Share

Kabanata 27

Maximaze Park

Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating.

Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid.

Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya.

Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status