เข้าสู่ระบบAyaw man niyang manatili dahil sa pag-aalala niya sa kaniyang inang may sakit at nangangailangan din ng kalinga niya ay nanatili si Ysabella sa hospital.
Tama naman si Doc Benjamin. Mahina ang katawan niya, and she needs to be cured. Paano nga naman niya maaalagaan ang may sakit kung pati siya, nanghihina. Isa pa, may gusto siyang patunayan. May gusto siyang makita. Sa bawat oras na lumilipas ay naghihintay ang puso niya. Hinihintay niya si Daniel na dalawin siya. Kung totoong ito ang nagdala sa kaniya sa hospital, siguro naman, magagawa nitong puntahan siya. Pero sa dalawang araw niyang pananatili doon, walang Daniel na dumalaw. Ni anino nito, hindi niya nakita. Na para bang aso siyang basta na lang inabandona sa pag-aaruga ng iba. Masaya pa naman ang puso niya noong malaman niyang ito ang nagdala sa kaniya sa hospital. Akala niya may pag-asa na. Akala niya, may kaunting pagkakataon na siyang makapasok sa puso nito. Pero umaasa lamang pala siya sa wala. Iisa lang ang totoo. Walang pakialam sa kaniya si Daniel. Hindi na siya nasanay. Parang sa dalawang taon na pagsasama nila, wala naman itong ibang ginawa kundi ang pasakitan siya. Kung may pagkakataon ito, ipapamukha nitong mali siya sa desisyon na um-oo sa kasal. Kaya sa ikalawang araw niyang iyon, kinagabihan, hindi na siya nagpapigil na umalis sa hospital. Nanghihina pa siya oo. Ramdam pa niya na hindi pa siya talaga maayos. Pero hindi na niya gustong lumobo pa ang bayarin doon. Whether it's Daniel who will pay for it, gusto na lang niyang umalis. "Sabi ni Doctor Benjamin, pirmahan mo daw ang dokumento na ito kung talagang aalis ka na," ika ng nurse na humalili sa kaniya. Binasa ni Ysabella iyon. Naipinid niya ang mga labi. Isang waiver iyon. Waiver na nagsasabing walang pananagutan ang hospital kung may mangyaring masama sa kaniya. Lalo at siya ang nagpumilit na lumabas kahit sinabing hindi pa siya tuluyang magaling. Pinirmahan agad ni Ysabella iyon. Ayaw niyang lumaki pa ang utang niya kay Daniel. Baka isumbat pa nito sa kaniya iyon. Hindi pa man tuluyang nakakarecover ay pinuntahan na niya ang kaniyang inang may sakit. Sakit? Nakagat niya ang kaniyang labi. Hindi sakit kung bakit nakaratay ito ngayon doon. Dahil iyon sa malalang pagkakasunog ng katawan nito. Halos bahay na rin nito ang hospital dahil sa mahinang katawan. And she was prone to any kind of bacteria kaya mas maiging manatili ito doon. It drained her bank account pero ang ina na lang ang dahilan kung bakit maayos pa ang kaniyang pag-iisip sa lahat ng kamalasan na meron siya sa mga nakaraang taon. She is keeping her alive. Dahil ito na lang ang nagiging lakas niya para magpatuloy. Para hindi sumuko sa hamon ng buhay. Keeping her mom alive is keeping her mind sane. Ito rin ang dahilan kung bakit nananatili siya sa isang kasal na walang pagmamahal ng asawa. Batid niyang kailangan niya ang perang ibinibigay ng Lola ni Daniel buwan-buwan para manatiling buhay ang ina. "Anak..." mahinang tawag ng kaniyang ina nang makita siyang pumasok sa hospital room nito. Nagawa niyang makakuha ng private room para sa ina para iwas na rin ito sa ibang mga pasyente na may sakit. Mahirap ng mahawaan ito lalo at ang immune system ng ina ay napakahina. "Pasensiya na Ma kung ngayon lang ako nakadalaw, may inasikaso lamang po ako," paliwanag niya agad, hindi pa man nagtatanong ang ina. Ayaw niya itong mag-alala sa kaniya kaya hindi dapat nito malaman na nagkasakit siya. Naitago din naman niyang mabuti ang sugat sa kaniyang noo sa pamamagitan ng kaniyang buhok na itinabing doon. "Okay lang anak. Sabi ko nga, hindi ka dapat araw-araw dito. May asawa ka na. Siya dapat ang inaasikaso mo." Ginagap ng kaniyang ina ang kanyang kamay. "Naikasal ka sa pamilyang Lincoln, Bella. Huwag mong sayangin ang pagkakataon mo..." Pinilit niyang ngumiti. Ayaw niyang malaman ng kaniyang ina ang kalagayan niya sa kamay ni Daniel. Ayaw niyang dagdagan pa ang paghihirap nito. "Pinapakisamahan ka naman ng mabuti ni Daniel, Bella? Mabait naman siya sa iyo, hindi ba?" Hindi naalis ang ngiting iyon sa kaniyang mga labi. Pero sa loob ng kaniyang bibig, sobrang pait. Sa kanyang puso, sobrang bigat at sakit. Dahil ang pagtango niya sa ina ay pawang kasinungalingan. "Mabait na bata si Daniel, alam mo iyan. Naging magkababata naman kayo at kilala na ninyo ang isa't isa..." Tango lang muli ang naging tugon niya sa ina. Dahil kung bubuka ang kaniyang bibig, siguradong sumbong at hagulhol ang lalabas doon. "Hala, umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng asawa mo. Araw-araw ka ng narito sa akin. Ibigay mo ang halos buong oras mo sa kaniya anak. Dahil kung mawawala na ako, siya na lang ang matitirang iyo. Panghawakan mo siya, Bella..." bilin ng ina. "Huwag kayong magsalita na parang iiwanan na ninyo ako, Ma. Gagaling ka pa," sabi niya. Hindi niya masabing walang kaniya dahil hindi naman siya mahal ng kaniyang asawa. Nanatili pa siya roon ng isang oras. Nang umalis siya ay hindi naman siya umuwi agad. Napunta siya sa isang lugar na madalang din naman niyang puntahan. Wala naman siyang pera pero nagawa pa talaga niyang pinasok sa isang bar. Pakiramdam niya kasi, kailangan niya iyon. "Ano sa iyo Miss?" tanong ng bartender nang maupo siya sa harap ng bar counter. "I-iyong pinakamura ninyo," sabi niyang medyo nahiya pa. Saglit na napatitig sa kaniya ang bartender bago mapailing. Sa isip nito, hooker yata ang babae. Naroon para mang-akit ng lalake. Pero pasimple niyang pinagmasdan ang babae. Hooker? Sa itsura nito, pagkakamalan pa niyang pulubi. Though kaakit akit ang mukha nito at napakainosente. Maganda at mukhang... Madaling maloko. Pasimple niyang pinag-aralan ang kilos ng babae. Paunti-unti itong sumimsim sa order na alak. Parang pinapatay lang nito ang oras sa isang basong iyon. Hindi ito malalasing kung iyon lang ang iinumin. "From the house..." ika niya nang abutan muli ang babae ng alak. Napatingin ang babae sa kaniya. Napakurap-kurap. Hindi niya mabasa kung nagtataka ba ito o nagdududa. "No–" Inilapit niya ang mukha sa babae. Bumulong. "Siyempre may kapalit. Wanna have fun later?" Mabilis na lumayo si Ysabella sa bartender nang marinig ang sinabi nito. Sa mga mata ay mababanaag ang tila pagnanasa sa kaniya. Naroon lang naman siya para kahit papaano ay makapagpalipas ng oras. Hindi siya naroon para maghanap ng good time. Alam naman niya na ganoon ang kalakaran sa ganoong lugar. Hook up. Hindi na bago sa kaniya at hindi na siya bago sa lugar na ganoon. Noong wala pa siyang asawa, laman din naman siya ng club at bar. Pero siyempre, kasama sila Raj at Daniel. Kinuha niya ang order na alak at tinungga iyon. Napapikit pa siya dahil sa mainit na hagod ng alak sa lalamunan niya. Ibinagsak niya ang baso sa harapan ng bartender. Kinuha niya ang isang daan sa kaniyang bag at inilagay sa tabi niyon. "Salamat!" aniya. Tumalikod at umalis na lang sa lugar na iyon. Ni wala siyang pakialam kung kulang o sobra ang ibinayad niya. Kung kulang, pasensiya na, iyon lang ang afford niya. Kung sobra, okay na, tip na lang niya iyon sa bastos na bartender! Nasa labas na siya nang biglang makaramdam ng hilo. Ngayon pa talaga siya naapektuhan dahil sa ininom. Mapait siyang napangisi sa sarili... "Wow! My world is spinning round and round!" ika niyang napahalakhak. Biglang napayuko sa gilid ng gusali. Naduwal pagkatapos ay nasuka. Inilabas lamang ay pawang likido. Wala pa siyang kinain simula pagkalabas sa hospital. Panay tubig lamang at ngayon, alak. Sinong hindi mahihilo? "Great! E di lalo lang akong—urghhh!" Nagsuka siyang muli. Hawak na niya ang humahapding tiyan. Habang ang isipan niya ay pinapagalitan ang sarili. Kung sa pagkain na lamang sana niya ibinili ang isang daan... "Wrong choice, Ysa! Wrong choice!"Ang pagbabalik.Muling binuhay ang lungsod ng Sta. Monica.Ilan lamang ang mga iyon sa balitang kumakalat simula noong magbalik siya. Halos isang taon din siyang nawala at nang bumalik, malugod na tinanggap ng lahat."Mabuhay si Mayor Elizalde! Mabuhay!" sigaw ng mga mamamayan sa lungsod. Nagtipon-tipon ang mga ito sa harapan ng munisipyo. Sa kaniyang pagbabalik ay masayang masaya ang mga ito."Mabuhay si Mayor Elizalde!"Seryoso siyang tumango tango sa mga tao. Kumaway siya mula sa terasa ng malaking munisipyo na pamilya niya ang nagpatayo. Kaya kahit nawala siya, walang nangiming pumalit sa posisyon niya. Ang bise mayor at tumayong Mayor noong nawala siya ay agad na bumaba sa puwesto nang mahanap na siya.Pinsan niya iyon at hindi gustong kalabanin ang ama niya at pamilya nila. Pinagkakatiwalaan din naman nila ito.Bumalik siya sa kaniyang opisina nang magsiuwian na ang mga taong bigla na lang nagpapakita sa harap ng munisipyo. Hindi pa rin makapaniwalang nakabalik na nga siya.Tho
"Miss..."Nagulat at napaiwas agad si Ysabella nang makitang may mga nag-aabang na lalake sa exit door kung saan siya dumadaan. Isa lang ang nasa harapan niya pero may napansin pa siyang kasama ito. Inayos niya ang suot na sumbrero at mask na nasa bibig at ilong bago mailap na lumayo sa mga ito. Pero ikinagulat niya nang biglang humarang sa kaniya ang isa pang lalake na halatang lasing na. Namumula ang mga mata nito at nakangising nakatunghay sa kaniya."Miss ang ilap mo naman..." sabi nito. "Gusto lang namin makipagkilala. Bago ka yata dito."Kinabahan si Ysabella. Kinipkip niya ang bag na naglalaman ng suweldo niya. Nandoon din ang kutsilyong bigay sa kaniya ni Guyam pero wala na siyang oras na kunin iyon. Alangan namang kalkalin pa niya sa oras na iyon na nasa harapan na mismo niya ang kapahamakan.Pinalibutan siya ng tatlong lalake. "W-wala kayong mapapala sa akin," sabi niyang nilakasan na lang ang loob. Batid naman niya sa sarili na kapahamakan ang maidudulot sa kaniya sa pagp
Mabilis ang pag-usad ng araw. Si Ysabella, nakaisang buwan na sa trabaho. Si Raj, pauwi na ng mansiyon at doon na niya ipagpapatuloy ang therapy at kadagdagang mga kakailanganin para sa kaniyang paggaling. Mahirap pero kailangan. At pilit pa rin niyang inaalala ang mga nakalimutang alaala. Gustuhin man niyang mag-imbestiga, wala pa siyang magagawa dahil baldado ang kalahati ng kaniyang katawan.Sa isang buwan ay hindi niya nakita ni isang beses si Ysabella. Kaya sa kaniyang pag-uwi, excited siya dahil inaakalang kahit papaano ay makikita pa rin niya ang babae. Kahit na sister in law na niya ito, masaya siyang muling masilayan ang mukha ng babaeng alam niyang matagal na niyang mahal.Pero sinalubong nga siya sa pagdating niya ng mga tauhan sa mansiyon pero walang Ysabella. Wala din ang ina nito. Nagtanong siya pero pilit lang na binalewala ang katanungan niya."Sa iba na nakatira sila Ysabella at Daniel." Iyon lang ang sagot na nakuha niya. Sagot na gustong paniwalaan ng kaniyang isip
"Jusko! Raj! Salamat sa Diyos at nagising ka na, apo!" Ang nanghihinang boses ni Granny Mira ang pumaibabaw sa silid na iyon. Gumaralgal ang boses nito at pinipigilan na lang talaga ang maiyak. Hanggang maaari ay ayaw niyang maging emosyonal sa harapan ng apo. Lalo at kagigising lamang nito mula sa mahabang pagkakatulog. Si Raj naman ay tila nagtataka. Pinilit niyang lumingon sa kaniyang paligid. "Why I am here?" tanong niya. Kahit mahina ay naroon na ang awra nito gaya ng dati.Nagtaka ang matandang Lincoln. Sasagot sana siya nang biglang dumating si Benjamin para tingnan ito. Si Daniel na agad napasugod galing sa opisina ay nakatayo sa may pinto. Nagmamasid sa kapatid na unti-unting bumabangon habang tinutulungan ni Benjamin. Naglagay ng unan ang nurse sa likuran ni Raj para kahit papaano ay mas angat ang ulo at itaas na katawan nito.Nanghihina ang pakiramdam ni Raj. Wala siyang maramdaman sa kaniyang mga paa. Pero gaya ng dati, nagawa niyang ngumiti. Nagawa niyang itago ang damd
Pumalakpak ang manager ng club na nagngabgalang Bianca after sumayaw ni Ysabella. Naroon pa rin ang palakpakan at sigawan. They still want more kahit na tatlong sayaw na ang ginawa niya."Belle, congratulations! You take the lead entertainer if the club. Four days in week ka sasayaw. Let's go to my office. Pag-usapan natin ang suweldo mo."Humihingal pa si Ysabella pero naroon ang saya sa kaniyang mukha. She made it. Matagal na siyang hindi nakakasayaw pero buti na lang at nasa ritmo pa siya. Talagang nasa dugo niya ang pagsasayaw. At hindi pa nakakalimutan ng katawan niya ang bawat galaw.Wala na roon si Kaye dahil bumalik na ito sa hospital. Sigurado siyang matutuwa ito sa magiging balita niya.She made it!"Thirty thousand a month plus your tips. Okay ba sa iyo ang offer?"Agad na tumango si Ysabella. Sapat na iyon para mabuhay niya at makaipon kahit papaano. Malaki na iyon kaysa sa ibang trabahong sinubukan niyang pasukan."Good! Then I'll make a poster and give you your sched
"Hindi na ako tumatanggap ng waitress. Kung gusto niya, entertainer. Maganda siya at seksi. Siguradong maraming magta-table sa kaniya at magbabayad ng malaki para maikama siya." Dinig ni Ysabella ang pag-uusap ni Kaye at ng manager ng bar na pinagtatrabahuan nito. Ipinapakiusap siya ni Kaye bilang waitress.Muli siyang sinipat ng manager. "Gusto mo ng malaking pera? Ibenta mo ang sarili mo," sabi nitong mismong siya na ang kausap. Umiling siya. Papasok siya sa club pero bilang waitress at hindi para ibenta ang sarili."Kahit anong trabaho ang ibigay ninyo sa akin. Huwag lang ang magpagamit sa mga lalake..."Natawa ang manager. "Kung ganoon ay umalis ka na dito. Kaye, palabasin mo na ang kaibigan mo!" Naiinis na utos nito kay Kaye. "Hindi puwede dito ang painosente! Kung nangangailangan kayo ng pera, makipagsapalaran kayo!" pahabol pa nito.Malungkot na lumapit sa kaniya si Kaye. "Sorry Belle, hindi kita naipasok..." hinging paumanhin nito. Ngumiti lamang siya dito. "Sinubukan nati







