مشاركة

Chapter 54

مؤلف: jhowrites12
last update تاريخ النشر: 2026-05-20 21:57:12

Hinugasan ni Ysabella ang kamay na may sugat dahil sa kaunting dugo doon. Napangiwi siya nang mabasa ng tubig ang sugat. Mga tatlong kuko ang bumaon doon kaya naman sobrang hapdi.

Pagkatapos niyang mahugasan ang kamay ay dahan-dahan niyang pinunasan ang kamay. Hanggang sa matulalang napatitig na lamang siya sa sarili.

"Nasa tabi ka nga niya, pero totoo naman na wala kang karapatan..." usap niya sa sarili. Batid naman na niya iyon noon pa. Tinanggalan siya ni Daniel ng karapatan. Lalo na noong
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (1)
goodnovel comment avatar
Iza May
miss A thank you sana meron pa mamaya
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 58

    "Do you really need to do this, Raj?" tanong ni Granny Mira. Dalawang araw na lamang ay kasal na nila ni Charlotte."Yes. After the wedding, we will move out. I got us a house already," sagot niya."Alam na ba ni Charlotte ito?"Tumingin siya sa kaniyang grandma. "No. I will tell her today."Batid ni Raj ang kagustuhan ni Charlotte na maging reyna sa pamamahay na iyon. At hindi niya bibigyan ang babae ng pagkakataon. They will move out. Bibigyan niya ito ng sariling kaharian. Whether it is hell or not."Kung ginagawa mo ito para kay Ysabella...""It's not, Granny. Mas mabuting nakabukod kami ni Charlotte lalo at magkakaroon na kami ng pamilya..." rason niya na ewan niya kung tinanggap ng kaniyang grandma."You have power and money, Raj. Why act like a weakling?" Ika nito. "Kaya mong durugin sino man!" Hindi niya sinagot si Granny Mira. Pero sa isip niya, acting weak is his advantage. Dahil sa pag-aakalang tanga siya at bobo, they will think he is an easy target. Madaling manipulahi

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 57

    "Daniel...sandali!" Gulat na gulat si Charlotte nang bigla siyang hilain ni Daniel. Galing siya sa washroom habang sila Raj ay nasa living room kasama si Granny Mira at Ysabella. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal na gagawin. Sinama ni Granny Mira si Ysabella doon kahit ayaw ng babae. Si Daniel naman ay matigas na tumanggi at pumanhik. Kaya nagtataka siyang naroon ito ngayon at kung paano ito pumuslit ay hindi niya alam. Hinila siya ni Daniel sa isang kuwarto. Maraming silid ang mansiyon na hindi nagagamit. Isinandig siya ni Daniel sa pader pagkatapos nitong isara ang pinto."What are you up to?" tanong agad nito. Ang mga mata ay matamang nakatitig sa kaniya. Dissecting every lie her lips will tell.Imbes na kabahan ay nagawa niyang haplusin ang dibdib ni Daniel. Na-excite siya dahil ngayon lang sila ulit nagkalapit ng ganoon. She feels his warm body. Na-miss niya iyon."Dan, I miss you," sabi niya. Pabulong na may landi at lambing.Pinigilan ni Daniel ang kaniyang kamay. "Are

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 56

    "I'm pregnant."Kumunot ang noo ni Raj. Tinawag niya si Charlotte sa loob ng opisina niya para sa isang report pero iba naman ang inirereport nito sa kaniya. May inilagay itong medical report at ultrasound image sa harap niya."Kagagaling ko lang sa hospital kahapon. Iniiwasan mo ako kaya ngayon ko sasabihin. Buntis ako at ikaw ang ama," ayon dito. " It's because of that night..."That night? Nagtiim bagang si Raj. That night was a mistake! Alam nilang dalawa ang katotohanan. Pero labis na itinatanggi ng babae na may ginawa ito sa binigay na inumin sa kaniya. Pagkatapos kasi noon, wala na siyang maalala. Nagising na lang siya kinaumagahan na magkatabi na sila sa kama nito. Parehong hubad. At sinabi nitong may nangyari sa kanila."Kung ayaw mo akong panagutan. Ipalalaglag ko na lang," sabi nito. Na tila ba kinukunsensiya siya. Pinagbabantaan na mawawala ang bata. And it works. Hindi siya ganoong kasama para hayaan iyon. Walang batang dapat madamay. Walang kamuwang muwang ang nabuong

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 55

    Hinila ni Daniel si Ysabella. Ibinalandra.It was because Raj was looking. The way he clenched his fist makes Daniel very satisfied. Dahil alam niya, sa larong iyon, nananalo na siya. Anumang oras, Raj will explode like a bomb.Hindi nakahuma si Ysabella sa ginawang iyon ni Daniel. Hindi niya alam na magiging bold ang kilos ng lalake. Lalo na sa harapan ng mga malalaking negosyante. Kung nagulat siya, siya namang ikinainis ni Charlotte. Gaya ni Ysabella, hindi rin inaasahan ng babae na gagawin ni Daniel ang bagay na iyon. It was a statement to everyone. Nobody knows about Ysabella and Daniel. Pero sa ginagawa ng lalake, puwedeng magkaroon ng ibang isipin ang mga nakakakita. And he was never like that when she was with him. Oo sweet sila pero dahil iyon sa clingy siya sa lalake. She makes the move all the time."Raj, ang sweet naman nila. Minsan naniniwala na akong perfect match sila..." ika niya kay Raj. Hindi dapat siya mainggit. Focus dapat siya sa plano niya. At iyon at ang makuh

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 54

    Hinugasan ni Ysabella ang kamay na may sugat dahil sa kaunting dugo doon. Napangiwi siya nang mabasa ng tubig ang sugat. Mga tatlong kuko ang bumaon doon kaya naman sobrang hapdi. Pagkatapos niyang mahugasan ang kamay ay dahan-dahan niyang pinunasan ang kamay. Hanggang sa matulalang napatitig na lamang siya sa sarili."Nasa tabi ka nga niya, pero totoo naman na wala kang karapatan..." usap niya sa sarili. Batid naman na niya iyon noon pa. Tinanggalan siya ni Daniel ng karapatan. Lalo na noong pinili nitong lokohin siya kasama si Charlotte. "Isa ka lang laruan ni Daniel. Nasa kaniya kung gusto ka niyang laruin o gusto ng itapon.Nagpalipas siya ng ilang sandali doon bago siya magpasya na lumabas. Natigilan siya at bumalatay agad ang gulat nang paglabas niya ay makita si Daniel sa gilid. Nakasandig sa pader na parang hinihintay talaga siya. Saglit lang ang gulat niya. Balak niyang lampasan ito nang patigilin siya ng kataga nito."You shouldn't fight back..."Lumipad ang hindi makapani

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 53

    "Gusto ko lang na ihabilin ka kay Daniel. Hindi ko alam kung tatagal pa ako, Bella. Asawa mo si Daniel, gusto kong makasigurong maayos kayo na mag-asawa bago man ako mawala."Paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ni Ysabella iyon. Na kahit papunta na sila sa event ay okupado pa rin ng isipin na iyon ang sistema niya. Kung paanong naging malungkot ang mga mata ng ina "Can you focus..." bulong sa kaniya ni Daniel. Nagulat siya dahil bigla na lang nitong inilapit ang mukha sa kaniya.Imbes na lumayo ay napatitig siya dito. At dahil doon, ang lalake naman ang naasiwa at kusang lumayo. "Sir Daniel, narito na po tayo," aniya ng driver nang tumigil ito sa isang malaking gusali. Tumango si Daniel. Hinintay na pagbuksan sila ng driver bago lumabas. At sa paglabas nila, sa kanilang likuran ay may dalawang umibis din sa sasakyan. Halos magkakasabay lamang ang kanilang mga dating."Daniel, Ysabella!" Ang matinis na boses ni Charlotte ang nakakuha ng kanilang mga pansin. Sabay silang napalingon

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status