Share

Chapter 33

Bakit parang ang ingay ata sa labas? Taena, aga-aga nagsisisigaw na naman ang mga bata.

“Oy, ano ‘yang ingay niyo? Kitang may natutulog.” Lumabas ako ng kuwarto at nakita sa sala ang aking dalawang nakababatang kapatid. Parehas tumitili na para bang chino-chop chop na baboy. Nakita ko ang magasin sa ibabaw ng lamesa. Pinulot ko ito at hinampas sa ulo ng dalawa.

“Ano ba, ate?! Panira naman, oh,” daing ni Heaven, labing-dalawang taong gulang kong kapatid na babae. Sumimangot siya saka lumabi.

“Oo nga, panira. Palibhasa bitter,” anas ni Nevaeh, kakambal na babae ni Heaven. Inikot niya pa ang kaniyang mga mata saka dumila. Lah, pikon talaga ‘to.

“Bakit kasi ang ingay niyo? Wala pa nga atang walong oras tulog ko. May niluto bang pagkain si Mama?”

“Sus. Baka nga siyam na oras na tulog mo. Umuwi ka rito kaninang alas-siyete, alas-kuwatro na ng hapon ngayon. Sa isang tanong mo, oo mayroong pagkain diyan. Piniritong talong at galunggong. Nagluto rin ako ng sinangag kasi ang galing-galing ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status