LOGIN"Ha!"
Nagulat si Ysabella nang may bumuhos na malamig na tubig sa kaniyang mukha. Agad siyang napabangon. Napatingala kaagad sa lalakeng nasa gilid ng kama niya. "D-Daniel..." utal niyang saad. Napuno ng takot ang sistema niya. Agad na nayakap ang sarili. Awtomatiko ang reaksyon niyang iyon kapag naroon sa harapan niya ang lalake. Oo mahal niya ito, pero mas lamang na ang takot sa sistema niya. "Get up! You are not a princess here. Kanina ka pa ginigising ah! Prepare my breakfast!" Utos nito. Hawak nito ang basong nasa side table niya. Bumaba siya noong madaling araw dahil masamang masama na talaga ang pakiramdam niya. Kumuha siya ng gamot at isang basong tubig. Hindi siya agad nakakilos. Nagtataka siya dahil hindi naman nito kinakain ang pineprepara niyang almusal dito. Kaya bakit? "Ano? Tutunganga ka lamang ba riyan?" galit nitong sigaw. Dahilan para mapabangon siya. "S-sandali, magbibihis lamang ako," sa paos na boses ay ika niya. Pinilit niyang makababa agad sa kama pero paglapat pa lamang ng mga paa niya sa sahig ay umikot na ang pakiramdam niya. Buti na lang at malapit siya sa side table kaya napakapit siya doon. "What are you acting now? Don't tell me you're sick! Huwag mo nga akong dramahan..." Pinilit ni Ysabella na ngumiti. Tinitigan niya sa mga mata si Daniel. "Kahit magkasakit naman ako, wala kang pakialam..." mahinang sambit niya. "What did you say?" Nagpanting naman ang teynga ni Daniel. Mahina ang sinabi ni Ysabella pero maliwanag iyon at kuhang kuha niya ang sarkasmo sa sinabi nito. Pasimple niyang pinagmasdan ang asawa. She looks pale, okay. Pero malay ba niya kung umaakting lang ito. Or maybe she's wearing makeup para magmukhang may sakit. Naipinid niya ang kaniyang mga labi. Bakit nga ba siya naroon? Ah! Dahil gusto niyang makasigurong totoong naroon ito. Ayon kasi kay Lucy na katulong nila, dumating na si Ysabella. Gusto niyang alamin kung anong oras ito dumating. But seeing her na Hibbing na himbing sa pagkakatulog, medyo nainis siya. Kinuha niya nag nakitang baso sa mesa at naibujos nga ang laman sa mukha nito. Humigpit ang hawak niya sa basong hanggang ngayon ay nasa kamay pa niya. "Bilisan mo riyan..." ika niyang tinalikuran na ito. Lumabas siya sa kuwarto ni Ysabella. Bumaba sa kusina at naupo sa dining table. Humingi lamang siya ng kape sa katulong. "Senyorito, gusto niyo ba ng breakfast?" tanong ni Lucy. Nakapagluto na ito ng agahan. Katatapos lamang niya. May sunny side up egg. May bacon at ham. Hindi siya sigurado sa gustong kainin ni Senyorito Daniel kaya nagluto na lamang siya ng pagpipilian nito. Masamang tingin ang ipinukol ni Daniel sa katulong. Agad naman na umatras si Lucy. Hindi na muling kinausap ang among lalake. Habang nagkakape at hinihintay si Ysabella ay nagbabasa ng magazine si Daniel. Panaka-nakang tumitingin sa kaniyang relo. May iritasyon na nabubuhay sa kaniyang sistema. Maging sa may hagdan, pasulyap-sulyap siya. Hinihintay ang pagbungad ni Ysabella. Nasaan na si Ysabella? Ilang minuto na ang nakalipas, wala pa ito. Dati naman, isang tawag lamang niya ay kumakaripas na ito ng takbo para mapuntahan siya at mapagsilbihan. "Lucy!" galit niyang tawag sa katulong. "Senyorito?" kinakabahan naman na lumapit si Lucy. Paano, umagang umaga, nagagalit na si Senyorito Daniel. At alam niya kung sino ang dahilan. Nagngitngit ang kalooban niya dahil doon. Napapahamak tuloy siya dahil kay Ysabella. Kung sana, naroon na ito kanina ay hindi siya mag-aabalang magluto. Hindi siya ang makikita at mapapagalitan ng kaniyang amo. "Go and call Ysabella..." utos ni Daniel. Lalong nangngitngit sa inis si Lucy nang tumalikod para puntahan si Ysabella sa kuwarto nito. Hindi naman lingid sa kanila ang sitwasyon nito at ng kanilang Senyorito. Oo, asawa ito. Pero Mrs Lincoln lamang ito sa papel. Halata naman. Sino ba naman ang mag-asawang hiwalay ng tulugan? Ang mga ito lang. At iisa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi mahal ng Senyorito nila si Ysabella. Ang babaeng masyadong mataas ang ambisyon para asawahin ang isang Lincoln. "Senyorita?" tawag niya. Malakas ang boses. Alam niyang mauulunigan iyon ni Senyorito Daniel. Kumatok siya. Nang walang sumagot ay pinihit niya ang seradura. Umikot pa ang bola ng kaniyang mga mata nang tuluyang pumasok sa kuwarto ni Ysabella. "Ysabella! Hoy pinapababa ka na ni Senyorito!" Nang makapasok sa loob ay nawala na ang kunwaring respeto niya sa dalaga. Naasar siyang hinanap ito sa loob ng kuwarto. Nagtaka siya at napaismid. Wala sa loob ng kuwarto si Ysabella. Pero agad na nakuha ang pansin niya sa lagaslas ng tubig mula sa washroom. Mabigat ang mga paa niyang humakbang papunta doon. Kinatok niya ang saradong pinto. "Hoy, Ysabella, hindi ka pa ba tapos riyan? Hinihintay ka na ni Senyorito!" Malakas na ika niya. Kinatok na tila may pagmamadali ang pinto. "Nakikinig ka b—" Natigilan siya nang maramdaman na may bumabasa sa kaniyang mga paa. Nakasuot man siya ng tsinelas ay ramdam niyang may tubig sa paanan niya. Bumaba ang tingin niya sa sahig. May tubig na nanggagaling sa loob ng banyo. Nataranta siya. "Hoy, Ysabella! Anong ginagawa mo riyan? Nag-aaksaya ka na ng tubig..." ika niya. Kinatok nang paulit-ulit ang pinto. Ngunit walang nagbubukas. Nang muling bumaba ang tingin niya sa sahig ay kinilabutan siya at dinagundong ng matinding kaba. Ang tubig, hindi na lang basta clear iyon. May kung anong kulay pula na nakahalo doon. "Ysabella! Huwag mo nga akong takutin! Ano bang ginagawa mo riyan?" Hinawakan na niya ang seradura ng pinto. Nang mabuksan iyon ay napahiyaw siya nang malakas. "Senyorito! T-tulong..." Napatakbo siya palabas. Halos madapa siya sa pagbaba sa hagdan para mapuntahan si Senyorito Daniel. "Senyorito...du-dugo...Si...Ysabella..." Pahinto-hinto ang pagsasalita ni Lucy dahil sa nakita. Nanginginig ang mga labi niya maging kaniyang pananalita. "What?" Iritado naman na tanong ni Daniel. May kung anong sumalakay na damdamin sa kaniya. Hindi lang basta iritasyon... "Si Ysabella...este si Senyorita...duguan sa banyo!"Ysabella Alcantara Iyon ang gamit niyang pangalan. Pinapalitan niya ang apelyidong gamit niya sa apelyido ng namayapang mag-asawa. Sa tulong na rin ng naging kaibigan niyang totoong kamag-anak ng mga ito. She was an attorney in the US at kaya siyang tulungan sa kaniyang laban. Pero hindi niya ginawa dahil pagod na siyang lumaban lalo at magtatagal lamang ang gusot kung iyon ang gagawin niya. Nagpatulong na lamang siyang mabago ang apelyido niya maging ang buo niyang pagkatao sa birth certificate na hawak niya.Ginamit niya ang birthday ng kaniyang ina. Pinanatili niya ang pangalang Ysabella dahil alaala ng nanay niya ang pangalan na iyon."Ysabella, may dala akong pagkain..." sigaw ni Shiela. Nasa bakuran na niya ito at sa umagang iyon ay ang ingay ng bibig nito ang gumising sa kaniya.Hindi iyon ang unang tanghali na siyang gumising. Simula noong magbuntis siya ay laging pagod ang pakiramdam niya.Bumangon siya at unang sumalubong sa kaniya ay ang pagbaliktad ng kaniyang sikmura. M
Huwag naman sana...False alarm lamang...Isa lang iyon sa mga bangungot niya...Hindi puwede. Hindi maaari. Stress lamang siya. Hormonal imbalance.Mga dalangin at agam-agam ni Ysabella habang lumilipas ang mga araw. Mas marami ang nagiging senyales ng kinakatakutan niyang mangyari. At sa pangalawang buwan niya sa lugar na iyon, nagpasya na siyang magpakonsulta.Kasama niya si Shiela nang pumunta sila sa public hospital sa kabilang bayan. Habang hinihintay ang resulta ng test niya ay hindi siya mapakali. Nanlalamig ang mga kamay niya. Pinaglalaro niya ang mga daliri sa isa't isa dahil sa kaba."Kinakabahan ka ba? Ano ba kasing nararamdaman mo?" tanong ni Shiela na may pagtataka. Mukhang okay naman siya sa paningin nito. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan noong nagpasama siya rito. Nagpasama siya kay Shiela dahil wala siyang kaalam-alam sa lugar. At kailangan ng kaibigan kung sakaling totoo man ang hinuha niya."Misis Ysabella..." tawag ng
Halos isang buwan na ang nakalilipas simula noong dumating si Ysabella sa baranggay Mabasa sa bayan ng Dupax del Norte. May naging kaibigan na rin siya roon sa katauhan ni Shiela. Isang matandang dalaga na ilang bahay lang ang layo sa kaniya.Sa una, inakala niyang nakikiusyoso lamang ang ginang nang puntahan siya nito sa kaniyang bahay. Nagdala ng pagkain bilang pagwelcome daw sa kaniya. Marami itong mga kuwento. May mga katanungan na sinagot naman niya ng totoo. Iyong mga katanungan na kaya naman niyang sagutin. Ilang bagay lang naman ang iniiwasan niyang pag-usapan. Kung sa personal niyang buhay, iyong sa lalakeng minahal niya at nanakit sa kaniya ang pilit niyang huwag maging paksa ng anumang usapan. Batid niyang napansin iyon ni Shiela kaya hindi ito nagtatanong."Kung may kailangan ka Ysabella ay magsabi ka lamang sa akin..."Medyo ilag siya kay Shiela sa umpisa. Pero nang malaman niya ang sarili nitong kuwento ng buhay ay humanga siya dito at nagtiwala. Natawa pa nga siya dahi
"Wala na siya rito. Umalis na."Napaawang ang bibig ni Marco dahil sa balita. Bumalik siya sa club dahil siguradong sigurado na siyang si Ysabella ang nakamaskarang nagsasayaw doon."Saan siya pumunta?" Halos hindi niya maibulalas ang tanong na iyon dahil sa panibughong kumakain sa kanya. Akala niya tapos na ang paghahanap niya. Ngayon ay mukhang nabulilyaso na naman. Muli na namang nawala si Ysabella kung kailan ay abot kamay na niya sana.Namura niya tuloy ng lihim ang kaibigan. Kung hindi siya nito nilasing ay napuntahan sana niya kaagad si Ysabella."Walang nakakaalam," sagot ng kausap niya. Tinalikuran siya at umalis ito. Kumuyom ang kamao ni Marco. Anong sasabihin niya kay Angela ngayon? Gusto pa naman niyang surpresahin ang bata na nahanap na niya si Ysabella. Napurnada na naman. Kinuha niya ang telepono niya tsaka tumawag. "I need your help..."Kailangan na niya ng ibang tulong. Hindi na lang kasi ang paghahanap kay Ysabella ang kailangan niyang gawin. May kailangan na rin
Malawak ang ngiti sa mga labi ni Ysabella pagkababa ng tricycle na sinakyan mula sa bayan. Kailangan niyang sumakay pa papunta sa baranggay kung saan siya nakahanap ng bahay at lupa na agad niyang binili. Maliit lamang ang bahay at lupa kaya sakto lamang iyon para sa kaniya. May natira pa para makapagsimula siya ng kahit munting negosyo na hindi pa niya napagdesisyunan. Ang mahalaga ay ang muli siyang makatayo sa sariling mga paa. Bagay na kay hirap gawin noon dahil sa anino ni Daniel sa buhay niya, maging ng mga taong nakapalibot dito. Huminga siya ng malalim. Panahon na para kalimutan niya ang nakaraan. Yakap niya ang vase na kinalalagakan ng abo ng kaniyang ina. Nagdesisyon siyang ipa-cremate ang mga buto ng ina para madali na lamang niyang madala ito sa kahit saan. At least kahit papaano ay kasama na niya ito. Abo man ito, ang alaala nito ay mananatiling lakas niya sa pagharap ng panibagong buhay. "Nandito na tayo, Miss," ika ng tricycle driver. Sumilip pa ito mula sa motor. M
Nagising si Ysabella. Ramdam niya ang mabigat na pakiramdam sa kaniyang ulo. Napasapo pa nga siya roon habang pinakiramdaman ang sarili. Sumigid lalo ang pananakit sa kaniyang ulo nang maalala ang huling kaganapan bago siya mawalan ng malay.Nagtiim bagang siya habang napakuyom. Halos mawalan ng kulay ang kaniyang kamao dahil sa higpit ng pagkakakuyom sa reyalisasyong...She was set up.Wala siyang saplot sa ilalim ng kumot na iyon. Ramdam niya ang sariling katawan. Ang pagod. Wala siyang maalala pero tiyak niyang may nangyari sa kaniya.Lumuha siya. Gusto niyang sumigaw at magwala nang maramdaman ang paggalaw ng isang pigura sa tabi niya. Naroon pa ang lalakeng gumawa sa kaniya ng bagay na iyon.Mabalasik na tiningnan niya ang lalakeng nasa tabi niya. Mapapatay niya ito! Papatayin niya ito...Ngunit ang mabalasik na mga mata ay biglang nanlaki. Bumagsak ang panga niya at lalo siyang nakaramdam ng pagpupuyos sa kalooban. Bumuhos lalo ang kaniyang mga luha na siyang tila bumulag sa k
"Salamat sa pagiging mabuting brother in law.""Ysa, did you say anything?" Biglang humarap sa kaniya si Raj. Parang may naulinagan ang lalake pero hindi niya iyon naintindihan. Kaya naman napatanong siya kay Ysabella habang napatitig.Ngumiti lang si Ysabella. Hindi na inulit ang katagang binanggi
"She discharged herself," ika ni Benjamin habang nakatunghay sa kaniyang telepono. Nakatanggap siya ng text mula sa pag-aari nilang hospital kung saan ay doctor din siya. Ibinilin niyang i-report sa kaniya ang bawat detalye ng galaw ni Ysabella. At iyon nga ang natanggap niya sa gabing iyon.Napaay
Ayaw man niyang manatili dahil sa pag-aalala niya sa kaniyang inang may sakit at nangangailangan din ng kalinga niya ay nanatili si Ysabella sa hospital. Tama naman si Doc Benjamin. Mahina ang katawan niya, and she needs to be cured. Paano nga naman niya maaalagaan ang may sakit kung pati siya, na
Nang marinig ang sinabi ni Lucy ay napatayo agad si Daniel. Nabitiwan niya ang magazine at natabig ang tasa na pinag-inuman ng kape. Mabilis ang lakad niya. Halo-halong emosyon ang sumasalakay sa kaniyang sistema. Pero ewan niya, biglang nangibabaw ang takot. Takot sa kung saan ay hindi niya a







