Share

Kabanata 17

Maximaze Park

Binuksan ko ang aking mga mata dahilan para masilaw ako ng liwanag. Kahit sa bagong tahanan ay nakakasilaw pa rin ang liwanag. Kung alam ko lamang na mayroon kaming panibagong tahanan ni ina ay hindi na ako nagpalagay ng bintana!

“Maze, Anak. Bumangon ka na at mayroon tayong pupuntahan.”   Bumukas ang pinto at iniluwal nito si ina.

Ako’y lumingon sa kaniya. “Saan po, Ina?” At ito na naman ang pakiramdam at pag-asang pupuntahan namin si Ama kahit hindi naman talaga. Gusto kong pigilan ang pag-asang ito dahil ayaw ko nang masaktan.

Kagabi ay nanaginip ako ng mag-amang nasa isang maalikabok at medyo madilim na lugar. Ang ama ng babae ay patay na at ang babae naman ay yakap-yakap siya habang sumisigaw at umiiwak sa sakit.

Nagpakawala si Ina ng isang buntonghininga. “Naalala mo ba ang sinabi ng Emperor? Sinabi niya na pupunta tayo sa kaniyang palasyo at ngayon na tayo pupunta.”  

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status