Continuation.DEVYANI'S P.O.V.That very day, I laid out my plan as smoothly and concisely as possible inside my hidden house. The only creatures who would about it would be me, Orion, and perhaps Father since he knows all of the things happening in the world. I decided I would execute it at around 8 o'clock in the evening. Whether it will work or not, that will be entirely up to me and to the people around me. Seconds later, I heard a knock outside the door. I muttered a chant so the things that are lying on the table about the plan would be concealed. Matapos ay tumakbo ako papunta sa pinto. Alam ko naman na kung sino ang tanging gagawa noon. "Coming!"When I opened the doork, I saw Orion with a wide grin on his face. "Dinner?" tanong niya. Sa isang kamay ay hawak-hawak niya ang dalawang isda na tig-isang nakatusok sa dalawang pirasong kahoy. Naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Tumingin ako sa labas saka siya tiningnan muli. "Ha? Hapunan na? Anong oras na ba? Hindi ba at parang ma
Kasalukuyan akong nakaupo sa pinakatuktok ng isang matarik na bundok. Napakatahimik ng paligid. Walang mga away ang nagaganap at ang lahat ng bagay ay naaayon sa panuntunan ng buhay na ginawa ni Ama. Napakaaliwalas at napakakalmadong tingnan ang mga nilalang na nilikha ni Ama sa planetang Earth. Ang mga tao, hayop, halaman, puno, mga hayop, ang tubig at ang lupa, hangin, ulap, apoy, at iba pa ay tamang-tama na nakapuwesto. Sa katotohanan ang lahat ng mga bagay na matatagpuan sa planetang Earth ay nagmula rin sa aming kaniyang mga anak. Pinagbasehan niya ang mga mahika at responsabilidad na naiatas sa amin. Ang kaibahan sa amin at pagdating sa mundo ng mga nilalang na kaniyang nilikha, may kakayahan kaming kontrolin ang mga bagay o ang mga mahika. Habang sa planetang Earth, walang may kakayahan kumontrol ng mga mahika. Ang tanging abilidad lang na ibinigay ni Ama sa kanila ay ang kakayahang mag-isip at magkaroon ng rasyonalidad. "Devyani? Nandito ka na naman ulit?" tanong ng isang lal
Fiction, non-fiction, YA, mystery, thriller, science fiction, anthologies, poems, literature, dictionary, thesaurus, textbooks, at marami pang iba ang matatagpuan sa silid-aklatan. Parang sa mundo ko lang dati. Ang kaibahan nga lang, mas maraming nakakatuwang impormasyon ang matatagpuan sa mundong 'to. Welp. Siguro, biased lang ako dahil mas magaganda ang pagkakagawa ng mga libro rito. Ang mga libro sa mundong 'to ay mayroong mga papel na makakapal at ang mga ito ay kulay light brown. Iyon bang parang pakupas na papel na sa mundo ko dati ngunit dito, hindi siya pakupas. Sadyang ganoon lang ang kulay at hindi nag-iiba. Bago man o luma ang mga libro ay parehas lang ang kalidad ng mga papel. Siguro mayroong taong gumagamit ng mahika upang mapanatili ang ganda ng papel.Bukod pa rito, maraming nakaguhit na larawan sa mga libro. Hindi kada-pahina ay mayroong mga nakaguhit na larawan ngunit ang mga ito ay sapat upang punan ang mga parte ng mga libro na nangangailangan ng visual representat
"Ano na naman iyang mga pinaggagawa ninyo?" inis na sabi ni Ina. Napamasahe siya sa kaniyang noo at umiling-iling pa. Mukhang kailangan na niya muna ng pahinga sa kambal. "Hindi ko na alam sa inyong mga bata kayo." Randam ko pa rin si Mael sa likod at ang pilit pag-alis ni Kael sa kaniya sa aking likod. Patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa kahit na nagsalita na si Ina. Hindi nakatiis si Ama at nagsalita na rin. "Mga bata, magsitigil na nga kayo. Si Meliliana pa talaga ang pinag-aawayan niyo at nasakto pa na tayo ay magkakasamang kumain sa hapag-kainan." Ngunit hindi siya pinakinggan ng aking mga kapatid. Patuloy ang dalawa sa pag-aaway. Parang mga isip-bata para sa mga prinsipeng katulad nila. Hindi ba dapat na kahit parte ka ng isang maharlikang pamilya, sa edad na mag-sasampu ay matured na? Ganoon ang napapanood ko sa mga pelikula at aking mga nababasa sa mga libro. Karamihan naman sa mga 'yon ay piksyonal tulad nito kaya bakit iba sila? Dahil naiinis na rin ako na hinihil
It's been five years since I came into this world, into the novel called "Meliliana". My life has never been this strange yet... warm.Noong una, mahirap isipin at tanggapin ang reyalidad na nasa harapan ko. Sino ba naman ang kaagad-agad maniniwala na totoo ang reincarnation? Hindi naman kasi kapani-paniwala talaga ang isekai o rebirth o kung ano pa man ang tawag dito. Sa mga nobela at pelikula lang naman ang mga iyon nangyayari--- iyon ang akala ko. Akala ko noong namatay ako buhat ng pagsagasa ng truck, makakasama ko nang muli ang mga pamilya ko. Iyon pala, hindi. Sa hindi ko malamang dahilan, at kung paano at anong nangyari, ay namuhay ako bilang ang bidang karakter ng nobelang Meliliana, kauna-unahang international best-selling book na mula sa Pilipinas ang awtor. Iba't ibang mga lahi ang tumangkilik dito, kaya ang libro ay nailathala sa iba't ibang bansa gamit ang iba't ibang lenguwahe. Ang kanilang mga dahilan ay kesyo maganda raw ang romance, kaaya-aya, nakakakilig, at kung anu
Bakit parang ang ingay ata sa labas? Taena, aga-aga nagsisisigaw na naman ang mga bata.“Oy, ano ‘yang ingay niyo? Kitang may natutulog.” Lumabas ako ng kuwarto at nakita sa sala ang aking dalawang nakababatang kapatid. Parehas tumitili na para bang chino-chop chop na baboy. Nakita ko ang magasin sa ibabaw ng lamesa. Pinulot ko ito at hinampas sa ulo ng dalawa.“Ano ba, ate?! Panira naman, oh,” daing ni Heaven, labing-dalawang taong gulang kong kapatid na babae. Sumimangot siya saka lumabi.“Oo nga, panira. Palibhasa bitter,” anas ni Nevaeh, kakambal na babae ni Heaven. Inikot niya pa ang kaniyang mga mata saka dumila. Lah, pikon talaga ‘to. “Bakit kasi ang ingay niyo? Wala pa nga atang walong oras tulog ko. May niluto bang pagkain si Mama?” “Sus. Baka nga siyam na oras na tulog mo. Umuwi ka rito kaninang alas-siyete, alas-kuwatro na ng hapon ngayon. Sa isang tanong mo, oo mayroong pagkain diyan. Piniritong talong at galunggong. Nagluto rin ako ng sinangag kasi ang galing-galing ng