Share

CHAPTER 3

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2023-06-19 16:21:16

          CHARITY is no longer comfortable with her blindfold, she is now standing with six other women. Bago sila bumaba sa sinakyan nila kanina ay piniringan sila at hindi na niya alam kung nasaan na ba sila ngayon. Biglang sinaklot ng kaba ang kaniyang dibdib, dahil sa mga halo-halong emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ganoon ba talaga kahigpit at kailangang piringan pa sila, para hindi nila makita o matandaan ang daan?

 

            Gusto ko na yatang pagsisihan ang naging desisyon ko, ah...

            Kausap niya sa kaniyang isipan.

        Bahagya niyang hinila pababa ang black dress niya na tumaas sa kaniyang mga bilugang hita. Hakab na hakab iyon sa kaniya, kaya halata ang kurba ng kaniyang katawan. Naiinis siya kay Georgia at iyon ang ipinasuot sa kaniya. Ipinagupit rin nito ang buhok niya na ngayon ay nasa itaas na lamang ng balikat niya.

          "Now, you may remove your blindfold, girls."

          Boses iyon ng tauhan ng mga Silvestre na nag-asikaso sa kanila. Marahang tinanggal nila ang mga piring at bumungad sa paningin nila ang kombinasyon ng pula at puting interior design ng silid na kinaroroonan nila. Floor to ceiling ang nakita niyang bookshelves doon na ikinamangha ni Charity.

          "Maiiwan ko muna kayo, ten minutes more and Mr. Cameron Silvestre will going to arrive," anang lalaki bago umalis.

         Naiwan si Charity sa loob kasama ang anim pang babae na nagkaniya-kaniya nang usapan. Siya naman ay umupo sa sofa at doon nirelax ang sarili.

         Ano ba itong napasukan ko?

         Muli ay kausap ni Charity sa sarili. Parang gusto na lamang niyang umurong, pero sa tuwing naglalaro sa isipan niya ang pera na maibibigay sa kaniya ay nagkakaroon ng lakas ang loob niya. Kapag siya ang napili, pinapangako niyang mag-aaral siyang muli at tutuparin ang pangarap niyang maging isang nurse.

         This is your last hope, Charity. Makakatakas ka na sa buhay na mayroon ka ngayon.

         Muli ay bulong ni Charity sa sarili.

*****

         LINGID sa kaalaman nilang pito, palihim silang pinapanood ni Cameron Silvestre sa monitor. Nasa kabilang silid lamang ito at pinag-aaralan ang hitsura at galaw ng pitong babae. Higit na nakakuha sa atensyon niya ay ang babaeng petite na nakasuot ng itim na dress.

          Cameron grinned and stroked his chin as if thinking of something mischievous. Who would have thought that the woman who bumped into him in a nightclub would be in his choices now. Is this the chance he's been waiting for to get revenge for what this woman did to him at the club?

         Siya si Cameron Silvestre, 26, CEO of a successful construction company and the boss of their mafia organization.  Walang sino man ang nangahas na magtaas ng boses sa kaniya, kausapin siya ng walang respeto at halos lahat ng nakakaharap niya ay puno ng takot sa mga mata na tila sa paningin ng mga ito ay isa siyang halimaw. Maliban lang sa babaeng malaya niyang pinapanood ngayon sa monitor. Unang beses siyang nakaramdam ng insulto noong gabing nakaharap niya ang babae, tila hindi siya nito kilala, and that's what makes him mad.

          "Servant Kim."

          Agad namang lumapit sa kaniya ang lalaki.

          "Yes, Sir Cameron?"

          "Send the other girls home, at itinira niyo ang babaeng nakaitim na suot," utos niya rito.

           "Masusunod po." Tsaka na umalis ang lalaki.

           Muling ibinaling ni Cameron ang paningin sa monitor at pinagmasdan muli ang babaeng prenteng nakaupo sa sofa. Muli na namang tumaas ang isang sulok ng labi niya.

****

  

           NAPATAYO bigla si Charity nang biglang bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan nila. Nagsibalik silang lahat sa kinatatayuan nila kanina at natahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng sapatos lamang ng lalaking dumating ang madidinig.

          "May napili na si Mr. Cameron."

          Nagkatinginan silang lahat. May napili na? Paano? Ni hindi pa nga sila hinaharap ng lalaki.

         "Ikaw."

         Natigilan si Charity nang itinuro s'ya ng lalaki. Medyo kalbo ito at hindi pa naman katandaan, mga nasa 40's pa lang at mukhang mabait ito at malumanay.

  

          "A-ako?" She stammered while pointing herself. Bigla siyang nanlamig at hindi makauma.

          "Yes. Ikaw ang napili ni Mr. Cameron."

          "Napili para sa?" Usisa niya. Hindi naman kasi nilinaw kung bakit at para saan sila pinipili.

           "Ikaw na ang magtanong sa kaniya niyan, hija," sagot ng lalaki.

            Tumahimik na lamang si Charity at hindi makapaniwala na siya ang pinili ni Cameron.

           Nakilala niya kaya ako? Lagot, sinigawan ko pa naman siya noon...

            Napapangiwi na lamang ang dalaga at nagdasal na sana ay hindi siya nakilala ng lalaki.

            "Teka, bakit siya ang napili?"

            Biglang lumipad ang tingin ni Charity sa babaeng nagsalita na hindi niya alam ang pangalan. Kita niya ang galit na mukha nito na nakatingin sa kaniya, nanlilisik pa nga ang mga mata.

            "Oo nga po. Baka nagkamali lang po kayo? Segunda naman ng isa pa.

            Tahimik lamang si Charity at biglang nahiya. Sa ginagawi ng iba ay tila hindi niya deserve ang mapili. Sabagay kung tutuusin ay mas magaganda at matatangkad ang mga ito kumpara sa ganda niyang pang average lang, pandak pa. Bumawi lamang siya sa katawan at kutis.

           "Put your blindfold again," utos ng lalaki, completely ignoring the two.

            Walang nagawa ang mga ito at muling nagpiring ng mga mata. Pagkaraan ay may pumasok na isang lalaki upang i-guide palabas ang anim.

            "Sumunod ka sa akin," pagkaraan ay baling sa kaniya ng lalaki. Agad naman siyang tumalima at sinundan ito palabas ng silid.

            Manghang-mangha si Charity sa dinadaanan nilang pasilyo. Napakagara nun at tila nasa isa siyang palasyo. Maraming silid.

            "Ako si Kim, kilala ako sa tawag na Servant Kim. Maari mo rin akong tawagin sa ganoon," sabi ng lalaki habang diretso ang tingin sa kanilang nilalakaran.

            "S-sige ho," nahihiya niyang tugon.

             Ilang sandali pa ay tumigil sila sa isang pintuan at hinarap siya ni Servant Kim.

             "Pumasok ka, naghihintay siya sa'yo sa loob," seryosong turan nito.

             At hayun na naman ang kaba sa dibdib niya. Makailang ulit siyang huminga ng malalim bago lumapit sa pintuan at akmang pipihitin na ang seradura nang biglang magsalita si Servant Kim.

             "Basta umayon ka lamang sa kaniya, hija. Huwag mo siyang gagalitin," bilin nito at binigyan siya ng isang ngiti.

              Marahan siyang napatango at tuluyan nang pumasok sa loob. Mas malaki ang silid na kinaroroonan niya, pero ayaw niya ang pakiramdam. Parang ang lungkot ng kulay ng silid na iyon, kombinasyon ng abo at itim na pintura at mga kagamitan. Tahimik at malamig doon, napaghahalataang walang puso ang gumagamit nun.

            "M-Mr. Cameron?" Mahinang tawag niya.

            Wala siyang nakuhang sagot. Naglakad-lakad siya at pinag-aaralan ang buong silid. Wala talagang kabuhay-buhay iyon na tila bampira ang nakatira. Sabagay, ano ba ang aasahan niya sa isang 'halimaw' na kagaya raw ni Cameron.

             "Tapos ka na bang pagmasdan ang lungga ko? How was it?"

             Bigla siyang napalingon sa nagsalita na hindi niya alam kung saan nanggaling. Nahigit niya ang paghinga nang masilayan ng malapitan at buong-buo ang kaharap.

            Gosh...

             He is a sinfully gorgeous man! matangkad talaga ito, around six fit and two inches tall at alam niya sa likod ng business suit na suot nito was a body to drool for. Oo alam niyang nagkita na sila sa club, pero hindi niya masyadong naaninag ang mukha nito noon dahil sa lasing siya at madilim. Pero may isa pang biglang bumangabag sa puso ni Charity, ngayong nakita na niya ng malinaw ang mukha nito, tila ba naging pamilyar  bigla iyon sa kaniya at may naalala siya mula sa nakaraan.

     

            "Charity Mercaez, 23, an orphan, unemployed, single and poor," tuloy-tuloy na turan ni Cameron, binigyang diin pa talaga nito ang salitang 'poor'.

             "Y-yes. Paano mo nalaman?" Utal niyang tanong sa lalaki. Sabagay, wala naman imposible sa isang tulad nito.

            Kita niya ang pagtawa nito ng nakakainsulto at itinaas ang isang kamay, doon niya napansin na may hawak pala itong papel na tila doon nakalagay ang mga impormasyon tungkol sa kaniya.

          "Do you know what you got yourself into?" His lips pressed together and he was looking straight into her eyes.

            Hindi ipinahalata ni Charity ang takot, marahan siyang umiling. Naglakad si Cameron patungo sa kaniya at tumigil nang isang dipa na lamang ang layo nila sa isa't isa.

            "Bawal ka ng umatras pa, kapag ginawa mo iyon, you're dead,"  mariin at malamig na bulong nito sa kaniya. Alam ni Charity na hindi ito nagbibiro. "Here's the deal, Miss Mercaez..."

            Pigil hiningang hinintay ni Charity ang mga susunod na sasabihin ng lalaki.

            "Bear my child."

            Nanlaki ang mga mata ng dalaga at napaatras. Tila unti-unting pinoproseso ng isipan niya ang sinabi ng kaharap.

              "A-anak?" Utal niyang tanong. Hindi siya handa sa bagay na iyon.

             "Yes. Bear my child and I will give you two million, at pagkatapos mong maipanganak ang bata, leave."

             Hindi pa nga napoproseso ni Charity ang unang sinabi nito ay mas matindi pa nga ang kasunod. Hindi siya nakakibo at pilit kinalma ang sarili, nag-isip ng mabuti. Two million? Hindi maliit na halaga iyon at talagang magiging milyornarya siya, pero hindi rin madali ang hinihiling na kapalit nito.

              "Makukuha ko na ba agad-agad ang dalawang milyon?" Paninigurado niya.

             "Kapag nasa sinapupunan mo na ang bata."

  

              "Kailan natin gagawin?" Matapang niyang tanong na medyo namula pa ang mga pisngi dahil  sa hiya.

             Gosh, gagawa kami ng bata!

             Ngumisi ang lalaki at muli siyang nilapitan. Yumuko ito at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "Sa lalong madaling panahon..."  Cameron mumbled, "...but first, let us seal the deal."

             Bago pa makasagot si Charity ay naangkin na ni Cameron ang mga mapupula niyang labi to seal their deal.

             Tanggap na ni Charity, she will bear the child of this monster soon.

            

    

             

          

           

            

             

        

          

          

        

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Deal with the Mafia Lord   THE END

    SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 95

    ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 94

    NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 93

    PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 92

    "CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 91

    KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 90

    MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagtatrabaho ito sa mga Silvestre gaya ng sinabi nito ay inentertain niya ito. Ang sabi nito ay may malaking regalo itong ipapakita sa likod ng sasakyan, regalo para kay Calista na galing daw

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 89

    "NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bisita. Medyo nakainom si Charity pero hindi ganoon karami ang naiinom nito at nasa katinuan pa. Ayaw man niya ay unti-unting may bumabangong kaba sa dibdib ni Cameron. H

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 88

    PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman ni Cameron sa kapatid na tanging malakas na halakhak ang naging tugon. "Ay, oo nga pala. Lumpo na rin si dad. Hindi na kakayanin," patuloy pa nito na ikinat

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status