Home / Romance / Dear Husband: You Love Me Too Late / Chapter 3: Daniel saved her

Share

Chapter 3: Daniel saved her

Author: jhowrites12
last update publish date: 2026-04-06 10:02:52

Nang marinig ang sinabi ni Lucy ay napatayo agad si Daniel. Nabitiwan niya ang magazine at natabig ang tasa na pinag-inuman ng kape.

Mabilis ang lakad niya. Halo-halong emosyon ang sumasalakay sa kaniyang sistema. Pero ewan niya, biglang nangibabaw ang takot.

Takot sa kung saan ay hindi niya alam.

Ang tubig ay halos narating na ang kalahati ng kuwarto. Wala siyang pakialam na tinahak ang daan papunta sa banyo. Kahit pa nga bihis na siya at suot na niya ang mamahaling sapatos.

"Ysabella!"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakahandusay na babae. Sa ulo nito nanggagaling ang dugong humalo na sa tubig na umaapaw mula sa sink.

Saglit siyang natigilan. Saglit niyang pinakatitigan ang walang malay na babae. Maputlang maputla ito na para bang kasing kulay na ng puting papel. Maging mga labi nito, halos puti na. Tila wala ng buhay.

"Senyorito, b-buhay pa ba si... si Senyorita?" mula sa kaniyang likod ay tanong ni Lucy.

Doon na siya natauhan. Agad siyang bumaba para kapain ang pulso ng babae.

Mahina. Sobrang hina na kung hindi pa niya didiinan ay wala siyang mararamdaman.

"Call emergency now!" Sigaw niya kay Lucy. Binuhat niya si Ysabella. Basang basa ito dahil sa pagkakahandusay sa tubig. Basa ito at inaasahan niyang malamig ang katawan nito. Pero, she's hot.

Her body feels fùcking hot

Nagtagis ang bagang niya. Napapaso siya. Pero hindi dahil sa init ng katawan nito. Napapaso siya sa kung anong guilt na biglang kumain sa kaniya habang karga niya ang babae.

"Fùck!" mahinang mura niya sa sarili. Hindi na niya mahintay na dumating ang tulong. He needs to act fast or else...

"Don't die on me, Ysa..." Tumitig siya dito. Ang mahaba nitong buhok na nabasa ng tubig ay nakalaylay mula sa pagkakabuhat niya. Maging ang kamay nito sy nakalaylay na parang wala na ngang buhay. Tumutulo din muna sa suot nito ang tubig dahil sa talagamg basang basa ito. At kasama ng tubig sa pag-agos ay ang dugo na galing sa sugat nito sa noo.

"Don't!"

***

Napaungol si Ysabella. Pakiramdam niya ay may nakadagan na kung anong mabigat na bagay sa buong katawan niya. Pero ang matinding pananakit ay sa kaniyang ulo. Pakiramdam niya ay binibiyak iyon. Pumipitik na para bang mababasag anumang oras.

Nakapa niya iyon. Kumunot ang noo niya dahil may bendang nakalagay. Hindi niya maalala kung anong nangyari. May mga alaalang bumabalik pero malabo.

Kasing labo ng damdaming pilit niyang inaasam.

Kagat labing inilibot niya ang kaniyang mga mata. Napagtanto niyang nasa hospital siya. Batay sa puting kulay. Sa amoy ng gamot na ginagamit doon. At batay na rin sa suwerong nakalagay sa kamay niya.

Sinubukan niyang bumangon. Pero agad siyang napaigik dahil sa matinding pagsalakay ng pananakit sa kaniyang ulo.

"Don't move too much. Mahina pa ang katawan mo at sariwa pa ang sugat," aniya ng pumasok sa loob ng kuwartong kinaroroonan niya.

"Benjamin..." bigla siyang nahiya. "Este Dok Reyes, bakit ako narito?"

Medyo napatitig sa kanya ang lalakeng bagong dating. Nakasuot ito ng hospital uniform na pangdoctor.

Nailayo niya ang tingin sa lalake. Paano, parang kinakalkula nito ang kilos niya. Nalamukos niya ang kumot na nasa kaniyang katawan.

"You don't remember?" Aniya nito. Parang may pagdududa sa tono.

Muling napakurap si Ysabella. Umiling siya. Magtatanong pa ba siya kung naalala niya ang mga nangyari?

"Ang alam ko ay nasa banyo ako. Maliligo sana ako nang makaramdam ako ng hilo. Masama ang pakiramdam ko at nilalagnat. Wala akong matandaan..." sinubukan niyang paliwanag.

Tumahimik na muli si Benjamin. Batid ni Ysabella na tila hindi siya pinaniniwalaan ng batang doctor. Ayaw na sana niyang magpaliwanag pa dito. Pero ayaw din naman niyang isipin nito na nagdadrama siyang may sakit. Paniwalaan siya o hindi, nasa lalake na iyon.

"K-kung hindi ka naniniwala, okay lang. Kung maaari, i-discharge mo na ako. Hindi ako puwedeng magtagal dito..."

Pinilit ni Ysabella na ngumiti. Ayaw niyang ipakitang nakakaawa siya. Ayaw niyang ipagpilitan na paniwalaan siya ng kung sinoman. Kung ang tingin sa kaniya ay nagsisinungaling, di iyon na lang. Mapapagod lang din naman siyang magpaliwanag ng katotohanan.

Dahil alam niyang iisipin lang naman ng mga ito na kasinungalingan lamang ang mga lumalabas sa kaniyang bibig.

Tumikhim si Benjamin. May hawak itong chart.

"You need to stay here for a day or two. Your platelets are low..." sabi nito kapagdaka. Nakatingin pa rin sa chart niya. Ni hindi na siya magawang tingnan.

Naipinid ni Ysabella ang mga labi. Kahit gustohin niyang manatili ay hindi naman maaari.

Naupo siya sa kama. Inalis ang suwero sa kamay niya. Natigilan si Benjamin sa ginawa niya.

"What are you doing?" tanong nito. Pero hindi naman siya nagawang lapitan. Kahit pa nga dumudugo ang pinag-alisan niya ng karayom.

Bumaba siya. "Hindi ako puwedeng manatili dito. Kung maaari, resetahan mo na lang ako ng gamot..."

Hinanap niya kahit anong puwedeng maisuot sa kaniyang mga paa. Wala naman siyang makita. Ni damit, wala. Paano nga ba siya napunta sa hospital?

Humarap siya kay Benjamin. Napalunok siya dahil sa tila galit na mababanaag sa mukha nito. Napayuko siya dahil alam niya ang ibig sabihin ng tingin na iyon.

Hindi siya talaga pinapaniwalaan nito.

"I...can't do that," ika nito kapagdaka.

"Bakit?" Hindi niya maiwasang tanong. "Hindi mo ako kailangang panatilihin dito. Alam kong ayaw mong—"

"That's true, I don't like you to be here. Or treated you. Pero mismong si Daniel ang nagdala sa iyo dito..."

Nagulat si Ysabella. Hindi iyon maipagkakaila sa mga mata ni Benjamin. Mukhang kagulat gilat sa babae abg ginawang iyon ng kaibigan niya. Sabagay, maging siya, kinuwestiyon din ang naging kilos ng kaibigan. Akala niya hanggang buto ang galit nito sa babaeng nasa harapan.

"I will make you stay here. Hindi dahil sa gusto ko. Kung may mangyaring masama sa iyo, responsibilidad ka pa ng hospital. Yuyurakan mo pa ang pangalan namin. Stay until you get well..."

May sinasabi pa si Doc Benjamin pero tila hindi na naririnig iyon ni Ysabella. Ang buong atensiyon niya ay nasa sinabi kanina nito.

Si Daniel...

Si Daniel ang nagdala sa kaniya sa hospital. Hindi panaginip ang malabong alaala.

Si Daniel talaga ang bumuhat sa kaniya. Ang mainit na katawan na saglit niyang nadama.

Si Daniel...

Daniel saved her....

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 5: What's your plan?

    "She discharged herself," ika ni Benjamin habang nakatunghay sa kaniyang telepono. Nakatanggap siya ng text mula sa pag-aari nilang hospital kung saan ay doctor din siya. Ibinilin niyang i-report sa kaniya ang bawat detalye ng galaw ni Ysabella. At iyon nga ang natanggap niya sa gabing iyon.Napaayos ng upo ang lalakeng sinabihan niya ng impormasyon. Sa kamay nito, isang baso na may laman na whiskey. Umarko ang gilid ng mga labi ni Daniel.Ngunit hindi para sa isang ngiti. Gumalaw ang panga niya habang naaalala ang nangyari kay Ysabella two days ago. Kung paano nagulo ang isip at damdamin niya habang akala niya, mamamatay na ito sa kaniyang mga bisig. Ayaw niyang aminin sa sarili...pero napuno iyon ng takot. Napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon."So what's your plan to her?" tanong ni Benjamin. Sila lang na dalawa ngayon sa private room na iyon sa loob ng isang exclusive bar. Nasa second floor sila at salamin ang nakapalibot. Kita nila ang nasa ibaba pero hindi sila kita roon. Buk

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 4: The hope that never comes

    Ayaw man niyang manatili dahil sa pag-aalala niya sa kaniyang inang may sakit at nangangailangan din ng kalinga niya ay nanatili si Ysabella sa hospital. Tama naman si Doc Benjamin. Mahina ang katawan niya, and she needs to be cured. Paano nga naman niya maaalagaan ang may sakit kung pati siya, nanghihina. Isa pa, may gusto siyang patunayan. May gusto siyang makita. Sa bawat oras na lumilipas ay naghihintay ang puso niya. Hinihintay niya si Daniel na dalawin siya. Kung totoong ito ang nagdala sa kaniya sa hospital, siguro naman, magagawa nitong puntahan siya. Pero sa dalawang araw niyang pananatili doon, walang Daniel na dumalaw. Ni anino nito, hindi niya nakita. Na para bang aso siyang basta na lang inabandona sa pag-aaruga ng iba. Masaya pa naman ang puso niya noong malaman niyang ito ang nagdala sa kaniya sa hospital. Akala niya may pag-asa na. Akala niya, may kaunting pagkakataon na siyang makapasok sa puso nito. Pero umaasa lamang pala siya sa wala.Iisa lang ang totoo. Walan

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 3: Daniel saved her

    Nang marinig ang sinabi ni Lucy ay napatayo agad si Daniel. Nabitiwan niya ang magazine at natabig ang tasa na pinag-inuman ng kape. Mabilis ang lakad niya. Halo-halong emosyon ang sumasalakay sa kaniyang sistema. Pero ewan niya, biglang nangibabaw ang takot. Takot sa kung saan ay hindi niya alam. Ang tubig ay halos narating na ang kalahati ng kuwarto. Wala siyang pakialam na tinahak ang daan papunta sa banyo. Kahit pa nga bihis na siya at suot na niya ang mamahaling sapatos. "Ysabella!" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakahandusay na babae. Sa ulo nito nanggagaling ang dugong humalo na sa tubig na umaapaw mula sa sink. Saglit siyang natigilan. Saglit niyang pinakatitigan ang walang malay na babae. Maputlang maputla ito na para bang kasing kulay na ng puting papel. Maging mga labi nito, halos puti na. Tila wala ng buhay. "Senyorito, b-buhay pa ba si... si Senyorita?" mula sa kaniyang likod ay tanong ni Lucy. Doon na siya natauhan. Agad siyang bumaba para k

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 2: Blood in the clear water

    "Ha!"Nagulat si Ysabella nang may bumuhos na malamig na tubig sa kaniyang mukha. Agad siyang napabangon. Napatingala kaagad sa lalakeng nasa gilid ng kama niya. "D-Daniel..." utal niyang saad. Napuno ng takot ang sistema niya. Agad na nayakap ang sarili. Awtomatiko ang reaksyon niyang iyon kapag naroon sa harapan niya ang lalake. Oo mahal niya ito, pero mas lamang na ang takot sa sistema niya."Get up! You are not a princess here. Kanina ka pa ginigising ah! Prepare my breakfast!" Utos nito. Hawak nito ang basong nasa side table niya. Bumaba siya noong madaling araw dahil masamang masama na talaga ang pakiramdam niya. Kumuha siya ng gamot at isang basong tubig.Hindi siya agad nakakilos. Nagtataka siya dahil hindi naman nito kinakain ang pineprepara niyang almusal dito. Kaya bakit?"Ano? Tutunganga ka lamang ba riyan?" galit nitong sigaw. Dahilan para mapabangon siya. "S-sandali, magbibihis lamang ako," sa paos na boses ay ika niya. Pinilit niyang makababa agad sa kama pero paglap

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 1: The Betrayal

    "Who said I'm afraid? Kahit mahuli pa niya tayo, it doesn't matter to me. Wala din naman siyang magagawa, hindi niya din kayang iwanan ako..."Natutop ni Ysabella ang kaniyang bibig habang naririnig ang mga katagang iyon mula sa kaniyang asawa. Nasa labas lamang siya ng opisina nito. Nakauwang bahagya ang pinto kaya nauulinigan niya ang pag-uusap doon."Darling, alam naman natin na asawa mo pa rin siya sa mata ng ibang tao at sa pamilya mo..."Tuluyang gumuho ang mundo ni Ysabella nang marinig ang boses na kasama ni Daniel. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso niya. Nahihirapan siyang huminga. Hindi niya akalain na ang babae ng asawa niya ay ang babaeng itinuring niyang isang matalik na kaibigan. Kaibigan maaasahan niya sa lahat ng oras. Kaibigang papanig sa kaniya at Hindu siya kayang traydurin.Nagkamali siya. Dahil sa ngayon, tuluyang gumuho ang pinanghawakan niyang pagtitiwala."Charlotte, as long as you stay by my side, kahit siya pa ang asawa ko, it doesnt really matter. Stay w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status