Share

Epilogue

6 years later

“That’s mine! Give it back to me!”

Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.

“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.

Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya.

Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.

Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.

“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status