Share

Kabanata 12

Maximaze Park

Tinaasan niya ako ng kilay. “Ah, maaari mo po ba akong patapusin muna? Noble Park?” 

“P-paumanhin, ginoo.”   Nagbaba ako ng tingin. 

“Gaya ng aking sinabi kanina ay siya'y umalis. Ika'y pinapapunta roon ng heneral,” tuloy nito. 

“Ngunit paano ako makakapunta roon? Wala siyang sinabi na lugar?” 

“Wala, Noble Park, ngunit . . . ”

Sa kaniyang sinabi ay nabitin ako.  Kaya naman ay nagtanong agad ako, “ngunit ano, ginoo?” 

“Ngunit dahil ikaw nga ay naturuan na, pati pagtingin sa mapa at direksiyon nito ay naituro na sa iyo. Pinaaabot ng heneral ang mapang ito at nais niyang makita ka sa lugar na iyan.”   Inilabas niya ang mapa at ibinigay sa akin. 

Kung gayon ay sinusubok ako ng heneral kung may natutunan talaga ako. 

Ngumiti ako. “Salama—” 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status