Share

Chapter 5

“Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.

Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?

Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.

Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.

Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.

Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.

Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang kasama niya. Kumindat ito sa kaniya at sinamahan ng ngiti. Umiwas siya ng tingin sa lalaki.

“Wala lang po, curious lang,” pagdadahilan niya.

Sabagay, totoo namang curious siya. Bakit? Mali bang maging curious sa kasamahan sa trabaho? Wala namang ibang meaning no’n eh. Gusto lang talaga niyang malaman.

Ngumiti ito at itinaas-baba pa ang kilay. “Aba, mukhang may naaamoy ako. Baka ibang curious na ‘yan. Magsabi ka lang, tutulungan kita. Medyo close kami niyan ni Rafael. Madali lang iyang kausap.”

Nakitawa na lang din siya kahit gusto niyang sapakin ang kaharap. Mag-isip ba naman ng ganoon, ni hindi nga iyan pumasok sa isip niya. “Hay nako, kung ano-ano na naman ‘yang naiisip mo, Kuya. Curious lang po talaga ako, okay? Walang ibang meaning. Kayo po talaga, nag-iisip agad ng ganiyan.”

“Asus,” anito at humagikhik. Sumubo muna ito bago siya muling hinarap. “Ganiyan din ako no’ng una kong nakita ang Ate Mia mo. Ang ganda kasi nito noong suot nito ang isang mahabang puting saya at may rosas pa sa may bandang tainga. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko, palagi akong nagtatanong tungkol sa kaniya. Minsan nga tinanong ko na mismo ang Mama ng Ate Mia mo. Mabuti na lang talaga, tanggap ako ng Mama niya kahit ganito lang ako.

“Pero mabalik tayo sa tanong mo, anong mayroon kay Rafael?” Hinawakan nito ang nguso at kunwari ay nag-isip. “Maliban sa mabait ang batang ‘yan ay wala na akong ibang masabi. Magaling din ‘yang guro gaya nang palagi kong naririnig na chismis at hinahangaan din si Rafael sa paraalan na pinapasukan niya. Iyon nga lang, hindi mabait ang mga taong nakapalibot sa kaniya.”

Nilingon na naman niya si Kuya Marlon nang hindi na nito tinuloy ang kuwento. Mukha kasing mas mahaba pa ang ginawa nitong kuwento tungkol sa asawa nito kumpara sa buhay ni Rafael.

Naubos na pala ang kinakain nito kaya tumayo na ito upang hugasan ang platong ginamit.

“What do you mean, Kuya?” tanong niya. Ayaw pa naman niyang nabibitin kapag kuwento ang pinag-uusapan.

“Give me coins to unlock the next chapter.”

MAAGA natapos ang klase niya sa mga bata. Pero nang tingnan niya ang kabilang classroom ay patuloy pa rin sa pagtuturo ang kasama niyang guro. Mabuti naman at pumasok na, akala pa naman niya ay hindi na naman ito papasok. Mas matino na ito kumpara kahapon na sigaw nang sigaw dahil hindi ito ang pinili.

Naisip niya na mas matino pa pala siya noong siya ang iniwan, hindi niya nagawang sumigaw at nagtanong kung bakit siya iniwan. Hindi rin naman siya pinili pero hindi siya sumigaw. May kunting hiya pa rin naman siyang itinira sa sarili.

Kahit pa siguro iwanan ulit siya ng isang lalaki ay hindi pa rin siya sisigaw. Ang suwerte naman yata kung isisigaw pa niya talaga. Ayaw niya ring maging bida sa chismis.

Pero kahit anong gawin natin, may mga tanong pa rin talaga na hindi kayang sagutin. Kahit pa siguro ang pinakamatalinong tao sa balat ng lupa ay hindi kayang ibigay ang sagot na hinihingi natin. Dahil nakatadhana na iyon na mananatiling lihim.

Naisip niya rin na baka naging lihim iyon upang maiwasan tayong masaktan. Baka ang mga sagot na iyon ay isa pa lang matalim na bagay at sasaktan tayo nang paulit-ulit. Baka nga ay iyon pa ang maging dahilan kung bakit tayo mamamatay.

Huminga siya nang malalim at tumalikod na upang bumalik na sa mesa nang halos muntikan na siyang matumba. Ngumisi pa ang ginang na naging dahilan kung bakit siya nagulat.

“Silip-silip ha? Bakit hindi mo kausapin?” tanong nito sa kaniya. Isa yata ito sa Mama ng mga estudyante niya. “Mahirap pa naman kung panay sulyap lang. Hindi maganda sa health ‘yan.”

“Ay, hindi po.” Nagsenyas pa siya na mali ang iniisip nito. “Tiningnan ko lang kung tapos na ba ang klase niya.”

Ngumisi ulit ito na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya. Nagkibit-balikat siya at naglakad papunta sa mesa niya. Kukunin na lang niya ang bag at nang makauwi na siya. Marami pa naman siyang dapat tapusin. Gagawa pa siya ng mga illustration para sa klase niya bukas. Pero biglang nagsalita ang ginang.

“Alam mo,” ulit nito kaya muli siyang lumingon. Hindi ito nakatingin sa kaniya pero base pa lang sa boses nito ay parang seryoso na. “Magaling na elementary teacher iyang si Rafael. Wala ka talagang mahanap na bad records sa batang iyan. Paborito rin si Rafael ng mga estudyante kasi sobrang bait at patas sa lahat. Pero...”

Humakbang siya papalapit sa ginang. Gusto niyang marinig lahat ng sasabihin nito. “Pero, bakit po?”

“Pero hindi naging patas sa binata ang tadhana.” Nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga.

“Paanong hindi po naging patas? May masama po bang nangyari?”

Hinarap siya ng ginang at ngumiti ng pilit. Hindi nga abot sa mga mata nito ang ngiti. “Ikaw ba, Ella, naging patas ba sa iyo ang pag-ibig?”

Tila hindi niya maibuka ang bibig upang sagutin ang tanong ng ginang. Hindi niya kayang sabihin na hindi naging patas sa kaniya ang pag-ibig. Pero hindi naman siguro basehan ang isang relasiyon upang masabi kung patas ba o hindi. Siguro hindi lang talaga para sa kaniya si Kenneth. Siguro may nakalaan na para talaga sa kaniya.

May iba nga na unlimited ang paghahanap ng katipan. May ginagawa pa nga searching sa internet. Ginawa na ng lahat ang paghahanap upang makita lang ang taong nakalaan para sa kanila.

Sinalubong niya ang mga mata ng ginang. Walang emosiyon na mababakas sa mata nito. Kahit maganda ang kulay brown nitong mga mata pero hindi iyon nakangiti.

“Kung pag-ibig ang pag-uusapan, kawawa ang resulta sa huling pakikipagrelasiyon ni Rafael. Open book iyon sa lahat, lalo na sa mga taong kilala si Rafael at ang nobya nito. Akala talaga ng lahat ay mauuwi ang dalawa sa simbahan. Akala ng lahat na makaririnig sila ng tunog ng kampana. Pero...” Natahimik na naman ito at muling pinagmasdan si Rafael na patuloy pa rin sa pagtuturo. “Oo, sa simbahan nga ang bagsak pero iniwan si Rafael. Ganoon kasaklap, Ella.”

Halos nahirapan siyang intindihin kahit ang dali lang naman. Iisa lang ang ibig sabihin no’n pero hindi kayang pasukin ng utak niya.

“Ibig niyo po bang sabihin na iniwan si Rafael ng girlfriend niya?”

Tumango ito. “Sa mismong araw ng kasal nila.”

Mas lalong lumaki ang mata niya.

Kaya pala, bulong niya. Kaya pala halos nahihirapan si Rafael. Mas masakit pala ang nangyari sa lalaki.

“Pero, bakit?”

“Nakahanap ng Amerikano eh. Alam mo ba iyong four M?” tumatawa nitong tanong.

Umiling siya. “Hindi po eh.”

“Matandang mayaman, madaling mamatay.” Muli itong humalakhak. “Gano’n siguro talaga kapag mukhang pera.”

Huminga siya nang malalim at tumayo na. Sapat na siguro ang tatlumpong minuto na paghihintay niya.

Hawak niya ang cellphone na linisan ang lugar na iyon.

Ang pag-alis ni Kenneth ang gusto niya sanang pag-usapan nila. Papayag na lang siya na umalis ito total mas importante ang gagawin ng nobyo niya roon. Para din naman ito sa kinabukasan ng lalaki. Sino ba naman siya upang pigilan ito? Sino ba naman siya upang harangan ito sa mga plano nito sa buhay?

Nobya lang siya. Nobya lang siya ni Kenneth.

Biglang tumunog ang cellphone niya, senyales na may nagpadala sa kaniya ng mensahe sa messenger. Tumigil siya sa paghakbang at binuksan ang cellphone upang tingnan kung sino ang nag-message.

Baka si Kenneth na 'to, masigla niyang bulong sa sarili.

Pero biglang tumigil ang oras at natigilan din siya sa nakita. Hindi kayang bumukas ng bibig niya at hindi niya magawang pumikit upang hindi makita ang laman ng mensahe.

Bakit ganoon? Bakit ang sakit? Bakit magkasama sila? Bakit kailangan na nakaakbay pa?

Maraming tanong ang dumagsa sa utak niya na hindi niya kayang sagutin. Maraming masasakit na tanong ang nagtakbuhan sa isip niya na tanging si Kenneth lang ang makasasagot.

Biglang tumunog na naman ang cellphone niya at ang kapatid pa rin ni Kenneth ang nagpadala.

"Nasa airport na kami, Ate Ella. Kuya Kenneth told me na isekreto ang lahat ng ito but I can't. I can't betrayed you," pagbasa niya sa mensahe.

Agad niyang ipinasok sa bulsa ang cellphone at tinakbo niya ang daan. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin sa mga panahon na iyon. Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang manampal.

Matatanggap naman niya ang lahat pero huwag namang ganito. Kaya niyang tanggapin kung nais man siyang saktan ng nobyo niya pero huwag namang ganito. Huwag namang best friend pa niya ang ipalit nito! Huwag naman gano'n!

Hindi niya alam kung ano ang sumunod na nangyari. Bigla na lang nagkaroon ng sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyan at nakahiga na siya sa mainit na kalsada.

“Iyon din ang isang dahilan kung bakit hindi na bumalik si Rafael sa paaralan na pinagtatrabahuan nito. Walang nakaaalam kung nasaan na ang babae na ‘yon, pero ayaw pa ring bumalik ni Rafael sa trabaho. Baka siguro–”

“Ayaw ni Rafael na maalala ang girlfriend niya?” tanong niya.

“Baka.”

Katulad ko pala siya, mahina niyang bulong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status