Share

Kabanata 26

Maximaze Park

Pinanood ko si Isa na umalis. Nang magsara ang pinto, ikinuyom ko ang aking kamao, nanggagalaiti kong isinara ang aking mga ngipin, at salubong ang aking mga kilay. Nakaramdam ako ng kirot sa aking ulo kung kayat mahina ko itong tinampal.

“Maze, takbo!” sigaw ni Liene. Kasulukuyan niyang nilalabanan ang malakas na hanging nanggagaling sa kakaibang enerhiya dala ng babaeng kaharap namin ngayon.

Nasa bingit na kami ng kamatayan dahil sa babaeng nakaharap namin. Bata lamang siya at mukhang kasing-edad namin ngunit mas malakas siya. Ang kaniyang enerhiyang dinadala ay kakaibang-kakaiba. Para bang ito ay mayroong kapangyarihan. Mali, mayroon nga sapagkat sobrang liwanag at sobrang lakas ng hangin.Sa lakas nito, ang kaniyang buhok ay nililipad.

Sinusubukan ko na tingnan ang kaniyang wangis. Ang kaniyang mga mata ay umiilaw at siya'y nakatingin sa akin. Nasa panganib kaming dalawa ni Liene. Hindi ko naman siya basta-bastan

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status