Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n
Tumabi sa kaniya si Melonie na halos hindi maipinta ang mukha. Padabog pa nitong inilapag ang bag kasama ang Physical Education uniform nito. Pinagmasdan niya itong pagalit na binuksan ang hawak nitong junk food.“Ayos ka lang?” tanong niya at ipinasok ang cellphone sa bulsa ng uniform. “Bad mood?”Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. “Sobra. Akalain mong iba pala ang crush ng crush ko.” “Ano naman ngayon kung iba ang crush niya?”“'Wag mo kong kausapin kung hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon ko.” Hinawakan nito ang dibdib at binitawan ang junk food. “Masakit sa dibdib, Ella. I can’t accept the fact—”“Na wala kang dibdib.”Natigil ito sa pagdadrama at tiningnan siya nang masama. Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito na para bang katapusan na ng mundo.Totoo naman na wala itong pakialam kung iba ang gusto ng crush nito. Hindi nito hawak ang puso ng lalaking ‘yon. At totoo rin naman na wala talaga itong dibdib. Kahit anong gawin niyang pagtitig ay wala talaga siyang makita
HAHAWAKAN na sana ni Ella Jane ang baso nang biglang narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napatayo siya at hinarap si Rafael na may hawak ng kaniyang cellphone. Kampante pa itong tiningnan ang screen at pinindot iyon. Narinig niya ang boses ng kaniyang Mama.Hinablot niya iyon at lumayo kay Rafael.Loko! Ano kayang balak ng lalaking ‘yon?“Hello, ‘Ma?” Halos hindi niya marinig ang boses ng kaniyang Mama sa sobrang pagkabog ng puso niya. Hindi lang naman siya umuwi kagabi, siguradong puputak ang kaniyang ina.Ano naman din kasing pumasok sa isip niya? Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat! Kasi kung hindi ito gumawa ng kahina-hinala, hindi naman niya susundan ang lalaki. At hindi rin siya makararating sa bar kung hindi niya ito sinundan. Si Rafael talaga ang may kasalanan.Nilingon niya ang lalaki nang makalabas na siya sa pinto. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa Mama niya ang lahat. Hindi niya alam kung anong kasinungalingan ang gagamitin niya ngayon. Ayaw niyang mala
UMUWI si Ella Jane na naging artista. Daig pa niya ang nag-audition na bigla agad natanggap at hindi pa magawang i-acting ng tama ang lines nito. Pero sa sitwasiyon niya nang makauwi siya sa bahay nila ay siya na ang naging writer, siya pa ang artista.Hindi niya alam kung effective ba ang pag-acting niya o uma-acting lang din ang Mama niya na niniwala sa mga sinasabi niya. Naalala niya tuloy ang mga pagsasadula niya noon sa High School, bagsak siya dahil ang pangit ng pag-acting niya.Hinampas niya sa mukha ang hawak niyang unan. Patay na talaga siya, palpak pa naman siya sa ganito.Isang oras na yata siya na nasa loob ng kuwarto. Mula nang nakauwi siya sa bahay ay hindi na siya lumabas. Ayaw niyang magsinungaling na naman na masama ang pakiramdam niya.Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat.Pero kahit anong gawin niyang pagsisi sa binata ay hindi na naman nito mababago ang lahat. Ano pang silbi no’n? Isa pa, siguro nasarapan naman din naman siya sa ginawa nila.Muli siyang napaungol
“Nandiyan na si Teacher Ell!”Napakunot ang noo ni Ella Jane nang marinig ang malakas na sigaw ng isa niyang estudyante nang papalapit na siya sa gate ng Baranggay Hall. Nakita niya ang mga pagsulyap ng mga bata sa kaniya mula sa bintana ng classroom niya at agad na sinara naman ng mga bata.Weird.Nagpatuloy lang siya sa paglakad papasok sa Baranggay Hall kahit medyo nakapagtataka ang mga galaw ng mga bata. Bakit naman kaya may tila spy na sumigaw na paparating na siya?Hindi kaya may surprise ang mga estudyante niya? Agad siyang napailing. Sobrang unrealistic naman yata itong naisip niya. Mukhang nakalimutan niya na kadalasan ay five years old ang mga tinuturuan niya. Imposible na gumawa ang mga ito ng surprise para sa kaniya.Kahit elementary nga ay mukhang imposible pa. Saan naman kukuha ng pera para sa surprise-suprise na iyan diba? Okay lang siguro kung mga yayamanin ang mga bata.Pero hindi naman maikakaila ang isa niyang rason kung bakit siya nagpasiyang maging teacher kahit s
Pinatay ni Ella Jane ang music sa kaniyang cellphone at hinablot ang earphone sa kaniyang tainga. Alas dose ng tanghali ay binalak niyang matulog na lang muna at alisin sa utak ang mga problema niya sa buhay. Isama na rin ang lalaking gusto siyang paglaruan. Buwesit na lalaking ‘yon, aniya sa isip at pumikit na lang. Kapag naiisip niya talagang gusto lang nitong maglaro ay umiinit ang ulo niya. Nakulangan yata ito sa Physical Education noong nasa High School palang ito hanggang College. Kaya gustong makipaglaro sa kaniya.“Bakit ba kasi gusto niyang maglaro?” aniya at muli na namang nagdilat tapos sinapo pa ang noo. “Bakit ako pa ang paglalaruan? Hindi naman ako mukhang barbie doll.”“Hindi nga, mukha ka kasing doll na tinutusok sa karayom. Alam mo ba ‘yon?”Kung totoo ‘yong feeling na parang gusto na lang niyang kainin ng lupa, iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi sa nahihiya siya pero gusto na lang niyang kainin siya ng lupa para maiwasan ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob.
“Hindi ako hihingi ng pera, Lyn. Magpapaturo sana ako kung paano manligaw,” ani ni Ella Jane sa pinsan na nakabuka nang kaunti ang bibig.Ilang segundo naghari ang katahimikan. Kahit siya ay hindi alam kung bakit niya naisipan iyon. Siguro kailangan na rin talaga niyang makipaglaro kay Rafael kung hindi ito papayag na tigilan na nila. Wala naman siyang ibang magagawa kung matigas talaga ang ulo ng lalaki.Siguro matigas din ang pangalawang ulo niya, bulong niya.Lihim siyang napatawa kasabay nang pagkagat niya sa ibabang labi niya. Minsan talaga madumi rin siya mag-isip. Kung saan-saan na rin napupunta ang isip niya.Pero kahit gaano pa katigas ang ulo ni Rafael, mas matigas siya. Kung kaya nitong makipaglaro, kaya rin niya. Kung hindi talaga ito papayag, wala na siyang magagawa. Pero pipilitin niya na siya ang mananalo.Hindi siya mahuhulog sa pangit na Rafael na ‘yon. Pangit na nga ang unang lalaki na nanloko sa kaniya, ayaw niyang maloko na naman ulit ng pangit.Kailangan din mag-u
Hawak ang cellphone ay tulalang nakatingin sa maitim na langit si Ella Jane habang tinatangay ng hangin ang kaniyang buhok. Tinatanong niya ang sarili kung kaya ba niyang tawagan ang loko-lokong lalaki na naging dahilan kung bakit siya nagpa-load. Talagang nag-effort pa siya para matawagan lang ang lalaking ‘yon. Hindi na nga niya lubusang natatandaan kung kailan ang huling punta niya sa tindahan na tanging load lang ang dahilan. Wala naman din kasi siyang pagagamitan ng load.Ngayon lang niya naisip na masiyado na pa lang makaluma ang ibinigay na tip sa kaniya ng pinsan. Hindi kaya masiyadong halata na wala talaga siyang alam kung paano manligaw? Pero sabagay, wala namang mawawala sa kaniya kung susubukan niya.Nasapo niya ang noo. Totoo naman talagang wala siyang alam, bakit natatakot siyang malaman iyon ni Rafael?“Jesus, mababaliw na ‘ko!”Nang makauwi siya kanina ay agad siyang humingi ng number ni Rafael sa mismong kapitan nila. Kinapalan niya talaga nang tudo ang mukha niya nan