. “Ang aga niyo yata ah?”“Yes po, Teacher Ell. Sumabay po kasi ako sa Mommy ko,” sagot sa kaniya ng isang bata habang patuloy pa rin sa pagwawalis.“Me too, Teacher.”“Same here,” sagot din naman ng isa.Mayayaman ang mga batang tinuturuan niya. Pero nakabibilib lang na sa Day Care Center ng baranggay nila pinapasok ang mga bata. Sa panahon niya kasi noon, kapag mayaman, sa private dapat. Ganoon talaga ang pag-intindi niya noong bata pa siya. Pero depende pala iyon sa mga magulang.“How about you, Teacher? Bakit po maaga kayo?” Natapos na pala ang paglilinis ng mga bata at kasalukuyang nakatingin na sa kaniya ang tatlong bata.“Ah,” aniya at nag-isip ng rason. Bakit nga ba maaga siya? Ngumiti siya sa mga bata. “Dapat ba may rason?”Sabay na nagtawanan ang mga bata dahil sa sagot niya. “Well, we’re just asking,” sabay na sagot ng mga estudyante niya.Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga bata. Ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang klase niya.Nagpasiya siyang lumabas upang tingnan kung dumating na ba ang guro sa kabilang classroom. Hindi niya alam kung anong dahilan nito at hindi ito pumasok kahapon. Kung hindi na naman ito papasok, ililipat na lang muna niya ang mga estudyante nito sa klase niya ngayon.Paglabas niya ay nakita niya ang lalaki na naglalakad patungo sa puwesto niya. Pasuray-suray pa ito at parang hindi alam kung saan dapat patungo. Hindi siya nakagalaw, nanatili siyang nakatingin sa binata na parang nasa impluwensiya ng alak.Pumasok ba naman ng lasing.Narinig niya si Kuya Marlon na tinawag ang pangalan ng lalaki.“Nako!” ulit pa ni Kuya Marlon na nasa tabi na pala niya. “Si Sir Rafael yata `yan!”Agad nitong nilapitan ang lalaki at iginiya papauwi. Ano bang pumasok sa isip nito at pumasok ba naman ng lasing.Napailing na lang siya at tinahak ang classroom ng lalaki. Mukhang sa kaniya na naman ang mga estudyante nito.“Bakit hindi na lang ako?” sigaw pa ni Rafael habang akay ni Kuya Marlon.6 years later“That’s mine! Give it back to me!”Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya. Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak n
“You may now kiss the bride.”Hindi mapigilan ni Ella Jane ang ngumiti nang marinig ang mga katagang iyon. Ang pagngiti na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nasa ngiti na niya ang mga salitang nais niyang sambitin sa mga oras na ito.Sa wakas ay dumating na ang hinihintay niyang araw na isa na siyang ganap na bahagi ng buhay ni Rafael. Natupad na rin ang isang hiling niya. Hindi man niya maisalarawang mabuti kung gaano siya kasaya ngayon pero alam niya sa sarili niya na ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Mas lalong hindi niya maisalarawan kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga labi nila ng asawa. Ang alam lang niya, hindi niya narinig nang maayos ang sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Rafael. Wala siyang ibang narinig kun’di ang malakas na tibok ng kaniyang puso at ang pagsigaw ng luha niya na gusto na naman ulit na tumulo.Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit ni R
1 year later“Ito naman si Kapitan,” nakangiting wika ni Ella Jane habang hawak ang invitation card na inaabot niya sa Baranggay Captain nila. “Siyempre hindi ka po namin makakalimutan.”Lumapit sa kaniya si Rafael at inakbayan siya. Nakangiti ito nang sulyapan niya at kinindatan pa ang Kapitan nila.“Ano, Kap? Bilib ka na ba?” Nagpaguwapo pa ito sa harap ng Kapitan at sinuklay ang buhok na para bang may pinabibiliban.Palihim niya itong kinurot sa tagiliran pero hindi man lang siya nito pinansin.“Sabi sa’yo, Kap eh. Bakit ayaw mo kasing maniwala na kaya kong bingwitin ‘tong pinakamagandang guro sa baranggay natin.” Lumayo ito sa kaniya at pinaharap siya rito. “Kita mo na? Pakakasalan pa ‘ko.”“Hay nako, Kap—” aangal pa sana siya pero parang walang narinig ang dalawa.“At alam mo ba, Kap? In love na in love si Ella Jane sa’kin. Hindi ‘to pumapayag kapag hindi nakikita ang kaguwapohan ko.”Napailing na lang siya at lumayo sa dalawang lalaki na parang mga ewan.Mabilis na lumipas ang i
“Can’t you forgive me?”Lihim na napangiti si Ella Jane sa tanong ni Rafael. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tanong na ni Rafael iyon. Lima? Anim? Pito? O baka lang-sampu na. Hindi siya sigurado. Nakanguso pa itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang kamay niya na hinahalikan nito. Seryoso talaga itong hinihingi ang kapatawaran niya kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan sa kaniya. Gusto niya tuloy na tuksuhin pa ito at umaktong hindi niya talaga mapapatawad.Naiinis siya sa sarili niya. Nagsayang lang tuloy siya ng luha sa walang kuwentang dahilan. Tama pala ang Mama niya, sana nagtanong muna siya kay Rafael bago mag-emote. Edi sana, hindi mugto ang mga mata niya tulad ngayon.“Hindi,” sagot niya kay Rafael at iniwas ang mga mata. Baka mabasa ni Rafael na nag-iinarte lang siya kahit nag-iinarte lang naman talaga. Hindi naman niya kayang magalit kay Rafael lalo na kapag nagpapa-cute ito.“Bakit? Are you still mad?”Umismid siya at seneryoso ang pag-akting niya. San
BINIGYAN si Ella Jane ng tubig ng kaniyang Mama pagkatapos siyang pinaupo nito. Halos lumampas din ng ilang minuto ang pag-iyak niya habang yakap siya ng kaniyang Mama. Akala niya kasi talaga kaya niyang hindi ilabas ang lahat pero nang yakapin siya ng kaniyang Mama ay doon niya nalaman na hindi pala talaga siya ganoon kalakas.Nawawala talaga ang lakas na inipon niya kapag ang Mama na niya ang nagtanong. Her Mom is her weakness. Alam naman niyang hindi talaga siya malakas pero pinipilit niya. Lahat naman ng tao ay may kahinaan, pati rin siya. Lahat ng tao maaaring umiyak kapag hindi kaya, ganoon din siya. Hindi niya nakaya nang malaman niya ang ginawa ni Rafael sa kaniya, hindi niya kayang tanggapin. Ngayon talaga, ang hirap nang alamin kung ano ang totoo at hindi. Ang hirap nang alamin kung sino ang nagkukunwari at sinong hindi. Ang hirap malaman kung peke ba ang kaharap o hindi. Sana may bagay na maimbento upang malaman kung kasinungalingan ba ang sinasabi ng tao o nagsasabi ito
TANGING cellphone lang ang nadala ni Ella Jane nang umalis siya sa bahay ng nobyo niya. Nobyo niya ba talaga si Rafael o naging nobyo lang niya ang lalaki dahil gusto nitong makuha ang brand new car at brand new nitong relo.Inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. Dinama niya ang isinisigaw ng puso niya. Sumisigaw ito ng tama na dahil hindi na nito kaya. Bakit hindi pa rin siya nadala? Bakit sumubok pa rin siya? Hindi pa ba siya natuto nang iwanan siya ng una niyang nobyo? Mas magaan pa nga iyon para sa kaniya dahil tao ang ipinalit nito sa kaniya. Pero si Rafael? Bagay lang! Bagay na nasisira pa.Pinaglalaruan lang siya nito. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Mas pinili nito ang sasakyan at relo kumpara sa kaniya. Nasaan na ang sinabi nitong mahal siya nito? Mahal? Hindi naman totoo ang salitang ‘yon eh. Kasi kung totoo ‘yon, bakit nasasaktan ako? Bakit dalawang beses pa talaga akong naloko?Tumalikod siya upang ang likod naman ang ilapat. Kahit anong gawin niyang pagkausa