Share

Chapter 11

Tumabi sa kaniya si Melonie na halos hindi maipinta ang mukha. Padabog pa nitong inilapag ang bag kasama ang Physical Education uniform nito. Pinagmasdan niya itong pagalit na binuksan ang hawak nitong junk food.

“Ayos ka lang?” tanong niya at ipinasok ang cellphone sa bulsa ng uniform. “Bad mood?”

Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. “Sobra. Akalain mong iba pala ang crush ng crush ko.”

“Ano naman ngayon kung iba ang crush niya?”

“'Wag mo kong kausapin kung hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon ko.” Hinawakan nito ang dibdib at binitawan ang junk food. “Masakit sa dibdib, Ella. I can’t accept the fact—”

“Na wala kang dibdib.”

Natigil ito sa pagdadrama at tiningnan siya nang masama. Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito na para bang katapusan na ng mundo.

Totoo naman na wala itong pakialam kung iba ang gusto ng crush nito. Hindi nito hawak ang puso ng lalaking ‘yon. At totoo rin naman na wala talaga itong dibdib. Kahit anong gawin niyang pagtitig ay wala talaga siyang makita
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status